webnovel

Kabanata 396

At nang makarating na nga sila Patrick at Dave sa Hotel doon sa Bulacan...

"Young Master, Sir Dave andito na po tayo." Sambit ni Johnsen na pinagbuksan yung dalawa ng pinto.

"Okay. Pakibuhusan nga ng isang baldeng tubig ang isang ito ng magising." Sambit ni Patrick.

"Ehe. Sige po Young Master ako na pong bahala kay Sir Dave."

"Um."

"May mag a-assist po sa inyo sa loob."

"Okay."

At wala pa nga sa mismong entrance itong si Patrick sinalubong na agad sya ng mga staff doon sa hotel na kanilang tutuluyan ni Dave pansamantala habang naroroon sila sa Bulacan.

"Welcome Young Master Patrick." Sabay-sabay sambit ng mga staff na nag bow pa ng head nila para lang salubungin si Patrick dahil isa rin pala sa shareholder ng hotel na yon ang kaniyang daddy kaya ganoon nalang ka VIP ang pakikitungo ng staff rito.

Binigyan rin si Patrick ng glass of white wine pagka pasok na pagka pasok nya roon sa hotel at sumalubong rin ang manager sa kaniya.

"Yes Young Master everything is all prepared by us gusto nyo na po ba makita ang hotel room nyo?"

"Yes please."

Yung manager mismo ng hotel ang sumama para ihatid sa VIP room itong si Patrick pinag titinginan nga siya dahil sobrang expensive ng datingan nito at marami pang naka assist kaya naka agaw talaga ng atensyon ang pag dating ni Patrick.

"Ha? Bakit di mo naman ako ginising agad? Sambit naman ni Dave na noon lamang nagising.

Pabulong na sambit ni Johnsen "kanina ko pa nga kayo ginigising bubuhusan ko na nga sana kayo ng isang baldeng tubig gaya ng sabi ni Young Master."

"Ano yon?"

"Wa— Wala po inaantay na po ka ko kayo ni Young Master."

"Ah... Oo sige yung gamit ko andun na ba?"

"Yes Sir na ipasunod ko na po."

"Okay thanks."

At sumunod na nga itong si Dave kahit hindi nya alam kung anong number ng hotel room nya.

"Sir Dave!!!" Pahabol na sambit ni Johnsen. "Tsk! Bahala na nga kayo maghanap kung san ang room nyo. Tulog kasi ng tulog."

***

Masaya namang nag rerelax si Kelly sa may hardin nila Faith at nag duduyan.

"Watta life." Aniya ng biglang dumating si Tesa.

"Hi." Bungad nito kay Kelly.

Nagulat naman si Kelly kaya naman nahulog sya sa duyan.

"A... Aray ko."

Dali-dali namang tininulungan ni Tesa si Kelly na tumayo.

"Nako sorry...nagulat pala kita."

"Ah... Wala yon magugulatin kasi talaga ako."

Napansin naman ni Tesa na may sugat ang bandang wrist ni Kelly dahil na ituon nya ito nung nahulog sya sa duyan.

"Hala! May dugo."

"Ayos lang malayo sa bituka."

Pero matapos sabihin yun ni Kelly nahimatay sya dahil nga sa pagkatakot nito sa dugo. Kaya naman nag panic si Tesa at nag sisisigaw.

"Anong nangyare?" Sambit ni Kevin na unang nakarinig sa sigaw ni Tesa dahil nasa may kusina lang ito malapit sa Hardin.

"Na— Nawalan po sya ng malay."

Binuhat agad ni Kevin ang kapatid nya At nag paliwanag naman si Tesa sa nangyare.

"."

Nang maalimpungatan si Kelly mag hahapon na dahil kulang rin ito sa tulog kaya naman hindi umalis sa tabi niya itong si Tesa.

"Anong nangyare?" Sambit ni Kelly pagka gising niya.

Nakatulog naman si Tesa habang nag babantay kay Kelly.

"Shhh... wag kang maingay." Sambit ni Kevin na narooon rin sa kwarto ni Kelly.

"Bakit sya nandito?" Tanong ni Kelly Sa mahinang tono.

Lumapit naman si Kevin na may dalang baso ng tubig at gamot para kay Kelly.

"Nahimatay ka kanina lam mo na takot ka sa dugo."

At nag flashback na nga kay Kelly ang mga nangyare "ah... naalala ko na ehh... bakit andito si Tesa?"

"Na guilty kasi sya sa nangyare sayo kaya ayan hangga't di ka pa nagigising nandito sya at ayan na nga nakatulog na pala sya."

"Nako... kawawa naman."

"Ayos na nabanggit ko ng may takot ka sa dugo kaya ka nahimatay. Pero she insisted na mag bantay sayo."

"Ohhh... ang bait naman nya."

"Anyways, inumin mo na muna yang gamot mo para di sumakit yang wrist mo."

Iginalaw galaw ni Kelly yung wrist niya "awww... medyo masakit nga kuya."

"Oo nabulbog kasi gusto mo ba dalhin kita sa hospital para malagyan ka ng casts?"

"No need kuya bukas okay na rin ito minor injury lang nahulog lang naman ako sa duyan at nagkaroon ng sugat."

"Well, oo minor lang yan masakit lang talaga kasi may sugat nga kaya inumin mo na muna itong gamot mo or gusto mo kumain ka na muna?"

"Mmmm... Hala!!! Sorry nakatulog pala ako." Bungad naman ni Tesa.

"Ah... Wala yon wag mo alalahanin salamat sa pag bantay sakin."

"Nako... sorry talaga sa na gawa ko."

"Wala yon maliit na bagay. Hehe..."

"Nako, hindi pwedeng wala lang yun nakakahiya sayo kaya kung may gusto kang gawin ako na gagawa para sayo sabihin mo lang kahit ano gagawin ko."

"Talaga?"

"Kelly!"

"He... He... Joke lang naman kuya."

"Wag ka ng mag alala sa kaniya Tesa ayos lang naman si Kelly minor injury lang naman yan at gaya ng ng sabi ko takot lang talaga sya sa dugo kaya nahimatay pero over all naman okay yan kaya pwede ka ng umuwi sa inyo ako ng bahala sa kaniya."

"Ha? Pero kasi..."

"No worries ayos lang talaga sya baka hinahanap ka na rin kasi sa inyo kanina ka pa dito."

"Ahm... hindi naman actually walang tao ngayon samin eh kaya bumisita ako dito at sakto nga na nakita ko si Kelly sa Hardin na nag duduyan eh di ko naman akalain na magugulatin pala sya."

"Hehe... sorry din ha?" Sabi ni Kelly.

"Sorry? Para san? Ako nga ang dapat Na mag sorry eh."

"Hindi ka kasi inform na magugulatin kami."

"Kami?"

"Ahhh... Oo nasa lahi kasi ng pamilya namin ang magugulatin."

"Eh? Ang cute naman."

Kevin smiled secretly and nakita yon ni Kelly "cute? Paano naging cute ang magiging magugulatin?"

"Wala naman ang cute lang ako kasi di ako magugulatin. Hehe..."

"Oh... so may pag ka mangio ka?"

"Ha? Hindi naman pero siguro in a different way."

"What do you mean by that?"

"Unbothered queen kasi ako hehe... pag Wala akong pakialam wala talaga akong pake like kahit manood ako ng nakakatakot di ako basta magugulat sa mga basta nalang lumilitaw and sa mga sound na nakakagulat and pag halimbawa naman may taong nag papansin dun ako hindi nagiging manhid."

"Ohhh... alert ka kung may taong nag paparamdam sayo na gusto ka niya. Ganun ba?" At napatingin sya sa kuya Kevin niya.

Umiwas naman si Kevin ng tingin kay Kelly.

"Siguro? Malakas lang kasi pakiramdam ko pag dating sa ganun takot kasi akong mafall."

"Ohhhh..." Reaction ni Kelly na napatingin na naman sa kuya Kevin niya na sumenyas sa kaniya na parang sinasabing "tigilan mo ko Kelly masasaktan ka talaga."

"Pero dati yon ngayon kasi parang gusto ko ng mainlove. NBSB kasi ako hehe..."

"Eh? Bakit naman? Ang ganda mo kaya at mabait ka pa."

"Sus! Nag salita ang hindi NBSB."

"Wow kuya ha? Nakakahiya naman sa inyo nila kuya Kian no?"

"Aba!!! At nanunumbat ka?"

"Luh! Guilty?"

"Kelly!!!"

"Pffft... nakakatuwa naman kayong mag kapatid."

"Nako. Ngayon lang yan andito ka kasi."

"Kelly!!!"

"Hehehe... Ahm... wala din sila ate Faith dito tama ba?"

"Um. Wala nga sila may pinuntahan sila nila kuya eh."

"Ahm... gusto nyo bang ipagluto ko kayo ng dinner para naman makabawi ako sayo Kelly."

"Ha? Nako... wag na nakakahiya naman pero ikaw kung gusto mo."

"Kelly!"

"Char lang naman kuya."

"Hindi okay lang naman sakin."

"Hindi na kailangan Tesa may niluto Na ako para kay Kelly."

"Tsss! Sure ako fried na naman yan o ramen."

"Aba't nag rereklamo ka?"

"Kuya... una may sakit ako dapat lang naman na masustansya ang kakainin ko. Pangalawa, aminin mo tamad ka mag luto pag nasa ibang bahay ka. At pangatlo, gusto mo ng umuwi satin."

"Aba Kelly..."

"Hahaha... don't worry ako na ang mga luluto stay put lang kayo dito." She winked to them and left the room.

"Te— Tesa..." pahabol na sambit naman ni Kevin.

Tinulak naman ni Kelly ang kuya Kevin niya "sundan mo na kasi at tulungan mo."

"Ikaw, kanina ka pa."

"Oh! Sige kilitiin mo ko susumbong kita kay Tesa sasabihin ko sa kaniya na crush mo sya."

"A— Ano?! Hoy Kellang!!!"

"Oh bakit kuya di ba nga kaya ka umalis kagabi kasi may binili ka para kay Tesa."

"H— Ha? Anong pinagsasabi mo? Imbento ka."

"Kuya... kilala kita no! Alam kong maaawain ka kaya nga nung narinig mo yung kwento ni Tesa may kurot yon sa puso mo kaya naman umalis ka at may binili kang teddy bear at chocolate para sa kaniya pero di mo binigay kasi naisip mong nakakahiya. Baka kasi isipin nung tao na nanliligaw ka. Am. I right senpai?"

"Shhhh!!! Naaaning ka na naman dyan ha! Paano mo nalaman?"

"Nung bumalik ka nakita kita nag tago lang ako sa kusina sayang saya ka panga eh."

"Shhh... wag ka nga! Binili ko lang yon para na rin pasasalamat kasi binigyan nila tayo ng fruits and veggies."

"Oh... talaga ba kuya?"

"Tsk! Para kang sira kamo."

"Kuya... kung bet mo bakit kasi nahihiya ka? Malay mo si Tesa na yung girl na hinahantay mo mantakin mo parehas pa kayong nurse angas nun kuya. Minsan ka lang makakatagpo ng babaeng parehas mo ng propesyon."

"Ohh... talaga ba? Eh paano naman si Yuna? Hindi ba at nurse rin sya? Ka workmate ko pa nga. Imbento ka diyan!"

"Ka workmate mo nga eh gusto mo ba? Hindi naman di ba? Kasi friends lang kayo."

"So?"

"Ang akin lang try mo kasi muna kay Tesa malay mo naman mag click kayo."

"Kakikilala ko pa lang dun sa tao baka naman sabihin masyado naman akong nag mamadali."

"Ikaw bahala pero sinasabi ko sayo kuya sa makalawa uuwi na tayo di mo na s'ya uli makikita kaya pa galawin mo na ang baso bago pa mabasag ng iba tapos iiyak iyak ka."

"Baliw! Sige na nga dyan ka na tutulungan ko si Tesa sa baba."

"Yiiieee... mag tatapat na yan."

"Heh!"

"Kuya!!!"

At kinagabihan naman sa Hotel kung nasan sila Patrick...

Ibinagsak na ni Dave ang sarili nya doon sa sofa habang si Patrick naman hinubad ang suot nga coat dahil katatapos lang nila sa meeting at pag bisita sa site.

"Grabe nakakapagod... order tayo ng beer dude." Sambit ni Dave at binato naman siya ni Patrick.

"Tumigil ka!"

"Kahit isang bote lang pam patanggal ng pagod."

Kumuha ng mineral water in a bottle si Patrick at inihagis kay Dave "mag tubig ka!"

"Dude naman eh!"

"Umorder ka lang ng pizza at chicken at kung ayaw mo bahala ka mag beer ka mag isa pero wag kang sasama sakin bukas."

"Hmm? San ba tayo bukas? Wala tayong meeting sa isang araw pa."

"I know I'm the boss right?"

"Sabi ko nga wala naman akong angal dun."

"We will go to the mall."

"Mall? Shopping? Dude, yung shoes ko... Beke nemen."

"Heh! May mall visit tayo bukas."

"Eh? Pero wala yon sa schedule mo."

"I know I'm the..."

"Oo na dude ikaw na ang boss... Ano na naman ang pinaplano mo?"

"Surprise visit andito na rin naman tayo kaya pupunta na tayo."

"Ohhh... bakit may problema ba ang branch dito sa Bulacan?"

"Wala. Sige na ikaw na ang umorder ng pagkain gamitin ang phone ko."

"Yes Boss."

At inihagis na nga ni Patrick ang phone nya at sinalo naman ni Dave habang ito naman ay nag tungo sa room nya para mag bihis.

"Dude ako ng bahala sa pagkain ha?"

"BAHALA KA!"

Haba nag nasa kwarto naman nya itong si Patrick naupo s'ya sa kama ng at kinuha ang phone sa bulsa ng pants nya at tinawagan si Mr. Johnsen.

Patrick: Oo bukas, anong oras?

Johnsen: Mga 10am po Young Master susunduin ko po kayo sa hotel No Sir Dave.

Patrick: Okay and siguraduhin mong walang ibang makakaalam na pupunta ako sa mall kahit ang mga manager.

Johnsen: Yes po and for Ms. Kelly mga 10am or so andun na rin po sila.

Patrick: Okay then prepare for something for them but don't treat them as VIP. Baka makahalata ang mga kuya niya.

Johnsen: Opo Young Master pero ang kasama lang po bukas ni Ms. Kelly ay yung pamangkin nyang si Jacob at si Ms. Tesa not sure pa po ang mga kuya nya.

Patrick: Sino si Tesa?

Johnsen: Ah... kapitbahay po nila Ms. Faith na pinsan nya rin po.

Patrick: I see.

Johnsen: Meron pa po ba kayong ipaguutos?

Patrick: Wala na sige na.

Johnsen: Sige po Young Master.

Pagkababa naman ng phone ni Patrick tinanggal na nyang yung necktie nya at nahiga panandalian sa kaniyang kama at nag isip.

Samantala sa bahay nila Faith...

"Wow!!! Pwede ka ng mag asawa girl. Ang sarap nito." Sambit ni Kelly na ang paborito ay cury at saktong iniluto naman ni Tesa ay pork cury.

"Nako di naman nakakahiya... pasensya na yan lang ang nailuto ko wala kasing ibang ingredients sa ref."

"Ayos lang di naman kami nag hahanap ni Kelly. Di ba Kelly?"

"Yeah... buti nga cury eh kasi fave ko talaga ito sila kuya kasi di na nag luluto ng ganito madalas ng mag order simula nung umuwi dito si ate Faith."

"Aba ikaw ang may gusto ng order hindi kami nila kuya."

"Sus! Busy nga kasi kayo nakakahiya naman kung mag papaluto pa ako sa inyo eh pagod na kayo pag dating. Tapos ayaw niyo naman akong payagan na mag luto."

"Hmm? Bakit naman?"

"Ayaw nila kuya kasi."

"Hindi sa ayaw namin mahirap pag ikaw ang nag luto hindi lang yung pagkaing niluto mo ang sunog pati ang bahay natin."

"Wow ha kuya! Kitchen lang naman yung nag ka problema nun."

"Eh? Anong nangyare?"

"Muntik na nyang masunog ang bahay namin buti nalang nasa bahay pa kaming mga kuya nga kung hindi baka wala na kaming bahay ngayon."

"Sus! Gusto ko lang naman kayo ipagluto eh."

"Alam naman namin yon pero hindi ka nga kasi marunong magluto at kahit turuan ka di ka gusto ng kusina."

"Ewan ko sayo kuya!"

"Pffft... malay nyo naman this time matuto na si Kelly."

"Di ba no? Sila kuya kasi walang tiwala sakin."

"Wow! Kahit nga sa kettle natin di ka marunong gumamit tapos mag luto pa kaya ng iba?"

"Bakit pwede naman talagang gamitin ang kettle sa pag luto ng ramen napanood ko yun sa YouTube."

"Hahahaha... ang cute naman non. Hahaha..."

Nagkatinginan yung mag kuya dahil bigla nalang tumawa si Tesa.

Sa isip-isip nung dalawa "masiyahan sya di ba kuya? Bagay kayo parehas kayong baliw."

"Tumigil ka! Ikaw ang baliw."

Para bang nag uusap yung mag kuya gamit ang kanilang isipan. At dahil nga mag kapatid parang gets nila ang isa't isa kahit tinginan lang.

"Sorry... di ko lang napigilan ang sarili ko natuwa kasi ako dahil pede palang mag luto ng ramen gamit lang ang kettle? Da' was cool!"

"Really? See kuya pati si Tesa humiliating sakin."

"Oo galing mo nga ending bumili ulit kami nila kuya ng bagong kettle kasi narinig an mo!"

"Ehhhh... kasi naman bigla kayong dumating nun nataranta na ko. Tapos di ko na namalayan na naiigahan na pala ng sabaw."

"Ohh... kaya na sunog."

"Oo ganun Na nga eh ang hirap linis an ng kettle kaya ending bumili nalang kami ng panibago pumangit rin kasi. Pasaway kasi yang si Kelly."

"Tsss!"

Siguiente capítulo