webnovel

Final Chapter

Loey.

"What's your problem?" protesta ni Rose habang hila-hila siya patungo sa kung saan naka-park ang sasakyan ko.

"I said I'll take you home," I said with full authority. Winaksi naman niya ang kamay niya mula sa pagkaka hawak ko rito. "Bakit mo gagawin iyon?" naghalukipkip siya at nagtaas ng kilay.

"Bawal kang mag-inom."

"And who are you to tell me kung ano 'yong bawal at pwede sa'kin?"

"You're so stubborn." Matalim ko siyang tinitigan. Nakaka-inis 'yong inaarte niya ngayon. Nakapamaywang pa siya at nagmistulang spoiled brat.

"Alam mo, bumalik ka na lang d'on! Mahiya ka nga sa girlfriend mo—"

"Shut your mouth or else, I will shut it myself," I warned her.

Suminghal siya. "Bumalik ka na lang—"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil kinabig ko na siya palapit sa akin at mariin kong hinalikan ang mga labi niya.

I don't care if people will see us, I don't care if Izzi will see us. Ang totoo ay nagsabwatan lang naman talaga kami na pagselosin si Rose.

I am thankful to her dahil finally, tinanggap na niya nang bukal sa puso na kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.

I kissed her passionately. The kissed that I haven't done with her before.

I have no reservations now. Now that her heart is fine.

Wala akong naramdaman pagpro-protesta mula sa kanya at nararamdaman kong gumaganti siya sa halik ko.

It lasted for 5 seconds bago ko tuluyang pinakawalan ang mga labi niya.

She was left a little bit shocked to what I did.

Napa lingon kaming dalawa sa gawi ng ng resto, naroon pala lahat ng mga kaibigan naming naka tingin sa amin na kinikilig ang mga mukha.

Parang nahiya yata si Rose lalo na nang magkatinginan silang dalawa ni Izzi.

"I'm sorry," ani nito saka nag walk-out at pumara ng taxi. Parang na-istatwa naman ako at hindi ko na siya nagawang sundan pa.

 

 

 

 

 

 

***

"Bro, anyare? 'di ba pagseselosin mo si Rose? Bakit ganoon 'yong ending?" pangangantiyaw ni Blake sa akin. Naka tambay sila ngayon nina Jaydee at Angel ditto sa studio namin. "Ano bang ginagawa niyo rito?" tamad kong sabi sa kanila.

"Nakiki-aircon lang," tugon ni Angel.

"Ikaw kasi honey, tinagayan mo kasi si Rose kaya na triggered itong si Loey," sabi naman ni Jaydee kay Angel.

"Bakit parang kasalanan ko?" tugon ni Angel na nag ala-Bea Alonzo pa.

"Pero 'yong kiss bro, panalo!" sabi naman ni Blake.

"Panalo pero nagmatigas pa rin. Feeling ko nga mas lalong iiwas iyon dahil sa ginawa ko," nakasimangot kong tugon.

"Hmmm…" ani ni Blake na naka hawak sa baba nito na parang may na-iisip na ideya.

"Bro…"

"Bakit?"

"Bakit hindi ka kaya magpahabol?" anito.

"Magpahabol?" taas-kilay nitong pag-uulit.

"Iyong kagaya ng ginawa ni Kuys Jayem dati, nag istokwa ng Korea tapos hinabol ni Irene."

Mukhang maganda ang ideyang na-iisip niya. Pero effective naman kaya?

"Ang tanong ay kung hahabulin naman ba ako? Baka ang ending maging masaya pa siya na lumayo ako sa kanya."

Hinimas-himas ako ni Blake sa likod. "Bro, last bet mon a 'to, kung ayaw pa rin e "di give up na! wala namang masama kung susubukan mo hindi ba?" anito saka tumingin sa mag-asawa na nagsi-tanguan naman bilang pag sang-ayon.

And why not?

 

 

 

 

***

Sinunod ko ang payo ni Blake, nag-out of the country ako, pumunta ako ng Japan.

Sinabay ko na rin ang gala sa trip kong ito. Balak kong pumunta ng Mt. Fuji panuorin ang cherry blossoms at kung anu-ano pang pwedeng pagka-aliwan. Hindi ko na muna siya iisipin.

I badly needed some break din naman after all the hard work I did.

Ang dami ko nang plano sa isip ko, pero pagka lapag palang ng eroplano sa Tokyo Airport nang mag-ring ang cellphone ko.

Long distance call iyon galing kay Blake.

"Hello, bakit napa tawag ka?"

"Bro, si Rose!" anito nan aka-high pitch. Kinabahan tuloy ako bigla.

Ano na naman kaya ang nangyari sa kanya?

"What happened Blake? Tell me!" nag-aalala kong tanong.

"Naaksidente siya Kuys, hahabulin k asana niya sa airport e, nagpadalos-dalos siya, she borrowed my car key tapos nag maneho papuntang airport."

"Seriously? No way! Tsk she doesn't know how to drive, bakit na-isip niyang gawin iyon." Hindi ako makapag-isip ng maayos.

"Sorry bro, hindi ko alam talaga," tugon naman ni Blake. Pinatay ko na ang tawag, ang ginawa ko ay nag-book agad ako ng flight pabalik ng Pinas.

Sa pinaka mabilis na oras na flight papuntang Pinas ang pinili ko.

Hindi ako mapakali at naka-angat ang puwet ko sa seat ko.

Argh! I am so helpless. Wala akong ka-alam alam sa kalagayan niya ngayon. Kung ayos lang ba siya?

Hindi ko rin naman pala natanong kay Blake dahil sa sobrang taranta kong makabalik agad ng Pinas.

My phone is on flight mode and the plane already took off.

And I hate sitting on this seat feeling worried about her.

Finally, after 4 hours ay nakapag-land na rin kami sa NAIA.

Dali-dali akong sumakay ng taxi papunta sa Hospital na sinabi ni Blake mula sa text na natanggap ko mula sa kanya. And what is worst? Ngayon pa talaga ako hindi maka-text o tawag. Hindi naman nag-text si Blake tungkol sa kalagayan ni Rose kaya sobrang nag-aalala na ako.

Naisipan kong maki-text kay manong taxi driver pero nag hesitate na rin ako. Hinayaan ko na lang, total ay on the way na rin ako sa ospital.

Pagkarating ko ay napa tigil si Manong sa may gate ng ospital. Medyo malayo pa sa entrance ng mismong building.

"Manong bakit hindi po? Hindi po ba kayo makaka deretso sa pagpasok?" tanong ko.

"Hindi po Sir e. hindi yata sila nagpapapasok parang maraming ambulance na may sakay na emergency."

Medyo maliit lan din kasi ang espasyo ng field ng ospital na iyon. Wala akong choice kundi bumaba ng taxi.

Gabi na at malamig ang panahon.

Sa oras na makababa ako ay sakto ring pagbuhos ng ulan.

Hindi ko mapigilan ang mga luhang nag-uunahang bumagsak mula sa mga mata ko.

Napa luhod ako at umiyak sa damuhan.

I hope I am not yet late this time. Please.

Parang naghihina ako at hindi na makahakbang pa.

Parang kinakain ako ng takot sa puso ko sa kung anumang naghihintay sa akin sa ospital na iyon.

I was crying like a child while I am down on my knees and my face was on the ground.

 

 

 

 

 

"Uy, anong ginagawa mo riyan?" sabi ng isang boses sa akin.

I moved my eyes in front maintaining my bowing head.

 

I saw feet.

Slowly, I turned my head up and checked who was the owner of the feet and the voice.

I saw a face smiling at me.

The face I always wanted to see.

 

 

 

Rose.

 

"Anong ginagawa mo rito?" nagagalit kong tanong. Basang-basa na kaming dalawa sa ulan.

Naka hospital gown siya at may neck support collar 'yong leeg niya. Naka arm sling bandage naman 'yong kamay niya.

Maliban doon ay mukhang ayos naman siya.

"Nagpahangin kasi ako kaso biglang umula—"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita, niyakap ko siya ng mahigpit at humagulhol na ako.

Hindi ko inalintana kahit umuulan.

"Uy, bakit ba?"

"Wa-wala. Masaya lang ako dahil okay ka. I thought I lost you."

Narinig kong bumungisngis siya mula sa balikat ko.

"Para kang bata," aniya.

Patuloy parin ako sa pagyakap sa kanya at sa wakas ay tumila na rin ang ulan.

"Please huwag ka na ulit lumayo sa akin. Stay with me Rose. Don't go anywhere, stay with me for the rest of my life."

"Ahh…" aniya na parang nasasaktan. Na-ipit ko yata ang mga bali niya. Kumalas ako mula sa pagkaka-yakap saka hinarap siya at hinawakan sa pisngi. "I'm sorry," sabi ko saka hinaplos ang buhok niya.

"I promise, I won't go anywhere again. I will stay with you Loey, until the end of the rainbow. Until the end of this life given by Zoey. I will never leave again and I will take every risk just to be with you."

Walang humpay ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata naming dalawa. Muli ay sinakop ko ang mga labi niya. Isang matamis na halik ang aming pinagsaluhan na tumagal ng sampung Segundo.

At nang maghiwalay muli ang mga labi naming ay hinaplos ko ang kanyang buhhok at tinitigan siya sa mga mata.

"I love you Rose."

"I love you too Loey."

 

***

Makalipas ang isang buwan at nang maka-recover na si Rose mula sa aksidenteng natamo ay nagpasya kaming lumipad sa Autstralia para bisitahin ang puntod ni Zoey.

Naka himlay siya sa isang memorial garden sa Melbourne.

Nakaharap kaming dalawa ngayon ni Rose sa kanyang puntod. Inilapag ko ang boquet ng bulaklak rito at mataimtim na tinitigan ang pangalang naka-ukit.

Zoey Hernandez

"How are you? I am sorry kung ngayon lang kita nadalaw." Nilingon ko si Rose na nakatayo lang sa likod ko. Pareho pa kaming naka suot ng puting damit. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at hinawakan niya ito at lumakad palapit sa tabi ko. Inakbayan ko siya at magkatabi na kaming nakatayo sa harap ng puntod ni Zoey.

"Thank you, for giving her to me. I will always be grateful for the sacrifice that you did for us. You will always have that special place in my heart." I smiled and looked at Rose while patting her head.

Then Rose also spoke to Zoey's grave.

"Zoey, I will never forget you and our friendship. Thank you for letting me borrow your precious heart. I promise to take care of it," she paused and stared at me. "And I will promise to take care of him too."

I kissed her forehead and we seized the moment. And as the sun sets in the green field.  We both promised in front of her that if ever we will have a child.

We will name her Zoey.

***THE END***

 

 A/N

Maraming salamat po sa sumunaybay sa storyang ito. kahit aminado akong napakarami ko pang errors. dahil sa wala pang time mag edit, salamat pa rin at nagustuhan niyo po. Pero sabi nga, may hangganan ang lahat at dito na nagtatapos ang kabanata ni Rose at Loey. Happy na po sila hehe. Sana ay suportahan niyo rin ako sa susunod na kwento. (ang kwento ni Blake sa ikatlong book na ipopost ko rin dito. At kung nais niyo rin mabasa ang unang book which is Falling for you(Story ni Jayem)

mababasa niyo po ito sa Dreame under pay per chapter. meron din free coins na magagamit sa pag unlock.

Thankyou again and Godbless.

follow me at my accounts

FB Page: Miss Heiress

Group: MISS HEIRESS STORIES OFFICIAL

Thanks.