webnovel

Second Letter

After naming kumain ay bumalik na kami sa kanya kanya naming room.

When I'm with them I feel home. But there's always missing. Maybe I just lost myself. I'm just pretend that I'm happy in front of them.

"Guys, tama na!" Sabi ng president namin at umupo na.

Biglang tumahimik ang classroom nang pumasok ako. And I know this cycle.

They are talking to me. They are talking to me and to my teacher.

Why can't they keep their mouth shut and say nothing? They are judging people who has a clean intentions.

The issue between me and sir Paul was nothing but a trash.

May kumakalat kasing picture sa gc namin na kayakap ni sir na estudyante. And that was me. Kitang kita ang mukha ni sir Paul samantalang likod ko lang ang kita.

They didn't know the story behind that yet they judge us. What's fcking wrong with that?

Nakita ba nila na umiiyak ako sa picture? Nakita ba nila 'yong peklat sa pulsuhan ko dahil sa paglalaslas ko? Fcking not!

Si sir lang 'yong tanging tao na nakakakita sa kalungkutan ko! He see sadness in my eyes even my lips are smiling.

He help me but they judged him. I don't know what to do right now.

Tahimik akong umupo sa upuan ko. Gusto kong umiyak pero walang pumapatak sa mata ko. Tuyong tuyo na siguro ang mata ko kaya kahit isang patak ay wala nang tumutulo.

"Hi Ange, kumain ka na?" Sabi ni Limuel.

Nginitian ko lang siya. I'm tired.

Kinuha ko ang earphone sa bag ko at sinalpak sa tainga ko. Wala akong balak makinig ng music. Ayaw ko lang kulitin ako ni Limuel.

Nagpanggap akong natutulog para hindi niya ako guluhin.

Ayon lang talaga 'yong plano ko at wala sa isipan kong pag-uusapan nila ako.

And here they go. They are talking to me as if I am not inside of the classrom.

Ayaw kong makinig pero rinig na rinig ko sila. Bakit kasi hindi ko na lang plinay 'yong music sa phone ko. Wrong move, Ange.

"Sigurado ako, si Samson 'yon," ani ng president namin. Alam ko 'yong mga boses nila kahit hindi ko sila nakikita.

She is referring to me. I'm Angelica Samson. The one they are talking.

"Hindi naman kita 'yong mukha eh." Mariing saad ni Limuel.

"Sino lang ba 'yong nagsusuot ng blazer sa'tin? 'Di ba si Samson lang?"

Nag agree naman sila.

"Pero hindi naman naka blazer 'yong kayakap ni sir, ah?" Ani Jude.

"Hindi nga, dahil hawak niya 'yon. Nakatago man pero kita pa din 'yong blazer. Izoom niyo." Sabi naman ni Liah.

"Ano ka, Liah, detective? Gago, pinag uusapan niyo nandito lang sa tabi ko. Magtigil nga kayo." Depensa ni Limuel.

"Tsaka alam niyong matalino si Ange. Hindi siya papatol sa teacer dahil ginagamit niya ang utak niya, hindi tulad ninyo na puro dada." Dugtong pa niya.

"Alam mo, Sansiesh, kahit gaano ka katalino, nagiging bobo ka pa din 'pag dating sa pag-ibig. Minsan nga kung sino pa 'yong matalino eh siya pa 'yung tanga sa pag-ibig."

"Gago! 'Wag mo idescribe sarili mo." Ani Limuel.

Tumahimik naman sila. Hindi ko alam kung bakit ako pinagtatanggol ni Limuel pero I'm thankful to him.

Siguro nasa meeting pa ang mga teachers namin kaya wala pang pumapasok sa'min.

Hindi ko tuloy makamot ang likod ko dahil nagpapanggap akong tulog. Sheet, ang kati na.

What should I do? Bakit ba kasi ang tagal nilang mag meeting?

Ilang minutong tumahimik ang classroom. Pinag usapan kasi sa gc na bawal makalabas ang issue. Ang issue ay sa room lang.

Hindi din nila sinasabi kong kanino nanggaling ang picture kaya clueless sila kung sino ba ang nasa picture. Hindi na pala sila clueless kasi may lead na sila at ako 'yon.

May nag send lang daw kay Safarah ng picture at sinend lang niya sa gc. Hindi niya din daw alam kung sino 'yon kasi dummy acc lang ang ginamit sa pag send.

Bakit kaya ako 'yong nasipan niyang gawan ng issue? At sino kaya 'yong taong maaring gumawa no'n?

Gano'n na lang ba siya kagalit na siraan ako? At ano ang mapapala niya doon?

Oo, gusto ko si sir Paul pero hindi ko ginagawa 'yon para mapalapit sa kanya dahil siya mismo ang lumapit at nakipag-usap sa'kin.

Karamihan naman sa mga estudyante ay gusto siya dahil gwapo at matalino siya. Maski ako ay hindi nakaligtas at nagkagusto sa kanya.

Maganda ang katawan, macho tignan. Matangos ang ilong at ang linis ng gupit niya. Malinis siya tignan. Mabait pa siyang guro pero bakit?

May naiinggit ba sa kanya? Naiinsecure? O sa'kin? Sino ang target ng gumawa ng issue, ako ba o si sir? Sino ang gusto niyang sirain?

Wala na akong pakialam sa ngayon dahil gusto ko na lang umuwi.

Hindi dahil mas nararamdaman ko doon na at peace ako pero dahil walang tao doon. Ako lang mag isa at magagawa ko ang gusto ko.

Kapag ganito, nakakawalang gana na mabuhay.

Nag ring ang cellphone ko. My life saver!

Inangat ko agad ang ulo ko para tignan kung sino ang tumatawag.

Si Rose pala.

"Hello?" Bungad ko.

Medyo kinabahan ako dahil bigla siyang napatawag.

"Movie Marathon daw tayo mamayang uwian sabi ni Jade. Pwede ka ba?"

"Ay hala. Hindi pwede eh. May tinatapos pa akong project." Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko talaga tumawag siya dahil alam niya na 'yong issue.

"Ano ba 'yan, Ange! Pero, sige. Tapusin mo na 'yan agad para bukas ng uwian makasama ka na sa'kin. Okay?"

"Sige, bukas na lang. Bye!" Binaba ko na ang tawag.

Gosh.

"Kailan nga deadline ng project natin, Sophia?" Tanong ni Limuel sa katabi niyang si Sophia. Nasa kanan niya ito.

"Next month pa." Sagot niya.

"Ahh, okay. Matagal pa pala. Pwede pa akong makasama sa gala namin nila Anthony." Aniya.

Alam kong pinaparinggan niya ako and it annoys me.

Alam niyang nagpalusot lang ako sa kaibigan ko at pinapamukha niya 'yon sa'kin.

Ano bang pake niya kung ayaw kong sumama sa mga kaibigan ko?

Okay naman siya kanina pero ngayon, iniinis niya ako.

Magsusulat na lang ako ng second letter ko. I want to write letters for sir Paulo. He just kind to me even if we didn't that close.

Matapos kong matapos ang letter ay biglang pumasok ang adviser namin kaya bigla kaming tumahimik.

"Class, you may now go. On going pa ang meeting ng mga teachers. Early dismissal ngayon and please wait for the further aanouncement on your group chat. Be safe class."

Nagsigawan ang mga kaklase namin dahil sa saya.

Ito lang ang hinihintay nila dahil ang teacher namin sa last subject ay sobrang terror.

Mabilis na nagsilabasan ang mga kaklase ko habang ako ay nag aayos pa lang ng gamit ko.

Nagulat na lang ako sa pagsulpot ng adviser namin sa harap ko. Nilibot ko ang paningin ko.

Kami na lang palang dalawa ang natitira sa room.

"Can we talk to you at the office?"

Siguiente capítulo