webnovel

열: Finding The Culprit

Pagkatapos ipaalam ni Emperor Lee ang mga mangyayari sa susunod na mga araw. Naglabasan kaagad ang mga tao. Nagmadali ang mga ito papuntang pamilihan ng makabili sila ng kanilang pangangailangan. Bago sumapit ang dilim hinintay ng mga tao ang pinangakong tulong ng Imperial family. Ngunit sumapit na ang dilim pero wala pa rin si Prince Lee Woo Chan, siya ang naatasan para dito.

"Kuya Seo Jeong".

"Hm?"

"Asan na kaya si Prince Chan?"

"Di ko alam, pero nakakahalata akong may nangyayaring hindi maganda".

"Huh? Anong ibig sabihin mo?"

Hindi niya ako sinagot. Pero nakahahalata akong may mapapahamak. Hanggang sa dumating si Prince Woo Chan.

"Patawad po kung masyadong matagal bago kami nakarating". - Prince Lee Woo Chan

Halos iilan lang ang mabibigyan. Napakaonti ng daladala nila. Hanggang sa nabigyan na ng mga guard ang ilan sa mga tao, at nabigyan isa kami sa nabigyan. Ngunit halos ang iba ay wala. Biglaang nagreklamo ang mga tao at dinumog ang lugar kung nasaan si Prince Lee Woo Chan.

"ASAN NA YUNG SA AMIM?" - mga tao

Bigla naman akong hinila ni kuya.

"Kuya!!"

"Pagkadating mo sa bahay ilagay mo yan sa secret room or lab ko. Medyo may pag-aaralan ako".

"Huh ano, pag-aaralan? Para sa?"

"Di mo na kailangan malaman pa!"

"Pero kapatid kita!"

"Hindi lahat kailangan mong malaman".

"Pero- "

"Bakit ba ang kulit mo, pwede ba matuto ka munang makinig sa akin. Please!"

"Ok…"

Umuwi kami ni kuya ng di nagpapansinan medyo seryoso nga siya. Pumunta kaagad siya sa lab niya or secret room niya. May gagawin siya at di ko alam kung ano yun. Hayss. Madaling araw na ng napansin kong natulog si kuya. Inisip ko na sumilip sa lab niya pero nakakandado ito at maaring marinig niya ako kapag sinubukan ko. Hanggang sa may narinig akong nagsalita.

"Psst, bakit ka pa gising?"

"Ahhh, si Kuya gising pa. Ahh, may kukunin lang sana".

"Alam mo makulit ka talaga, pero sige papayagan kita, wag na wag mo sasabihin ito kahit kanino kundi mapapahamak tayo".

"Talaga!"

"Oo na"

Pinakita niya sa akin ang isang board, naglalaman ito ng drawing ng mukha ng tao. Dito mahilig si kuya mag-drowing, mag-investigate, kaya nagkakasundo sila ni Tal Ro.

"Teka si Prince Woo Chan yan ah?" – Seo Na

"Oo, siya ang pinaghihinalaan ko na may kapakanan ng lahat ng nangyayari ngayon. At mukhang may kemikal na halo ang mga binigay na relief, tulad ito nung nasa tiyaa ni Hae Ra. Hindi nagkakalayo na pwedeng may mamatay dahil ditto sa kemikal".

"Kemikal?"

"I mean flower"

"Flower?"

"Oo, pagkinain mo ito, magkakaroon ka nung virus, or sa present time yung CB20. Ginamit din pala dati ito ng namumuno sa timog laban sa mga maaring manakop, halos mga matatanda ang nakakaalam ng kwentong ito".

"Pero, paano yung nabigyan kailangan natin silang pigilan".

"Pinaalam ko na yun".

"Ahh, pero tinapon na nila?"

"Hindi, ayaw nilang maniwala".

"Huh? Pero- "

"May choice sila kung paniniwalaan ako, hindi ko kailangan ipilit yun".

"Kuya, gusto mo humingi tayo ng tulong kay Dong Min?"

"Hindi, siguradong hindi sila maniniwala hangga't wala akong matibay na ibidensiya".

"Pero kalian?"

"Sa tamang panahon".

"Bukas nga pala pupunta ako kay Dong Min, sasama ka ba?"

"Hindi muna, may aasikasuhin ako".

"Sige, matutulog na ulit ako"

"Sige"

Sumikat na ang araw at nandoon pa din si kuya sa lab. Umalis na rin ako.

"Dong Min!" – Seo Na

"O, andyan ka na pala. Si Seo Jeong?"

"Di siya pupunta".

"Bakit naman?"

"May nalaman kasi siya patungkol sa ti- "

"Sa?"

"Ahh, wala wala patungkol sa tirahan nung doctor".

"Ahh. Sige maupo ka"

Hayysss. Muntikan na. Dumating si Ryeong at pinag-aralan namin ulit yung tiyaa at yung libro. Napatanong ako kay Dong Min.

"Dong Min"

"O?"

"Paano kung yung taong may gawa nito malapit sayo?"

"Di ko siya patatawarin".

"Pwede ba labas muna tayo may sasabihin ako".

"Ano?"

"May alam ako".

"Sino yun?"

"Naalala mo yung tiyaa ni Hae Ra?"

"Oo"

"Yung nagbigay sa kanya may nilagay na kemikal at yung tiyaa kapag nainom yun ni Hae Ra maari siyang magkaroon ng virus".

"Pero malay mo may mga servant na naglagay nun, bakit mo isisi kay Samchon?"

"Oo na. Naisip ko lang".

Gumabi na at umuwi na rin ako. Pagdating ko wala pa rin si kuya kahit sa lab niya wala siya. Asan na kaya yun. Haysss. Kaming dalawa lang ni lola o ni Eomma ngayon. Mas lumalim ang gabi pero wala pa rin siya. Nagtanong ako kay Eomma.

"Eomma alam niyo po ba kung nasaan si Seo Jeong?"

"Hindi, pero matulog ka na nagpaalam siya na may lalakabayin daw siya at baka natagalan lang".

Mas lumalim ang gabi pero wala talagang dumadating. Ano na kaya nangyari

"Ano Seo Jeong? Di ka pa rin ba magsasalita kung nasaan yung libro?" – Unknown person

"Eotteohge gamhi! Ikaw ang muntikang pumatay sa kapatid ko!"

*Translation: How dare you! *

"Sige na, sabihin mo na!"

-Silence-

"Di ka sasagot?" (Biglang sinugatan sa braso si Seo Jeong)

PRINCE LEE WOO CHAN

"Tama na yan! Sige na ako na to"

"Woo Chan! Tama ako, ikaw. Ikaw ang dapat sisihin sa lahat ng ito!"

"Ako? Hahaha"

"Oo, ikaw"

"Tandaan mo kung sino kausap mo ngayon!"

"Isang masamang tao"

"GUSTO MO DAGDAGAN KO YANG SUGAT MO?"

"KAHIT DAGDAGAN MO PA, BASTA SASABIHIN KO KUNG ANO ANG MGA MASAMNG GINAWA MO WOO CHAN!"

"KUNG KAYA MO LANG! AKO ANG ISA SA MGA PRINSIPE AT MASTER KA LANG DITO. HALOS WALA KANG SILBI DITO. SAKA SINO MANINIWALA SAYO. YUNG NANAY MO? KAPATID MO? KUNG YUNG PINIGILAN MO NGA YUNG MGA TAO MAY NANIWALA BA? WALA! KAYA WALA DIN MANINIWALA SA SASABIHIN MO NGAYON"

GEMSON LEE/ MASTER HAN SEO JEONG

Biglang akong nahimatay at pagkadilat ko nasa harap ako ng Emperor at ng Empress at ng maraming tao. Nagbubulungan sila at nakita ko sila Eomma si Seo Na sila Dong Min. Bakit ako nandito, mukhang galit na galit ang mga tao sa akin. Hanggang sa nagsalita ang Emperor.

"Han Seo Jeong, ikaw ba ang pumaslang sa dalawang palace guard?"

"Hindi po, pyeha!"

"Pero ano yung sugat mo sa braso?"

"Sinugatan po ako ni Lee Woo Chan"

"Pero may testigo tayo na nagsabi na ikaw ang pumaslang. Maaring ba magsalita yung testigo?"

"Opo, nakita ko po si Seo Jeong na pinaslang ang dalawang guard. At may ibidensya po ako, ito ang po ang isang piraso na natanggal sa damit ni Seo Jeong. Hawak po ito ng isang palace guard". -Testigo

"Ano ang maipaglalaban mo?"

"HINDI AKO ANG GUMAWA NIYAN SI LEE WOO CHAN!"

"Pero, nagbigay patunay ito sa masamang ginawa mo, kaya hinahatulan kita ng kamatayan".

"HUWAG PO, EMPEROR LEE! Di po siya ang may sala sa pagpaslang sa dalawang palace guard" – Crown Princess Hae Ra

WHAT WILL HAPPEN TO SEO JEONG?

[TO BE CONTINUED..]

Siguiente capítulo