NASA labas ng ICU si Maze kasama si Kuya Shan at Ate Carila. Umalis sina Anniza at Joshua ng matapos ang operasyon ni Shilo, may malaki itong sugat sa balikat kung saan ito nabagsakan ng sanga ng puno. Hindi din kasi pwede magtagal si Anniza sa ospital dahil buntis ito sa magiging pangalawang anak sana ng dalawa. Nalaman niyang namatay ang unang anak ng mga ito. Nasa loob ng ICU ang ama at ina ni Shilo. Under observation ang binata at kailangan magising sa loob ng 24hours, dahil kung hindi ay magdedeklara ng comatose ang doctor. Kanina ay pinapapasok siya ni Kuya Shan ngunit tumanggi siya. Hindi niya kayang makita si Shilo sa ganoong sitwasyon. Mula kasi sa bintana ng pintuan ay nakita niya ang mga tubong nakakabit sa katawan ni Shilo. May nakabalot na bandage sa balikat, tuhod at ulo nito
Pauwi na daw ang tatlo mula sa isang bar kung saan nag-inuman ang mga ito ng may nakasalubong na isang truck ang kotse ni Shilo. Iniwasan naman ito ni Shilo ngunit hindi nito naiwasan ang isang puno na malapit sa kalsada. Naipit ang dalawang binti ni Shilo at malakas ang impact na siyang maari naging sanhi kaya hindi pa nagigising ang binata. May iilang sugat din ito sa mukha dahil sa bubog na nagmula sa salamin ng kotse nito. Maliban sa malaking sugat nito sa balikat ay malaki din ang naging pinsala sa mga tuhod ni Shilo at maaring maging dahilan ng pagkalumpo nito. Nang marinig niya iyon ay nanghina siya. Napaupo siya sa isang sulok at umiyak ng umiyak.
Ayon kay Kuya Shan, niyaya nila si Shilo para maglibang pero naparami ang inom ng binata. Pinigilan naman ni Kuya Shan si Shilo na wag magmaneho pero talagang matigas ang ulo ng binata. Papunta na daw si Shilo sa bahay niya para gawin sana ang planong pagsuyo sa kanya ng mangyari ang aksidente. Masyadong mabilis daw ang pagmamaneho ni Shilo. Humingi nang patawad sa kanya kanina si Joshua dahil hindi daw nito binantayan ng mabuti si Shilo. Kuya Shan and Joshua cried while waiting outside the operation room when they arrive.
"Are you okay?" tanong ni Kuya Shan. May iniabot itong isang paper cup na may lamang kape.
Napatingala siya. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Ngumiti siya ng bahagya rito at kinuha ang paper cup dito.
"I'm fine." Sagot niya kahit hindi naman iyon ang totoong nararamdaman.
She is not okay. Everything is not okay. Hindi niya alam ang gagawin ng mga sandaling iyon. She wants to cry. Gusto niyang magwala pero hindi niya magawa dahil hindi iyon makakatulong sa sitwasyon ngayon ni Shilo. She needs to calm down and compose herself.
"I'm sorry." Umupo sa tabi niya si Kuya Shan.
"I'm sorry for what?"
"For letting this happen. Sana hindi ko na lang niyaya si Shilo at nanahimik na lang kami sa bahay. Gusto daw niyang makalimut kahit saglit lang sa sakit na nararamdaman niya kaya lumabas kami. He wants to forget that you don't love him anymore. Gusto niyang kalimutan kahit saglit lang na wala ka na sa kanya. Shilo loves you so much, Kaze."
Yumuko siya at pilit na pinipigilan ang mga luha niya. She bit her lips to control her emotion. Unti-unting sumisikip ang dibdib niya. Nararamdaman niya ang kirot sa puso niya. Inilapag niya ang kape sa upuan at tumayo. Humarap siya kay Kuya Shan.
"I'm sorry if I hurt your brother. Mahal ko din si Shilo, Kuya Shan pero sana intindihin niyo din ang nararamdaman ko. He hurts me and left me with any further explanation. Ngayon ko lang nalaman ang mga rason niya sa pag-iwan sa akin. Hindi ganoon kadaling tanggapin ang lahat. Kaya sana wag niyo naman ipamukha sa akin na kasalanan ko ang nangyayari ngayon kay Shilo." Pumatak ang mga luha niya.
"Hindi iyon ang ibig kung sabihin, Kaze." Tumayo si Kuya Shan. "Hindi kita sinisisi sa nangyayari ngayon kay Shilo. Gusto ko lang malaman mo kung gaano ka kamahal ng kapatid ko. Mahal na mahal ka niya."
Hindi siya sumagot. Tinalikuran niya si Kuya Shan. Naglakad siya habang may luha na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Tinawag naman siya ni Kuya Shan ngunit hindi siya lumingon.
"Let her be, Shan." Narinig niyang sabi ni Ate Carila.
Naglakad siya ng walang deriksyon sa loob ng ospital. Natigilan lang siya ng makarating siya sa mini chapel ng ospital. Pumasok siya doon at umupo sa isang upuan. Tumingin siya sa rebolto ng Panginoon na nasa gitna ng kapelya. Ilang segundo siyang nakatitig doon. Hindi nagtagal ay lumuhod siya at nagdasal.
'My dear Papa Jesus, do you hear me? Naririnig mo ba ako ng mga sandaling ito. Lord, why? Why is it hard to be happy? Bakit lagi na lang ganito? Noon, akala ko ay masaya na ako sa buhay ko. I have everything, a good career, a loving mother and a good sister that I love. Kaya nga ako bumalik ng Pilipinas ay dahil masaya na ako sa buhay ko. Bakit heto na naman ako? Nasasaktan na naman ako ng dahil sa kanya. Ilang beses na ba akong umiyak ng dahil sa kanya? Ilang beses na ba akong nasaktan ng dahil sa kanya? Pero kahit ganoon, sa kabila ng sakit na ibinigay niya sa akin mahal na mahal ko pa rin siya. Sa kabila ng sakit at paghihirap na pinaranas niya sa akin, siya at siya pa rin ang taong tinitibok ng puso ko. Shilo forever have my heart. Sa kanya ang puso at kaluluwa ko mula ng araw na nakilala ko siya. Hindi ko na yata mababawi pa ang puso ko sa kanya.
Kahit ano panggalit at hinanakit ang nararamdaman ko sa kanya, makita ko lang ang malungkot niyang mga mata agad akong lumalambot. Shilo is my greatest weakness and also my strength. Lord, please! Let him live. Wag niyo pong kunin sa akin ang taong mahal ko. Hindi ko po kakayanin kapag nawala siya sa akin. Let us have our happy ending. Pangako ko po kapag binuhay niyo siya, mamahalin at aalagaan ko siya. Pangako, papatawin ko siya at kakalimutan ang lahat nang sakit na ibinigay niya sa akin.
Lord, let me have the man I love. Please, don't take away my happiness. You already play our heart before, so please give us this one. Ibigay niyo po sa amin ang masayang buhay na tanging hinihiling ko sa inyo. Noon at hanggang ngayon, lagi kong hinihiling na ibigay niyo po sa akin si Shilo. Nais ko po siyang makasama ng matagal. Nakikiusap ako sa inyo.'
Pinagdaop niya ang mga kamay at pumikit ng mariin. Yumuko siya at umiyak ng malakas. Naririnig sa apat na sulok ang pag-iyak niya. Wala siyang paki-alam sa iisipin ng mga taong naruruon. Ang nais niya lang ng mga sandaling iyon ay maki-usap sa Ama na ibigay ang kanyang tanging kahilingan.
'God, Nakikiusap ako sa inyo. Ibigay niyo po sa akin si Shilo, wag niyo siyang kunin. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Kailangan ko po siya para mabuhay sa mundong ito. God, kunin niyo na po ang lahat, wag lang si Shilo. Mababaliw ako kapag sa pangalawang pagkakataon ay kinuha niyo siya sa akin. Nakikiusap ako. Nagmamakaawa ako sa inyo, wag niyong kunin ang puso at buhay ko.'
"Lord, mahal na mahal ko siya. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin. Siya ang buhay at pangarap ko. Kung kukunin niyo po siya sa akin, paano na lang po ako? Anong sense ng buhay ko?" Umiling siya. Pinunasan niya ang mga luhang pumatak. "Minsan na siyang nawala sa akin. Hinayaan ko siya pero ngayon, hindi ako makakayapag na mawala siya sa akin. I may hate him but my heart is still in-love with him. Hindi siya pwedeng mawala sa akin. Hindi niya ako pwedeng iwan. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin." Napahagulhul siya sa mga palad niya.
Umiyak siya sa mga palad niya. Sobrang nasasaktan siya ng mga sandaling iyon. Ang bigat ng puso niya.
"Kaze..."
Natigilan siya ng marinig ang pagtawag ni Ate Carila. Lumingon siya at nakita niyang nakatayo ito di kalayuan sa kanya. May bahid ng mga luha ang pisngi nito. Lumapit sa kanya si Ate Carila. Agad siya nitong niyakap ng umupo ito sa tabi niya. Umiyak naman siya sa dibdib ni Ate Carila.
"Ate, bakit ang hirap magmahal? Kailan ba matatapos ito?" tanong niya sa ate Carila niya.
"Everything will be alright, Kaze. Wag kang susuko. Pagsubok lang ito sa inyo ni Shilo." Marahan nitong hinimas ang kanyang buhok.
"Ate Carila, mahal na mahal ko si Shilo. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko. Ikakamatay ko ate. Ikakamatay ko kapag tuluyan mawala sa akin si Shilo. Kapag nawala siya ng tuluyan sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko." Kumalas siya sa pagkakayakap kay Ate Carila. "Ate Carila susunod ako sa kanya sa kahit anong paraan kung kukunin siya sa atin. Hindi ko hahayaan na mag-isa siya sa pupuntahan niya. Susundan ko siya dahil iyon ang hindi ko nagawa limang taon na ang nakakaraan. Sa pagkakataon ito, susundin ko ang puso ko. Susunod ako kay Shilo kahit sa kabilang buhay pa."
"Kaze..."
"Ganoon ko siya kamahal, Ate. Hindi isang kamatayan ang magpapahiwalay sa amin. Hindi ako makakapayag, Ate Carila." Puno ng determinasyong sabi niya.
MARAHANG pumasok si Maze sa loob ng ICU. Pilit niyang pinipigilan ang mga luha habang naglalakad palapit kay Shilo. Seeing the man she loves at his state makes her weak. Nais niyang umiyak ng malakas, nais niyang tumakbo at takasan ang nangyayari. Pinipiga ang puso niya habang nakatingin dito. Nanginginig ang mga kamay at mga tuhod niya. Bago pa siya tuluyang matumba ay agad siyang napahawak sa kama nito. Pilit niyang inihakbang ang mga paa palapit kay Shilo.
Nang tuluyan makalapit dito ay hindi niya napigilan ang mga luhang pumatak. Umupo siya sa upuang nandoon. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang noo ni Shilo. May mga sugat at pasa sa gwapo nitong mukha ngunit kahit ganoon ay gwapo pa rin ito sa paningin niya.
"H-hey!" basag ang boses na panimula niya. Inilayo niya ang paningin dito.
Nagsisimula na naman sumikip ang dibdib niya. Tumingala siya para pigilan ang mga luha ngunit ayaw pa rin iyong huminto. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Kung anong sasabihin dito. Akala niya kanina pagkatapos umiyak sa harap ng Panginoon ay gagaan na ang pakiramdam niya at kaya na niyang harapin ang sitwasyon ni Shilo ngunit hindi pala. Sobrang sakit makita ang taong minamahal na sa ganoon sitwasyon. Pakiramdam niya ay siya ang nasa sitwasyon nito.
Huminga siya ng malalim at pinunasan ang mga luha. Hinawakan niya ang dibdib na naninikip ng mga sandaling iyon. Hindi siya pwedeng umiyak ng umiyak, hindi iyon magugustuhan ni Shilo.
"H-hey!" tumingin siya kay Shilo. "Wake up! Gumising ka dyan, Shilo. Di ba sabi mo susuyuin mo pa ako. Di ba sabi mo gagawin mo ang lahat para bumalik ako sa'yo at matuloy ang kasal natin. Kaya gumising ka dyan. Bakit mo ba lagi akong pinapahirapan? Bakit lagi mo na lang akong sinasaktan? Lagi mo na lang ako pinapaiyak." May bahid ng sumbat niyang sabi rito.
"Shilo, di ba mahal mo ako? Di ba sabi mo pakakasalan mo pa ako? Tutuparin mo pa ang mga pangako mo, di ba? Kaya gumising ka dyan." Muling pumatak ang mga luha niya. "Alam mo ba, unang pasok ko sa MDH ay ayaw kitang maging boss. Takot na takot kasi ako sa iyo. Para kang dragon kung magalit. Bumubuga ng apoy at nagwawala. Unang pagkikita natin ay noong interview ko. Galit na galit ka ng mga sandaling iyon kay Joshua. Pero kahit ganoon ang una nating pagkikita ay natutunan pa rin kitang mahalin. Nahulog ang loob ko ng naging sekretarya mo ako. Nakita ko na kahit paano ay may kabutihan diyan sa puso mo. Alam mo ba, kaya ako tumagal sa pagiging sekretarya mo ay dahil sa mahal na mahal kita. Inibig kita sa kabila ng mga pinakita mo. Ako na yata ang pinakamasayang babae sa mundo ng maging mabait ka sa akin.
"Lalo akong sumaya ng sabihin mong isa ako sa mga rason kung bakit nagbago ka. You make me so happy, Shilo. Lalo pang nahulog ang puso ko ng unti-unting naging malapit ka sa akin. I fall to you hard. Nang malaman kong fiance mo si Andria, pinilit kong lumayo para isalba ang puso kong nasasaktan ng mga sandaling iyon pero isang paki-usap mo lang. Isang pagmamakaawa mo lang, agad akong lumalambot. Sabi nga nila, marupok ako pagdating sayo. Kahit tutol ang isip ko ay patuloy parin kitang minahal. Patuloy akong nanatili sa tabi mo."
Marahan niyang hinawakan ang pisngi ni Shilo. Hindi na matigil sa kakapatak ang mga luha niya. Kahit anong gawin niya ay nasasaktan pa rin siya sa nangyayari sa kanila ni Shilo.
"Mahal na mahal pa rin kita, Shilo. Kaya sana wag mo akong iwan. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Oo sinaktan mo ako noon, iniwan at pinabayaan pero kahit ganoon, mahal na mahal pa rin kita. Ikaw lang ang laman ng puso ko mula noon hanggang ngayon. Tanging sayo lang ang puso ko kaya nakiki-usap ako sa iyo, wag mo akong iwan. Mahal na mahal kita."
Hinawakan niya ang kamay ni Shilo at marahan iyong pinisil. "Hindi ko kayang makita kang ganito. Oo galit ako sa'yo. Gusto kong gumanti sa pananakit mo sa puso ko pero sa tuwing nakikita ko ang sakit sa mga mata mo nais kong yakapin ka. Hindi ko naman talaga gustong magpanggap na girlfriend ni Sancho, gusto ko lang talaga na tigilan at layuan mo na ako. Takot na kasi ako, takot na akong masaktan ng dahil sayo. Takot na akong magtiwala sa iyo. Pero ngayon, handa na akong mahalin ka. Handa na akong bigyan ka ng isa pangpagkakataon. Kaya gumising ka na dyan. Gumising ka na, Shilo." Humagol-hul siya habang hawak ng mahigpit ang kamay nito.
Yumuko siya at hinalikan ang kamay nito. Umiyak siya ng umiyak habang hawak ang kamay nito. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya.
"Mahal na mahal kita, Shilo. Please! Wake up for me. Don't leave me." Pagsusumamo niya rito.
"I won't leave you."
Napa-angat siya ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nagsalubong ang tingin nila ni Shilo. Ngumiti ito sa kanya at marahang iniangat ang kamay. Pinunasan nito ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya.
"Shilo... S-Shilo..." banggit niya sa pangalan nito. Lalong bumuhos ang mga luha niya. Bigla niyang niyakap si Shilo. Umiyak siya ng umiyak sa dibdib nito. Hinagod naman ni Shilo ang kanyang buhok.
"Hey! Maze, please don't cry. Tahan na. I'm okay. I'm fine now." Bulong nito.
Hindi siya umimik. Patuloy lang siya sa pag-iyak. Sa wakas nagising na rin si Shilo. Kumalas sa pagkakayakap dito pakalipas ng ilang minuto. Hinawakan niya ang pisngi nito.
"Hey!" hinawakan ni Shilo ang kamay niya.
"Okay ka na talaga? May masakit ba sayo? Sandali tatawag ako ng doctor." Aalis na sana siya ng pigilan ni Shilo sa kanyang braso. Napatingin siya rito.
"Don't go."
"Tatawagin ko lang ang doctor mo. Kailangan nilang malaman na nagising kana para matingnan ka nila kung may--"
"I'm fine." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.
"We don't know yet. Kailangan matingnan ka ng doctor kung may iba pa bang masakit sa iyo." Muli sana siyang aalis ng humigpit ang hawak ni Shilo sa kanyang braso.
"Please don't go. Dito ka lang sa tabi ko." Hinatak siya ni Shilo. Napa-upo siya sa kama.
Tumitig siya sa mukha ni Shilo. Napakalambot ng ekpresyon ng mukha nito. Hindi din maitago ang saya sa mga mata nito. May humaplos sa kanyang puso ng makita ang saya sa mga mata nito. Napangiti siya at wala sa sariling hinaplos ang pisngi nito. Pumikit si Shilo at dinama ang kanyang marahang paghampos dito. Hinalikan nito ang kanyang mga palad.
"I thought I'm going to lost you." Sabi niya rito.
Nagmulat ng mga mata si Shilo. "I won't go anywhere without you, Maze."
Ngumiti siya. "Don't scared me like that, okay?"
Tumungo si Shilo. "Do you forgive me?"
Hindi agad siya nakasagot sa tanong nito. Nabalot ng lungkot ang mga mata ni Shilo at umiwas ito ng tingin. "Alam kong hindi madali para sayo ang lahat. Sinaktan kita, iniwan sa ere at binigo sa mga pangako ko pero sana mahanap mo sa puso mo ang kapatawan sa mga ginawa ko. Hindi ko nais na saktan ka, na iwan ka sa araw ng kasal natin. Alam kong mali ang mga ginawa ko kaya hindi na ako magpapaliwanag pa o depensahan ang mga ginawa kong desisyon. Humihingi na lang ako ng kapatawan sa mga nagawa ko. At sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon."
Hindi siya umimik. Yumuko na lang siya at pinisil ang palad nitong hawak niya. Ngumiti siya ng bahagya at tumingin sa mga mata nito. "Let's talk about us when you feel better."
Umiling si Shilo. "I don't want too. Gusto kong marinig mula sa'yo na pinatawad mo na ako."
"Shilo..."
"Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin, Maze? Hindi mo ba ako kayang bigyan ng pangalawang pagkakataon?"
Hinawakan niya ang pisngi ni Shilo. "Shilo, masakit ang ginawa mo sa akin noon pero kahit ganoon..." muling pumatak ang mga luha niya. "...mahal na mahal pa rin kita. At hindi ko kayang makita kang nasasaktan. Pinapatawad na kita Shilo."
Nakita niyang nagningning ang mga mata nito. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito at walang pasabing niyakap siya bigla. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Sobrang higpit nang pagkakayakap nito sa kanya. Ilang saglit din ay natauhan siya. Gumanti siya ng yakap kay Shilo. Nakaramdam siya ng kapayapaan sa yakap nito. Ipinikit niya ang mga mata para lasapin ang tamis ng yakap nito.
"I love you, Maze." Bulong ni Shilo.
"I love you too."
Kumalas si Shilo sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi. Nakatitig lang siya sa mga mata nito na puno ng pagmamahal. She feels free after she said those things to Shilo. Napapikit siya ng unti-unting inilapit ni Shilo ang mukha sa kanya. She is anticipating for their first kiss as a couple. Ngunit hindi pa lumalapat ang mga labi nito ng bumukas ang pinto ng kwarto.
"May happy ever after na ba?" tanong ni Joshua.
Inilayo ni Shilo ang sarili sa kanya. Narinig niya ang biglang pagmura nito. Napamulat siya at inis na tumingin kay Joshua. May ngiti sa labi ni Joshua pero agad din nawala ng makita ang galit sa mga mata niya. Nandoon na ang magic sa pagitan nila ni Shilo pero nasira ng dahil sa pasaway na pinsan nito.
"Oh! Did I disturb you two?" tanong ni Joshua at mabilis pa sa alas kwatro na lumabas ng kwarto.
Narinig niyang napabuntong hininga si Shilo. Napatingin siya rito. Nakita niya ang disappointment sa mukha nito. Hahawakan na sana niya ito ng bigla itong umiwas.
"I need to tell you something." Seryusong sabi nito.
"What is it?"
Huminga muna ito ng malalim bago kinuha ang dextrose na nakakabit dito. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Sisigawan na sana niya ito ng bigla nitong kinuha ang mga aparatong nakalagay sa katawan nito. Walang kahirap hirap nitong kinuha iyon. Kahit sa dextrose nito ay wala siyang nakitang kahit anong dugo. Tumingin sa kanya si Shilo pagkatapos. Guilty is written all over his face.
"W-what is happening?" tanong niya rito.
"I'm sorry. This is Joshua's idea for you to come back to me." Yumuko ito.
Gulat pa rin siyang tumingin dito. Anong ibig nitong sabihin na idea ni Joshua ang lahat? Wala siyang naintindihan sa nangyayari.
"What do you mean?"
Tumayo si Shilo mula sa pagkakaupo sa kama. Nagulat siya na maayos itong nakalakad. Pumunta ito ng pinto at binuksan iyon. Nakasunod lang ang kanyang mga tingin dito. Parang ayaw magprocess ng utak niya sa mga nakikita.
"Come inside, guys. I don't want to lie to my precious girl." Sabi ni Shilo.
Pumasok naman si Kuya Shan at Joshua. Nakayuko ang mga ito at ayaw siyang tingnan.
"Are you playing on me right now?" may bahid ng inis na tanong niya.
"It's not like that, Kaze. Ito lang kasi ang naisip kong idea para matauhan ka sa pag-ibig mo kay Shilo. Alam kong mahal mo siya at galit ka lang sa kanya. I'm sorry." Paliwanag ni Joshua.
Tumingin siya kay Kuya Shan. Hindi siya makapaniwala na kasama ito sa kalukuhan ng dalawa. "You made all of this." Tumingin siya kay Shilo na nakatingin sa kanya ng mga sandaling iyon. "Hindi ka naaksidente?"
Tumungo si Shilo at yumuko. Namutla siya sa natuklasan. Ang lakas ng iyak niya kanina tapos hindi naman pala totoo ang lahat. Umusbong ang galit sa dibdib niya. Tumayo siya at sinugod ang tatlong nakatayo ng mga sandaling iyon sa harap niya. Una niyang sinuntok si Joshua. Ito ang utak ng kalukuhan iyon. Napaupo ito sa sakit ng sinuntok niya ito sa tiyan. Sunod niyang sinuntok si Shilo na ininda ang ginawa niya.
"Mga manluluko talaga kayo. I hate you!" galit niyang sigaw at lumabas ng kwarto.
Agad naman siyang sinundan ni Shilo. Niyakap siya nito mula sa likuran. "I'm sorry, Maze. Please wag ka nang magalit. Nagawa ko lang naman iyon para makuha ulit kita."
"Bitawan mo ako, Shilo."
"NO! I won't let you go. Sinabi mong mahal na mahal mo ako kaya walang bawian. Hindi na kita hahayaan na mawala sa akin." Humigpit ang yakap nito sa kanya. "I will treasure you forever, Maze. I always and forever love you." Bulong nito at hinalikan siya sa kanyang noo.
Nanatili silang dalawa sa ganoong posisyon hanggang sa napabuntong hininga siya. "Pasalamat ka mahal kita."
Naramdaman niya na ngumiti si Shilo. "Thank you for loving me, Maze."
"Huh! Marupok lang talaga ako pagdating sa'yo." Sabi niya na ikinatawa ni Shilo.
"Marupok din naman ako pagdating sayo."
Hindi na siya sumagot. Isinandal niya ang likod sa dibdib nito. She really feels secured and comfortable when Shilo hug her. Para bang lahat ng bagay ay magiging okay kapag yakap at hawak siya nito.