webnovel

Kabanata 45

Sa Sala,

Kevin: Pati ako di na rin talaga pinansin ni Kelly.

Keith: Tsk...ako rin lumipas ang ilang araw di niya talaga tayo kinakausap.

Kian: Busy nga rin siya sa midterm exam niya wag nga kayo.

Kim: Pero, tama naman sila bro dati naman kahit exam niya nag papatulong siya mag review ngayon Biyernes na at tapos na ang exam nila ni hindi niya tayo pinansin pag uwi niya dumiretso agad sya sa kwarto niya.

"Sigh..."Napabuntong hininga nalang ang mga ito.

"Kuy's" Bungad ni Kelly.

"Bunso." Pagulat nilang tugon.

Lumapit si Kelly sa mga kuya niya at nilapag ang dala niyang invitation sa lamisita "Iaabot ko lang yan kung sasama kayo sabihan niyo lang ako pero kung hindi ako nalang wag kayong mag-alala kasama ko si Vince at di niyo naman siguro ako pagbabawalan dahil dine lang naman yan sa sibdivision pero kung ayaw niyo talaga kong payagan sige papadala ko nalang yung regalo ko kay lola Nena. Okay, tataas na ko goodnight sa inyo sabihan niyo nalang ako bukas ng umaga kung payag kayo o hinde. Salamat."

At iniwan na nga sila ni Kelly ng walang kumibo ni isa "Guys, ano bakit di kayo nagsalita?" Ang sabi ni Kevin.

Kim: Ikaw rin naman hindi.

Kevin: Eh...kasi...

Keith: Kase...di ka rin makasingit ano? Kailan pa naging mabilis pananalita ni Kellang? Wagas ang haba nung sinabi niya parang 30sec.lang niya natapos eh.

Kian: Ano? Sasama ba tayo?

Kevin: Sakin ayos lang mabait naman satin si lola Nena lagi pa siyang may inaabot sating cake.

Keith: Well, kung ako tatanungin ayos lang din naman dine lang naman yun sa loob ng subdivision natin.

Kim: Oo pwede tayong pumunta baka batiin na tayo ni Kelly pag sumama tayo at pinayagan siya.

Kian: Okay, mukhang majority naman eh sige sumama na tayo.

"YES!" Ang nasabi ni Kelly habang nagtatago at nakikinig sa mga kuya niya.

Kevin: Ano yon?

Kian: Ang alin?

Kevin: Di niyo narinig?

Keith: Ano nga?

Kevin: Ah...baka daga di ba sabi ko sa inyo kumuha na tayo ng tagataboy ng mga ganun doon sa bodega bumaba ako ang daming ipis.

Pabulong bulong si Kelly habang nagtatago "Ikumpara ba daw ako sa daga at ipis."

Kian: Sige sa isang linggo nalang.

Kinaumagahan,

Sa hapagkainan,

Walang imik si Kelly "Ahm...Bunso, sige sasama na kami sayo papunta kila Mrs. Benedicto." Ang sabi ni Kian.

Kelly: Okay.

Kevin: Ahm...mamaya pa namang dinner ang nakalagay sa invitation bibili na muna kami ng gift ayos lang ba?

Kelly: Okay.

Nagkakatinginan ang mga kuya ni Kelly "Tsaka nga pala formal ang attire gusto mo bang gamitin yung binigay na bistida na binigay sayo ni Mama?" Ang sabi naman ni Keith.

Kelly: Okay lang kung okay lang naman sa inyo hindi ba't kinuha niyo ang mga bistida ko sa kabinet?

Kian: Ah...eh...ibabalik naman na namin yon... Kevin! Ibalik mo na mamaya.

Kevin: O---oo kuya.

Kim: Ahm...Bunso, kamusta naman ang midterm exam mo?

Kelly: Okay lang nasagutan ko namang lahat di ko nga lang sure kung tama din lahat.

Kian: Ha---ha---ha...ayos lang basta may sigurado kang tama di ba guys?

Sinenyasan niya yung tatlo "Oo naman." Anila.

Kelly: Okay, pwede bang tumaas na ko? Tapos na kong kumain.

Kian: Si---sige pahinga ka na.

Kelly: Pahinga? Hindi ba't weekend ngayon? Kailangan kong maglinis ng kwarto ko.

Kevin: Nako, kahit naman bukas na kung ayaw mo di ba mga kuy's?

"Oo naman..He-he-he..." Anila.

Kelly: Okay, sabi niyo eh.

At umalis na nga si Kelly "Sigh..."Reaksyon nila.

Kevin: Bakit parang ilang araw lang nagbago na si Kelly? Parang di na siya yung kapatid natin eh.

Kim: Oo nga para na siyang si Daddy pag nagagalit kay Mama noon at satin.

Keith: Oo reverse psychology eh.

Kian: Hayaan niyo na bigyan na muna natin siya ng time kasalanan naman rin natin eh. Sige na bilisan niyo na diyan at bibili pa tayo ng regalo para kay Mrs. Benedicto.

"Okay." Anila.

Kinatanghalian,

"Ding...dong..." Nakailang doorbell na yung tao sa labas.

Nasa kama at naglalaro si Kelly sa cellphone niya "Tsk...asan ba sila kuya bakit ayaw buksan yung gate?"

"Ding...Dong..."

Tinapon ni Kelly yung cp nya sa kama "Bwiset....Andyan na po sandali lang." Aniya at lumabas.

Pagbukas niya ng gate "Ano pong kailangan nila?" Aniya.

"Delivery po para kay Ms. Kelly kayo po ba yon?" Sabi nung delivey man.

Kelly: Opo ako nga yun pero wala po akong pinapadeliver ni hindi pa nga po ako nakakatry mag padeliver baka ho sa iba yan di dine. Sige po.

"Hindi po dito po talaga ere po ang address niyo di ba?" Pinakita niya yung address na nakasulat at binasa ni Kelly.

Kelly: Eh? Ay dine nga po iyan pero wala po talaga akong pinapadeliver manong.

"Eh wala rin naman po kasi akong sinabing kayo ang nag padeliver eh."

Kelly: Ay...sorry naman.

"Paki pirmahan nalang po at pakibasa kung kanino galing."

Kelly: Okay...kalma koya!

Pinirmahan at inabot kay Kelly yung may di kalakihang box "Okay, salamat po."

Kelly: Okay?

Pagkapasok ni Kelly binaba niya agad sa sofa "Hmm...kanino kaya galing ire?"

Binuksan yung greeting card at binasa "To our Little Princess Kellang," Aniya.

Kelly: Ayos na'y Little Princess na eh ang bango na ng datingan eh tapos may Kellang? Nako! Parang alam ko na kung saan galing a're.

Pinagpatuloy ni Kelly ang pagbabasa "Sana, di ka na galit samin pangako di na kami mag-aaway away basta ipangako mo rin na wag mo ng gagawin na di kami pansinin at kibuin. Dahil di namin kayang makitang ni hindi ka man lang na ngiti sa amin masakit na sa iba nagagawa mong tumawa at ilabas ang mga magaganda mong ngiti ngunit sa aming mga kuya mo'y parati na lamang "poker face" ang iyong pinapakita. Alam naming nasaktan at nasasakal ka na sa amin pero para naman iyon sa iyong ikabubuti kaya sana mapatawad mo na kaming mga kuya mo pangako di na kami masyadong maghihigpit kaya sana bumalik na yung dating "Kellang" na sweet, pala tawa , bully, pala biro at higit sa lahat yung "epal" naming bunsong kapatid."

Kelly: Ibang klase rin talaga eh! Andun na'y paluha na ku'y sabay may "epal!" kakauma!

Pinagpatuloy niy auli ang pagbabasa "Pero, kahit epal ka minsan o madalas mas okay na yan kesa naman di mo kami pansinin at kibuin ayaw naming makita at maramdaman na sobra mo kaming kinamumuhian. Oo alam namin na makulit at sobra kang pasaway pero di ka namin kayang tiisin BUNSO. Kaya sige na patawarin mo na kami love na love ka namin di na talaga kami mag aaway away pangako.

Nagmamahal,

Charo, Ay sorry...syempre nagmamahal kami yon mga pogi mong kuya. Pero mas pogi ako si kuya Kian mo.

"Ano? Di kaya ako mas pogi Kelly noh? Si kuya Keith."

"Nako, asa kayo ako kaya fav.na kuya niya pa ko di ba baby si kuya Kevin?"

"Tumigil na nga kayo! Ang haba na ng sulat oh di niyo man lang ako tinirhan ng space. Tapusin na nga natin ito nagamamahal at minahal ang pinaka poging nilalang sa loob ng bahay ni Mama, kuya Kim."

"ANO???"

Napaluha at natawa nalang si Kelly "Mga siraulo talaga sila! Anong akala nila sa greeting card liham ng pag-ibig? Mga baliw! Nag-away pa talaga sa pagsusulat eh...kakaloka!" Aniya.

Kelly: Hmmm..ano kayang laman nireng box nare?

Bubuksan niya na sana ng biglang may "Ding...Dong..."

Kelly: Ano na naman yon? Sila kuya talaga puro nalang gastos tapos ibabawas sa allowance ko asar.

"Ding...Dong..."

Kelly: Oho, andi'yan na sandali lang naman.

Sa bahay ng mga Benedicto,

Sabay-sabay dumating sila Aliyah "Granny..." Aniya at niyakap si lola Nena.

Lola Nena: Oh, iha buti dumating na kayo.

Aliyah: Syempre naman po aayusan ko pa ata ang pinakamaganda naming lola.

Wayne: Wag mong kapalan ang make up.

Niyakap rin niya si Lola Nena "Ikaw talagang bata ka gang dine ba naman may dala ka paring libro?

James: Di naman na po iyan nag bago.

Wayne: Kaysa naman sayo? Ni hindi humahawak ng libro?

James: Ano kamo?

Lola Nena: Oh...tama na yan asan na ang hug ko James?

James: Hehehe...syempre po eto.

At niyakap niya si lola Nena ng mahigpit "Oh, tama na baka naman mapisa si Granny." Ani Daniel at niyakap niya rin si Lola Nena.

Lola Nena: Namiss ko kayong lahat sandali nasan si Chollo.

Paglingon nung apat sa likod "Eh? Nandine lang po yun kanina."Anila.

Lola Nena: Nako, mukhang alam ko na kung nasaan.

"Opo." Anila.

Sa Hardin,

Chollo: Wow...ang gaganda na ng tanim na mga rosas nila Granny at Granpa.

"Iho, sabi na at dine ka agad didiretso." Ang bungad na sambit ni Lolo Entong.

Chollo: Grandpa.

Niyakap niya ito "Kamusta na kayo mag pipinsan?" Tugon ni Lolo Entong.

Chollo: Ayos lang po doing great kayo po ni Granny?

Lolo Entong: Okay lang naman medyo busy sa labas at harap ng bahay ang daming tauhan ang pinadala ng daddy mo dito para sa kaarawan ng Granny mo.

Chollo: Di pa po kayo na sanay doon anyways, naibigyan niyo na po ba ng roses si Granny?

Lolo Entong: Ay syempre.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts
Siguiente capítulo