webnovel

Mga Kwento ng Huling Tibok

Nagulat ako sa lugar na napuntahan namin. Para akong nasa mirror house na may ibat ibang mga salamin - pero imbis na repleksyon namin, ibat ibang mga eksena sa alaala ko ang nalabas - at ibat ibang ang mga napapasukan naming mga alaala. Naririnig ko sila lahat. Sabay sabay man ang tunog ng bawat salamin, maayos silang dumadaan sa mga tenga ko. Parang flashback sa mga pelikula.

"Pwede ka nang magsalita" lumutang sa gitna ng mga tunog ng alaala ang boses ni H.

"Kwento ng huling tibok?" ito ang mga una kong nasabi. Unti unting tumatanim sa puso ko na dito na talaga magtatapos ang buhay ko. Unti unti ko nang iniisip ang mga susunod na mangyayari - ang mga susunod na desisyon ni H kung 'san niya ko dadalhin.

"Anong gusto mong mauna? Chronological ba gagawin natin? O gusto mo ung kagaya sa mga pelikulang sa climax nagsisimula tapos ipapakita yung mga desisyon niya kung bakit sya nauwi sa climax?" sunod sunod ang mga tanong niya. Parang bata si H na excited sumakay sa mga rides ng perya. Sa haba ng panahon na magkasama kami at kung ano anong pinag gagagawa sa mga theme park ng pinas (aaminin kong paborito ko ang mga rides pero masa muka syang masaya dun kaya andun kami madalas), nito ko lang sya nakitang ganun ka excited.

"Bakit? Anong kwento?" paglilinaw ko. Hanggang sa maalala kong ipapakita niya ang kwento ko.

"Kailangan pa ba 'to? Alam ko na lahat ng meron sa kwento ko. Alam mo din lahat. Ano pang sense nito?" sunod sunod ang tanong ko sa kanya. Bawat tibok ng puso ko, iniisip ko kung anong mangyayari sakin habang malapit si H. Masaya sya kasama, Oo - pero hindi ko maiwasang matakot sa kanya. Sobrang makapangyarihan niya.

Hindi ko sya kilalang kilala, pero atleast alam ko ang kaya niyang gawin. Walang imposible sa kanya.

"Gusto kong makita mo ang kwento mo, sa kung papano ko 'to tinitignan." pagpapaliwanag niya.

"Tsaka, may mga nalimutan ka sa kwento mo.Alam ko lahat ng naaalala mo sa isip mo. Madami kang mga pilit tinatanggal. Pilit mong binubura ang mga alaalang hindi mo gusto. Ang hindi mo alam, importante yun sa'yo. Importante yun sakin."sermon niya.

"Buti pa pumunta tayo sa simula." Ito ang sabay niyang sinasabi habang nalapit sa isang piraso ng salamin na nakalutang sa hangin. Kinuha nya 'to at pinakita sakin ang nasa loob. Tinitigan kong maigi ang nasa salamin.

Si Mama - habang nakahiga sa isang katre sa isang maliit na bahay. Ito siguro 'yung dati naming tirahan. Wala sya sa ospital. Sa bahay lang sya manganganak.

Haharap sana ko kayH para magtanong pero pag alis ng mga mata ko sa salamin, nakita kong repleksyon na talaga yun sa kung nasaan ako. Wala na ko sa mirror house - Nasa actual na eksena na ko sa salamin.

Madilim ang kwarto kung saan nanganganak si Mama. Madaming mga babae ang natulong sa kanya pero katulad ng inaasahan, wala dun ang tatay ko. Hindi ko alam kung ito na yung panahong iniwan niya kami o wala lang syang kwentang tao talaga.

Ang tagal ding paghihirap ni Mama para lumabas ako. At ang weird manuod ng sarili mong kapanganakan. Parang gusto kong i cheer yung sarili ko na, "sige na! Lumabas ka na!" pero mukang hindi ako naririnig ng mga tao. Si H naman, nakatayo lang sa tabi ni Mama. Nakatingin syang maigi kay Mama.

May mga pagkakataong yuyuko sya para may ibulong kay Mama pero sobrang hina para maintindihan ko. Napapansin ko din na parang hirap na hirap syang panuorin yung nararanasan ni Mama sa panganganak. Weird lang kasi para syang reactor sa sine na kahit ilang beses na napanuod yung palabas - alam niya na ang mangyayari dahil buhay naman si Mama - pero ganun parin ang reaksyon niya.

Pero sa totoo lang, kitang kita ko ang hirap niya sa panganganak. Hindi lang ako natatakot dahil naka fix na naman na hindi naman sya mamamatay.

Hindi ko alam kung gaano katagal, pero sa wakas, lumabas din ako. Kinailangan kong tumalikod para hindi ko makita ang dugo.

Narinig ko ang una kong iyak. Mahina lang pero ramdam kong todo bigay na yun para sa bagong silang na sanggol. Kapag narinig mo ang sarili mong "unang iyak", marami kang maiisip. Katulad ko, naisip kong hindi lang yun ang huli. May mga susunod na iyak na hindi ako pwedeng isigaw. Mga iyak na kailangan kong lunukin - mga kailangan kong itago.

"Sept, tignan mo" tawag ni H para lumingon ako at lumapit sa bagong silang na sanggol sa tabi ni Mama.

Sobrang lungkot ng tingin ko sa paligid. Wala akong tatay na sumusuporta kay Mama para ilabas ako. Hinang hina si Mama para maging excited sakin at ang mga tao sa paligid ay parang normal na sa kanila ang ganung pangyayari.

Mula simula pala talaga, ganun na ang turing sakin ng mga tao. Sobrang bata ko pa nga lang para makita ang totoo.

"Kakilakilabot..." napalingon ako kay H. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Kagilagilalas..." pagpapatuloy niya.

Kitang kita ko ang saya niya habang nilalaro ang kamay ng sanggol. Diretso ang tingin niya na may masayang ngiti sa labi. Sobrang saya niya.

"Ito ang isa sa mga paborito kong kwento ng buhay mo" Lumingon sya sakin habang medyo basa ang mga mata sa luha. Alam kong halos magka edad lang ang tingin ko saming dalawa ni H dahil yun ang hiniram niyang muka sa isang pastor na hindi ko kakilala, pero sa kung gaano sya kasaya na makita ang sanggol na ako, parang naramdaman kong sya ang tatay ko sa mga panahon na yun.

Binalik niya ang tingin niya sa sanggol at sinabing "Lumaki kang malakas, malusog, masaya at higit sa lahat may mga matang nakakakita ng kabutihan sa kapwa." Yumuko sya sa maliit na tenga ng sanggol.

"Hanapin mo 'ko, sa paglaki mo… Hanapin mo 'ko" pagkakadinig ko sa bulong na yun, hindi sa sarili kong mga tenga, kundi sa tenga ng alaala.

Bigla kong naalala ang turo sakin ni Mama na lahat ng lugar, malungkot o masaya, gumaganda kapag kasama mo ang taong mahal mo.

Kitang kita ko na mahal ni H ang sanggol at sa kabila ng madilim na kwento ng simula, malungkot na paligid ng kapanganakan niya, naging masaya parin para sa kanya ang bawat pagkakataon.

Halos ayaw bitawan ni H ang mga kamay ng sanggol kaya ako na ang tumawag sa kanya.

"H? Nandito ka nun?" tanong ko.

"Oo naman. Ito ang purpose ko kaya ko ipapakita sa'yo ang kwento mo. Ipapakita ko kung nasan ako bawat kwento." binitiwan niya ang kamay ng sanggol sabay sinabing "Tara na sa susunod..."

Pinalakpak niya ng dalawang beses ang dalawa niyang kamay na nagpabago sa lugar sa kung nasaan kami. Biglang lumiwanag at umingay. Nagulat din ako dahil nagbago ang damit ko. Nakita kong nakasuot na ko ng school uniform. Nakakamiss din pala mag uniform. Hahaha.

"Anong meron sa uniform? Tsaka bakit tayo nasa dati kong school?" agad kong tanong sa kanya.

"Para nasa mood tayo habang andito. Masaya din tong panahon sa buhay mo. Nagkaron ka dito ng mga totoong kaibigan, bukod kay Elya. Andito galing ang mga kwento mo sa kanya. Nagsisinungaling ka nga lang sa iba" masaya ang paliwanag niya hanggang makita na namin ang elementary na ako.

Sobrang payat ko nun at syempre, nabubully ako dahil wala akong tatay. Yun ang pang asar nila sakin. Nauso kasi yung asaran ng pangalan ng mga nanay o tatay. Hindi ko alam kung anong humor meron kami nung mga panahong yun, alam ko, pero nakakatawa yun nung mga panahon na yun. Well, hindi sakin kasi nang aasarin na nila ko sa pangalan ng magulang, sa nanay lang ang nababanggit nila.

Naglalakad ang elementary na ako papasok sa room nang biglang tinulak sya ng kaklase. Naalala ko kaagad kung sino yun - si bogart. Bully talaga yun. Ako ang paborito niyang apihin nun.

"Ito yung pagkakataong napuno ka na kay Bogart, Sept. Tanda mo to?" tanong ni H habang nanunuod. Para syang nag commentary sa laban ng dalawang daga sa animal channel. Natatandaan ko 'to. At kung tama ang pagkaalala ko, may sasabihin ang elementary na ako na hindi maganda.

"Si Bogart walang nanay! Lumabas lang sa pwet ng bakla nyang tatay!" sigaw ng batang ako. Napangiwi si H sa narinig niya. Ulit, parang bagong bago kay H lahat ng napapanuod niya.

"Bata lang ako niyan!" pagdadahilan ko sa kanya. "Tsaka, di hamak na mas malalala mga pinagsasabi ni Bogart sakin nun ah" patuloy ang pag aabugado ko sa sarili.

Narinig naming nagtawanan ang mga kaklase kay Bogart. Halos namula ang muka niya sa galit o hiya. Mostly galit, malamang dahil ang sumunod na nangyari, sumugod sya sa batang ako at hinawakan sa kwelyo sabay sinapak sa muka.

Walang choice ang batang ako kundi gumanti. Nakasapak naman ako ng iilan pero syempre, sa laki ni Bogart halos mapatay ata niya ko nun. Agad na tumakbo ang mga teachers sa mga nag aaway na estudyante.

Si H naman, parang nakanuod ng laban ni Pacman, maka tawa akala mo talaga sabong ang pinanuod. "Totoo yung galit naming dalawa!" pagsasaway ko.

"Alam ko, dude. Hindi yun ang pinagtatawanan ko. Alam ko na pareho kayo halos ng pinagdadaanan. Alam kong malungkot kayo pareho. Kaya mag fast forward tayo. I skip natin yung na guidance kayo pareho, tapos ilang araw na hindi kayo nagkasalubong." nag snap lang sya at halos gumulong ang mga araw sa paligid namin.

Sa panibagong araw, nakita naming naglalakad mag isa si Bogart. Nakayuko at mukang malungkot. Lumapit sa kanya si H. May binulong at pagkatapos bumalik sakin.

"Anong sinabi mo?" tanong ko. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagtanong ako sa kanya kung anong ibinulong niya.

"Maririnig mo mula sa kanya" sagot ni H.

Nakita naming papalapit ang batang ako kay Bogart. Alam ko ang panahong 'to. Alam ko ang mangyayari. Tandang tanda ko 'to. Naglakad ako papalapit sa kanilang dalawa. Hinabol naman ako ni H.

Lumapit ako sa kanilang dalawa nang tumawag ang batang ako. "Bogart" mababa ang boses at mahinahon. Pinipilit niyang ayusin ang salita niya. Nakatingin lang si Bogart sa kanya.

"Sorry sa sinabi ko sa tatay mo." takot na takot ang pagkakasabi ng batang ako. Alam niyang kapag nahalungkat ang ginawa niya, pwede nanaman syang malintikan sa bully niya.

"Sorry din." sagot ni Bogart. Nagulat ang batang ako sa sinabi niya. Pero bilang alam ko na na ganun ang mangyayari, halos proud ako sa eksenang yun. Tandang tanda ko yun. Pagtapos ng klase, yayayain sya ni Bogart humanap ng gagamba. Magiging magkalaro sila. Magiging tahimik ang elementary life ng batang ako dahil sa simpleng nangyari.

Isa sa naging matalik na kaibigan ko si Bogart.

"Kinalaunan, tinawag mong Kuya Art si Bogart. Sya ang unang nakaalam na crush mo si Elya. Naintindihan ka niya sa mga pinagdaanan mo dahil pareho kayo. Dahil din sa kanya, nagkaron ka ng ibang mga kaibigan dahil natutunan mong kahit sino, may kabutihan sa puso." sagot ni H.

Halos nagbago ang buhay ko sa simpleng bulong niya kay Kuya Art 'nun. Ang mga kaibigan ko sa elementary ang nagturo sakin ng teamwork. Sa kanila nagsimula ang mga kakaiba kong pangarap. Sobrang saya ko 'nun.

"Sinasamahan kita sa lahat nun" sagot ni H.

"Andun ako sa lahat. Nagkasugat ka, naging honor student ka, naging tamad ka, nandun ako. Kasama mo 'ko. Sinubaybayan ko ang buhay mo." pagpapaliwanag niya.

"Dinala kita sa isa sa mga kaibigan na maghuhubog sayo bilang tao. Para maramdaman mong tanggap ka ng mga tao dahil mahal ka nila. Na kahit merong kulang sa'yo, hindi ibig sabihin nun na hindi ka na nila kayang mahalin. Naisip mo na humingi ng tawad kay Bogart nun, dahil naalala mo ang sinabi ko sayo nung sanggol ka palang. Makikita mo ang buti ng mga tao sa kabila ng mga panlabas na ginagawa nila." nagpatuloy si H sa pagpapaliwanag habang nagbabago ang nasa paligid namin. Parang tinatangay ng mahinahong hangin ang paligid, ang eskwelahan, ang buong lugar. Napalitan ang lugar ng isang lakehouse. Napalitan din ang suot namin sa dati naming damit.

Natatandaan ko 'tong bagong lugar na napuntahan namin. Lakehouse 'to para sa Youth Camp. Nilibre lang ako ng Tatay ni Kuya Art para makasama ako. Sobrang magkaibigan na talaga kami nun kaya naman ang saya makasama sa camp na mas makakakilala pa ng ibang mga kaibigan.

"Ito ang isa sa pinaka paborito ko..." sagot ni H. "Sasabihin mo ba sa lahat ng pupuntahan natin yan?" pabiro kong tanong.

"Syempre, dito mo ko nakilala." sagot niya.

"Naaalala mo, dito ka unang nagsulat ng journal para sakin." masayang pagpapaalala niya.

Hindi parin ako makapaniwalang nasa harapan ko sya. Sa dami ng pagkakataong gusto ko syang makita, hindi ko gugustuhing makita sya sa sitwasyon na meron ako ngayon. Sa sitwasyong sumuko akong totoo sya.

"Dito mo nasulat lahat ng pangarap mong nakalinya sa gusto ko. Well, halos lahat. Hindi mo syempre masasaktuhan yung mga plano ko… Mahabang paliwanagan. Hahaha" kita ko sa mata niya na sobrang excited syang makita akong nakikihalubilo sa iba. Nakikinig sa mga turo. Nagiging masaya sa mga natututunan. Sumasayaw sa mga tugtugan.

Kung pwede lang na hindi na matapos yung masayang camp na yun.

"Kung pwede lang na hindi na sana to natapos noh?" sagot ko sa kanya. Humarap sya sakin. Napalitan ang excitement ng kalungkutan.

"Kaso, hindi pwede." sagot niya.

Dahan dahan ang palakpak ng kamay niya para magbago ang alaala sa paligid namin.

"Naaalala mo yung panahong nakita mong may kasamang iba si Elya?" tanong niya habang nagtataka ako kung nasaan kami. Lumingon lingon ako para makitang bumalik kami sa bahay namin. Sa bahay na nilipatan namin sa maynila, yung current na bahay namin - pero pansin kong may mga iba sa bahay namin kaya nagkaron ako ng hint na parte parin to ng alaala.

"Hindi lang yun tungkol sa pagkakaalam mong may ibang mahal na si Elya. Naramdaman mong mali ako sa sinabi kong may mabuti sa lahat ng tao. Sa dami ng nanakit sa'yo, mahirap nang panghawakan lahat ng narinig mo sakin. Pero ang totoo..." Naputol ang sinasabi niya nang biglang bumukas ang pinto. Nakita kong pumasok ang nakaraang ako sa pinto na halatang malaungkot. Ito yung araw na nakita ko si Elya. Alam ko ang susunod kong gagawin.

Nakita ko si H na malungkot na nakatingin sa nakaraang ako habang pumapasok ng kwarto at may hinahanap sa cabinet.

"Inisip mong nagsinungaling ako sa'yo. Tinatanong mo kung..."

"Kung mabuti ka talaga at walang imposible sa'yo, bakit nangyayari sakin 'to?" ako na ang nagdugtong. Dahil yun ang lagi kong tanong. Yun ang tanong na magpapaalala saking hindi sya totoo.

Malungkot na pinanuod ni H ang nakaraang ako na kinuha ang journal sa cabinet at mabilis na lumakad palabas.

Alam ko ang gagawin ng nakaraang ako. Lungkot ang nakita ko sa muka ni H habang nakatingin sakin. Umiling iling sya para sabihin sakin na wag nang gawin ang naiisip kong gawin. Wala na din naman akong magagawa. Nakaraan na ang nakita ko, hindi ko na mapipigilan ang dating ako na gawin ang gagawin niya.

Pero, nalaman ko na ngayon na kaibigan ko si H. Hindi niya kasalanan. Naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na lahat, kung bakit niya ko dinala sa isang tibok. Kung bakit niya pinakita lahat ng alaalang magkasama kami.

Agad akong tumakbo palabas ng bahay para habulin ang nakaraang ako, tumakbo ako para habulin ang nakaraan.

Nakita ko sya sa isang tulay. Buong lakas ang sigaw ko "Sept! WAG!!!". Alam kong hindi niya ko maririnig, at kahit marinig niya ko, matigas ang puso niya para maintindihan ako. Marami syang hindi nakitang maganda at marami din syang nakitang hindi maganda.

Hindi sya nag atubiling ihagis sa ilog ang pinaghirapan niyang journal. Ang lahat ng sulat niya para kay H - bago pa man niya tawagin si H na H - basang basa na ngayon sa ilog.

Nakatayo lang sya ng matagal. Nakatingin sa kawalan.

"Naiintindihan ko, Sept." Nagulat ako na nasa tabi ko si H. Malungkot parin ang mukha niya pero nagpatuloy sya sa pagpapaliwanag.

"Naiintindihan kong hindi lang 'to tungkol kay Elya. Naramdaman mong hindi ka importante sa mga tao. Nalimutan mong makita ang mabuti sa kalooban mo. Napagod ka sa lahat ng nangyayari sa buhay. Pinilit mong maging positive, pero ang totoo, hindi lang positibo ang meron sa mundo. Nasira ng kasalanan ang mundong pinlano kong tirahan mo... Niyo." nagbuntong hininga sya bago magpatuloy.

"Sa pagkakaibigan natin, madali kasi maisip na genie ako, Sept. Alam mo yun? Walang imposible sakin, kaya dapat gawin ko kung anong mas makakapagpagaan sa buhay niyo. Pero, kaibigan ako, Sept. Hindi ako genie. Naiintindihan kong kailangan mong pagdaanan ang lahat ng 'to para matuto ka bilang tao, para mas maintindihan mo ko. Para maalala mong nasa tabi mo 'ko. Nalulungkot ako sa mga pinagdaanan mo, kasama mo ako dun. Pero kumplikado ang buhay, sasaktan ka ng mga taong pinagkatiwalaan mo, masasaktan ka ng mga taong mahal mo. Ang gusto kong maisip mo, na hindi ako bumibitaw sa pagmamahal sa'yo. Nakakalungkot na nawalan ka ng tiwala sakin pero naiintindihan ko..." naramdaman ko ang kirot sa puso ko ang lungkot na meron si H.

"Alam kong manghihina ka sa panahong mga katulad nito. Alam kong gugustuhin mong maging manhid ang puso ko sa bawat bulong ko. Gusto ko lang malaman mong hindi ako tumigil. Kahit sa mga panahon pagtapos ng gabing 'to" pagpapatuloy niya.

Alam ko ang mga sumunod na nangyari. Hindi na 'ko naniwala sa kanya. Kinalimutan kong totoo sya. Pinilit kong mabuhay mag isa. Pinilit kong piliin ang sarili kong kaligayahan pagkatapos. Pinilit kong gawin ni Mama ang magpapasaya sakin - ang mawalan sya ng sarili niyang desisyon at wag magsabi sakin ng kahit anong tungkol sa tatay ko. Pinilit kong isara ang lahat ng pinto ko sa lahat ng tao. Nawalan ng importansya ang iba sakin.

Naging makasarili ako pagkatapos. Nagbulagbulagan ako sa kabutihan ng iba. Hindi ko na na appreciate ang lahat ng blessings na nakuha ko.

Inisip ko na lahat yun, pinaghirapan ko. Hindi ko inisip na galing yun sa kaibigang matagal ko nang kasama.

Sa tatay na hindi ko nakita habang ginagabayan ako sa buhay.

"Sorry, H." ito lang ang nasabi ko sa dami ng naisip ko.

"May panahon pa ba kong mag sorry sa'yo?" may oras pa nga ba ako? Nasa huling tibok ako, kaya kong ibuka ang bibig ko. Sigurado akong naririnig niya ko.

"Patawarin mo 'ko. Bakit kita kinalimutan? Bakit ko kinalimutan ang sinabi mo sakin nung sanggol palang ako?" hindi ko napigilang tumulo ang luha ko sa bawat salitang sinabi ko.

"Dahil sa sakit��� Pero dahil din dun, mas maririnig mo 'ko. Dahil sa pagmamahal, mas makikita mo 'ko. Dahil sa pag amin ng pagkakamali, mayayakap mo 'ko" parang tinik na unti unting nabunot sa puso ko ang lahat ng sakit at takot.

Nabalot ng liwanag si H hanggang sa liwanag na lang ang nakita ko sa buong lugar. Para akong niyakap ng liwanag habang binabalot nito ang buo kong paningin.

Naniniwala ako, H. Naniniwala akong kaibigan mo 'ko. Naniniwala akong niligtas mo 'ko sa pagkalito, sa mga ulap na nagtakip ng mata ko para makita ang mabuti.

Salamat H. Matatanggap mo ba ko ulit bilang kaibigan?

Unti unting nawala ang liwanag na bumalot sa paligid. Napansin kong bumalik kami sa tulay kung saan kami galing bago pumasok sa mga alaala.

"Totoo ba sa puso mo ang pagtanggap mo sakin at sa regalo ko?" tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot. Sa tagal kong sarili lang ang iniisip, hindi ko na alam. Nakangiti lang si H nang ituro ang kwintas na pinasuot sakin.

Kasing puti ng liwanag nito ang liwanag na galing kay H.

Napa luhod ako sa saya. Meron akong kaibigan. Meron akong tatay. Meron akong tagapagligtas.

Siguiente capítulo