webnovel

Chapter 7

Sa pamamalagi ko dito sa magic academy napansin kong normal na rin ang paglabas ng mahika ko. Normal na ang lahat hindi katulad dati na para bang nahihirapan akong ilabas ito at icontrol. Mukang ito nga ang lugar ng mga may mahikang katulad ko.

Panibagong araw nanaman para sa akin, nagpunta ako sa garden para mag ensayo ng aking mahika.

Tinignan ko muna ang paligid kung mayroon bang mga tao, iilan lang naman ang tao dito at parang ito rin ang lugar kung saan sila nageensayo kaya dito nalang din siguro ako mageensayo ng aking mahika.

Huminga ako ng malalim katulad ng mga ginagawa ko noon bago magsimula. Tinignan ko ang aking mga kamay at may lumabas na tubig dito, mabuti nalang may ilog kaya gaya ng ginawa ko noon itinapat ko dito ang aking kamay at pinagalaw na para bang nagsasayaw ang mga tubig may mga isda ang lumitaw sa ilog. Bumuo ako ng hugis pating sa aking kamay gamit ang tubig.

Pinagmasdan ko ang paligid at maraming bulaklak at mga puno ang nasira dahil sa apoy. Panigurado kay Rose itong mahika. Hindi ka pa rin nagbabago Rose.

Ginamit ko ang aking mahika upang ayusin ang mga nasirang puno at bulaklak gamit ang tubig. Ang aking mahika ay kaya din bumuhay ng mga puno, halaman at mga bagay sa paligid hindi lang ito basta tubig na makikita mo sa mundo ng mga tao.

Maraming hayop ang pumunta sa paligid ko at para bang sila ay nasisiyahan sa nakikita nila. Isang pusa ang lumapit sa akin at pumalupot sa aking mga binti. Inilayo ko siya sa akin at inangat ito gamit ang tubig.

Nagulat ako ng may biglang nagtalunan na isda sa ilog dahilan kung bakit ako ay nabasa. Natawa na lamang ako sa nangyari at nasiyahan. Itinigil ko na ang paggamit ng aking mahika.

Pagtingin ko sa aking paligid, nagulat ako na lahat ng atensyon ay napunta na sa akin, para bang gulat at ang iilan ay parang nasiyahan din sa nakita nila.

Ang paligid ngayon ay makulay at mabulaklak na dahil sa ginawa ko. Mukhang nandito ako ngayon upang ayusin ang nga bagay na nasira at ito ay para mapangalagaan. Napakaganda dito bakit hinayaan lang na masira. Dahil ba sa takot nila sa iyo Rose?

"bago ka pa lang dito kaya hindi dapat basta basta pinapakita kahit kanino ang mahika" may biglang nagsalita galing sa likod ko. Nilingon ko kung sino iyon, yung lalaking kasama pala ni Rose.

"ikaw pala yan. I'm Alice and you are?" inabot ko sa kanya ang aking mga kamay para makipag kamay.

"Jacob." nangalay ang aking kamay dahil hindi ito inabot ni jacob.

"hindi nakakaganda sa isang tao ang maging masungit." pinagtaasan ko ito ng kilay dahil sa ginawa niyang hindi pagpansin sa aking mga kamay.

"hindi ko alam ang kaya mong gawin, baka bigla mo nalang gawing yelo itong mga kamay ko." bahagya akong nagulat at natawa sa sinabi niya. Umalingawngaw ang tawa ko at agad siyang tumingin sa paligid na parang nahihiya na may kasamang pagka inis.

"bakit natatakot ka?" halos pagpipigil na ang ginawa ko para lang hindi matawa.

"hindi ko alam kung anong relasyon meron kayo ni Rose pero mukhang hindi naman kayo kaya pwede ko tong gawin." lumapit ako sa kaniya at tuningkayad ako para maabot ang kanyang mukha masyado syang matangkad kaya kailangan kong gawin ito.

Hinipan ko ang kanyang mukha at agad syang natulala sa ginawa ko. Makakaramdam siya ng malamig na bagay sa kanyang mukha pagkatapos kong gawin yun.

Hindi ko alam pero parang may nagtulak sa akin na gawin ko iyon sa kanya.

Napadpad ako sa lugar na kaunti ang tao hindi katulad kaninang may iilan pa. Dito nalang sana ako nagensayo, nangagaw pa ata ako ng atensyon kanina.

May napansin akong kakaiba dito sa lugar. Kanina bago ako dumating kulay green ang mga puno ngayon ay kulay pink. Pwede ba yun?

Ang mga bulaklak ay naging iisa ang kulay hindi katulad kanina na magkakaiba. Napanganga na lang ako sa nakikita ko dahil naging parang mas makulay ang lugar na ito.

"ang ganda diba?" may bumaba sa puno sa harapan ko, isang babaeng napakaganda ng kutis at napaka puti.

"hi I'm Nadia, kapatid ni Jacob." tama ba ang narinig ko? Kapatid ni jacob? Nakangiti itong lumapit sa akin.

"I'm Alice." pagpapakilala ko sa aking sarili.

"nakita ko yung ginawa mo noong nagkita kayo ni Rose." parang hanga siya sa ginawa ko kay Rose nung unang pasok ko palang dito.

"ahh" yun nalamang ang sagot ko hindi ko alam ang sasabihin. Kahit ako nagagandahan sa kanya, para syang prinsesa ng mga bulaklak.

"chill Alice, pwede tayo maging friend" friends? Hindi naman siguro masama kung makipagkaibigan ako dito diba

"sure" nakangiti ko na ring bati sa kanya. Mukha naman syang mabait at walang kakayahang manakit ng iba.

"kilala mo na pala ang kuya ko?" bakit napunta naman ang usapan sa kanya.

"ah yes." kamot ko ang ulo ko dahil hindi ko alam kung papaano sasabihin na nakakainis ang kapatid nya.

"ayaw nya kay Rose actually, palagi siyang hinahabol ni Rose tuwing nakikita sya neto." seriously? I'm not even interested.

"pwede mong gawin kahinaan yun ni Rose." kumindat siya bago umalis papalayo.

Alas syete ng gabi ng napagpasyahan kong bumalik na sa aking kwarto, malamig ngayong gabi parang uulan. Siguro dahil sa masyado kong paggamit ng mahika kaninang hapon.

Ramdam ko na ang pagod ko ngayong gabi, kanina hindi ko pa masyadong ramdam pero ngayon mukhang mapapaaga ang pagtulog ko.

Habang dumadaan ako sa hallway ng aming dormitoryo, nagulat ako ng may biglang humablot sa braso ko.

"huwag na huwag kang magkakamaling sirain ako dito sa academy!" pabulong ngunit may diin na sabi ni Rose.

Inalis ko ang kamay nyang nakahawak na mariin sa aking braso. "pwede bitawan moko!"

"kung alam mo lang halos pagtitimpi na lang ang ginagawa ko para hindi ka saktan." nakakuyom na ang mga kamay niya na para bang handa na ko neto sapakin.

"tandaan mo Rose, ikaw ang unang sumira sa akin!" nawala ang galit sa kanyang mukha at napalitan ng takot.

"ngayon, nagpakita ako natatakot ka sa sarili mong multo?" halos may pangugutya na sa aking boses, bahagya akong natawa dahil nagagawa ko pa rin ang kumalma.

"a..anong pinaplano mo." bakas na sa tono niya ang pagkatakot.

"marunong ka rin pa lang matakot Rose." nakangiti ko pa ring sabi sa kanya.

"naaalala mo ba yung ginawa ng nanay mo sa nanay ko? Yung mga araw na palagi mong inaagaw ang akin pero pinagbibigyan ka ni mama? Ganun ka niya minahal na parang anak niya pero ikaw, kayo ng nanay mo walang konsensya!" dinuro duro ko na siya at nung hindi na ko makapagtimpi, tinulak tulak ko na siya sa kanyang dibdib.

"hindi ka ba..gay dito." nanginginig na ang kanyang mga kamay.

"ikaw ang hindi bagay dito!" napasigaw na ko sa sobrang galit at wala na kong pake kung may makakarinig sa akin.

Nagsilabasan ang mga nasa loob ng kanilang kwarto at tila ba nagtataka kung ano ang meron sa amin ni Rose.

Iniwan ko siyang nakasandal sa pader, at ang mukha niyang nanginginig na sa takot.

Siguiente capítulo