webnovel

하나: The Epidemic

[하나: The Epidemic]

--ZELINE HAN –

"Huwag po munang lumabas ng mga bahay ngayon dahil lumalaganap po ngayon ang CB20 Epidemic. Sa mga oras na ito, parami po ng parami ang kaso na umabot na sa 1,143 cases sa buong South Korea kaya doble ang pag-iingat. Ipinatupad na rin ang total lockdown sa Linggo sa buong Seoul. Ang mga sintomas ng CB20 ay lagnat, matinding ubo at sipon, pagsakit ng ulo, pagkahilo, pagdurugo ng ilong, pagsusuka ng dugo, pamumula ng mata at hirap sa pagdumi. Bantayan ang sarili at tumawag sa mga sumusunod na hotline kung may nararamdamang sintomas nito."

Hayy, nakakalungkot ang makikita mo sa balita. Nakakaawa ang lahat ng mga mamamayan at gobyerno ng South Korea ngayon. Hindi ko alam kung san ba kasi nanggaling ang virus na yan. Sana lang hindi na madamay pa ang ibang bansa sa crisis na meron kami ngayon dito.

"What's this? How did this thing happen?" Apektadong apektadong hirit ni Ryxen. Paano ba naman kasi, nakakatakot at masyadong mabilis ang mga pangyayari.

"Dahil daw sa exotic foods. Sabi naman ni Dwayne."Diba mahilig ka dun?"

Tumingin si Ryxen ng masama sa kanya. Hay nako, I smell away.

"So what? What are you trying to say?" Mukhang nainis na si Ryxen.

"Wala. Ikaw naman, joke lang eh." Hirit ulit ni Dwayne.

"This is serious, Dwayne. Stop your jokes, it's not funny." Iritang saad ni Ryxen.

Oo, lagi namang ganyan yang dalawang yan. Grabe makahirit 'tong si Dwayne samantalang si Ryxen, pikon. Pero this time, agree naman ako kay Ryxen, hindi magandang magjoke ka pa ng ganyan…

"Ryxen's right. Wala namang masama na magjoke ka, Dwayne, but not this time." Pagsang-ayon ko sa sinabi ni Ryxen.

"See?" Pang-aasar pa niya (Ryxen)

"Okay, okay, sorry." Sabi ni Dwayne at nag-peace sign.

Nagulat naman kaming lahat sa biglang pagpasok ni Kuya Gemson, kapatid kong katropa din namin.

"Hoy! Imbis na magtalo-talo kayo dyan, ba't di nalang kayo tumawag ng driver para makauwi na kayo?" Singit ni kuya sa usapan.

Medyo mahihirapan pa naman kasing makauwi sina Dwayne at Ryxen dahil sa biglaang pag-aannounce ng lockdown. Nagkalat tuloy ngayon ang mga checkpoints. Wrong timing kasi na nandito pa sila sa bahay namin. Sa totoo lang kanina pa tumatawag si Tita Riana dahil nag-aalala na siya sa anak at pamangkin niya. Oo, magpinsan sina Dwayne at Ryxen tas para paring aso't pusa.

"Wala pa kaming matatawagan ngayon, malakas din kasi ang ulan at mahina ang signal. We'll just wait for few more hours, baka matawagan na kami." Pagpapaliwanag ni Dwayne.

Nagulat naman ako nang biglang ilipat ni Ryxen yung pinapanood. What the? Anong trip ng lalaking 'to?

"Hoy Ry! Ba't mo nilipat ha?" Saway ko sa kanya.

"Ayoko na ng pinapanood nyo, boring." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ha? Akala ko ba sabi niya kanina 'this is serious'. Bipolar ba 'to?

"Anong boring ka dyan? Importante ang makinig sa news ngayon! We need updates tungkol sa virus at sa ipinapatupad na lockdown."

"Yes, I know. Pero hindi ba mas nakakakaba pang malaman yung about sa cases? Nakakapagpanic."

"Kahit pa, Ry. Atleast we're informed para mas alam natin kung paano tayo mag-iingat against it." Sagot naman ni Kuya Gemson sa kanya. Huh! Buti naman nagseryoso ang utol ko ngayon.

"Tsh, fine." Sabi ni Ryxen at sumimangot sa isang tabi. Hay nako, sinaniban na naman siya ng pagiging pikon at spoiled brat.

Ma-attitude ang mga kaibigan kong 'to. Si Ry, yun nga pikon at pasaway. Si Dwayne, maloko at medyo mayabang. Si Kuya Gemson, masyadong maraming nalalaman kaya naging philosopher, in tagalog, pilosopo.

Bigla namang may tumabi sa'kin, si Hyra pala, galing kitchen. Isa rin siya sa tropa. Actually, dalawa lang kaming babae dito kaya mabilis kaming nagkasundo.

Napansin ko lang na parang ang weird niya ngayon. Dati kasi ang hyper niya at napaka-clingy sa lahat, ngayon parang sumobra siya sa distansya, kahit sa boyfriend niyang si Ryxen. Napansin ko rin na medyo namumutla siya, malamlam din ang mata.

"O ayan na pala si Hyra, alam niyo para hindi na tayo lahat ma-stress ng masyado, laro na lang tayo." Biglaang pagsu-suggest ni Kuya. Pero mukhang wala kami lahat sa kondisyon, lalo na si Hyra.

"Hy, ok ka lang?" Tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya sa'kin. Okay confirmed, hindi nga siya okay. Kung ayos lang siya, baka tinatawanan pa niya ko.

"Huy, may problema ba?" Pangungulit ko pa sa kanya. Feeling ko talaga may mali, iba ang kutob ko.

"No, I'm fine, Zel. Don't worry." Nginitian niya ako, pero alam kong peke yun.

"Gusto mong maglaro?" Tanong ko sa kanya kasi mukhang gusto nang magsimula ng boys na mabilis mang mawala sa mood, mabilis ding maging ok.

"Uhm, sige." Sabi niya pero nag-aalangan ako, mukhang di talaga maganda ang pakiramdam niya.

Tumabi si Ryxen sa girlfriend niya at mukhang nag-aalala rin siya para rito.

"Babe," Tawag ni Ryxen kay Hyra "You ok?"

"Not actually, babe but.. don't worry, I'm going to be fine." Sagot ni Hyra.

"Ok na lahat ah? Start na tayo ng game." Sabi ni kuya at nagsimula na nga kaming maglaro ng boardgames.

Sa kalagitnaan ng laro, bigla namang natawag ni Hyra ang atensyon namin.

"Babe, Hyra..what happened?" Nag-aalalang tanong ni Ryxen.

Pati kaming tatlo ay nagpanic na. Sinasabi na nga ba, hindi talaga ok ang pakiramdam ni Hyra.

"B-Babe, san ako pwede m-mahiga? N-nahihilo ako.." Mahinang sambit ni Hyra.

Dinala naman namin siya taas sa may kwarto. Pero pagkarating namin dun, bigla naman siyang nasuka.

"Babe!" Alalang-alalang inasistihan ni Ryxen ang girlfriend niya.

Kahit kami ay kinakabahan sa nangyayari sa kanya.

Pagkalabas ni Hyra sa kwarto ay ikinagulat namin dahil.

"Hyra.."

"Anong nangyari sa'yo!?"

Punong-puno ng dugo ang bibig niya. Namumula rin ang mata niya.

"N-Nagsuka ako ng dugo.." Halos naiiyak na sabi niya.

Teka!

Mali sana ang iniisip ko.

"Wait, babe. May lagnat ka!" Sabi ni Ryxen nang hipuin sa noo si Hyra.

May lagnat siya..

Kahapon ang sabi niya sumakit ang lalamunan niya at bigla siyang inubo.

Nung gabi, nagkasipon siya at halos hindi makahinga dahil barado ang ilong niya.

Masakit din daw ang tiyan niya kaninang umaga, hindi siya makadumi pero nagsusuka siya.

Medyo nahihilo daw siya kanina.

Namumula ang mata niya ngayon

Tapos ngayon naman, nagsuka na siya ng dugo..

Hindi nga kaya..

CB20 Carrier na si Hyra?

Tumigil naman na ang mga nakapapangambang nangyayari sa kanya at mukhang ok naman na siya pero talagang kabado ako.

Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact sa mga nangyari lalo't alam ko ang mga sintomas ng CB20 at nagpapakita si Hyra ng sintomas nito (isa pa dito andito siya sa bahay, maari rin kaming mahawa dahil dito).

Biglang nagsalita si Kuya na tumawag na daw si Tita Riane at susunduin na daw sila, so wala akong nagawa, nanahimik lamang ako at di ako comfortable sa paligid ko. Alam ko na dapat ako tumawag ng ambulansya para maihatid siya at magamot siya.

Dumating si Tita Riane

Biglang inaya ni Kuya Gemson si Tita Riane na kumain muna.Kinakabahan ako, pwedeng madamay sila Dwayne, Ryxen, Tita Riane, kuya, at ako. Di ko inaasahan na malapit siya sa akin. Pinuntahan ko si Tita Riane at sinabi ko, Tita mag-mask po kayo kahit sa sasakyan at mag-disinfect po kayo after.

"Di naman kaya ako mahirapan sa paghinga sa kotse ko?"

"Pero tita sabi po sa balita, malay niyo po nasa paligid lang po yung virus".

"Sabagay, sige maraming Salamat sa pagpapaaalala ha!"

Nasabi ko na nga sa kanila na mag-ingat sila kahit ang hirap sabihin na parang, alam mo na itinataboy ko si Hyra dahil sa posibilidad na positibo siya dito.

Umalis na nga sila. Ang di ko alam, may ideya na pala si Kuya dito na maaaring carrier si Hyra. Kaya nag-disinfect kami.

Noong araw na yun, wala si Mama't Papa. Nasa ospital sila at naka-duty sila. Si Mama't Papa ay naka-aasign sa isang private hospital sa Daegu at magtatagal sila doon ng ilang linggo. Pumunta kami sa Asan Medical Center na kakaunti lamang ang layo sa aming bahay.

Nakitaan kami ng onting sintomas nito at mukhang suspected pa lang kami, nagpa-test na rin kami para sure, may pupunta din daw sa aming bahay ngayon upang idisinfect ito, at mag-quarantine kami for 2 weeks.

Matapos ang mga ito, tumawag kami kayla Dwayne at ipinaalam ang mga ito.

"So,tingin niyo postibo si Hyra?"

Biglaan naman nitong narinig ni Ryxen

"Ano yang sinasabi niyo na si Hyra positive? Paano mangyayari yun, saka diba palagi rin naman siyang nagkakasakit?"

Galit na galit na sinabi ni Ryxen. Kaya binababa ko na ito, ang sakit kasi sa tenga ng boses niya. Hayyss, siguro ganon lang talaga siya kasi, mahal niya si Hyra. Biglaan namang tumawag si Hyra sa akin

"Hyra! Kamusta pakiramdam mo?"

"Zeline! Ok lang naman. Alam ko na medyo nag-aalinlangan ka na baka carrier ako."

"Umm, sa totoo lang, oo. Gusto ko lang naman din mag-ingat pero ayoko rin naman saktan yung damdamin mo".

"Alam ko naman yun, pero didiretsuhin na kita, nalaman ko lang ngayon na positibo ako".

"Tskkk. Sabi ko naman sa iyo mag-ingat ka. So, asan ka ngayon?"

"I-aadmit ako sa isolation room ngayon, di rin daw pwede bumisita ngayon, basta tatawagan ko na lang kayo para alam mo yun magbigay update, hehe. Saka wag mo kalimutan na ipag-pray mo ko na gumaling ako kaagad ng magkita na tayo ulit."

"Oo naman, kami din ha, ipanalangin mo din kami na wag kami mag-positibo. Basta mag-ingat ka, ha!"

"Bye!"

"Bye".

Ito ay isang nakakabiglang pangyayari sa amin. Di ko inaasahan na mangyayari ito.

Biglang dumating si Lola

"Halmeoni!"

"Halmeoni, bakit po kayo nadalaw dito?"

"Oo nga po?"

"Ay nako, pagsalitain niyo na nga muna ako. Sinabi ng mama't papa niyo na dumito muna ako para bantayan kayo, at maghahalungkat ako ng gamit sa baba."

"Ahhh…Eh, si tita po?"

"Hinatid lang niya ako".

"Eh si tito Willard po?"

"Wala siya, naka-duty siya ngayon".

Medyo kinabahan ako bigla. Di alam ni lola na nagdisinfect lang kanina. At di pa namin alam kung negatibo ba kami ni kuya.

Umakyat na kami ni kuya sa taas at pinipilit naming lumayo muna kay lola. Biglang tumawag ang ospital na pinuntahan naming kanina, malalaman na namin kung positibo kami o hindi.

"Ahh, based sa test ok naman ang katawan niyo at wala namang nakikitang kakaibang nangyari sa inyo, pero may symptoms kayo kanina diba umubo kayo at sinisipon? Base sa result ng test…"

[TO BE CONTINUED..]

Siguiente capítulo