webnovel

August 20

August 20 ngayon, tapos na ung first subject namin, tapos na rin kaming kumain nila Chin, Christina, Juliana at Violado sa canteen, nakabalik na rin kami sa classroom namin at hindi pa rin siya pumasok… hindi na siguro tuloy ung usapan namin ni Jervien mamaya. Argh! Nakaka kaba at nakaka baliw naman 'to! Ba't ko ba kasi naisipan un?!

Ano ba Ibon?! Eto nanaman tayo! Nagpapakatanga ka nanaman ba, ha?! Hindi ka pa ba nadala sa mga dati mong nagustuhang lalaki! Bahala ka na nga sa buhay mo! Pisti kang babaita ka! Pag ikaw nasaktan nanaman kasalanan mo yan! Makapag-online na nga lang! Kainis! Lilibangin ko na lang sarili ko hanggang sa matapos na ung breaktime namin.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng data ko ay maraming nagsi labasang mga notif. Puro vlive, weverse at twt lang naman ung mga notifications na un, eh. Pero sa lahat ng notif na nag pop-up sa phone ko… may iisang nag stand-out.

~AUG 20 AT 12:46 PM~

Jervien: hintayin kita dun

"O-oh?! N-nag chat na siya!"

N-nag chat talaga si Jervien sakin? Edi… edi tuloy pa rin ba ung usapan namin? Hala! Ba't ako kinabahan bigla?! Nakakatuwa na nakakabaliw na nakakataranta na ewan naman 'to!

Teka! Hindi ko keri 'to! Pahingahin mo muna ako rito heart! Masyado akong kinikilig dito! Habang pilit kong pinipigilan ung kilig ko ay bigla na akong nanamlay nang maalala ko na…

"Hala… hindi ko pala alam kung pano pumunta sa Lucky leaf Mall…"

Naku naman, oh! Ba't ba kasi hindi ako naggagagala masyado last school year? 'Di ko tuloy alam kung saan un. I need help!

~AUG 20 AT 12:47 PM~

: Hala siya

: Di ko alam papunta dun ahahahha

Ah! Baka alam ni Paul kung pano pumunta sa mall na un! Tutal, madalas naman silang magkasabay ni Jervien umuwi, eh. Agad akong nabuhayan ulit ng loob at saka mabilis ko nang nilingon si Paul na nagsecellphone lang sa upuan niya.

"Paul, alam mo kung san ung Lucky leaf Mall?"

Tinignan na ako ni Paul nang merong bakas ng pagtataka sakaniyang mukha. Please sana alam mo, sana alam mo, sana alam mo…

"Ah, oo. Bakit? Kikitain mo ba dun si Anthony?"

Sagot at tanong pabalik sakin ni Paul habang patuloy pa rin niya akong tinitignan at tinaas baba na niya ung kilay niya. Alam niya! Saved na ako! Kaso nakakainis! 'Di porket kaklase kita nung grade 10 at alam mo kung sino crush ko dati gaganyanin mo ako, ha!

"Ikaw, puro ka Anthony! Ikaw ata may crush dun, eh!"

Sabi ko kay Paul sabay tingin ko na ulit sa phone ko dahil sa inis. Tsk! 3 years ago na nung nagka gusto ako sa unggoy na un, noh! Tsaka hindi kami bati nun! Kainis naman!

"Edi sino ung kikitain mo dun?"

Tanong ulit ni Paul sakin, hindi ko na siya nilingon at inantay ko na lang ung reply ni Jervien sa reply ko sakaniya. Kulit mo, ah. Wala ka na dun kung sino man ung kikitain ko sa mall na un.

"Wala."

Inis na sagot ko sa tanong sakin ni Paul habang nagi-scroll ako sa twt. Please lang wag mo na ako kulitin kung sino kikitain ko Paul! Please!

"Weh~"

Pangungulit ni Paul sakin habang kinakalabit na niya ako. Please lang Paul! Potek na yan! Dapat pala iba na lang tinanungan ko, eh! Kainis naman!

"Si ano! Masaya ka na?!"

Inis na sagot ko ulit kay Paul sabay tingin ko na sakaniya ng masama at agad ko ring ibinalik ang tingin ko sa phone ko. Wag mo na akong pilitin pa! Please lang!

"Sino nga~"

Aba'y kay kulit naman pala nitong lalaking 'to! Need ko lang naman malaman kung pano pumunta sa Lucky leaf Mall, eh. Ba't ba ang daming nagtatanong sakin kung sino kikitain ko roon?

"Si Jervien! Okay na?"

Sabi ko kay Paul habang nag-iiscroll na sa phone ko kasi ang tagal mag reply ni Jervien. Tuloy pa pala mamaya, akala ko hindi na. Inalis ko na lang tuloy ung pagkaka ayos ng buhok ko at tinali ko na lang ng ponytail kaninang breaktime kasi akala ko hindi na tuloy.

~AUG 20 AT 1:01 PM~

Jervien: sakay ka ng jeep papuntang mcu

Jervien: tapos baba ka sa babaan

Jervien: sakay ka ng bali****ak ayun

Jervien: ganoon lang hahahha

: San ako bababa dun sa bali****ak??? Ahahahaha

: First time ko makakapunta dun, eh hehehe

Jervien: sa babaan

"Paul, anong sasakyan na jeep sa mcu papunta dun sa mall?"

Tanong ko kay Paul sabay tingin ko na ulit siya. Baka maling jeep pa masakyan ko mamaya magkanda wala-wala pa ako nito, di ko pa makita mamaya si Jervien.

"Bali****ak ilalim."

Sagot ni Paul sa tanong ko sakanya habang tinitignan na niya ulit ako. Tumango na lang ako tapos nginitian ko na siya.

"Ahh… salamat~!"

Sabi ko kay Paul habang nginingitian ko pa rin siya sabay balik ko na ng tingin ko sa phone ko.

~AUG 20 AT 1:04 PM~

: Bali****ak ilalim ba?

Jervien: hinde ko alam yun eh

Jervien: hahahaha

: Ayy ahahahaha

: Sige sigeee

: Kita na lang tayo mamaya ahahahaha

And after nun ay inalis ko na ung chat head ni Jervien sa screen ko at nag scroll down na lang ulit ako sa twt dahil wala ako masyadong magawa rito sa classroom. It's either nag scroll lang ako sa twt or sa ig o kaya nanunuod ako ng mga BTS compilation videos sa utube.

Lumipas ang mga minuto ay natapos na rin ang breaktime namin at ang aga pumasok ng adviser namin na teacher namin sa Polgov. Katapat lang kasi ng katabi naming classroom ung faculty, eh. Bat kasi ang lapit pa sa faculty? Okay na rin un, katabi lang din naman ng classroom namin ung hagdan. Mas madaling mag cutting hehehe.

Nag start nang magsulat ng lecture ung adviser namin sa white board at agad ko namang kinopya un sa notebook ko. Matapos magsulat ng adviser namin ay sinimulan na niyang idiscuss ung lecture na sinulat niya sa white board. Hanggang sa lumipas ang dalawang oras ay natapos na rin ang klase namin at uwian na rin sa wakas~! Excited na ako!

~Gaslighting. An abusive tactic used to cause someone doubt their own feelings, memory and sanity.~

Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

iboni007creators' thoughts
Siguiente capítulo