webnovel

Chapter 4 - I'm Only Me When I'm With You

Chapter 4

I'm Only Me When I'm With You

TRISTAN

A day after, Adalyns' accident. Unconscious pa rin ang kaibigan niya.

Unfortunately her friend diagnosed with shoulder subluxtion injury. Kung saan ang humerus ng kanyang left arm ay bahagyang lumabas sa gleniod socket ng balikat nito.

"ADALYN!!!!" hindi malaman ni Tristan ang gagawin noong makita niya si Adalyn na biglang nahulog sa 9 meters tall Pyramid formation ng kanilang cheerleading squad.

Dali-dali siyang tumakbo sa open field para puntahan ito.

Gusto niyang magmura.

Alam niya at kitang-kita ni Tristan kung sino ang football player ang gumawa ng long ball shot na iyon na tumama kay Adalyn.

Na ngayo'y tumatakbo papalit na rin kay Adalyn kagaya niya.

Nauna itong dumating kay Adalyn.

Sumunod si Adalyn ngunit hindi siya makalapit sa kaibigan dahil nagkumupulan ang mga cheerleading squad sa paligid nito. Nakita niya si Adalyn na nakahiga sa damuhan pumapalahaw at pumipilipit sa sobrang sakit.

"Damn!" he came here para panuorin ang practice drill nila nina Maggie pero bakit kailangang mangyari ang ganitong klase ng aksidente sa kaibigan niya.

Hinanap niya si Maggie, nakita niya ito sa kabilang side wala naman itong injury dahil nasa base line ito ng Pyramid Formation.

"Guys wag masyadong lalapit, give Adalyn some space" ani ng kanilang coach.

Sinubukan ni Tristan lumapit doon kay Adalyn pero hinarang sila ng mga prompters ng cheerleading club.

Ang nakalapit lang doon ay ang coach ng squad si Maggie at si Treyton.

"HEY-HEY! DUDE! TULOONG! KUMUHA KAYO NG STRETCHERS SA EQUIPMENT ROOM!" Treyton. Tawag nito sa tatlo niyang kasama.

Gustong-gusto niyang lapitan ito at suntukin sa mukha.

Because of him naaksidente ang kaibigan niya.

"It's okay... don't sleep grab my arms you can pinch me, squeeze my arms if you want okay? don't sleep you'll be okay!" Tristan

"Ang balikat ko..hindi ko...hi-hindi ko maramdaman" paiyak na usal ni Adalyn. Dinig iyon ni Tristan.

Alalang-alala ang mga kasama ni Adalyn sa kanya.

"It's okay.. don't worry you'll be fine" Treyton.

"Treyton.." sambit ni Adalyn.

Hindi na nakatiis si Tristan sa nakikita niya kaya pwersahan na siyang kumuwala sa mga prompters na humaharang sa mga estudyante na nanunuod sa nangyaring aksidente sa field at lumapit doon kay Adalyn.

"Adalyn!" ani ni Tristan. Hinawakan niya ang kamay nito.

"Tristan! oh gosh nawalan siya ng malay tao" ani ni Maggie na nasa paanan din ni Adalyn.

Dinampot ni Tristan ang Football Uniform ni Treyton.

"Kasalanan mo 'to!" bulyaw niya sa harap ni Treyton at tinignan ito ng masama.

Tumingin din sa kanya si Treyton pero siya nito sinagot at kapagkuwa'y bumalik ito sa pag-aasikaso kay Adalyn.

Dumating na rin sa wakas ang stretcher at ang mga tinawag nilang medical students.

Hindi na pumayag si Tristan na si Treyton pa ang umalalay sa kaibigan.

Kumukulo ang dugo niya rito.

Kinabig niya ito at tinulak palayo.

Pagkalagtag ng stretcher sa damuhan ay si Tristan ang tumulong sa tatlong medical students upang maingat na ipatong ang walang malay tao na si Adalyn sa ibabaw ng stretcher.

Sumunod si Maggie at Tristan patungo sa paparating na ambulansya sa open field.

Isinakay nila si Adalyn sa loob ng ambulansya.

"Isara niyo na... kailangan na nating makarating sa hospital!" utos ni Tristan sa mga medical students nang makasakay na sila sa loob kasama si Maggie.

Ngunit agad namang kumunot ang noo ni Tristan ng biglang sumulpot si Treyton pagkatapos ay umakyat at sumakay din sa loob ng ambulansya.

"I'am responsible fo this please let me come" paki-usap nito kay Maggie.

Tumango lang si Maggie. Isinara nito ang pinto ng ambulansya.

"Tsss" walang magawa si Tristan dahil kung magpo-protesta pa siya na pababain ito sa ambulansya ay lalo lamang silang matatagalan at isa pa'y kailangan na talaga nilang isugod sa hospital si Adalyn dahil baka mas lalo pang lumala ang injury na maaring tinamo nito.

Walang nagsasalita sa kanilang tatlo habang mabilis na umaandar ang ambulansya papuntanh Hospital.

Nababanaag ang pag-aalala sa mukha ni Maggie habang hinahaplos ang ulo ni Adalyn.

Si Treyton nama'y nakayuko lang. Napailing na lamang si Tristan.

Lumabas lang saglit si Tristan para bilhan ng pagkain ang Mama at kapatid nitong lalake na buong magdamag nang walang tulog sa pagbabantay kay Adalyn. Mabuti na lamang at hindi na daw kailangang mag conduct ng surgery para sa injury na tinamo ni Adalyn.

Magkakaroon lamang daw ito ng 3 weeks closed reduction theraphy para maibalik sa normal ang movement ng kanyang balikat.

Hindi parin niya maatim na makita si Treyton na umaaligid sa kaibigan nito.

Nagpipigil lamang si Tristan dahil nariyan ang Mama ni Adalyn at ang kapatid nito.

Ang totoo'y wala naman siyang authority para pigilan ang isang taong ayaw niyang makita na lumalapit sa kay Adalyn. Ang mama parin ni Adalyn ang masusunod.

Itinuring na niya talagang malapit na kaibigan si Adalyn. Kahit na bago lamang ito sa grupo nila nina Maggie at Cleo ay hindi nito ipinaramdam kay Adalyn na iba ito sa kanila.

Isa lang ang prinsipyo ni Tristan para sa mga nagiging kaibigan niya, kapag nakita niyang may nanakit sa mga ito ay hinding-hindi niya talaga ito palalampasin.

Pagkagaling niya sa Cafeteria ng hospital ay naglakad na siya pabalik ng second floor sa kwarto ng kaibigan kung saan naka-confine si Adalyn.

Paakyat na siya sa hagdan patungong second floor ng makita niya ang Mama at ang kapatid na lalake ni Adalyn na tila paalis na ng hospital.

"Tita! uuwi ho ba kayo?" tanong ni Tristan.

Huminto ang mga ito ng makita siya.

"Oo iho, pero babalik din ako mamaya ihahatid ko lang si Justine para makapagpahinga kailangan din kase niyang pumasok bukas dahil examination week na nila" ani sa kanya ng Mama ni Adalyn.

"Ah ganoon ho ba? eh sino pong nandoon kay Adalyn?" Tristan.

"May dumating na lalake kuya, sa pagkakaalam ko kaibigan din daw siya ni Adalyn.. hmmm si Treyton daw?" Justine.

"Ah, oo si Treyton yung kasama ninyo ni Maggie noong isugod ninyo si Adalyn dito sa hospital... eh ang sabi niya he can stay for awhile habang umuwi kami ang akala kase namin ni Justin ay umuwi ka na kase hindi ka na nakabalik" ani ng Mama ni Adalyn.

"Bumili po ako ng pagkain.. pero sige po kami na po ang bahala kay Adalyn Tita! ingat po kayo" Tristan.

"Okay sige.. salamat ha?" mama ni Adalyn.

"Tsk!" binilisan ni Tristan ang paglalakad.

"Ang lakas talaga ng loob ng Treyton na 'yon para magpakita dito!" sa isip ni Tristan.

Halos ipagtabuyan na niya ito noong isang nakaraang araw binalaan na niyang huwag na itong magpapakita sa kanya maging kay Adalyn sa hospital pero tila ba nagmamatigas ito sa banta niya.

Nasuntok pa nga niya ito sa mukha pero hindi ito gumanti o kumibo manlang sa halip ay nagpumilit itong pumasok sa kwarto kung saan naka-confine si Adalyn.

Malapit na siya sa pintuan, nanlaki ang mga mata ni Tristan ng makita niya sa open glass window ng pinto si Treyton na nakayuko at napakalapit ng mukha sa mukha ng kaibigang si Adalyn.

Agad niyang binuksan ang pinto ng kwarto.

"ANONG GINAGAWA MO?! AH?!!!" Treyton.

Dumistansya naman kaagad si Treyton.

Inilapag ni Tristan ang mga dalang pagkain sa lamesa at dinampot ang kwelyo ni Treyton.

"HUWAG NA HUWAG MONG SUSUBUKANG..." Tristan habang nanlilisik sa galit ang mga mata na nakatingin kay Treyton.

"What?! lumapit lang naman ako kay Adalyn dahil akala ko gising na siya...dahil narinig ko siyang nagsalita" Treyton.

Kumalma naman si Treyton. Binitawan niya ang kwelyo ni Treyton at tinulak ito sa dereksyon ng pintuan

"Umalis ka na! hindi ka niya kailangan!" deklara Tristan kay Treyton.

"No, I'm not leaving... " protesta naman ni Treyton at naupo pa sa bakanteng upuan malapit sa hospital bed ni Adalyn.

"Tsss... ilang beses ko bang sasabihin sa'yo hindi ka niya kailangan?!" Tristan.

"And who are you to tell me what I have to do?.." Treyton. In sarcastic tone.

"Kaibigan ako ni Adalyn.. at mas alam ko kung ano ang mas nakakabuti sa kanya!" Tristan.

"Tss.. you're just a mere friend, you don't have the authority to control everything about her" Treyton.

Parang nasampal si Tristan ng sinabing iyon ni Treyton. Totoo nga, tama nga ito..kaibigan lamang siya ni Adalyn at wala siyang authority para kontrolin ang mga bagay na nangyayari sa paligid nito.

" Just Leave! " Tristan said.

Treyton just chuckled sarcastically.

Inis niyang tinungo ang mga pagkain na inilagay niya sa ibabaw ng mesa. Inayos niya ito upang baka sakaling magising na si Adalyn ay malagyan manlang ng pagkain ang tiyan nito.

"Hindi parin siya nagigising hanggang ngayon.." ang sabi ni Treyton matapos ang isang oras na katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Tristan.

"Tsss.. binigyan siya ng doktor ng ilang mga gamot para makapagpahinga, mataas na dosage ng pain-killers matapos nilang i-reform ang nangyaring dislocation ng kanyang balikat, she was really in pain because of what you did ! " sagot ni Tristan.

"It was a pure accident! alam mo yan.. I don't need to explain more...ang gusto ko lang ay gawin kung ano ang nararapat...kung kailangan kong humingi ng tawad sa kanya ay gagawin ko" Treyton.

"Oh come on! don't be so over dramatic dude! hindi bagay sa iyo" sarkastikong komento ni Tristan sa sinabi ni Treyton.

Tinignan lamang siya ni Treyton ng masama.

"Ugh... hmm..hmmmpp" gumalaw si Adalayn.

Pareho silang napatayo sa kinauupuan.

Hinipo nito ang sintido niya, sunod ay ang balikat nito na mayroong shoulder braces.

Agad na lumapit sa kanya si Tristan.

"Adalyn... gising ka na, wag ka munang gagalaw ang balikat mo" Tristan.

Napangiwi ng husto ni Adalyn marahil sa biglang pagkirot ng kanyang balikat.

"Si Mama.." usal nito kay Tristan.

"Umuwi sila saglit ng kapatid mo" Tristan.

"Anong araw na ba ngayon?" Adalyn.

"You've been sleeping for 1 day since the accident" Sagot ni Tristan.

Nahagip ng tingin ni Adalyn si Treyton na nasa loob din ng kwarto.

"Treyton?" Adalyn.

"Uhmm.. tatawag lang ako ng nurse para i-check ka" Tanging tugon nito at lumabas na ng kwarto.

"Bakit nandito si Treyton?" tanong ni Adalyn kay Tristan.

Ngumiti lamang ito sa kanya.

"Don't mind him okay?ang importante okay ka na Ad" ani ni Tristan.

Hinawakan nito ang kamay ni Adalyn at pinisil.

"Thank you" Adalyn.

"Itaas ko lang nang bahagya yung head board ng hospital bed mo ah baka maya-maya dumating na din sina Maggie at Cleo after class ako kase wala akong schedule buong hapon kaya dumeretso ako dito para makauwi naman ang Mama at ang kapatid mo" Tristan.

"Salamat ulit Tris... hindi ko alam ang gagawin kung wala ang tulong mo" Adalyn.

"Wala 'yon... hindi ka na iba sa amin ano ka ba Adalyn" sagot nito ng mai-angat niya ang headboard ng higaan ni Adalyn.

Maya-maya pa ay dumating na din ang dalawang nurse at ang doktor na naka-aassign kay Adalyn huling pumasok sa silid si Treyton.

Tinignan nila uli ang kondisyon ni Adalyn.

----

"Maayos na ang kalagayan niya, but I'm sure makakaramdam parin siya ng uneasy pain dulot ng kanyang shoulder subluxtion. I advice to schedule a 4 weeks closed reduction therapy para bumalik sa normal na positioning ang humerus bone niya sa kanyang balikat" ani ng doktor matapos nitong tignan ang kalagayan niya.

"Salamat po Doc. Don't worry po ako nalang po ang magsasabi sa magulang at kapatid niya... maari ko naman po siyang samahan during her scheduled therapy" ani ni Tristan.

"Salamat po Doc" ani ni Adalyn.

"Its okay... a friend support will be a great help dahil may iilang exercises sa therapy na medyo kailangan ng family or friend assistance" dagdag pa ng doktor.

Narinig naman iyon ni Treyton na kasalukuyang nakatayo lang malapit sa pinto. Tumingin sa kanya si Adalyn, ngunit umiwas siya ng tingin.

"Okay if anything happens just make a call sa nurses station.. bukas ng hapon baka pwede na rin siyang lumabas kung wala narin naman siyang nararamdamang severe pain" ani ng doktor. Umalis na din ito kasama ang mga nurses pagkatapos.

"Mabuti nalang at hindi kailangan ng surgery" ang sabi ni Tristan while slightly looking at Treyton na nakatayo malapit sa pinto ng kwarto.

"Hmmm... salamat sa pag-bisita Treyton" Adalyn said. Pinilit nitong ngumiti kahit maputla pa ang mga labi nito.

"Its okay... I just came by to tell you that You're In" Treyton said.

"I'm in...in what?" Adalyn.. After a few seconds ay kitang-kita ang labis na tuwa sa mukha nito.

" Don't tell me.." Adalyn.

"Yes.. the Band Members agreed that you are most suitable to be our co-vocalist" Treyton said in monotonous tone.

"Wow..THANK YOU" Adalyn habang umaapaw na ang pag-ngiti sa labi.

"I'm leaving" Treyton said in a very cold manner.

May sasabihin pa sana si Adalyn dito ngunit tumalikod na ito at lumabas na ng kwarto.

"Narinig mo 'yon Tris? I'm in... co-vocalist na ako ng The Everyoung!!" Di mapigilan na bulalas ni Adalyn.

"Hmm.. well that's good news" ani Tristan.

"Bakit parang hindi ka yata masaya?" Adalyn.

"Wala! syempre masaya ako para sayo..say ahh!" muwestra nito ng kutsara na may lamang soup sa harap ng labi ni Adalyn.

Tinanggap naman iyon ni Adalyn. Katunayan ay kumukulo na talaga ang tiyan niya kanina pagkagising niya.

"Hi Adalynn!!" Maggie exclaimed after entering the room.

"oh Maggie!" Adalyn.

Agad itong lumapit sa hospital bed niya.

"Kamusta? may masakit pa ba sa'yo gising ka na pala! we're so worried about you!" Maggie.

"Medyo masakit pa yung balikat ko but compared during the accident..asan si Cleo?"Adalyn.

"I'm here! sh**t ang bigat-bigat ng mga dala mo Maggie ano bang laman nito? buong kusina ninyo?!" Cleo.

Natawa na lamang si Adalyn sa kalagayan ng kaibigan niyang Si Cleo. Loaded ang kanan at ang kaliwa nitong kamay ng mga bag at may hila-hila pang maliit na trolley habang papasok sa kwarto.

"Tse! nagrereklamo ka eh ikaw nga nag volunteer na mag buhat niyan pinapabuhat ko kanina sa driver eh ayaw mo naman!" saway ni Maggie dito.

"Akin na dude.." tinulungan naman ito ni Tristan na ayusin ang mga dala nilang damit.

"Woooh! grabe ang bigat! parang pasan ko ang buong mundo!!" Cleo.

"Para san yung mga dala mong gamit Mag" tanong ni Adalyn kay Maggie.

"Eh tutal bukas wala namang class dahil Holiday we decided to stay overnight here in your hospital room" Maggie.

"Talaga? naku.. kayo talaga nandito naman sina mama at yung kapatid ko na nagbabantay eh" Adalyn.

"Don't worry I'll call your mom,Wait a minute" Maggie.

"Okay ka na Ad?" tanong ni Cleo sa kanya umupo ito malapit sa hospital bed niya habang si Maggie ay lumayo sa kanila ng kaunti making a call to her mom.

tumango-tango siya kay Cleo.

"Kanina pa ba dito si Tristan?" ani ni Cleo habang nag-aayos ng pinagkain niya si Tristan sa may lamesa.

"Oo..kanina pa" sagot naman ni Adalyn.

"Ganon ba.. alam mo ba buong magdamag yan nandito kasama ng Mama at kapatid mo.. pinapauwi na nga siya ng mama mo eh ayaw naman" Cleo.

"Talaga... hayaan mo na Cleo baka na-shock lang siya sa nangyari sa akin" ani ni Adalyn.

Pumasok si Tristan sa comfort room para hugasan ang mga plastic cups na nagamit na noong nakaraang gabi.

"Hmm... nandito si Treyton kanina bumisita.. tama ba" ani ni Adalyn kay Cleo.

Lumapit pa sa kanya ng kaunti si Cleo, hinila nito ang upuan at tinignan si Maggie na kinakausap ang Mama ni Adalyn sa tawag.

Bago nagsalita.

"Alam mo ba na Treyton is the prime person responsible for your accident.." Cleo said.

Kumunot naman ang noo ni Adalyn sa sinabi ni Cleo sa kanya.

"Huh? bakit si Treyton?" Adalyn asks.

"Maggie said.. yung sumipa ng bola na tumama sa iyo habang nasa ibabaw ka ng 9 meter tall Pyramid formation ninyo sa cheerleading practice drill ninyo ay walang iba kundi si Treyton" paghahayag ni Adalyn.

"What?" mahinang bulalas ni Adalyn.

"Oo, ang sabi nag-eensayo sila ng long ball shot and accidentally ang bola na ini-aim ni Treyton ay napalakas ang pagkakasipa niya at iyon nga napunta sa dereksyon ninyo ng cheerleading squad at unluckily sa iyo tumama ang bola" paliwanag ni Cleo.

Adalyn bit her lips. Kaya pala ito nandito kanina not just to tell her about the result of her audition but to pay his guilt towards her accident.

"Anong pinagbubulungan niyo diyang dalawa.." komento ni Tristan ng makalabas ito sa CR.

"Nothing dude! haha" Cleo.

"Hmmm.." Tristan. Nilagay nito ang mga nahugasan na niyang plastic cups sa ibabaw ng mesa.

"Thank you" Adalyn mouthed habang lumayo na si Cleo sa kanya.

"Hello po tita! nandito po kami sa room ni Adalyn... dito po kami mag-oovernight don't worry po pwede na kayong magpahinga kahit ngayon lang kami na po yung bahala sa kanya.. ah kakausapin niyo po siya saglit?" Maggie. Ni-turn on nito ang loudspeak ng kanyang cellphone.

"Hello anak nagising ka na pala sorry umuwi muna kami ni Justine, okay ka lang ba diyan? andyan naman ang mga kaibigan mo... makakapagpahinga ka ba kahit wala ako at nang kapatid mo?" ani ng kanyang mama sa kabilang linya.

"Opo ma.. okay lang po ako nandito naman sila Maggie" Adalyn.

"Okay sige.. kung may kailangan ka tumawag ka lang sakin ah?" dagdag pa ng kanyang mama.

"Oh ayan Ad okay na.. yieeh overnight na kami dito ah?" Maggie.

"Haha oo na" Adalyn.

"Hoy Cleo! Alipin! hihihi... ilipat mo nga itong bakanteng hospital bed ilapit mo dito kay Adalyn dali! dyan ako matutulog!" Maggie.

Wala namang magawa si Cleo kundi ang sundin si Maggie. Alam na kase nito ang mangyayari kapag nagmatigas siya.

"Eh pano naman kami?" Cleo.

"Aba-aba! don't tell me may plano ka pang tumabi sa'kin ah mahiya ka nga lol. buksan mo 'yang maliit na trolley, comforter ang laman niyan, diyan kayo sa lapag ni Tristan or else diyan sa sofa kayong dalawa ang magtabi baka sakaling may mabuo sa inyo HIHIHIHIHI.... just tell us kung kailangan niyo pa ng private space na dalawa ni Tristan ah pwede kaming magpatay malisya na lamang ni Adalyn HAHAHA" Maggie.

Binato tuloy siya ni Tristan ng sofa pillows.

"Psycho tss" Tristan

"loka-loka! kadiri ka Mag! halos magkapatid na nga turingan namin ni Tristan baliw ka talaga!" Cleo habang itinutulak ang bakanteng hospital bed palapit sa kay Adalyn.

"Hahaha loka-loka ka talaga Maggie, alam mo namang tuwid pa sa kawayan ang dalawang 'yan!" Adalyn.

"Anong malay mo naman friend may itinatago palang bagwis ang dalawang 'to hindi lang natin alam kase hindi nagpapahalata!" ani ni Maggie.

"HAHAHA ikaw talaga Maggie ang wild ng imaginations mo kaya walang nagkakamali sa'yong manligaw eh!" Adalyn.

Tumikhim naman si Cleo.

"What?!" Maggie said.

"WALA! naku Ad sa ugali palang neto may magkakamaling manligaw? naku kahit ako never!" Cleo.

"At talaga kung ikaw manlang din ang manliligaw ay naku mas mabuti pang tumanda akong dalaga!" Maggie.

"Wag magsasalita ng tapos" sabay na komento ni Adalyn at Tristan kay Maggie.

"Ew! never!" Maggie.

"Lalo naman ako... nakakasuka ew!" ani naman ni Cleo.

"Ayan na po kamahalan maari na po kayong pumanhik sa inyong matutulugan" Cleo pagkatapos nitong ayusin ang hospital bed na tutulugan ni Maggie.

"Salamat aking munting alipin" Maggie.

"Pfftttt.... haha bagay talaga kayo ano haha" Adalyn.

Kinurot siya ng mahina ni Maggie.

"Don't ever say that Adalyn haha.. di kami bagay ew!" Maggie said.

Kapag-kuway sumapit na din ang gabi maraming dalang pagkain sina Maggie at Cleo na siya naman nilang pinagsaluhan na apat.

May kalakihan naman ang hospital room na kinaroroonan ni Adalyn good for two patients tapos may malapad pang sofa sa loob kaya naman makakapag-overnight stay ang tatlo kasama siya.

Napuno ng kwentuhan at tawanan ang apat na sulok ng kwarto na iyon.

Ngayon lang din kase sila nagkaroon ng pagkakataon na magsama-sama at mag-oovernight pa matapos ang ilang buwan.

Matapos ang kwentuhan at panunuod ng movies na dala ni Cleo ay napagdesisyunan na nilang magpahinga.

Adalyn was looking at her friends habang nagpapahinga na ang mga ito, si Tristan at Cleo magkatabi sa comforter na nasa lapag habang si Maggie ay nasa ibabaw ng bakanteng hospital bed sa tabi niya.

She was very lucky to have these kind of friends mababait at maalaga.

But the thought of Treyton in Adalyns' head still lingers.

Iyong tumulong sakanya matapos siyang mahulog sa Pyramid nila sa cheerleading ay wala ngang iba kundi si Treyton. Buong akala niya ay guni-guni niya lamang iyon.

Bumilis na naman ang tibok ng niya puso nang muli niyang maalala ang nag-aalalang mukha ng binata, ang paghawak nito sa kanya at ang very comforting actions nito... she wonders if nagkaroon ng pasa sa balikat si Treyton dulot nang pagkaka-squeeze niya sa balikat nito.

Baliw siyang ngumiti at napa-igtad nakalimutan niyang may injury pala siya napangiwi siya bigla ng makaramdam ng kirot. Huminga siya ng malalim bago pumikit at payapang natulog.

A day after ma-discharge si Adalyn ay napagdesisyunan niyang pumasok sa kanyang klase ayaw pa siyang payagan ng kanyang ina pero hindi siya nagpapigil mahirap kaseng ma-miss niya ang mga discussions nila sa klase lalo na at nalalapit na ang mid-term exams nila, alalang-alala naman ang mga kaklase niya sa kanyang kalagayan.

Nakasuot parin siya ng protective arm and shoulder braces.

Right arm niya ang may injury kaya hindi siya makapag-take down notes sa lecture ng proffessor nila si Maggie naman at Cleo ang nangako na magbibigay sa kanya ng kopya ng mga notes nila para hindi na siya mahirapan.

12:00 P.M. iyon na ang 3rd and last subject nila sa araw na iyon ng Miyerkules, schedule din iyon ng first day of closed reduction therapy ni Adalyn.

Lumabas na ang proffessor nila habang ang ilan ay naghanda na rin para umuwi.

"Adalyn akin na ang Bag mo ako na ang magbibitbit" Cleo.

"Halika na... samahan ka na namin sa hospital" Maggie.

"Salamat" Adalyn. Tumayo na siya ng dahan-dahan mula sa pagkakaupo.

Ilang sandali lamang ay narinig nilang tatlo ang nangyayaring komosyon sa labas ng class room nila.

"Hi Treytooonn" ani ng mga estudyanteng dumadaan sa hallway.

Papalabas na sina Maggie, Cleo at Adalyn at doon ay nakita nga nila si Treyton sa labas ng class room nila nakatayo at tila ba mayroong hinihintay.

Ngumiti naman si Maggie at siniko si Adalyn.

"Treyton" Adalyn.

" Ako na ang sasama sa'yo sa hospital para sa therapy mo"walang kaabog-abog na deretsong sabi nito kay Adalyn.

Narinig naman iyon ng mga estudyante na nasa hallway na pawang lalong mas kinikilig.

"Huh?" Adalyn.

"Actually dude sasamahan na namin siya kaya no--" sinaway ni Maggie si Cleo at sumingit sa usapan.

" Actually.. pwede naman iyon if you really wish to" Maggie said while cheerfully smiling.

Treyton was still in its natural poker face look.

Nahiya tuloy si Adalyn sa sinabi ni Maggie.

"Maggie!" saway niya dito.

"Ano ka ba Ad this is your moment!" bulonh nito sa kanya.

"Okay then.. I can drive her " Treyton said at naglakad na paalis.

Sumunod na lamang silang tatlo sa likuran ni Treyton na ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga babeng estudyante sa hallway.

Agaw atensyon talaga ang bigla nitong pagpunta sa gusali nila. Considering na ang mga higher years economic majors ay nasa separate building away from them first year students.

Nakarating na sila sa parking lot.

"Wow! sasakyan niya 'yan" Maggie exclaimed nang makita nila ang magarang kotse ni Treyton.

"Thanks dude... please take good care of our friend" Cleo said.

Tumango lang si Treyton dito, emotionless parin.

"Call us when you get there friend!" ani ni Maggie kay Adalyn nang makasakay siya sa frontseat ng kotse ni Treyton.

Ngumiti siya at kumaway sa dalawa.

Ayaw pa ngang umalis ni Cleo ngunit hinila naman siya ni Maggie palayo sa kotse ni Treyton at umalis na.

Treyton started the engine of his car.

The problem is hindi magawang i-hook ni Adalyn ang kanyang seatbelt due to her injury. Sinubukan niyang gamitin ang kanyang left arm pero hindi siya nagtagumpay hindi siya sanay right handed kasi siya.

Lumingon at tumingin sa kanya si Treyton and that make Adalyn totally stunned. Nakita niya kung paano unti-unting lumapit sa kanya si Treyton.

"Oh!" Adalyn exclaimed. Tila ba pinasukan ng ilang daang daga ang dibdib niya ng ilang inches nalang ang lapit ng mukha ni Treyton sa mukha niya.

Damang-dama niya ang paghinga nito na tumatama sa kanyang pisngi.

She did even hardly swallowed her saliva noong mapunta ang tingin niya sa labi nito na ilang inches nalang din ang lapit at dadantal narin sa labi niya.

Tumigil bigla ang mundo niya.

Hinala lamang ni Treyton ang strap ng seatbelt niya at ini-hook iyon sa sarili nitong lock pagkatapos ay bumalik na sa manibela.

Naiwang devastated at emotionally wrecked si Adalyn.

Nahipo na lamang niya ang kanyang dibdib at ipinilig niya ang kanyang ulo sa bintana ng kotse habang umaandar ito.

Napamura siya ng malupit sa ginawang paglapit sakanya ni Treyton.

Sana lamang ay hindi nito nakita ang pamumula ng kanyang pisngi pag nagkataon ay nakakahiya sa kanya.

Hindi niya ma-contain ang sarili, malakas naman ang airconditioner ng kotse pero bakit ganoon naiinitan siya.

Iniharap niya saglit ang mukha sa bintana ng kotse para itago ang pamumula ng kanyang pisngi.

After a minute ay naupo narin siya ng maayos.

Tahimik silang pareho, walang gustong magsalita pawang paghinga lamang nilang dalawa ang namamayani sa loob ng kotse.

Nakikita ni Adalyn si Treyton gamit ang kanyang pheripheral sight. Seryoso ito sa pagmamaneho. Natuwa naman si Adalyn kase ngayon lang niya naranasang ipag-drive lalong-lalo na ang isiping ito'y si Treyton Servantes.

Hindi na niya talaga kaya ang katahimikan sa pagitan nila kaya noong huminto ang sasakyan dulot ng traffic lights ay ini-on niya ang stereo sa dashboard ng kotse nito, hindi naman siya sinita ni Treyton, ni hindi nga ito tumingin sa kaniya simula pa kanina pagkaalis nila ng University.

Friday night beneath the stars

In a field behind your yard

You and I are painting pictures in the sky

Sometimes we don't say a thing

Just listen to the crickets sing

Everything I need is right here by my side

Napangiti naman si Adalyn dahil pamilyar ang kantang tumutugtog sa stereo ng kotse ni Treyton.

And I know everything about you

I don't wanna live without you

I'm only up when you're not down

Don't wanna fly if you're still on the ground

It's like no matter what I do

Well, you drive me crazy half the time

The other half I'm only trying

To let you know that what I feel is true

And I'm only me when I'm with you

Just a small-town boy and girl

Living in the crazy world

Trying to figure out what is and isn't true

And I don't try to hide my tears

My secrets or my deepest fears

Through it all nobody gets me like you do

And you know everything about me

Sumabay sa mahinang pagkanta si Adalyn. Habang muli nang umandar ang kotse. Sinilip niyang muli ang mukha ni Treyton.

Napansin niyang ngumiti ito ngunit bigla itong tumikhim at ibinalik expresyon ng mukha nito sa seryoso.

You say that you can't live without me

I'm only up when you're not down

Don't wanna fly if you're still on the ground

It's like no matter what I do

Well, you drive me crazy half the time

The other half I'm only trying

To let you know that what I feel is true

.

.

.

.

.

Itutuloy..

[I'm Only Me When I'm With You- Taylor Swift]

Siguiente capítulo