webnovel

Chapter 21: Hero

Kinabukasan.

May nagpadala na ng notice sa bahay. Hihilahin na raw ito ng bangko dahil sa mga utang ni Daddy. I'm too speechless to scream! Nanikip ang dibdib ko sa kadahilanan na nagawa iyon ni daddy samin. Sa akin?. Jesus! For Pete's sake! Anak nya ako. Asawa nya si mommy. Anong nakain nyang nagawa nyang ipusta ang bahay na nagbigay sakin ng alaala kasama sya?. Humagulgol ako sa loob ng banyo matapos aluin si mommy. Pinatulog at pinakalma. Hindi ko pa nga alam kung paano ko ginawa iyon gayong pareho lamang kami ng nararamdaman. Pinagtaksilan.

Tanggap ko naman na eh. Tanggap ko ng di na sya babalik samin dahil masaya na sya sa piling ng bago nyang babae. Pero bakit?. Bakit iyong katiting na respeto ko pa sa kanya, sinimut pa nya?. Bakit kailangan nya pang gawin sa amin ang ganito gayong binigay na ni mommy ang gusto nya. Pinalaya na sya ni mommy para makasama na ang babae nya. Bakit pinahihirapan nya pa kami?. Sagad na nga hirap namin ng wala sya. Sinasagad nya pa talaga. Pinamumukha nya talaga saming wala kami, kung wala sya. Damn!!

Ayokong magalit dahil nakakapagod iyon pero tangina! Lalo lamang kumukulo ang dugo ko sa tuwing naririnig ko ang hikbi ni mommy. Pakiramdam ko, wala akong kwentang anak.

"Daddy, ano tong ginagawa mo?.." nauubusan kong lakas na binulong.

Ilang oras akong humagulgol kasabay ng ingay ng shower. Ayaw kong maantala sya sa kanyang pagtulog.

Sobrang sakit. Noong una, hindi ako naniniwala kay mommy na ganun si daddy. Kasi naman, masaya naman kami lalo na si daddy kapag kumpleto kaming tatlo. Anong nangyari bigla?. Pinaasa nya lang ba ako?. Pinaasang di sya ng tulad ng manlolokong lalaki gayong tangina nya! Isa rin pala sya!.

Niloko nya ako! Niloko nya si mommy! Paasa sya!

Nang araw na iyon. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi nakapasok sa school at di rin makakain. Nakatanggap ako ng text mula kay Winly. He asked kung bakit di ako pumasok. I called him and told everything about what I've been through. Wala syang sinabi matapos kong magsalita at humagulgol na naman sa kabilang linya.

Ang malas ko naman! Pasan ko ba ang mundo kung bakit ganito kahirap ang buhay na meron ako? Gusto ko ng sumuko. Bumigay at lumayo sa lahat. Ngunit paano?. Paano na si mommy kapag iniwan ko?. Iniisip ko palang na iiwan ko sya ay di na kaya ng konsensya ko.

"Puntahan ka namin ni Karen gurl.." Ani ni Winly matapos ang ilang minutong katahimikan. Kalmado na ako. Tumayo ako't nagsalin ng tubig sa basong nakapatong sa may mesa. Tabi ng aking kama.

"Wag nyong sabihin kay Bamby, Win.." iyon ang sagot ko sa sinabi nya. Paos.

"Si papa Lance gurl?. Pano sya?.." nahinto ako ng marinig ang pangalan nya.

"Wag mong sabihin sa kanya.." mahina kong sambit. Ayokong maging sya ay mamroblema sa akin. Kaya ko to! Ng mag-isa.

"Pero gurl---?.." biglang naputol ang sasabihin nya.

Iyon pala...

"Pupuntahan kita.." si Lance. Isang linya lamang iyon subalit pakiramdam ko, parang ang dami na nyang sinabi. Damn! Bakit kasama nila ito?.

Umawang ang labi ko habang kabadong hawak ang cellphone. "Baby, what's wrong?. I'm coming.." iyon ang huli nyang linya saka binaba na ang tawag.

Tuloy, lalo akong kinabahan!

Damn!!!

Siguiente capítulo