webnovel

열여섯: I'm Not For You

Bigla namang nabangga ako ni Lee Woo Chan at muntikan na rin matanggal ang balot sa aking mukha. Dinaanan niya lang talaga ako, sabagay muntikan na nga niyang patayin ako. Hindi nga talaga siyang mabuting ama.

"Dae Hee?" – Court Lady Pyo

"Oh, andyan ka pala!"

"Anong sinasabi mo?"

"Ahh…wala."

"Tara na pinababalik na tayo."

"Sige susunod na ako."

Sana di na niya isipin yung mga narinig niya sa akin. Habang pabalik kami sa lugar namin, nagulat ako sa biglaang pagdating ni Tae Kyung.

"Dae Hee!"

Nakakabigla ang pagdating ni Tae Kyung dito, minsan lang siya pumupunta dito para bisitahin ako. Hindi alam ng ibang mga court lady ang patungkol sa relasyon namin ni Tae Kyung, si Tae Kyung ang tumulong sa akin noong tinalikuran o tinapon ako ni Empress Baek Ji Hyo at si Prince Woo Chan. Isa siyang opisyal sa isang malapit na bayan, at ang tawag sa kanya Lord Tae Kyung, ayokong malaman ng ibang tao ang relasyon naming dalawa, pero sadyang makulit lang talaga itong si Tae Kyung.

"Oh, bakit ka nandito?"

"Bakit bawal ba?"

"Alam mo naman na di nila alam na magkakilala tayo."

"Oo nga pala. Aayain lang sana kitang maglakad sa labas."

"Ahh, saan ba tayo pupunta?"

"Basta."

Pinagbigyan ko si Kyung at binilin ko kay Court Lady Pyo na may pupuntahan lang ako saglit. Habang naglalakad kami, medyo nagtataka ako dahil di naman kami palaging lumalabas ng ganito lalo na kapag ganitong araw. Lumipas ang ilang minuto at ang tagal na naming naglalakad halos lahat na yata ng bahay dito nakita ko na.

"Tae Kyung. Saan ba tayo pupunta?"

"Basta, may papakilala lang ako sayo."

Wala akong nagawa. Kahit pagod na pagod na ako kakalakad. Hanggang sa may nakita na kaming isang tarangkahan, medyo liblib ang lugar na ito. Kumatok si Kyung, at nakita ko si Lady Han.

"Pasok kayo!" - Lady Han

Di ko alam ang gagawin ko. Mamaya may mabanggit ako patungkol sa aking nakaraan. Alam kong medyo matanong si Lady Han.

Nag-usap sila ni Kyung, at tahimik lang akong umiinom ng tiyaa na inihanda ni Lady Han, ng biglang napadaan ang aking kapatid na si Ryeong.

"Dae Hee. Kanina ka pa nakatulala." -Tae Kyung

"Wag niyo ako alalahanin naalala ko lang po baka hanapin ako ng Empress."

"Nga pala ngayon lang kita nakita.?"

"Umm...seoreun."

*Translation: Umm...Thirty. *

"Parehas kayo ng edad ni Princess Ri Hwan."

"Ahh, opo nga po. Nasabi po ni Kyung."

"Ahh..."

Dahil naging malapit naman si Lady Han sa akin, gusto ko na sanang sabihin sa kanya ang totoong nangyari kay Ri Hwan. Inaya ni Tae Kyung si Ryeong na lumabas saglit.

"nan geunyang sinseonhan gong-gileul eod-eulgeoya." - Tae Kyung

*Translation: I'm just going to get some fresh air. *

"Ne!"

Nakaalis na sila at biglang nagtanong sa akin si Lady Han.

"Ano pala nangyari diyan sa mukha mo?"

"Umm...nasugatan po kasi ako dati."

"Sugatan ng?"

"Kutstilyo po."

"Bakit naman?"

"May gusto po kasing pumaslang sa akin."

"Ganon!?!"

"Matanong ko naman po kayo. Ano daw po ang dahilan ng pagkamatay ni Princess Ri Hwan?"

"Sabi nila pinatay daw siya ng kasintahan niya."

"Ahh...eh yung anak niya po?"

"Buhay siya. Si Princess-"

"Princess?"

"Oo. Saglit lang nga bakit ang dami mong tanong?"

Umm…sa totoo lang, di ko talaga alam kung sasabihin ko na. Ahh, basta

"Umm..Ang totoo po kasi niyan. Di talaga namatay si Ri Hwan. Hindi po siya pinatay nung kasintahan niya at hindi rin po babae ang anak niya."

"Huh? Paano mo naman nasabi, ngayon lang kita nakilala. Sabihin mo nga sa akin kung sino ka talaga!"

"A-ko po si Ri Hwan."

"Ri-- HwAn?"

"Opo. Ako po ito."

Saka ko tinanggal ang balot sa mukha ko. Nagulat siya sa nakita niya at niyakap niya ako dahil parang naging nanay ko na rin naman siya.

"Ikaw—nga si Hwan!" Biglang tumulo ang luha niya. Medyo matagal at mahigpit ang pagka

"Ganon pala ang ipinalabas nila."

"Sinong nila?"

"Eomeoni at si Abeoji."

"Ang Empress at ang Emperor?"

"Hindi po ang Emperor ang tatay ko, kundi si Woo Chan."

"Woo Chan?"

"Opo."

"Pero paano ginawang lokohin ng Empress ang Emperor?"

"Wala siyang pakialam sa mga mangyayari, ang gusto niya lamang ay maging Empress at gagawa sila ng paraan para maging Emperor si Woo Chan."

"Nga pala nasabi mo nga pala na hindi pinatay si Ri Hwan o ikaw, tapos hindi rin babae ang anak ni Ri Hwan?"

"Opo! Ganito po kasi yan, alam ng lahat na may relasyon kami ni Chief Kang Si-Kyung. At alam rin po ng marami na nagkaroon kami ng isang anak. Huling araw ko siyang nakasama noong magkasama kami ni Si-Kyung saka ni Young-In- "

"Young In?"

"Ahh, yun po kasi yung pangalan na gusto namin ni Si-Kyung."

"Ahh. Sige tuloy mo na."

"Pagdating ng gabi, may nagpadala ng liham sa akin na nakapangalan kay Si-Kyung, kaya sinunod ko ang sinabi doon sa sulat. Pagkarating ko sa lugar na sinabi, nakatali si Si-Kyung at nakita ko si Abeoji. Isang bagay na pinagsisihan ko ay dahil sinunod ko yung nasa liham. Biglang may pumalo sa likod ko at huling narinig ko ay sumisigaw si Si-Kyung at kinuha ni Abeoji si Young-In. Hanggang sa nagising ako na wala si Si-Kyung at si Young-In, nasa damuhan ako malapit sa lugar ni Tae-Kyung, at doon na rin ako natagpuan ni Tae-Kyung."

"Ahh, tapos nalaman mo na namatay si Si-Kyung?"

"Opo"

"Sana mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Si-Kyung."

"Oo nga po."

"Ang tanong, nasaan si Young-In."

"Di ko rin po alam, pero sa tingin ko may ginawa rin sila."

"Ayaw mo ba siyang hanapin?"

"Hindi po yun ang balak ko ngayon. Gusto ko na malaman ng lahat ng tao lahat ng ginawa ni Eomeoni at ni Abeoji. Dahil buong buhay ko sinunod ko sila sa gusto nila para maging Emperor si Woo Chan. At ang tanging gusto ko lamang noon ay mabuhay kasama si Si-Kyung at si Young-In. Habang buhay."

"Malungkot talaga ang nangyari sa iyo, Ri Hwan."

Biglang dumating si Tae-Kyung at inaya na niya akong bumalik.

LEE DONG MIN/DWAYNE LEE

"Jang Yeon!"

"Nae?"

"Ok ka lang?"

"Opo"

"Nagugutom ka na ba?"

"Umm, hindi po Pyeha, wag niyo po ako alalahanin."

"Pwede ba Jang Yeon! Wag mo na akong tawagin na pyeha."

"Sige po, ano po ba gusto niyong itawag ko sa inyo?"

"Min Min."

"Ahh, sige Min Min."

"Tama, ganyan nga, tapos itatawag ko sayo Yeonyeon." Naalala ko na lang bigla yung napanood ko tuloy si Min Min sa Strong Girl Bong-soon, saka yung shiniship ni Ryeong sa Twice yung 2Yeon.

"Sige!"

Napansin ko na medyo lumalayo sa akin si Jang Yeon. Saglit may nagawa ba ko? Did she feel embarrassed?

"Bakit ka ba lumalayo sa akin?"

"Ahh, wala lang po!"

"Nahihiya ka lang!" Bigla ko siyang hinila at—

"Aya!"

Translation: Ouch

"Wae?"

"Wala!"

"Ano to?"

"Wala po yan, wag niyo po alalahanin!"

"Anong wala, bakit di mo sinabi sa akin na nasugatan ka kanina!"

"Ayoko lang naman po kasi kayong mag-alala masyado."

Nahihiya ba siya? Hayss…

"Kaya mo pa ba maglakad?"

"Nae!"

Naglakad kami pero di ko talaga maiwasan na tanungin siya kung kaya pa ba niya dahil sa layo ng lalakarin pa namin.

"Jang Yeon"

"Po?"

"Kaya mo pa ba talaga?"

"Opo!" Mahinang sagot niya.

"Umangkas ka na lang kaya sa likod ko."

"Wag na po!"

"Malayo pa bago tayo makabalik."

"Kaya ko pa naman po."

"Sabing wag ka ng makulit! Hindi ka ba susunod?"

"Opo, ito na po."

Binuhat ko siya sa likod ko. At halata sa kanya na pagod na siya kakalakad.

"Buti nilagyan mo na ng tela yung sugat mo"

"Ahh, tinuro po sa akin ni Lady Han."

Pagkalipas ng ilang minuto di ko alam nakatulog na pala siya sa likod ko. Hahaha, ang cute niya. Ginising ko siya nung malapit na kami.

"Jang Yeon!"

"Po?"

"Napasarap yata tulog mo."

"Ahh, patawad po."

"Malapit na tayo, kaya mag-lakad ka na."

Nakabalik na kami sa palasyo, at halatang nag-alala sa amin si Abeoji.

"Dong Min, saan kayo galing?"

"May hinanap lang po kami."

"Ahh, may kailangan ka ba?"

"Kailangan ko po ng pagkain para sa aming dalawa ni Jang Yeon saka isang doktor po."

"Saglit inuutusan mo ba ako?"

"Hindi po, tinanong niyo po ako kung anong kailangan ko, at yun po ang kailangan ko po ngayon."

"Ahh, sige sasabihan ko si Court Lady Dae Hee."

"Sige po!"

"Tara pasok na tayo."

"Kamahala--, Dong Min dapat di na po kayo nagpakuha ng doktor."

"Yeon yeon, pagkatapos mo kumain at magpagamot umuwi ka muna sa bahay niyo at magpahinga ka muna."

"Sigurado po kayo?"

"Oo, at pupuntahan ko rin si Lady Han para sabihin yung mga nangyayari."

"Ahh, sige po."

Pagkatapos namin mag-usap dumating si Court Lady Choi Dae Hee.

"Pyeha, ito na po yung pagkain. Saka parating na rin po yung doktor."

"Ahh,sige Salamat."

Biglang nagtanong si Choi Dae Hee, dahil narinig niya na ang pangalan ni Lady Han.

"Kakilala niyo po pala si Lady Han?" - Choi Dae Hee

"Oo, bakit?"

"Ahh, wala po."

"Sige."

Pagkatapos naming kumain, dumating na ang doktor na inaasahan ko na kanina pa dapat dumating. Inayos niya ang sugat ni Jang Yeon at umalis na rin pagkatapos.

"Min min."

"Bakit?"

"Ano na kaya ang balita dun sa kumakalat na sakit?"

"Di ko pa alam, pero aalamin ko kay Abeoji."

"Ahh, sana matapos na ito."

"Sana nga. Nga pala, ihahatid na kita sa bahay niyo, doon rin naman ang daan ko papunta kay Lady Han."

"Ahh, sige po!"

Nag-paalam ako kay Abeoji na may pupuntahan lamang ako at baka gabi na ako makabalik. Agad naman niya akong pinayagan.

"Yeon yeon, tara na!"

"Sige po!"

Magdidilim na ng makarating kami sa bahay ni Jang Yeon. Agad naman akong nagpaalam.

"Jang Yeon. Kahit di ka muna pumunta bukas, wala rin naman ako dun."

"Sige po!"

"Ahh…"

"Bakit po?"

"May sasabihin sana ako."

"Ahh, may sasabihin din po sana ako."

"Sige sabay tayo."

"Saranghaeyo Yeon-yeon!"

*I love you Yeon-yeon! *

"Saranghaeyo Min-min!"

*I love you Min-min"

WAIT WHAT?!? SAGLIT AKALA KO SASABIHIN NIYA SA AKIN NA MAG-INGAT AKO. BIGLA AKONG NAPATALIKOD AT… SAGLIT BAKIT PARANG TUMAKBO AKO NG SOBRANG BILIS KAYA GANITO YUNG PAKIRAMDAM KO. DONG MIN OK LANG YAN.

"Ahh, sige mauna na ko Yeon-yeon!"

"Ahh, sige po!"

Biglang tumakbo si Jang Yeon. At ganon din ako nagmadali umalis. Gabi na ng marating ko ang bahay ni Lady Han.

"SEO JEONG!!"

"Bakit? Sino yan?"

"Si Dong Min."

"Ahh"

Bigla niyang binuksan ang pinto at agad pinagmadali niya akong pinapasok.

"Bakit na dalaw?"

"Kakamustahin ko si Ryeong."

"Ahh, ayun andun siya nakatitig nanaman sa buwan."

"Sige."

Balak kong gulatin si Ryeong. Bago ko siya gulatin nagsasalita siya mag-isa tapos ito yung sinabi niya:

"Gusto ko na makabalik sa present time. I can't take this anymore. Walang v-live, tapos sa tingin ko nailabas na yung bagong kanta ng Twice. Tapos wala man lang akong nadalang picture nila dito."

HAYY NAKO… SABI NA, NALULUNGKOT NANAMAN SIYA.

"Psst…"

"Dong Min!"

"Hahaha, narinig kita."

"Talaga?"

"Oo."

"Kung gusto mo na matapos na ito, bumalik ka na sa palasyo. At tulungan mo na ako."

"Sa totoo lang babalik na rin naman na ako. Maghintay ka lang."

"Kailan ba?"

"Sa mga susunod na araw."

"Sana naman tuparin mo yung sinasabi mo."

"Oo."

Biglang napadaan si Seo Na.

"Dong Min?"

"Seo Na!"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Binisita si Ryeong."

"Ahh, ng apala kamusta si Jang Yeon?"

"Yun maayos."

"Maayos naman pakikitungo mo sa kanya?"

"Nae. Matanong ko pala sa iyo, ano yung gustong-gusto ni Jang Yeon?"

"Umm, ang alam ko mahilig siya sa mga tula."

"Ahh, buti na lang may kakilala ako."

"Bakit?"

"Wala. Si Lady Han pala?"

"Ayan kababalik lang."

"Lady Han!"

"Dong Min! Anong ginagawa mo dito?"

"Madami po akong nalaman."

"Ahh, sige. Saglit ipaghahanda kita ng tiyaa."

Pinaupo ako ni Lady Han sa parang private room nila. Dito kasi sila kadalasan nag-uusap kapag mahahalagang bagay.

"Sige, ikuwento mo sa akin kung ano ang iyong mga nalaman."

"May relasyon po pala si Eomeoni at si Samchon. Sila ang nagbihag kay Hae Ra. Pati kami ni Jang Yeon binihag niya, ngunit kami ay nakatakas at ligtas naman po si Jang Yeon ngayon."

"Hayy, nako talaga yang Empress na yan. Unang kita ko pa lang talaga sa kanya, may balak na siya. Sana lang talaga malaman ng Emperor ang patungkol dito."

"Wala pa po akong balak na ipaalam sa kanya hangga't wala po akong matibay na ebidensiya na nagsasabi na may ginagawa silang kahinahinala."

"Nagpunta rin dito si Court Lady Dae Hee o si Princess Ri Hwan."

"Si Princess Ri Hwan?"

"Opo, kamahalan!"

"Ibig sabihin, hindi totoo yung sinabing pinatay siya nung kasintahan niya?"

"Siya ang nagsabi ng lahat, at gustong gusto niyang mahanap ang anak niya."

"Anak? Eh, diba si Princess Yena po ang kaniyang anak?"

"Sabi niya hindi babae ang kaniyang anak. At pinangalanan nila itong Young In."

"Pero…sino ang tunay na may sala?"

"Ang iyong ina at ang iyong tiyo."

"Hayyss…Sa tingin ko po madami na po akong nalaman, nais ko pa po sana magtagal. Hayaan niyo po gagawin ko po ang makakaya ko upang makakita ng solusyon. Mauna na po ako."

"Sige, mag-ingat ka!"

Umalis ako sa lugar nila Lady Han ng punong puno ng problema. Saan kaya ako makakahanap ng mga bagay na yun. Sa totoo lang nakakapagod naman na ito. Gusto ko na rin naman na yung buhay ko dati, isang simpleng tao na walang problema. Hayyss… Nakabalik ako sa palasyo, ng napansin kong parang may bisita. Tinignan ko kung anong meron at nakita ko ang namumuno sa isang bayan at ang kaniyang anak, at kausap nila Eomeoni at Abeoji yung mga bisita naming. Dumiretso na lamang ako sa aking kuwarto at nagpahinga.

Pagdating ng umaga katok ng katok sa pintuan ko ang isa sa mga court lady.

"Pyeha. Pinatatawag po kayo ng inyong ama."

"Bakit?"

"May maliit po na pagpupulong na magaganap doon."

"Ahh, sige. Susunod na ako."

Nagmadali ako sa aking pag-aayos. Nakarating ako sa lugar kung saan ako pinatawag ni Abeoji.

"Abeoji!"

"Dong Min, maupo ka!"

"Ano po ang ating pagpupulungan?"

"Nais kong ipakilala sayo si Lady Kim Jeon Hee."

"Mannaseo bangabseubnida!"

*Translation: nice to meet you! *

Yumuko naman siya at saka ako naupo.

"Ano po ang ating pag-uusapan?"

"Napagkasunduan namin na ipapakasal ka namin kay Lady Kim Jeon Hee."

"Po!?"

Saglit lang bakit ganto? Hindi dapat ito ang mangyayari kailangan ko magdesisyon.

"Ngunit hindi ko po siya gusto."

"Pero napagkasunduan na namin ito."

"Umm…kung wag niyo na lang po alalahanin yung napagkasunduan ninyo?"

"Wala kang Karapatan para utusan ako Dong Min!"

"Pero ako po ang kawawa. Sa tingin niyo po ba kapag nagpakasal ako sa kanya magiging maligaya ako? Mas ninanais ko pa po na umalis at makatuluyan ang babaeng minamahal ko."

"Para ito sa ikabubuti ng ating bansa."

"Sa ikabubuti? Ikabubuti ng bansa? Paano naman po ako, titiisin ko sa buong buhay ko na di ko kasama yung minamahal ko?"

"Oo, ganon ang patakaran dito. Bakit si Lady Seo Na ba ang minamahal mo?"

Bigla kong nakita si Jang Yeon at mukhang narinig niya ang sinabi ni abeoji.

"Hindi po. Si Court Lady Jang Yeon ang minamahal ko."

"Si Jang Yeon!?"

"Opo, pinangako ko sa kanya na palagi akong nasa tabi niya at hindi ko siya iiwan. At ayokong mabali ang aking pangako sa kanya."

"Dong Min! Kailangan mong sundin ang utos ng hari!"

"Kung ganon lang din po, gagayahin ko na rin po si Ryeong! Aalis na lamang ako, tignan ninyo pagkatapos. Lahat ng anak niyo iniwan na kayo. Si Ri Hwan, si Ryeong, at ako."

Napatahimik silang lahat at mukhang ang ibang mga court lady ay nakatitig kay Jang Yeon.

Naglakad ako palabas at hinawakan ko ang kamay ni Yeon Yeon at lumabas kami ng palasyo at sobrang saya ko.

"Yeon yeon!"

"Po?"

"MALAYA NA KO!!"

Pero nakita ko si Jang Yeon na parang malungkot.

"Yeon, bakit parang…"

"Alam niyo po. Di niyo naman po kailangan gawin yung mga bagay na iyon."

"Saglit anong ibig sabihin mo?"

"Mas maganda po kung susundin niyo lang po ang Emperor, isa lang po akong court lady at kayo po ay isang prinsipe. Hindi po ako karapat-dapat sa inyo."

"Hindi, kahit ano man ang mangyari sasamahan kita."

"Paki-usap lang po Dong Min, bumalik ka na."

Bakit ganito, ginawa ko naman ang lahat pero ganito siya. Haysss…

Siguiente capítulo