webnovel

Chapter 17❤️?

"hello? Nandito pa ba si winnie?" sabay yugyog sakin kaya natauhan ako na kasama ko nga pala ito. "ano ba nangyayari sayo? Bago matapos ang foundation day natin hanggang sa magaouting tayo ngayon sa batangas ganyan ka parin. Ano ba nangyayari sayo?" sunod sunod na talak nito sakin. Tinaas ko ang hawak na maliit na lalagyan para magets nya.

"oh em gee.. Bes! Hanggang ngayon hindi mo pa ba ito naibibigay?!" ang tinutukoy nito ay yung graduation gift ko kay jesthle. Simula ng napagdesisyunan ko na kailangan ko na sya iwasan ay lagi nalang ako tulala natapos ang foundation day na  hindi ko sya kinakausap o ano man.. Pag may order sila si deo nalang at bakla ang pinapahatid ko. After ng foundation ay final exam then graduation day ni kuya. Umattend lang ako pero lagi ko naman kadikit si nanay para di nya ako lapitan o imikan… pero hindi ko naman iniexpect na iimikan nya ako noh! Kaya nga baka lang naman, tapos baka bigla nalang bumalik yung feelings na halos mabaliw ako sa lalakeng yun.

Hindi ko din naibigay ang regalo ko kasi nung ibibigay ko na sana ay nakita kong magkasama yung babae na may gusto sa kanya at may gusto din ata sya dito? Ang saya saya nya pagkasama yung babae eh.. Na hindi ko naman madalas makita dati kasi puro pagsusungit lang naman nakikita ko sa kanya. Ano naman kasing laban ko kung halos kapatid lang ata ang tingin nya sakin? Anong laban ko kung ang karibal ko ay maganda at matalino? Sige nga! Sabihin nyo sakin kung pano ko pa ipagpapatuloy ang feelings ko sa kanya?!

"huy! Kumpleto na po tayo tulala ka parin!" si rica na  pangalawang yumugyog sakin. "tsk! Naku! Ewan ko nga dyan! Kanina pa yang wala sa sarili! Gusto ko na nga sabunutan beks!" naasar na sabi nito kay beks.

"pasensya na.. Gutom lang ako." pag dadahilan ko sa mga ito. "oh eto na pala sasakyan natin eh.. " sabi ni deo.  Papunta kami sa batangas para ituloy ang plano namin. At take note.. Kasama nga pala si kuya at barkada nya.. Plus gf ni kuya at yung babae ni jesthle. Para ngang sinakto ng tadhana na kasya kami sa van nina she eh.. Tsk!

Magkatabi kaming magkakatropa tapos kasunod na hanay ay yung maglove teams tapos the rest ng kaibigan ni kuya ay nasa likod. Makikita mo na excited ang lahat pero ako lang ata ang parang pinagsakluban ng langit at lupa!

Kinuha ni bes ang sandwiches na ginawa nya para makapag umagahan man lang kami habang nasa byahe. "guys.. Kain muna tayo!" sabay abot nito sa iba pa,kakagat na ako ng tinapay ng makarinig ako ng hindi kaaya-aya.

"eto sayo.. Kumain kana" sabi nito sa malumanay na boses. "hindi.. Busog ako." simpleng sagot nito pero sa mga tenga ko parang hindi lang simple eh.. Parang ang sweet sweet pa nila! Mga bwisit tong mga ito! Dito pa talaga pumwesto sa likod namin.. Kaya naglagay nalang ako ng headset para makapagconcentrate at hindi makarinig ng kung ano mang salita galing sa kanila lalo na doon sa dalawa!

Hindi ko namalayan at nakatulog ako kung hindi pa ako ginising ni deo.. "win.. Gising na.." tinapik pa ako ng bahagya sa pisnge kaya napamulat ako.isa isa na silang nagsibabaan sa van dala ang mga kanya-kanyang kagamitan kaya nagmadali na din ako sa pagbaba. Kukunin ko na sana ang gamit ko pero naunahan na ako ni deo sa pagkuha kaya hinayaan ko nalang din.

"wow! Ang ganda naman"

"swerte naman natin kasi may rest house na maganda"

"matagal ko ng gusto talaga makarating dito eh"

"ligo tayo mamaya ah?"

Kanya-kanya silang mga opinyon samantalang ako ay nagmamasid parin sa paligid.habang nagaayos sila ng mga gamit ay nandito ako sa may bintana, nakaupo habang nakatingin sa kagandahan ng dagat. "ang ganda ng view noh?" napalingon ako sa nagsalita at pinagmasdan ito. "alam mo gustong-gusto ko talaga ang dagat" habang nagkekwento ito ay pinagmamasdan ko lang sya. Ang ganda nya talaga halos perfect kung titingnan sya at ang bait pa nya kaya hindi maiwasan na magustuhan sya ni jesthle. Hindi sya yung tipong kaaway-away unlike sa ibang mga babae na una palang ay gusto mo na sabunutan agad.. Pero ang isang to.. Hayz! Wala talo na talaga ako.

"okay ka lang ba?may masakit ba sayo?" tanong sakin kaya nginitian ko lang ito at umiling ako. "ako nga pala si juliet at ikaw naman ay si.." hindi ko na sya pinatapos pa magsalita "ako nga pala si winnie" at nginitian ko ito sabay bawi ng tingin kasi parang naiiyak ako ngayon.

"oh! Magkakilala na pala kayo ng kapatid ko" bungad samin ni kuya na katatapos lang magpalit ng sando at short. "ah.. Oo.. Magkakilala na kami" malumanay na sabi nito kay kuya. "si buena? Nasaan nga pala"tanong pa nito na ang tinutukoy ay yung girlfriend ni kuya. "magpapalit daw muna sya" sabi ni kuya dito. "nagpalit ka na din?" napatingin kami ni kuya sa tinutukoy nito kundi si jesthle. Lumapit ito dito at inikutan pa nito si jesthle "wow! Bagay na bagay sayo ang damit na napili ko" mangha pang pagkakasabi nito.

Tumayo ako para makapunta sa kwarto at makapagpalit na din… Binabanas na kasi ako eh.. Tsk! "san punta mo?" tanong ni kuya pero lahat silang tatlo nakatingin sakin. "a-ah magbibihis na din kuya" sabi ko nalang at dumiretso sa kwarto namin. Pagdating ko ay kanya kanya silang ayos ng mga gamit hanggang ngayon lalo ma si bakla.

"ang dami mo namang damit beks" puna ko dito. "aba! Syempre para paiba iba ng outfit sa picture"sabi pa nito at tuwang tuwa na ilabas lahat ng damit nito. "bes mag-imis kana din ng mga gamit mo at magpalit para makapagasikaso na tayo ng tanghalian." sabi ni she na kalalabas lang ng CR nito.

Nagpalit lang ako ng sando at short. After magpalit ng lahat ay nagkanya kanya na kaming asikaso ng maluluto para makakain ng tangahalian. Ang mga boys ay nagiihaw ng isda samantalang ang mga girls ay taga luto ng kanin at iba pang ulam. "Hi girls! May maitutulong ba ako?"bungad samin ni harry.

"akala ko ba.. Taga ihaw kayo?" si beks na naghihiwa ngayon ng kamatis. "tss.. Ang dami na nila don!kaya na nila yun.. " sabi nito at nakiupo sa umpukan namin.

"kunsabagay! Dine ka nalang sa piling namin… PaRa naman magkakulay ang ating mundo dito!"kiring kiri na sabi nito at tinabihan pa si kuya harry. "mahiya ka nga Ricardo!" si deo na pinanlakihan pa ng mata nito, nagtitigan ng masama ang dalawa at nagirapan sa bandang huli. Si bes naman kilig na kilig dito sa tabi ko tss.. Mga Sira talaga itong mga ito!

Pagkatapos naman magluto ay inayos na namin ang mga  pagkain para makakain muna bago maligo sa dagat. After namin iset ay nagpray muna kami tsaka nagkanya kanya kaming nilantakan ang mga pagkain. Habang nakain ako ay may tumabi sakin, hindi ko nalang ito pinansin dahil sa gutom ko. "tss.. Bakit ka naka ganyan?!" iritableng sabi nito kaya napatingin ako dito at napagtanto ko na si jesthle pala ang tumabi sakin. Problema na naman nito? Hindi ko sya pinansin kaya diniretso ko nalang ang pagkain ko.

"tss.. Bakit ka nga nakaganyan?!" ulit pa nito na halata mong iritang irita. "ang alin ba?!" pa asik na sabi ko dito at tinuon ulit sa pagkain ang pansin. "ang suot mo!" nakakakunot na sabi nito. Bahala nga sya! Bwisit na ito.. Pati sa pagkain binibwisit ako.. Pati suot ko pinapakialaman! Samantalang ang babae nya naka swimsuit! Eh bakit simpleng sando lang naman at short ah! Asar!

"ano?!bakit ganyan suot mo?!" paulit na sabi nito.. Grr.. Nakakainis na talaga ito!. "eh bakit suot ko ang pinapansin mo? Pansinin mo ang ibang tao bwisit na to! Atsaka wag ka magworry! Diba flat ako? Tss.. " asar na sabi ko at tinalikuran ko ito habang nakain. "magpalit ka nga!di ka nakakatuwa tingnan!hindi mo ikagaganda yan!" pagkasabi nya ng mga salitang yan ay siniko nya ang likod ko ng bahagya para ituon ang pansin sa kanya.

Nang lilingunin ko na sya ay narinig ko na itong may kausap na iba.. Si juliet na naman! Hays! "kumain ka nito oh!" ewan ko kung ano ang pagkain na binigay nito sakanya kasi di ko sila nililingon. "uy bes! Ang ulam mo natotorture mo na oh!"turo nito sa hawak ko na itlog na pula na ngayon ay naglalamutak na sa kamay ko. "hay naku! May napapansin ako kanina pa.. Something fishy!" si bakla na kikindat kindat pa sakin.. Mga bwisit talaga ang mga ito! Sinamaan ko ito ng tingin isa-isa para tumigil kaso ang mga tingin nila sakin nakakaloko.

"tss.. Wag nyo ngang anuhin si winnie!" si deo na pinagtatanggol ako sa mga ito. Kaya tinabihan ako nito at kinuha ng isa pang itlog na pula. "salamat! Kakaasar talaga yung dalawa" maktol ko kay deo "wag mo na intindihin yang mga yan..kumain ka na" sabi nito at kumain na kaming dalawa. Napatingin naman ako sa pwesto ni jesthle at heto na naman ang masasamang tingin nito sakin habang kaharap kumain ng nakatayo si juliet. Bwisit na ito! Sya pa ngayon ang may gana magsama ng tingin sakin!  "oh!" sabay subo sakin ni deo ng isda sa bibig ko "huwag ka nga sumimangot dyan.. Nawawalan ako ng gana.." kaya punong puno ngayon ang bibig ko sa sinubo ni deo. "sorry na.." sabi ko dito habang puno ang bibig ko na kinangiti nito sakin.

Hays sayang naman bakasyon ko kung magpapaapekto sa kanya! Kaya tama lang siguro na isantabi ko muna ang feelings ko sa hinayupak na lalaking yon! Ieenjoy ko nalang na kasama ang  mga friends ko 🤗.

Siguiente capítulo