I am ready to get lost forever.
I am ready to let go of my life.
Then suddenly, my phone rings. I don't know who's calling but that call slap me to reality.
I picked it up. "Hello?"
"A-ange?" Nanghihinang saad niya mula sa kabilang linya.
"Faith? What happen?"
"Ang sakit kasi ng ulo ko. Pwede bang puntahan mo ako dito?" Aniya.
Kanina lang ay okay siya. Bakit bigla siyang nagka-sakit?
"Naka-uwi ka na ba sa inyo?"
"Oo, Ange. Sumama kasi pakiramdam ko kaya hindi ako nakasama sa kanila Jade. Wala din sila nanay dito. Please?"
"Okay, I'll be there as quick as I can."
"Salamat."
Minsan gusto ko din ng clone ko. 'Yong one call away lang.
Masakit man ang mga sugat ko ay ininda ko na lang ito. Mas kailangan ako ngayon ni Faith.
Nagbihis na ako at isinuot ang cardigan ko. Kaya nitong takpan ang mga sugat ko pero hinding-hindi ang sugat sa puso ko.
Agad akong nakarating sa bahay nila. Hindi naman kalayuan at hindi traffic.
Ito ang unang beses na makakapasok ako sa bahay nila. Hindi naman din kasi ako pala-sama sa mga movie marathon, 'yong tipong maattach sa family ng friends. Ayaw ko lang na pati sila masaktan sa pag-alis ko sa mundong ito.
Alam ko ang bahay nila dahil minsan ko na itong nadaan nung may group project kami.
Hindi kalakihan ang bahay nila, unlike sa bahay namin.
Simpleng bahay lang. Maliit kumpara sa amin. Pero mas masaya siguro ang ganitong bahay.
"Tao po? Faith?" Katok ko sa pinto nila.
"P-pasok." Mahina man ngunit dinig ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay nila.
Ang ganda at ang linis pala ng loob nito. Agad kong nakita ang mga pictures at medals na nakasabit sa wall nila.
Tatlo pala silang magkakapatid. I wish I had atleast one sibling.
Bunso siya. May kuya at ate siya. Hay. Sana ako din.
Nilibot ko ang paningin ko. May dalawang kwarto sila ngunit nakita kong nakahiga lang si Faith sa sala, sa may couch nila.
"A-ange? Ikaw ba 'yan?" Nakapikit na saad niya.
Halata ngang may sakit siya.
"Yes, ako nga. What do you want?" Nilapitan ko siya.
Hinawakan ko din ang noo at leeg niya. Sobrang init niya.
"May gamot ba kayo dito?" Tanong ko.
Umiling siya.
"Lalabas lang ako ha? Bibili ako ng gamot."
Agad-agad akong lumabas. Saan ba may pharmacy dito?
Buti na lang ay may malapit na tindahan upang mapagtanungan ko.
Naglakad ako patungo sa tindahan. "Kuya, sa'n po ba may pharmacy dito?"
"Bakit?" Pag-susungit nito.
"Wala ka na do'n."
"Bahala ka." Sabi niya at tinuon ang atensyon sa cell phone niya.
"Kuya, nagtatanong ako ng maayos."
"Kuya? Mukha ka ngang mas matanda sa 'kin." Aniya.
Huminga ako ng malalim. "Bata, sa'n ang pharmacy dito?"
Kung hindi lang ako inis ay baka natawa ako sa reaksyon niya.
"Fine." Aniya at inilapag ang cell phone.
"Diresto lang tapos kumanan ka."
Tumango lang ako at agad naglakad. Sasabihin din pala tsk.
"Wala man lang thank you? Psh."
Hindi ko na lang pinansin. Bahala siya. Napaka-sungit daig pa babae.
'Di naman gwapo.
Binilisan ko na ang paglalakad dahil baka kung ano nang mangyari kay Faith.
Sinundan ko lang ang direksyong sinabi ng bata. Bata kahit halatang ka-edad ko lang.
Buti na lang at hindi niya ako niloko dahil kung niloko niya ako ay baka sunugin ko ang tindahan nila. Joke lang. Hindi ako masamang tao.
Binili ko na ang dapat kong bilhin at agad na bumalik sa bahay nila Faith. Hindi ko na din pinasadahan ng tingin ang tindahang nadaanan ko.
"Faith, inom ka muna ng gamot." Sabi ko at pinaupo siya.
Ay, tubig pala. "Wait."
Kumuha ako ng tubig sa lamesa nila. Hindi pa pala sila naghuhugas. Mamaya ko na aasikasuhin 'yan.
"Ito, matulog ka muna ha?" Sabi ko at pinaiom siya.
Agad naman siyang nakatulog dahil ayan ang side effect ng gamot.
Hinayaan ko lang siyang matulog at naghugas na ako. Hindi din naman ako sanay na may makitang madumi sa paligid.
Tsaka, hindi ako naniniwala na kapag hindi pa nakatulog sa bahay ay hindi pwedeng maghugas.
Matapos nito ay isinulat ko ang pang-limang liham ko. Ito ay para kay Faith.
Matapos kong isulat ay nilagay ko na ito sa small bag na dala ko.
Pinagmasdan ko lang siya. Ang swerte niya.
Unti-unting bumukas ang mata niya kaya umupo ako nang maayos.
"How do you feel?" I asked, confused.
"Nahihilo at ang sakit pa din ng ulo ko," sabi niya at pumikit ulit.
"Angelica, sorry sa abala ha? Wala kasi sila nanay at tatay eh."
Sinapo ko ang noo niya. Sobrang init niya pa rin.
"Wala 'yon. Kung kailangan mo ng kasama, I'm always here." Ngumiti ako. Siguro ang sarap sa feeling nang may nag aalaga sa'yo kapag wala 'yong magulang mo 'no?
Ako kasi kapag wala ang magulang ko, mag isa ko lang hinaharap lahat.
Wala naman akong kapatid kasi hindi kaya nila mommy at daddy na magkaanak kasi baog si mommy. And yes, ampon lang ako.
"Faith! Faith! Nasaan ka?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng babae sa harap ko.
"Oh my gosh, okay ka lang ba?" Sinapo ng babae ang noo ni Faith. Kitang kita sa mukha niya ang pag-aalala.
"Okay lang po ako ate," nakapikit na saad ni Faith.
She's as pale as snow.
"I'll prepare soup for both of you. And hi?" Marahan niyang ibinaling ang tingin sa akin.
Like what I've said a while ago, first time ko lang nakapunta sa bahay nila Faith kaya hindi pa ako kilala ng mga tao dito sa bahay nila, icluding her ate.
"Hello po, ate? I'm Angelica." Nakangiting saad ko.
I wish I have an ate, too.
"Hi Angelica. Ako nga pala si Hazel. Sorry sa abala ha? After kong magluto ng soup at after mong kumain, pwede ka ng umuwi," aniya.
Ang sweet ng boses niya at ang hinhin niya lang magsalita.
Ang ganda ng kutis niya at bagay sa kanya ang kaniyang hanggang brasong buhok. Hindi sa lahat ng babae bumabagay ang maiksing buhok.
Ang ganda din ng fashion sense niya. I like the way she dressed up and carry herself.
"Wait a second!" Sabi niya at lumabas ng kwarto ni Faith.
Pinagmasdan kong matulog si Faith. Ang ganda niya din tulad ng ate niya.
Siguro, ang ganda ng lahi nila. Hindi naman kami sobrang close ni Faith. Humingi kasi siya ng favor sa'kin, kaya tinulungan ko siya.
Dahil sa tagal ng paghihintay ay 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nag unat ako. Humikab pa ako bago umupo.
Nagulat na lang din ako dahil nasa kama na ako.
Nilibot ko ang mata sa paligid at agad na hinanap ang bag ko.
"Who are you?" Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga.
Nagulat ang lalaki sa bigla kong pagsalita.
Kitang kita sa mukha niya ang pagkabigla at pag aalala.
"Why are you looking at me like that?"