webnovel

Patient

"Hello guard!" Bati ko sa guard sabay batok ng makarating ako sa entrance ng dorm. Kakalabas ko lang ng hospital and it's nice to be back at the outside world! I've been tied in bed for a week or two. Pakiramdam ko sobrang fresh ng polluted na hangin ng Manila.

"Ohhh! Miss Arc! Yung utang mo?" pabirong tanong nito bago hinawakan ang ulo ko. Ang hirap maging pandak pucha! Halos lahat ng tao malaki!

"Arayyy! Ang sakit ng ulo ko! Parang wala akong matandaang utang e" Arte ko Kaya pinitik niya ang noo ko. Tumawa nalang ako.

"Ayy oo nga pala! May naghihintay sayo dito simula kanina pang umaga, umalis e may binili lang yata" ani to at inilibot ang paningin sa paligid na parang may hinahanap. Luh? Sino naman kaya yon e kasama ko si Khero at Teya kanina. 

"Ayon!" turo nito. Agad ko namang sinundan ang tingin niya. Napatigil ako ng makita ko si Grint na papalapit sa kinaroroonan namin.

"What do you need?" We're both leaning at his car covered with deafening silence between the two of us.So I decided to break the ice.

May iniabot siyang paperbag na tiningnan ko lang.

"I told manang Sela to cook Lomi, I know you like noodles so I j-just want you to eat some home cook meals" I shifted my gaze at him. He's resting his head at the car doors facing the sky with his eyes closed. Marahan itong napapalunok dahil sa pagtaas baba ng Adams apple niya.Mukhang puyat siya at hindi nakatulog ng ilang araw.

"No need to do this but I'll accept it anyway, gutom na din ako e" sambit ko bago inabot sa kamay niyang ang paper bag. Sinilip ko ang dala niyang Lomi bago muling tumingin sa kanya. I noticed the curves in the edges of his lips.

"Umuwi ka na-" sambit ko. " I mean, galit pa din ako sa nangyari at di ko alam ko---"di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Si Khero? Anong meron sa inyo?" With just a glimpse I saw him deeply looking at me. His look got my heart beating extraordinary, a familiar sensation na hindi ko ma explain. Pero siguro dahil nabigla lang ako sa tanong niya.

"Ahh...Y-you don't have to know" nagaalangang sagot ko bago nagmadaling umalis ng hablutin niya ang kamay ko. Nanlaki naman ang mata ko ng magdampi ang balat namin sa isat isa.

"Teka?Bakit ang init mo!?" nag aalalang tanong ko Kaya agad niyang binawi ang kamay niya.

"I'm fine...and by the way, I'm sorry about what happened".pagkatapos­ ng mga salitang yon ay mabilis siyang pumasok sa kotse niya at umalis.

Okay lang kaya yun? And wait! Bakit ba ako nag aalala? Kakagaling ko lang ng hospital ah? Hays.

" Kuyang guard! Pahiram ng guard house, mag iisip lang!" Agad na turan ko ng marating ang entrance ng dorm namin. Takhang napatanong naman ito ngunit hindi ko na siya hinintay na sumagot at isinara na ang pinto. 

Kung mayroon mang comfortable space para makapag isip ako sa loob ng guard house yun. Naalala ko nga ng huling umalis ako ng bahay magdamag akong natulog dito at paggising ko okay na ako. Basta yung guard sa labas natulog HAHAHA naawa pa nga yung ibang nakakita sa kanya ang binigyan siya ng barya.

Umupo ako sa folding bed at hinawakan ang dibdib ko. I don't know what's happening pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko kanina. Parang hinigop ako ng tingin niya. 

"Hays! I don't believe in witchcraft pero parang ngayon naniniwala na ako, kulam lang yung makaka explain nito e! Grr."

"Miss, baka umagahin ka ulit ha!" kalabog ng guard sa pinto. Ni lock ko e Haha.

"Bahala ka diyan!" sagot ko bago humiga sa maliit na folding bed. Ang bango at ang linis talaga ng guard house nato ni Kuya. Pati mga gamit naka organize.

Muli na naman akong napaupo ng maalala si Grint, kasi naman ang init init niya kanina e. Parang konsensiya ko pa pag may nangyaring masama don. Hays! Nakakainis bwisit!

Sinilip ko ng konti ang pinto bago tumayo at pumunta sa lagayan ng gamit ni guard. May coffee maker taray!

Dahan dahan ko namang binuksan ang drawer at bumungad sakin ang picture frame at isang susi. It was him at di hamak na mas gwapo siya sa picture dahil hindi ito naka uniform naka piggy back ride siya sa isang babae na di masyadong makita ang mukha dahil natatakpan ng buhok. 

'Ang saya naman nila' nabanggit ko sa isip ko. Hindi ito ang tawa ng guard kapag nakikipagkulitan siya sa akin e, it's more pure and genuine. 

Isasara ko na sana ang drawer ng maalala ko na naman si Kupal. Bakit ba ako nag aalala? Hindi naman ako maalalahaning tao ah!? Kainis talaga! Ewan ko sayo selp!

Paglabas ng pinto ay iwinagayway ko kaagad sa harap ni guard ang susi. Ang dami ng exposure sa story ko ah in all fairness.

Nanlaki agad ang mata niya ng makita yon.

"Pahiram..."bulong ko at nginitian siya ng malapad. Napabuntong hininga ito kaya nagpaawa effect ako.

"Isasauli mo ah" nginitian ko na naman siya ng malapad bago tumango tango ng parang bata at tumakbo papunta sa medyo malayong part kung saan naka park ang motor niya.

Ng nasa harap na ako ng motor ay hinimas ko muna ito.

"Tagal ko ng gustong malaman kung sino may ari sayo e, si guard lang pala" bulong ko sa isang BMW motorcycle. It was a limited version na pinangarap ngarap kong makuha pero Wala akong pera at mabilis ding naubos. I don't know paano siya nagkaroon nito cause it's expensive as fuck.

Sinuot ko muna ang helmet ko bago sumakay at ipinaandar. Here I go! May pasyente pa akong naghihintay.

A/N: Please vote, rate or simply just comment for fast updatesss, please:< Write some reviews so I can improve...

Siguiente capítulo