webnovel

Kabanata 148

Maagang nagising ang mga kuya ni Kelly at sila na din ang nagluto ng kanilang agahan kinagulat naman ito ni Faith noong siya ay nagising "Eh? Nakaluto na?"

"Yep,at kaming lahat ang nagluto niyan babe." Ang sabi ni Keith.

"Whoa! Anong meron?"

"Wala naman ate Faith naisip lang namin na hindi na kami nakakapaglutong apat eh." Ang sabi ni Kevin.

"Ha? Bakit naman biglaan ata?"

"Bakit naman gulat na gulat ka diyan babe? Gusto lang namin na ipagluto kayo ni Kelly. Right mga bro's?"

"Yeah..."

"O---okay?"

Habang pababa si Kelly na animo'y antok na antok pa "Good Morning babysis!!!" Ang bungad na sambit sa kaniya ng mga kuya niya na kinagulat niya dahil na hikab siya ng mga oras na iyon.

"What the F?! Anong meron?"

"Maupo ka na lang at kakain na tayo." Ang sabi ni Kian.

Napatingin naman si Kelly kay Faith at nagkasenyasan na animo'y hindi alam ang nangyayare "Mga kuy's..."

"Ano yon?" Anila.

"Kayo ang nagluto ng mga ito?"

"Oo kami nga."

"Whoa..."

"Pfft...babysis don't worry ganyan din ang reaction ko."

"Eh? So ate Faith hindi ikaw ang nagluto kung hindi sila kuya talaga?"

"Um...sila talaga kagigising ko lang din kasi eh."

"Eh? Mga kuy's anong meron? May mga taning na ba ang mga buhay niyo?"

"ANO? WALA!!!!"

"Bakit naman taning ng buhay agad yang naiiisip mong bata ka?!" Ang sabi ni Kim.

"Ah...eh...kasi biglaan naman kasi ito last na nagluto kayong apat eh nung medyo bata bata pa ko hindi ko na nga maalala sa tagal."

"Yeah...naisipan lang namin ng mga kuya mo na gumising ng maaga para maipagluto ka kayo nila Faith at Jacob." Ang sabi ni Kian.

"Awtsu...sana all may naiisip lagi. Ahahahaha..." Ang pabirong tugon ni Kelly.

"Luka ka talaga Kelly." Anila.

"Morning po." Ang bungad naman na sambit ni Jacob.

"Mornin' baby boy." Ang sabay na sambit nila Kelly at Faith.

"Morning po tita Kelly tita Faith...and to you all tito's and daddy."

"Halika na maupo ka na dine nak at kakain na." Ang sabi ni Kian at ipinaghanda ng kakainin si Jacob.

"Thanks daddy...pero bakit ang dami pong nakahain sa table? Umaga palang po hindi pa tanghalian."

"Hehehe...baby, sinipag ang daddy at ang mga tito mo na magluto eh gang tanghalian na daw yan. Ahahahaha..." Ang sabi ni Kelly.

"Eh?"

"Sigh...sige na mag lead ka na ng prayer Kelly para makakain na tayo." Ang sabi ni Kian.

"Okay, baby boy sabayan mo si tita."

"Opo."

Samantala sa bahay nila Patrick,

Kumakain na rin ng agahan ang pamilya Santos at kagigising lang ni Patrick "Morning baby bro." Ang sambit ni May.

"Mornin' ate, mom, dad and bro."

"Hindi ka ba na ka tulog ng ayos? Bakit parang ang laki ng eye bags mo?" Ang sabi ng nanay nilang si Patricia.

"Eh? Talaga po?" Tumingin naman ka agad si Patrick sa salamin na naroroon sa kanilang dining area.

"WTH! Natulog naman po ako ng maaga eh."

"Natulog ng maaga o maaga ng nakatulog?" Ang sabi ni Richmond.

"Bakit may problema ka ba sa klase mo?" Ang sabi naman ng tatay nilang si Ricardo.

"Wa---wala naman po."

"Nga pala, may program sa DLRU mamaya hindi ba?"

"Yes dad bakit po?"

"Inimbitahan kasi kami ng mommy nyo na mag salita at magbigay ng konting advice sa mga gaya mong magisispagtapos ng kolehiyo."

"Eh? Bakit hindi ko po ata alam yan?"

Makalipas ang ilang oras,

Nasa field ang mga 4th year and 5th year na magsisipagtapos ng kolehiyo sa DLRU na mag tatanim ng mga bagong puno para sa mga susunod na henerasyon nadoon rin ang mga magulang ni Patrick na sila ang magiging taga payo para sa mga estudyante. "Dude, bakit andito rin ang mommy at daddy mo?" Ang sabi ni Dave.

"Ahhh...kanina ko lang din nalaman sila mismo nag banggit sakin."

"Ohhh..."

Samanatala, nasa likuran naman sila Kelly at Mimay nung dalawa at nasa kabilang gilid naman sila Vince at Harvey "Hindi ba at daddy yun ni Patrick?" Ang sabi Harvey.

"Oo nga no baka sila yung mag bibigay ng speech baka nanay ni Patrick yung babaeng kasama hawig niya eh."

"Oo nga baka tara nga lumapit tayo kila Patrick."

"Ayoko kung gusto mo ikaw nalang."

"Ha? Bakit naman?"

"Nagkaroon kami ng alitan ni Dave kahapon nung umalis ka na."

"Ano? Bakit? Anong nangyare?"

"Wala naman nauma lanag ako masyado kasing matabil yang bibig ni Dave."

"What do you mean?"

"Tama ba namang sabihin niya na pag mamay-ari niya raw si Mimay?"

"WTH!"

"See, kahit ikaw maiinis ka bakit isa bang bagay si Mimay para maging pagmamay ari?"

"Well, you have a point bro pero bakit sasabihin ni Dave yun may sinabi ka bang ikinagalit niya?"

"Bakit ikaw ba hindi ka magagalit kung sasabihin yun kay Mimay? Hindi ba at may gusto ka rin sa kaniya?"

"Well, dati yon...sandali nga bakit ba parang iba yang tono ng pananalita mo?"

"Ha? Ah...eh..."

"Hindi nga kaya totoo yung sinabi ni Kelly?"

"Na ano? Ano na naman ang sinabi ng magaling kong pinsan sa inyo?"

"Nung nalasing tayo dun sa inyo wala ka bang naalala?"

"Ahhh...yun nga ang pinoproblema ko."

"Bakit nalilito ka na?"

"Sigh...hindi ko na nga alam bro nung nalaman kong..."

Hindi na naituloy ni Vince ang kaniyang pagsasalita dahil nagsimula na ang kanilang munting programa na "OPLAN PLANTS FOR NEW HOPE "Good day everyone I your dean Mr. Antonio Capagcuan ay kukuhanin ang inyong kunting oras para sa proyektong ito. Naririto rin ang ating mga nag pipitagang mga panauhin na sila Mr. and Mrs. Santos ng SM corporation at isa sa mga malaking sponsor ng DLRU para magbigay ng mensahe sa inyong mga magsisipagtaos ng kolehiyo."

Sinabihan naman ng isang guro sila Mr. and Mrs. Santos na pwede na silang mag bigay ng speech "Okay, sige salamat."

"Hello student of DLRU are you guys doing good?

Sumagot naman ang lahat ng "Yes..." na may ngiti sa kanilang mga labi.

"How's study so far? Malapit na kayong magsipagtapos naging makabuluhan ba ang inyong naging college life o baka may nanganganib sa inyo na baka maiwan? Hehe..."

"Yeah..." Anila at nag tawanan ang mga estudyante sa sinabing iyon ni Ricardo.

Bumulong naman si Mimay kay Kelly "Joker pala yang daddy ni Patrick."

"I think so too."

"Sino sa inyo ang kinuhang kurso ay agriculture?"

Walang tumaas ang kamay "Oh? Mukhang walang gustong mag tanim Dean."

Napatawa nalang si Dean Capagcuan at ang mga estudyante "Wala po kasing ganoong kurso sa DLRU." Sigaw nung isang estudyante.

"Ohhh...I see I think we should put that kind of course in here right, Mr. Dean?"

"Yes, let see."

"Okay, so guys gusto niyo na bang simulan na natin ang pagtatanim? Mainit na ayokong mangitim. Hehehe..."

Siniko naman siya ng asawa niyang si Patricia "Haha...nagbibiro lang siya." Aniya.

"Ahhhh..." Ang reaksyon ng lahat.

"Sigh...si daddy talaga." Ang nadidismayang sabi ni Patrick habang nakikinig.

"Ang kulit talaga ni tito." Ang sambit naman ni Dave.

"Alam niyo kids dapat hindi laging seryoso sa buhay kailangan ng saya para hindi puro lungkot at negative vibes para hindi malasin bilang mag sisipagtapos na kayo kailangan sipagan niyo pa at maging positive sa buhay para maging matagumpay sa hinaharap."

Nagpalakpakan naman ang nakararami sa sinabing iyon ni Ricardo "For the FUTURE!!!!" Ang sabi ni Prof. Arnie.

"FOR THE FUTURE!!!!" Ang masiglang sigaw naman ng mga estudyante.

At sinimulan na rin nilang mag tanim ng mga halamang magiging puno balang araw patuloy parin namang nag bibigay ng advice of encouragement ang mga magulang ni Patrick habang ang bawat isa ay busy sa kanilang pagtatanim. Nilapitan din naman ng mga guro at ni Dean ang mga estudyante para makita kung tama ang mga ginagawa ng mga ito.

"Ang mga tinim niyong iyan ay pwede niyong bisitahin kung inyong nanaisin kahit na kayo ay nagtapos na ng kolehiyo." Ang sinabi ng bawat guro at ni Dean sa mag estudyante nilang makakausap.

At habang nagbibigay ng mensahe sila Mr. and Mrs. Santos naisipan ni Ricardo na lumapit sa mga estudyante dala ang kaniyang mic "Today we will planting a hope for new generation bilang kayong lahat ay mga magsisipagtapos na gawin na nating makabuluhan ang mga natitira niyong araw sa kolehiyo. Ituring niyong pasasalamat na rin ito sa ating mother earth bilang kabataan kayo dapat ang maging magandang ihemplo sa nakababatang henerasyon kaya sana ipagpatuloy niyo ang ganitong gawain hindi dahil isa lamang itong proyekto ng iyong eskwelahan kung hindi dahil para makatulong sa ating mahal na kalikasan."

Naglibot libot rin naman si Mrs. Santos at nakikipagusap rin sa mga estudyante at nakita niya si Patrick kaya lumapit ito rito "Are you guys doing good?" nagulat naman sa kaniya si Patrick.

"Yes Ma'am pa tapos na rin po kami dito." Ang sabi ng isa sa mga kasamahan ni Patrick sa pagtatanim.

"Oh, that's great wag niyong kakalimutang mag wash ng hands pagkatapos."

"Yes, Ma'am." Tugon ng mga estudyante.

"Okay, maiwan ko na muna kayo keep up the good work kids."

"Thanks Ma'am." Anila.

Pagkaalis ni Mrs. Santos "Hindi ba sya ang nanay mo?" Ang sabi nung isang estudyanteng lalaki kay Patrick.

"Yeah?"

"Bakit hindi mo siya kinausap?"

"That's none of your business."

"Dude!!!" Ang sabi ni Dave na naimo'y pinipigilan si Patrick na maging rude sa pag sagot.

"Huh! Kung sabagay ang mayayaman kasi madami talagang tinatagong lihim."

"What? Huh! You wanna fight? Bring it on!" Ang pagalit na sambit ni Patrick at pinigilan naman kaagad siya ni Dave "Dude, chill down wag mo ng pansin."

"Masyado kang hot tempered kid." Ang sabi nung lalaking estudyante.

"Tsss...Don't mess around jerk!" Hinila naman na siya ni Dave at sinabing "Dude! Wag mo ng patulan yan!"

"Dang it!"

Siguiente capítulo