webnovel

Seventh Letter

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko.

In-off ko na ito ngunit hindi agad tumayo.

Naalala ko 'yong nangyari kagabi. I guess, I started to live again yesterday.

Nagsimula akong mag-decide na huminga ulit. Nagsimula na akong lumaban. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ko na ipagpapatuloy ang pagsusulat ko ng letters.

Alam ko, kahit papaano nagkaroon ako ng pag-asa ngunit alam ko rin na panandalian lamang ito.

You know what, healing is weird. Sometimes, you feel just okay, you're doing fine. Other days it's still hurts like it's fresh.

Tulad ngayon, nararamdaman ko na namang mag-isa ako. Naaalala ko na naman 'yung sakit.

Tumulala ako ng ilang minuto bago bumangon sa kama.

Kinuha ko ang gamit ko upang magsulat ng sixth and seventh letter ko.

Ang pang-anim na liham na isusulat ko ay para kay Limuel. He's kind. Alam kong minsan natatarayan ko siya pero kahit gano'n tinuturing ko pa rin siyang kaibigan kasi tinuturing niya rin akong kaibigan.

Matapos kong isulat ang letter ko kay Limuel ay ang letter naman para kay ate Hazel. Alam kong kagabi lang kami nagkakilala pero naramdaman ko 'yong totoong ate sa kanya. Siguro masyado lang akong naa-attach sa mga taong pinapakitaan ako ng kabutihan.

Pero alam ko namang totoo 'yong pinakita sa 'kin ni ate Hazel.

Nang maisulat ko na ito ay nilagay ko na ang letters sa envelope.

Tinignan ko ang cellphone ko para makita ang oras pero mas napukaw ang atensyon ko sa unknown number na nag-text sa 'kin.

Wow! Ang ganda ng pangalang ibinigay sa 'kin nina mommy at daddy tapos tatawagin niya lang akong hoy? Aba! Ang ganda ng Angelica, Ange or Angel 'no! Siguro 'di niya kayang sabihin 'yong pangalan ko kasi masusunog siya. Kasi nga demonyo siya! Hays. Ang ganda ng umaga ko sisirain niya lang!

Iintindihin ko na lang siya. Baka 'di siya lab ng mama niya o baka maling bakuna ang naturok sa kanya no'ng bata pa.

Bumuntong hininga ako. Tatayo na sana ako nang biglang may nag text na naman.

Akala ko galing na naman sa ugok na 'yon eh! Kay Faith pala. Gumanda na ang araw ko dahil sa message ni Faith.

Ang sarap tumulong. Ang sarap pagkatiwalaan. Alam kong pinagkakatiwalaan ako ni Faith, specially now. Kailan ba ako magkakaroon ng clone? Gusto kong magkaroon ng isa pang ako.

Tumayo na ako para makapagluto na ng makakain. Hindi ako magaling magluto, saktuhan lang.

Siyempre, kailangan kong matututong tumayo sa sarili kong paa. Ako lang laging mag-isa eh.

Bago ako lumabas sa kwarto ko ay inayos ko muna ang mga envelopes na naglalaman ng letters ko. Tig-iisang envelope bawat letter. Kumuha rin ako ng ribbon para itali ito.

All is done! Matapos no'n ay lumabas na ako ng kwarto.

Huminga muna ako ng malalim.

"Breathe, Angelica!"

Handa na naman ako sa panibagong pagsubok na ibibigay sa 'kin.

Hayy, buti na lang at friday na. Last day ko na makikita ang mga judger. Walang ibang ginawa kundi husgahan ako eh.

Matapos kong magluto at kumain ay naligo na ako. Like the usual girl, I took too long when I'm in the bathroom.

Pero hindi ako tulad ng ibang babae na dahil sa ritwal ay matagal maligo. I'm still cutting my wrist. Like what I've said before, I'm addicted to it.

Para siyang drugs na nakakaadik at hindi mo kayang tigilan. Kaya hindi advisable na subukan kasi nakakaadik. Isang beses mo lang gawin, magtutuloy-tuloy na.

Baka siguro kailangan ko rin pumasok sa rehab para matigil ko na itong ginagawa ko.

You know what's ironic? I cut my wrist then after that I treated it.

Like what I'm doing right now.

Matapos kong maligo ay ginamot ko muna ang mga sugat ko. Mag-iiwan na naman ito ng marka. Markang nagsasabi sa aking mas damihan ko pa. Nakakabaliw.

Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, mas pipiliin kong hindi ito subukan.

Nagbihis na ako at maagang pumasok. Ayaw ko rin namang magpa-late sa klase kasi ayaw kong makita ang mga mapanghusga nilang mata tuwing papasok ako.

I'm tired facing them but I don't want to end it soon.

I don't want to end my life this way but the world pushes me to do this.

I just don't want to be out of the world without bidding goodbyes to them.

I just appreciate them being with me. I will cherish all the memories that we had.

Enough with drama, I just need to go to school early.

Isinukbit ko na ang bag ko. Kinuha ko na rin ang susi dahil baka makalimutan ko pa at hindi pa ako makapasok mamaya. Makalimutan ko na ang lahat, 'wag lang talaga ang susi ng bahay namin.

Dahil walking distance lang naman ang terminal ng tricycle mula sa bahay ay agad akong nakarating dito.

Medyo mahaba mahaba na rin ang pila. Ganito talaga kapag estudyante at commuter, ito ang laging kalaban namin. Minsan ang traffic pero mas madalas ang mahabang pila dahil iilan lang ang tricycle na pumapasada.

Inilabas ko ang earphone ko at inilagay ito sa tainga ko. Baka mamaya may kumausap na naman sa 'kin.

I don't feel socializing today. I just want to be alone. I'm used to it.

"Ange!"

Mas masaya akong kasama ko ang sarili ko.

"Pst hoy!"

Picture-perfect, you don't need no filter~~

This song is my favorite, kahit papaano, nafefeel kong mahalaga ako.

Gorgeous, make 'em drop dead, you a killer~~

Sana totoo.

Shower you with all my attention~~

Sana all binibigyan ng attention.

Lumingon ako sa likod dahil sa wakas may tricycle na rin.

"Ange!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Limuel.

"Sabi na nga ba ikaw 'yan eh!" Masayang masaya siya dahil tama ang hula niya.

"Bakit?" Tinanggal ko ang earphone sa tainga ko.

"Pasingit ha!" Bulong nito.

"What?"

"Joke lang, hindi ako sisingit. Yayayain lang sana kita." He genuinely smile at me.

"What?"

"Bingi ka na ba? 'Wag ka kasi laging mag-earphone. Lalo na kung malakas ang volume, alam mo bang nakakabingi 'yan?"

Umiling lang ako at tinalikuran siya.

"Oy teka muna." Kinalabit niya ang balikat ko.

"What?" Humarap na ako dahil nga nakukulitan na ako at ang awkward ng presensiya niya.

"What Queen."

"What?" Hindi ko masyadong nadinig dahil pabulong lang ang pagkakasabi niya.

"A-ah... E-eh.. wala po." Kinamot niya ulo niya. "Yayain sana kasi kita sa simbahan."

Siguiente capítulo