webnovel

Chapter 12

Rose

"I will be honest with you Ms. Parque, your condition is getting worst. You really need to have a heart transplant as soon as possible."

I gasped an slowly processed what the doctor is saying to me.

Nakakapanlumo at sa tingin ko ay mas lalong humina ang puso ko nang marinig ko ang mga salitang iyon.

Kaya ayaw na ayaw kong pumupunta sa Doktor, dahil masamang balita lagi ang naririnig ko.

Kung hindi lang ako pinilit ni Yaya na pumunta rito ay hindi ko talaga gagawin.

What's the point of all of this? Kung doon din naman papunta ang lahat?

Nakakadagdag lang sa sama ng loob marinig ang mga ganoong kataga.

Nagpaalam na ako sa Doctor at lumabas ng clinic niyang nanlulumo.

Naupo ako sa bench sa may malapit sa balcony ng hospital at doon ay umiyak. Yumuko ako at tinakpan ng mga palad ko ang mukha ko.

I'm so hopeless. At pakiramdam ko ay ayoko na talagang ituloy ang buhay na ito, baka isang iglap lang habang nagsasaya ako ay baka bigla nalang akong mag shut down.

Kung tumalon na lang kaya ako sa building na 'to para wala nang problema?

Inalis ko na ang palad ko mula sa pagkakatakip sa mukha ko at pinunasan ko ang mga luha ko.

Nagtaka ako nang bigla akong nakakita ng kamay na naglalahad ng isang Alter eco dark chocolate.

Nagtatakang inangat ko ang ulo ko at tiningnan ko kung sino iyon.

Si Loey.

"Eat this," anito na iniaabot parin yung dark chocolate.

Medyo nag hesitate pa ako at tinitigan ko muna siya.

"Don't worry, dark chocolates are good for the heart." Mas lalo pa niya itong inilapit sa'kin.

Kinuha ko naman ito nang tuluyan at binuksan ko iyon saka kumagat ng kaunti. Naupo naman si Loey sa tabi ko.

"Binigay sa'kin 'yan ng Doctor ko, she is my friend's wife."

Naghalukipkip siya at nag dekwatro na pambabae saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sabi niya, dark chocolate helps people with depression feel happy."

Lumingon ako sa kanya at ganoon din siya. Isang matamis na ngiti ang ginawad niya sa'kin.

Galing yata siya sa isang Psychologist.

"I hope it could make you smile even just for awhile."

Mayamaya pa ay tumayo na rin ito.

"I'm going to have a coffee in SB, would you mind if you join me?"

Tumitig siya sa'kin, at hindi ko alam kung sinasadya niyang magpa cute o natural lang talaga siyang cute?

Yung malaking mata niya na sobrang bagay sa kanya. Napakaperfect ng mukha at ilong niya, pati ng lips niya at.

"Hello?" Naputol ang paglalakbay ng diwa ko sa mukha niya nang pinukaw niya ang atensiyon ko.

"Ahh. Sure."

Tumayo na rin ako at sumama na sa kanya papunta sa SB, nasa kabilang kanto lang iyon ng BGC.

Habang naglalakad kami ay saka ko lang napansin yung height niya, sobrang tangkad niya, sa tingin ko ay nasa 6'1 ang height niya habang ako naman ay 5'6 matangkadnna rin ang height ko para sa isang babae kayan hindi gaanong awkward. Hanggang balikat niya lang ako to be exact.

Pagpasok namin sa cafe ay nagtinginan yung mga tao na naroon. May mga babaeng kinikilig at naggwapuhan kay Loey.

Sikat nga talaga siya.

Dumeretso naman siya sa counter at tila may ibinulong sa cashier. Nagpapicture pa sa kanya yung ilang mga nakapila sa counter.

Nagtaka ako sa sunod na nangyari, pagkatapos bulungan ni Loey yung cashier ay nag announce na ito sa lahat na i-close na nila ang cafe. Kailangan nang lumabas ng mga tao at mayroon daw silang free drinks.

Sinenyasan ako ni Loey na umupo na lang at nag order na siya ng drinks.

Kaming dalawa na lang ang natirang customer ng cafe.

Pagkatapos niyang mag order ay pumunta na siya sa table na kinauupuan ko.

"Pinasara mo yung SB?" Tanong ko.

"Yup, for my privacy ginagawa namin 'yan ng friends ko." He smiled.

He also bit his lips at kumunot ang noo niya. "Kung nagtataka ka---"

"Alam ko na," I interrupted.

Then I smiled to him. "You're a famous rapper of a boy group."

Tumawa siya bigla.

"Nasabi na pala ni Yaya Shirley?"

I nodded.

"Magagalit na sana siya kasi nagpapasok ka raw ng lalaki sa condo mo, but when she arrived and saw me, nag iba yung mood niya."

Tumawa ako sa sinabi niya. "Sorry, hindi kasi talaga kita kilala."

"I know, you grew up in Australia right?"

Umiling ako. "Nope not exactly, I just studied there for eight years."

He nodded. Ang awkward nito, nawala bigla yung level ng daldal ko noong nasa cruise ship kami.

"About kanina," pagsisimula ko.

Ni serve naman yung drinks namin bago ako nakapagpatuloy sa pagsasalita.

Isang cafe americano ang kanya habang ang sa akin naman ay hershey's dark chocolate.

"What is it again?" Tanong niya.

Hindi ko maintindihan pero parang naghesitate akong magsabi sa kanya.

"Ah, wala may naalala lang akong malungkot. I just wanted to do something and, I just felt frustrated about it kaya, ayon!" Pagdadahilan ko na lang.

"Is it about composing?" Tanong niya bigla na ikinagulat ko.

Napatingin ako sa kanya, "how did you know about it?"

He smiled. "Hindi mo maalala? Nabanggit mo sa'kin last night."

Really? I did? Baka nga at nakalimutan ko. Isa kasi 'to sa epekto ng sakit ko.

Being forgetful.

"I can help you," he said.

"Huh?"

"Will you come with me? I'll bring you somewhere," he asked.

And suddenly thought of just following how the river flows.

Siguiente capítulo