webnovel

Chapter 38

Loey

"Sir, hindi nga po kayo pwedeng pumasok. Wala ho kayong appointment," pagpipigil sa akin ng receptionist sa bungad ng company building ng Daddy ni Rose.

"How much will I pay for his time huh? Name your price!" asik ko sa receptionist.

"Sir hindi  po talaga—"

"Name your fucking price!" sumisigaw na ako dahil parang sinasadyang hindi ipakausap sa akin si Mr. Parque.

"Huminahon ka Loey," pagpipigil naman ni Dio na kasama ko ngayon.

N'ong isang araw, pumunta ako sa unit ni Rose, pero wala na siya roon.

"What is happening here?"

Finally, lumitaw na rin ang hinahanap ko. Si Mr. Parque.

Nilapitan koi to at nagmamakaawang humwak sa braso nito.

"Chairman, how is Rose? Nasaan siya?"

Malamlam na tumingin si Chairman sa akin.

"She is gone, hijo."

"What do you mean?"

Bumuntong hininga ito at napapikit pa. "She didn't survive the operation."

Sa itsura niya parang hirap siyang sabihin iyon, at parang hindi ako kumbinsido na totoo ang sinabi niya.

"No way, that is not true." Umiling-iling ako. Not this time! Kung dati ay napaniwala ako ni Zoey na patay na siya, ngayon ay hindi na ako magpapaloko sa pangalawang pagkakataon. No way Rose!

"Narinig mon a ang gusto mong malaman, you can leave my building now," sabi ni Chairman saka akmang aalis na.

"No Chairman, please tell me where she is." Hinaklit ko ang braso nito dahlan para ma alarma ang mga bodyguards nito. Hinawakan ako n'ong isa sa braso at pilit pinakalas mula sa pagkakahawak kay Chairman. Hinawi koi to. "Bitawan mo ako!"

Isang suntok ang natamo ko mula sa isang bodyguard dahilan para mapabagsak ako sa sahig.

"Loey!" sigaw ni Dio at nakipagtagisan pa sa bodyguard. "Hindi mo kailangang ganyanin!" sigaw nito. "Sorry sir pero threat sa security ng Chairman ang ginawa niya."

"Hayaan mon a siya Bart," Pagsabat naman ni Chairman saka lumakad na paalis. Sinundan ko siya ng tingin na naimo'y walang bahid ng awa manlang sa akin.

Pinahid ko gamit ang hinlalaki ang namumuong dugo sa labi ko mula sa suntok n'ong bodyguard.

"Halika na," ani ni Dio saka tinulungan akong makatayo. Pero bumalik rin ang isa pang bodyguard ni Chairman na tila may nais sabihin galing dito.

"Pinapasabi ni Chairman, pumunta ka raw sa Loyola Memorial Park. Nandoon ang puntod ni Miss Rose Marie."

Nagbagsakan ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala, may puntod? Ibig sabihin ba nito ay totoo talagang wala na si Rose?

Nabuwal akong muli sa sahig at naglupasay.

"Loey, tumayo ka na diyan please," paki-usap ni Dio. Medyo marami na rin ang nagtitinginang mga tao na kumukuha pa ng picture namin. Sinunod ko naman si Dio at tumayo na ako at lumakad na papunta sa sasakyan.

"Ano? Pupuntahan ba natin?" tanong ni Dio.

Hindi pa niya pinapaandar ang kotse. Natagalan akong sumagot.

Nagdadalawang-isip ako. Paano kung Makita ko ngang may puntod? Kakayanin ko ba?

O mangyayari ulit sa akin ang nangyari sa'kin noon kay Zoey?

"I understand, let's go home," sabi ni Dio saka binuksan ang engine ng sasakyan.

"Let's go there," sabi ko naman.

I have to. I have to be brave and face the reality.

"Are you sure?" Nag-aalalang tanong ni Dio.

Tango lang ang tinugon ko at nagsimula na siyang mag drive.

Kinakabahan ako hbang nagbibiyahe kami. Paano kung naroon nga ang puntod?

Humihiling ang puso ko n asana ay wala.

Sana wala.

Sa wakas ay nakarating narin kami sa Loyola Memorial park.

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Dio patungo sa sinasabing puntod matapos naming magtanong sa directory.

Mas lalong lumakas ang kaba ko sa dibdib.

Medyo may kalayuan ito sa gate kung kaya't medyo hindi mapigilang makaramdam ng pag urong ng bituka ko.

"Make up your mind bro," ani ni Dion a napapnsin ang pagkabalisa ko.

"Go on," sagot ko.

Nagpatuloy nga kami and finally, ay narating na naming ang puntod.

Sa hilera ng mga lapida na nakalagay sa lupa ay natagpuan ko roon ang pangalan niya.

Rose Marie Parque.

Nanginginig ang mga tuhod ko at napaluhod ako sa harap ng puntod.

Nag uunahang magbagsakan ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Noooooooooo!!!!!!!!"

She is gone.

She is gone.

My Rosie is gone.

Siguiente capítulo