Sa pagsasayaw namin sa gitna ay tumigil na ang kanta at napagpasyahan namin ni Jacob na umupo dahil tapos na ang pagsasayaw namin. Sa paglalakad namin pabalik sa upuan, ramdam ko ang mga titig nang mga tao doon.
Nahagip din ng aking mata si Rose na pinapakalma ang sarili habang may kausap na mga babae. Siguro mga kaibigan niya ito na parehas mga baliw.
"Hi I'm Leon," may isang lalaki ang naglahad ng kanyang kamay para sa akin. Ito yung lalaking palaging kasama ni Jacob, inabot ko naman ang aking kamay sa kanya.
"Alice," hawak niya ang upuan na bakante sa kanyang tabi. Dalawa na lang kasi ang bakante, para sa amin yun ni Jacob napaghiwalay lang dahil may umupo na dito.
Lumapit ako sa upuan at tumabi sa kanya, napansin ko ang pag igting ng panga ni Jacob dahil sa tabi ni Leon ako umupo. Anong problema?
Katabi ko na din ngayon si Nadia at nakangiti ito sa akin na para bang kinikilig. Binalik ko ulit ang aking tingin kay Jacob at madilim ang kanyang mga matang nakatitig sa akin at sabay tumingin din kay Leon.
Hindi ko malaman sa anong dahilan pero hinawakan ko ang kanyang kamay upang pakalmahin kung ano ba ang bumabagabag sa kanya.
"Jacob" pagkatawag ko sa kanyang pangalan napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanyang kamay at alam kong kumalma na siya.
"pasensya na ngayon lang ako nakapagpakilala, hindi ako makahanap ng tyempo e." nagsalita si Leon sa tabi ko dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Kinamot niya ang kanyang ulo habang nakayuko. Tinignan ko si Nadia at hindi ko mapaliwanag kung bakit para siyang nalungkot at si Jacob naman ay nakapangalumbaba.
"napapansin naman kita kasama si Jacob," sabi ko na lang upang mawala ang pagkailang ko dahil sa mukha nang magkapatid.
"Pwede ba kitang isayaw?" halos hindi ko na malunok ang nginunguya ko sa narinig ko at ganoon din si Jacob na napatingin nang matalim sa kanya
"ahh..sure," sa tingin ko wala namang masama kung magsasayaw kami ni Leon since nakipag kaibigan naman siya sa akin. Sa una akala cold siya at hindi palangiti pero hindi naman pala.
"may gusto lang akong malaman." bumulong sya sa aking tainga at nagsayaw na kami katulad ng pwesto namin ni Jacob kanina.
"malaman?" nagtataka kong tanong dito at ano naman ang kinalaman nang pagsasayaw namin.
"shhh palapit na siya." hindi ko alam ang tinutukoy niya pero may naramdaman akong humila sa akin dahilan upang mapalayo kay Leon. Si Jacob ang humila sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Leon. Matalim ang titig ni Jacob kay Leon sabay baling sa akin. Hindi ko namalayan na palabas na kaming dalawa ni Jacob sa hall at pagkabalik ko ng aking tingin kay Leon nagulat ako nang binatukan siya ni Nadia habang natatawa si Leon at may binulong dito.
Nandito kami sa gilid ng hall ngayon medyo hindi ko dinig ang music dahil malayo ito.
"Jacob ano bang problema?" nakasandal ako ngayon sa pader at nakaharap kay Jacob. Bago ito magsalita huminga muna siya ng malalim.
"lumayo ka kay Leon." nagulat ako sa sinabi niya at sa mga mata niyang matalim na nakatitig sa akin kasabay nang pag igting nang kanyang panga at tumagilid ang ulo nang bahagya.
"huh? May problema ba?" huminga ulit siya nang malalim bago magsalita.
"lumayo ka na lang Alice." akmang hahawakan niya ang mukha ko nang kanyang mga kamay pero pinigilan niya ito at naglakad na palayo. Ano nanaman bang problema mo Jacob?
Natapos ang party nang maayos nalasing si Nadia at inalalayan na lang siya ni Jacob. Hindi ko alam kung bakit pero nag sorry si Leon kay Jacob pagkatapos noon hindi ko na narinig ang sunod nilang pinagusapan.
Nandito ako ngayon sa garden para magpahinga nang biglang sumulpot si Rose sa harapan ko.
"Alice masarap ba?" anong problema ng isang to?
"masarap? Yung pagkain sa party, oo." sabi ko dito sa kanya at hindi ko malaman sa anong dahilan bakit natatawa ako pero pinipigil ko ito dahil umuusok na ang ilong ni Rose.
"sabi ko huwag kang eepal sa plano ko diba?" mukhang alam ko na kung anong gustong ipahiwatig ni Rose.
"kay Jacob nanaman ba?" hinawakan ko ang kanyang balikat bago magsalita. Dalawang balikat niya ang hinawakan ko na para bang pinapakalma ko siya.
"hingang malalim, sayong sayo si Jacob," pero mukhang hindi ko napakalma dahil mas lalo lang naginit ang ulo niya sa akin. Marahas niyang inalis ang mga kamay kong nakahawak sa kanya at umalis ito ng padabog.
Para namang aagawin ko si Jacob sa kanya, porke ayaw sa kanya maggaganyan na siya eh kung ayusin niya ugali niya at itsura ang weird e.
"Alice ayos lang ba kayo ni Jacob?" kasama ko si Nads ngayon sa garder, pagkaalis kasi ni Rose dumating din siya.
"okay naman bakit?" bakit naman kami hindi magiging okay ni Jacob?
"about what happened last night sa inyo ni Leon kasi.." ahhh okay, anong big deal doon?
"anong meron?" nagtataka akong nagtanong dito.
"kasi baliw yun si Leon eh!" napakamot na lang nang ulo si Nadia dahil parang naiinis din siya.
"selos ka?" pangaasar ko dito, hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko siyang asarin. Ang cute niya kasi.
"ha? Hindi ah!" tanggi neto sa akin, nagdedeny pa si Nads pero parang gusto din nila ang isa't isa ni Leon. The way they look at each other... Parang ganoon din si Jacob sa akin o nagaassume lang ako? Napailing na lang ako sa mga iniisip ko.
Kinagabihan sabay kami kumain ni Nadia, sa kabilang table si Jacob at Leon and i guess that's better para iwas na din sa pag apoy si Rose. Bumalik nanaman ang normal sa lahat dahil si Rose nakasiksik nanaman kay Jacob pero hindi ko alam kung bakit naiirita na lang ako dahil sa nakikita ko na si Rose at Jacob ay magkasama.
Pabalik na kami ngayon sa aming dormitoryo nang napansin namin ni Nadia na parang nababalot nang itim na usok ang kalangitan. Nandito nanaman yung sinasabi niyang bumabalot sa paligid ng academy. Ang magic stealer, na pwedeng maging dahilan para mawalan ka ng mahika.
Nakita ko ang iilang magic stealer na may parang aatakihin na mga estudyante kaya tumakbo ito papasok sa dorm. Sa pagkakaalala ko sa sinabi ni Nadia na hindi naman makakababa basta basta ang magic stealer dito.
Nahagip nang mata ko si Rose na naglalakad at walang kamalay malay sa nangyayari, hindi naman nakakababa ang magic stealer pero pwede kang paulanan nang parang itim na usok neto kaya parang inuubo ang iilan sa mga estudyante nakapaligid sa gitna nang academy.
Noong napansin kong aatakihin si rose ng magic stealer agad ko siyang ginamitan nang aking mahika upang mailipad dito, sa paraan ko na yun hindi siya napaulanan nang magic stealer.
Nakita ko sa mukha ni Rose ang pagkagulat at agad napalitan nang pagkainis. Lumapit ito sa akin.
"Alice ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong neto sa akin habang nakalapit na. Rescuing you.
"dapat pasalamatan mo ako dahil kung hindi kita ginamitan nang mahika baka inatake ka na ng magic stealer!" pasigaw ko dito dahil panigurado magaapoy nanaman siya sa usok.
Tinuro ko ang magic stealer na kanina ay dapat siyang aatakihin neto. Napatingin siya dito pabalik sa akin, para bang hindi niya alam ang kanyang susunod na sasabihin sa akin kaya tumalikod na lamang siya papalayo sa amin.
Nagkatinginan kami ni Nadia at pagkabalik namin ng tingin sa taas ng academy, lumiwanag ito at nawala na ang mga lumilipad sa paligid.