webnovel

The Sweet Tooth

Dollar's POV

♫♫♫♫♫

My name is Keri, I'm so very

Fly oh my it's a little bit scary

Boys wanna marry looking at my derri-

erre, you can stare but if you touch it I'ma bury

Pretty as a picture

Sweeter than a swisher

Mad cause I'm cuter than the girl that's witcha

I can talk about it cause I know that I'm pretty

And if you know it too then ladies sing it with me

All eyes on me when I walk in,

No question that this girl's a 10

Don't hate me cause I'm beautiful

Don't hate me cause I'm beautiful

My walk, my talk the way I dress

It's not my fault so please don't trip

Don't hate me cause I'm beautiful

Don't hate me cause I'm beautiful

Aye, now do the pretty girl rock rock rock

Do the pretty girl rock rock rock

Do the pretty girl rock rock

All my ladies do the pretty girl rock rock rock

Do the pretty girl rock rock rock

Do the pretty girl rock rock rock

Do the pretty girl rock

Now where you at?

♫♫♫♫♫

"Dollar, can you turn that off?" naiiritang tanong sa 'kin ng kaklase kong si Roy at saka sumubsob sa binabasa nyang Biochem book.

Turn off daw, di i-turn off. Tss! Actually, kanina ko pa nararamdaman na asar na asar na sila sa pagsa-soundtrip ko. Hinintay ko lang talaga na may sisita sa 'kin. Katamad kasi dito sa classroom.

Ala-una na ng tanghali. Nakakaantok. Nakakatamad.

Wala pa kasi ang Prof namin kaya wala kaming magagawa kundi maghintay. ' La man lang akong makausap dito.

Kanina ko pang kinukulbit ang katabi ko at nag-o-open ng topic about One Piece, Spongebob, about sa naging laban ni Pacquiao, sa papadating na bagyo and other chuvalur chenez. But she will only look at me like I've grown two heads. Those stuffs are very foreign to them. Ni wala din akong maka-kwentuhan tungkol sa crush kong si Rion. Hindi ko naman ma-kwento kila Zilv at Moi dahil haters sila ni Rion. Nakaka-frustrate!

Tiningnan ko ulit ang mga kaklase ko, tanungin mo sila about chemicals, sigurado, forum ang mangyayare. Nasa ibang mundo talaga sila. At bakit nga ba ako magtataka? BS Chem ang course namin. Chem Lab at Library ang tambayan namin. Most of us are geeks. Na minsang nagiging dahilan kung bakit kami binu-bully ng ibang department.

I look at my wristwatch and it said 1:30pm. At dahil hindi ko na matiis ang katahimikan, tumayo na 'ko bago pa man ako makipag-amok para lang mawala ang boredom ko.

"Where are you going Dollar?" tanong ni Joy.

"Uuwi na 'ko."

"How 'bout the Biochem class?"

"Sus! Lagpas ng 15 minutes late si Miss kaya pwede na sigurong umalis. Ciao!"

Ang totoo, hindi uso kay Miss Cruz ang 15-minute late policy. Pero kung aabot pa ng isang oras ang paghihintay ko, baka ikabaliw ko na 'yon. Bahala na ang mga kaklase ko kung uuwi sila o maghihintay. Basta ako, uuwi na. Hindi na sila dapat nagde-depende sa desisyon ko bilang Chairwoman ng klase.

Yeah. Ako ang chairwoman ng klase. Pss! Sabi ng mga kaklase ko, ako daw ang bagay doon. Malakas daw ang loob ko. Kaya nga ako lagi ang ibinabala nila sa kanyon kapag may reklamo o nasasangkot sa gulo ang klase. Ayoko naman talaga. Gusto ko kasing maging muse. Pero dahil hindi uso samin 'yon, kaya pagiging chairwoman ang bagsak ko.

At ngayon nga, iniwan ko ang mga kaklase ko na nag-iisip pa kung susunod sila sa 'kin o hindi. Bahala sila. Malalaki na sila. Basta ako uwing -uwi na.

Naglalakad ako sa gilid ng quadrangle nang tawagin ako ni Zilv na naka-upo sa isa sa mga bench. Lumapit ako sa kanya, grinning from ear to ear nang inabot niya sakin ang isang box ng chocolate. Ito ang gusto ko kay Zilv, grabe mang-spoil sa 'kin.

"Salamat, tatay Zilv!" at umupo ako sa tabi nya. "Pero mas maganda sana kung may kasama ding marshmallows. Hahaha!" hirit ko.

"Ok, next time."

Babala: Huwag bibiruin si Zilv, dahil tinototoo niya.

"Bakit ang aga mo yatang pumasok? Alas-singko pa ang klase mo di ba?"

He just shrugged his shoulders and looked away. One more thing about him: Isa siya sa mga taong hindi matinong kausapin, hindi magsasalita kung ayaw niya.

Parang si Unsmiling Prince lang. Bubuksan ko na sana ang kahon ng chocolate nang mapatingin ako sa mukha niya. Nangingitim ang gilid ng panga niya at gilid ng kaliwang mata!

"Zilv, anong nangyari sayo?" at mas lumapit ako sa mukha niya.

"Nothing."

"Ano nga? Huwag mong sabihing sinuntok mo ang sarili mo o basta ka na lang tinubuan ng mga pasa sa mukha?"

"Ganoon na nga."

Talking about 'hindi matinong kausapin'! I'm worried. Nangyayare na rin dati na nagkakapasa siya pero hindi niya iniinda yon, but looking at him now... He looks bothered. Parang may iba...

"Sinong sumuntok sayo? Reresbakan natin! "

He laughed softly. "You sure? Kaya mo?" he teased.

"Oo, sino ba?"

"Ako."

Napalingon ako kay Moi na nakahiga sa taas ng punong malapit sa inuupuan namin.

"Nag-away ba kayong dalawa?"

"Nag-counter strike kami. Natalo siya. At yung talo, dapat bigyan ng black eye, kaya iyan."si Moi.

Ambabaw talaga nilang magpustahan minsan.

"Bakit pati sa panga ay binigyan mo ng black eye?" Teka. Tama ba ang sinabi ko? Black eye pa din ba ang tawag pag nasa panga na? "Bakit pati sa panga ay sinuntok mo?"ni-rephrase ko ang tanong ko.

No one answered. Si Zilv, tahimik lang sa tabi ko. Si Moi tumalon mula sa puno at kinuha ang notebook niya na nasa damuhan.

"Itanong mo sa kanya kung sino pa ang sumuntok sa kanya." si Moi. Itinaas lang niya ang kamay niya to say goodbye tapos naglakad na palayo.

"Zilv, bakit parang galit 'yon? Baka naman nauwi sa personalan ang pagka-counter strike nyo? At pwede bang kapag nagpupustahan kayo ay huwag nyo naman isakripisyo ang kagwapuhan ninyo?"

Zilv just messed my hair and smiled at me.

"Masakit pa din ba?" tanong ko pa sa kanya at sinipat-sipat ulit ang mukha niya.

"Hindi na."

Bubuksan ko na ang box ng chocolate nang makita kong papadaan si Rion sa harapan namin. Tatayo sana ako nang maalala kong nasa tabi ko lang si Zilv. So I just give him my sweetest smile ever nang mapasulyap siya sa 'kin. Pero 'yon nga lang, sulyap lang. At nakipagtitigan na siya kay Zilv nang ilang segundo. Teka. Ang tagal noon ah. Parang gusto kong magselos. Hanggang sa lumagpas sa harap namin ay nakasunod pa din ang tanaw ni Zilv kay Rion.

"Zilv." kulbit ko sa kanya at saka pa lang ako tiningnan. "Ang gwapo no? Sa tingin mo?"

"Batukan kita, gusto mo?"

"Hehehehe. Joke lang, grabe ka kasing makatitig."

"Napagsabihan ka na namin, Duchess. " he said in a warning tone.

"Bakit ba? Behave naman ako ah!"

"Dahil kasama mo 'ko."

"Tss! Hindi ah." kaila ko pero tinandaan ko kung saan pumunta si Unsmiling Prince. *Grin

"Bakit nga pala hindi ka nagpakita sakin sa Brgy. Onse kagabi?"

"L-Lapitan sana kita but I've got an important call. Kinailangan kong umalis."

"Sayang, ang saya namin ni Shawarma kagabi at saka nagperya kami ni Moi."

"Shawarma who?"

"Ah... si Shamari. 'Yong VP ng SSC. One of my friends. Hehehehe!"

Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Paano mo naging kaibigan 'yon?"

"Long funny story. Basta kaibigan ko siya sa ayaw at sa gusto niya, ahahaha!"

"You're crazy. Huwag ka masyadong lumalapit kay Shamari, baka maging dragon ka din."

"Dragon na nagbubuga ng apoy?! I like that!"

"Crazy."

"Nakauwi ba kayo ng safe kagabi ni Moi?" he asked and looked away.

"O-Oo naman." bulong ko. Naalala ko ang nagyari kagabi, pero hindi na dapat malaman ni Zilv yun.

"I'm sorry." Zilv whispered.

"Ha? Bakit naman? Ok lang 'yon kahit di ka nakasama."

He looked guilty. Bakit kaya?

"Forgive me, Dollar."

Odd. Bakit naman ganito si Zilv. Mababaw na bagay lang naman 'yon ah. Hindi naman iyon ang first time na absent siya sa mga kalokohan namin ni Moi.

"O-ok, you're forgiven. Basta ba may chocolates palagi. Hehehe!"

"Yeah, sure." at inakbayan niya ako at pinanood ang pagkain ko sa mga kawawang chocolates.

^^^^^^^^

Pumasok ako sa loob ng bahay namin.

Tssss...! Ang aga kong umuwi ngayon, hindi ako sanay. Paano kasi, hinatid ako ni Zilv pagkatapos kong lantakan ang mga chocolates. Hindi ko na tuloy nakita si Unsmiling Prince. Umupo ako sa sofa sa sala at basta na lang nilapag ang bag ko kung saan.

"Pst! Pst!"

Nilingon ko si Cheiaki na nasa hagdan, yakap-yakap ang teddy bear na mas malaki pa sa kanya. Pinsan ko nga pala 'tong kutong-lupa na 'to. Five years old, unica hija ni Uncle.

"O anong problema mo?"

"San ang daddy ko?" then she pout.

Hmn.... That 'pout thingy' na naman.

"Aba ewan ko. Saan mo ba iniwan ang daddy mo?"

"Dunno, kaya nga kita tinatanong."

Yeah. Kung maldita ako, mas maldita ang batang 'to. Lagi ko nga siyang kaaway . Spoiled brat versus spoiled brat, the result, rambol.

"At bakit mo nga pala hinahanap si Uncle, aber?"

"None of your business." and she rolled her eyes.

"Tingnan mo 'tong batang 'to. O ayan na pala si Uncle."

"Ano namang problema nyong dalawa ha?" si Uncle galing kusina.

"Daddy, ate Dollar pulled my hair and kicked me." sumbong niya.

Ang galing talaga ng batang 'to kahit kelan. Ang bilis gumawa ng kwento.

"Baka naman naglalambing lang ang ate mo, now, be a good girl at sabihin mo sa nanny mo na magsa-shower ka na."

"You're going? Where to?" si Cheiaki at kumapit sa pantalon ni Uncle.

"Sa work."

Sa Al's Billiards ang tinutukoy na work ni Uncle, bawal kasi doon si Cheiaki.

"Can I go with you?"

"Hep! Bawal ka doon Cheiaki, matamaan ka ng bola sa mukha, papanget ka!" pananakot ko.

Masyado kasing vanidosa ang batang 'to. May make-up kit pa nga siya. Daig pa 'ko.

"Ok." Cheiaki murmured.

"Ikaw Dollar, bawal ka din munang pumunta sa Billiards Wing."

Napatingala ako kay Uncle. "Teka Uncle, bakit naman?"

"Basta, wag kang makulit."

"Eh..... May mga gamit akong kukunin sa kwarto ko sa second floor para sa paper analysis namin bukas."

"Ipapadala ko na lang."

Bakit kaya? Doon na nga ako halos lumaki. Bakit ngayon pa 'ko pinagbawalan ni Uncle?

"Aalis na ko. Mag-ingat kayo dito ha, kumain kayo ng dinner nang maaga..."

"Lock all the doors, pray before going to bed and have a good night sleep." chorus namin ni Cheiaki,

Iyon kasi ang laging sinasabi ni Uncle pag aalis siya sya gabi. Nasaulo na namin.

Uncle Al just smiled and gently pat our heads and head to the door.

Bakit ako pinagbabawalan ni Uncle na pumunta sa Al's? Hmn... Nagiging pusa na naman ako ah, you know, curious as a cat.

Tiningnan ko si Cheiaki na nakatingin din sakin.

"I know what you're thinking." sabi niya at nag-cross arms pa.

"Atano naman 'yon aber?"

"Pupunta ka pa din!"

"Hindi kaya!" tumayo na ko sa sofa at umakyat papunta sa kwarto ko. Magpapalit na sana ako ng damit nang mapansin ko si Cheiaki na nakasunod sakin, hila-hila sa tenga ang kawawang giant teddy bear.

"Oy, anong ginagawa mo dito ha, shupiiii ka muna dahil magbibihis ako."

"I'm eyeing on you. I wont let you disobey my daddy!"

"Asuuuus....!"

Ayokong nakikipagtalo sa batang 'to kaya iyon na lang ang sinabi ko. Nosebleed ako lage sa sinasabi nya eh, tinataob ako sa accent pa lang. Pumasok ako sa banyo at nagpalit ng pedal pusher at white T-shirt na may tatak ng mukha ni kerokerropi sa harap. Hindi pwedeng hindi ako pumunta sa Billiards Wing. May pustahan kami ni Moi mamaya. Sayang ang 500 na mapapanalo ko kung matatalo ko si Moi. Pero kung malalaman ni Moi na pinagbabawalan ako ni Uncle na pumunta, malamang hindi na siya makipagpustahan sa 'kin. Pero ok lang, gusto ko lang malaman kung anong dahilan ni Uncle. Paglabas ko ng banyo, nandon pa din si Cheiaki. Kontrabida talaga ang batang 'to kahit kelan!

"Oy, bubwit, umalis ka dyan sa kama ko."

"Sure, I feel itchy sitting on your bed anyways."

"Manligo ka na kasi."

Kinuha ko ang tsinelas ko sa ilalim ng kama. Wala akong dapat dalhin. Konting lakad lang naman ang Al's Billiards. Wala din akong dalang pera. Kahit naman matalo ako ni Moi ay hindi ko siya babayadan. Hahahaha!

Binuksan ko ang bintana sa kwarto ko. Dito na 'ko dadaan, baka kasi makasalubong ko pa ang nanny ni Cheiaki kung sa main door pa. Madami pang paliwanagan. Bubwelo na sana ko nang maalala ko si Cheiaki. Nakatingala siya sa 'kin at naniningkit ang mga mata.

"Oy bata, wag mong gagayahin ang gagawin ko ha? Professional lang ang gumagawa nito. At saka nakikita mo ba 'yong bag kong 'yon, may chocolates doon na bigay ni Zilv. Sa 'yo na lang."

Sumunod naman siya. Hindi lang kami parehong maldita ni Cheiaki, pareho din kaming mahilig sa mga sweets. Inabot ko ang sanga ng puno na malapit sa bintana. Nangunyapit sa katawan ng puno at bumaba.

^^^^^^^^

Wala namang kakaiba dito sa Al's Billiards. Puno pa din ng mga parokyano. Wala din si Moi, tine-text ko pero ayaw mag-reply. Hindi ko din makita si Uncle.

Nakipagkwentuhan lang ako ng konti kay Euna at nag-decide na 'kong umuwi. Lalabas na sana ko sa back door nang may makabangga akong lalake. Muntikan na 'kong tumilapon sa dingding kung hindi niya ko napigilan sa braso. Titingalain ko na sana siya nang bitawan niya ko, tumalikod agad sa 'kin at naglakad papasok.

Hmn... I noticed that familiar feeling....

Tinanaw ko siya pero di ko mabistahan ang mukha niya.

He's wearing plain white T-shirt and jeans. Nakasuot din siya ng bull cap kaya di ko makita kahit gilid ng mukha.

But... His back and the way he carry himself are familiar.

Siguro bagong customer lang. Ngayon ko lang nakita. Pamilyar na kasi ako sa mga hilatsa ng mga lalakeng naglalaro lage dito. Narinig ko ang boses ni Uncle na nagmamando sa isa sa mga waiter kaya binilisan ko ang paglabas. Malalagot ako neto kung makita nya 'ko...

Siguiente capítulo