webnovel

Chapter 59: Jealous

"Huwat kuya!. ang duga mo.." hiyaw ni Bamby sa kapatid nya. Binunggo kasi nito si Jaden. Binelatan nya lamang ito at muling tumakbo. Hawak naman na ngayon ni Jaden ang bola. Dinidribol sa sementong sahig. Sa bawat talbog naman noon ay para itong aking puso. Malakas at pabilis ng pabilis, sa tuwing sya ay tumatakbo o nakakahulog ng bola.

Magkateam sina Lance, kuya Ryle, Billy at Paul. Si Aron naman ay kasama sina Jaden at Kian at Kuya Rozen. Si kuya Poro naman ang referee. Si kuya Dennis at kuya Mark naman na humabol kanina ay ang nasa score board. Si Bryle ay di naglaro dahil sobra na raw sila. Nakaupo lamang ito sa aming gilid. Kasama si Bamby.

"Ang daya talaga!?.." padabog na umupo si Bamby at naghalukipkip sa tabi ko. Humaba ang manipis nitong nguso saka pailalim na pinapanood ang kuya nya.

"It's part of the game, Bamblebie.." ani Bryle sa tabi ko. Pinagigitnaan nila ako.

"Even so.. nakakainis sya.." naiinis talaga nyang sambit. Tumawa si Bryle.

"Bakit ka naman naiinis?.." di nya ito sinagot. Mahina syang humalakhak. "Dahil ba binabangga nya si Jaden o--.." sinamaan nya ng pagkatalim talim ng titig ang taong nang-iinis sa kanya. Umusog ako patalikod para wag akong tamaan ng mata nyang kung kaya atang makalikha ng apoy ay susunugin ka nito. Ang talim eh.

"Wala ka na dun.."

"Weh?.. o naiinis ka lang dahil di ka pinapansin ni Jaden?.." binato nya ito ng towel na kanyang hawak. Di ko alam kung kanino iyon. Sa kuya nya ba o sa taong lihim nyang minamahal.

"Whatever duh?.." humagalpak lalo si Bryle. May sasabihin pa sana sya ng bumalik na sina kuya sa upuan. Kumuha sila ng kanya kanyang towel at tubig saka bahagya silang nagpahinga. Hindi umupo si Lance sa tabi ko dahil agad nag-unahan sina kuya duon sa magkabila kong gilid.

"Anong masasabi mo?. Magaling ba kami?.." mayabang na tanong ito ni kuya Rozen habang umiinom.

Nginitian ko lamang sya. Actually magaling nga sila. Silang lahat. Pero alam mo na. Unfair ang puso ko. At iisa lamang ang tinitibok nito.

"Uh huh?.. bro, mukhang may mas magaling satin ngayon ha?.." tukso nya sakin habang kinakausap si kuya Ryle ng patagilid. Mahinang tumawa si kuya Ryle sa gilid. "Wag ka ng umasa bro.. may mas gwapo na nga satin eh hahahaha.." isa rin to!. Susmi! Aalis na nga lang ako dito!. Pinagtutulungan nila ako. Kainis! Paano nalang kung malaman ng iba naming kasama ang tungkol samin?. Susmi! Kuya naman eh!!

Limang minuto ang lumipas muna bago sila bumalik sa court. Ang alam ko. Last quarter na at lamang pa rin sina Lance.

"Hoy, foul!.." sigaw pa rin ni Bamby. Tumayo pa para marinig nila ang reklamo nya. Tinawag ngang foul ang pagkakasiko ni kuya Ryle kay Jaden. Foul nga naman iyon dahil kitang kita ko. "Kainis. ayoko na. uwi nalang ako.." kinuha nito ang gamit nya saka paalis na sana nang bumalik bigla si Jaden sa upuan. Pumalit si Bryle sa kanya.

"Saan ka pupunta?.." paos nitong tanong kay Bamby. Sumandal sya sa upuang monoblock saka pinagpahinga ang braso sa sandalan ng katabing upuan. Hawak naman ng kaliwa nyang kamay ang bote ng tubig saka lumagoj doon nang nakatitig kay Bamby.

Owishi!. Nagkatinginan sila! O my gurl!

"Uuwi na.." umirap sya dito. Nakatingala si Jaden sa kanya.

"Bakit?. di pa tapos ang laro eh.."

"Whatever.. naiinis ako.." humalukipkip pa sya. Tapos nun, tumingin sya sa court habang kunot ang noo.

"Naiinis kanino?. Sa kanila?.. O sa akin?.." di ko inasahan yun ha. Awit!

Hindi umimik itong si Bamby. Kinikilig na sya, ramdam ko.

Pareho silang tahimik. Tanging tunog lamang ng mga sapatos na tumatakbo ang aking naririnig. "Please, don't leave.." matigas na habilin nitong si Jaden. Ganun pa rin ang posisyon nila. Nakatayo si Bamby habang di pa rin tinatanggal ni Jaden ang tingin sa kanyang likuran. Titig na titig. "You are my lucky charm.."

"Jaden, palitan mo na raw si Bryle.." nagulat ako ng biglang huminto itong si Lance sa kanilang laro at naglakad na papunta sa gawi namin. Hawak pa ang bola. Kunot ang noo. Huminto lamang ito sa harapan ng kanyang kapatid. "Kanina ka pa tinatawag, di mo ba naririnig?.." maasim na sabe nito.

Nagkatinginan silang dalawa saka pagod na uminom itong si Jaden saka tumayo na upang palitan ang sinasabi nyang si Bryle.

Bumalik sya ng di iniaabot ang bola. "Boy gwapo, yung bola!.." halakhak nitong si Aron. As it is. Sinamaan nya ito ng tingin bago ako sulyapan. Di ko alam kung para saan ang sulyap na iyon. Bahagya akong nanlamig.

Di nagtagal. Bumalik sya sa court dala ang bola. Sinalubong sya ni Bryle na tatawa tawang tinapik ang balikat nya.

"What a jealous man.. hahahaha.." patuloy na halakhak ni Bryle nang makaupo na sya. Umupo na rin si Bamby. Nakahalukipkip pa rin.

"Nakakainis talaga sya!.." madiin at mariin nyang itong binigkas. Pakiramdam ko, nagdurugan mga ngipin nya sa gigil nito.

"Wag kasing lapitan si boy para di magalit si boy gwapo, Bamblebie.. hahahaha.."

"Wala naman kaming ginagawa eh.."

"Wala nga ba?. sa kilos nyo kanina, para kayong magjowa na nag-aaway.."

Yun rin pansin ko.

"What!?.." gigil nya itong hinarap. Hinarang agad nito ang mga braso sa kung anong gagawin ni Bamby.

"Bamby, relax.." ako na ang nagsalita. Baka sakaling pakinggan nya ako. "Relax, laro lang to.." paliwanag ko pa. Doon nya itinikom ang labi na nakaawang kanina. Mukhang may gustong sabihin pero di na nya tinuloy pa.

"Ahahahaha.. bat ang highblood ng mga tao ngayon?.. akala ko ba, mga inlab sila?..." parinig pa ni Bryle. "Baka naman, Inlove nga sila, pero di nila masabi sabi ng harapan.. hmmm.. hahaha.." kausap na nito ang sarili sabay iling. Di na nagsalita ulit si Bamby hanggang matapos ang laro.

Panalo sina Lance at syempre, tuwang tuwa ito.

Marami ang nonood na mga taga barangay nina Jaden, lalo na ng mga kababaihan na kaedad lang namin. Magaganda at kung manamit ay sobrang hapit sa katawan na para bang nasa loob lang sila ng kanilang mga bahay.

Nagcongratulate ako sa iba. Kinausap ko rin sina kuya na ayos lang ang matalo. Natawa naman sila dahil friendly game lang daw naman iyon. "Gutom ka na ba?. We'll treat you.." inakbayan ako ni kuya Rozen, di pinapansin ang mga babaeng kumakausa sa kanya.

"Busog pa ako.." ngiwi ko. Sa kabilang dako ang mata kung saan naroon si Lance na pinapalibutan na ng mga babaeng ang iiksi ng damit.

"Oh ho!.. sama ka nalang muna samin.. busy pa naman jowa mo eh.." binulong nya ang salitang jowa sa akin at tumawa doon. Tinampal ko sya't sinuntok ng mahina sa dibdib. Loko talaga! Baka marinig ng iba eh.

"Saka nalang.." kako.

Kung bawal akong makipag-usap sa ibang lalaki. Dapat ganun rin sya.

Hindi ko iyon masabi sa iba dahil sino naman ang nakakaalam sa amin. Oo, alam nina kuya, pero nahihiya akong magkwento ng tungkol sa amin. Kay Aron, di rin pwede dahil, kaibigan nya ito. Wala akong mapagsabihan. Sinosolo ko lang lahat. O di kaya ay sinusulat ko nalang.

Siguiente capítulo