Lucy Gabriela Celeste
**
KINABUKASAN, dumiretso ako papunta sa opisina ni Von pagkagaling ko sa kwartong pinag-tulugan ko kagabi.
Hindi na ako naka-uwi kahapon sa bahay, hayop kasing Von na 'yon, ikinulong na naman ako sa tirahan ng mga gagamba, pagkatapos laplapin yung labi ko kahapon.
Tss. Humanda talaga siya sa akin, malapit ko nang pamagain yung labi niya.
Napa-angat ako ng ulo nang makita kong bumukas yung pinto. Bumungad sa akin yung pag-mumukha nung tatlong malaki yung pangangatawan, may mga hawak-hawak na rifles at may dala na maraming bala na naka-sukbit sa kanilang mga dibdib.
Bigla silang lumapit sa akin. Binuhat ako nung isa sa kanila nang mabilis niya akong isinabit sa balikat niya. Habang tinutukan naman ako nung isa, na animo'y babarilin ako kapag nagtangka na naman akong tumakas. At yung isa naman ay naka-sunod lang sa lalaking bumuhat sa akin hanggang sa maka-labas na kami ng kwarto.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"
Pinag-susuntok ko yung likod nung lalaki pero parang wala lang sa kanya. Sasakin ko kaya 'tong g*gong 'to?
Sinubukan kong abutin yung kutsilyo na naka-suksok sa likuran niya. Pero bago ko iyon nakuha, tinutukan ako ng baril nung isa sa kanila habang sinusundan niya yung lalaking kasama niya na nag-bubuhat sa akin.
"Sige, subukan mong kunin yan, nang malagas 'yang buháy mo!" pagbabanta niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama, at pagdaka'y ibinaba na rin niya yung rifle na hawak niya.
Humanda ka sa'king baboy ka! kakatayin kita mamaya kapag naka-baba ako dito. Bulong ko sa sarili.
Matapos ang ilang segundo ay, ini-upo ako nung nag-buhat sa akin sa isang upuan. Pagkatapos ay umalis na yung tatlo.
"How's your day, ms. Celeste? Did you sleep well?" napa-pitlig ang ulo ko sa lalaking 'yon na naka-upo ngayon malapit sa akin. Naka-cross legs siya habang naka-suksok ang magkabilang kamay nito sa bulsa ng pantalon niya. Naka-ngisi siya na mapang-asar.
Tinaas ko ang kilay ko. "Ano na namang naisipan mo at bakit mo ako dinala dito?" napa-gawi ang ulo niya sa baba nang naka-ngisi. Pagdaka'y nagsalita siya ng bumalik ang tingin niya sa akin.
"Well, like what I've told you about yesterday, you'll have your job." aniya. Pagkatapos ay tumayo ito. "All neccessary stuffs was already now on top of that table." tinuro niya iyon ng mapa-baling ang tingin niya doon. Napa-dapo naman ang tingin ko sa table na nasa harap ko.
"Make sure that you'll make it success. There are some of pile application that I already passed there--and speaking of it, I change your name." he paused. "And the only one thing you should do for today is to be hired, and be his secretary until you bring the target in your own hands. Then, you should have your next step.." tinignan ko lang ang mga iyon at pagdaka'y tumayo ako. I crossed my arms.
"And you really think na gagawin ko talaga 'yang gusto mo?" Napa-tawa ako ng marahan. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, master?" pag-didiin kong sabi at mapang-asar. Seryoso ang mukha niyang naka-tingin sa akin habang naka-halukipkip pa rin.
"Why don't you ask yourself? ms. Celeste? Oh by the way, to make you inform again. Your reward will be given if you really did your job well. Or else.."
"Or else what? papatayin mo sila? pati ako? tss. masyado kang napapag-halataan." Daga ba ako para matakot sa kanya? Pero syempre, hindi ko rin gusto na mangyari ang hindi dapat mangyari sa mga kasamahan ko, pati kay Lewis. Ako ang makakaharap niya kapag ginawa niya 'yon.
Humakbang siya malapit sa akin at saka siya tumigil. Nagsalita naman siya. "I didn't kill them as long as you'll follow me. Then we'll have a well agreement." he paused ng tinignan niya akong mabuti. "I would rather kill them with you so I don't have worries anymore. Mark my word, Lucy Gabriela Celeste.." he emphasized pagkasabi niya niyon, nilagpasan na niya ako ng umalis na siya.
Sinusubukan talaga ako ng weak na 'yon. Kapag natapos 'tong gagawin ko, mauuna siyang mamatay bago ako. I swear.
Ipinukol ko ang tingin ko sa ibabaw ng mesa. At napansin ko na nandun lahat ng bagay na gagamitin at kakailanganin ko.
Sandali, nahagip naman ng mata ko yung kapirasong papel na naka-dikit sa table. Kinuha ko iyon at nakita kong naka-sulat doon ang address na pupuntahan ko. Pati ang pangalan ng lalaking target ko.
"Lot #3 Villa St. is the location, and your target there is Max Sullivan, who owns a MSC--a company. Look on his pictures.."
Sinubukan kong hagilapin yung larawan nung Max at naka-lagay ito sa loob ng sling bag ko. Isa-isa ko iyon tinignan, pagkatapos ay, ibinalik ko ulit iyon sa table.
"I'll make sure na hindi na aabot sa palugit nung weak na 'yon ang gagawin ko." Tinaas ko ang kilay ko. "I'll make her fall on me.."
----
INI-HANDA ko na ang sarili ko nang naka-baba na ako ng taxi, at saka ko inayos ang sarili ko.
Suot ang v-neck double breasted white blazer dress, dala-dala ang black sling bag ko, at ang papel bilang aplikante.
Matuwid kong binaybay ang main entrance ng malaking building na natatanaw ko sa aking harapan matapos kong tapunan iyon ng tingin.
"Good morning maam, ano pong kailangan niyo?" bungad sa akin nung guard na naka-bantay sa entrance. Medyo kumu-kulubot na ang balat at may katandaan na rin.
"Ahh, maga-apply po ako para bilang sekretarya.." magiliw kong sabi sa kanya. Tumugon naman siya.
"Ahh, ganun ba. Tuloy po kayo sa fifteen floor. Sa MS office.." magiliw niya rin akong kina-usap.
"Thanks." aniya ko sabay tumango ito. Pagkatapos ay tumungo na ako sa loob matapos kong dumaan sa glass door. At saka ko tinungo ang elevator.
May tatlo akong naka-sabayan at dalawa sa kanila ay lalaki, at mukhang pinag-pipiyestahan ako ng mga titig nila. Pati yung babae na mukhang inggit ata sa outfit ko. Ngumisi ako. Mukhang mga empleyado ata sila dito.
Matapos kong marating ang fifteen floor, lumabas na ako ng elevator at tinungo ko yung opisina na pag-aaplayan ko, kung saan sinabi sa akin nung guard.
I confidently walked towards on that place at inayos ko ulit ang sarili ko. Napansin ko na mukhang natapos na ata ang ibang aplikante at ako nalang ata ang huli, dahil wala nang kargada ang upuan sa gilid.
Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa pintong nasa harap ko. Pero, hindi pa ako nakaka-tatlong katok ng bigla itong bumukas, at iniluwa naman nito ang babae. Mukhang nag-tangka ring mag-apply, at napansin ko na bago ito maka-alis ay naka-bagsak ang mga balikat nito at mukhang umiyak pa ata. Hanggang sa maka-alis na ito.
Ano namang nangyari 'don? Hindi naman siguro sinehan at movie drama yung napa-nood niya sa loob para magdrama siya ng ganyan? O baka, hindi siya nagustuhan ng pinag-aplayan niya? napa-iling nalang ako. Saka ko tinungo ang loob. Kasunod ay, sinara ko ang pinto.
Umupo kaagad ako sa bakanteng upuan na nasa harap nung lalaking naka-upo sa swivel chair at binababad ang sarili sa pagbabasa ng mga papeles sa table niya. Mukhang siya na ata si Max Sullivan. I grinned for a while.
Tumikhim muna ko. Napa-awat siya sa ginagawa niya ng mapansin niya yung presensiya ko. Pagdaka'y inangat niya ang paningin niya sa akin.
Oh,. So, siya nga talaga si Max Sullivan. Ngumisi ako sa kaloob-looban ko. Hindi na ako mag-tataka kung siya ang mag-iinterview sa akin. I'll prove that he should hire me. Bulong sa sarili.
"Who are you?" diretsa niyang sabi. Sabay tinuloy niya ulit yung ginagawa niya.
"I'm Justina Samonte sir. Mag-apply po sana ako bilang sekretarya ninyo." still, hindi pa rin siya lumilingon sa akin dahil patuloy pa rin siya sa ginagawa niya.
"Your application form." kaagad ko namang iniabot 'yon sa kanya, at pagdaka'y kinuha niya iyon at binasa.
Mabilis niyang pinasadahan iyon ng tingin at saka niya ipinatong sa ibabaw ng desk niya. Napa-angat ang tingin ko sa kanya ng tumingin siya sa akin.
Oh, by the way. Masasabi kong may itsura siya. Almost perfect, matapos kong titigan sandali ang mukha niya. But sorry, wala akong tipo sa mga lalaki. They are just all a damn nonsense devilment people who born in the world.
"Are you done checking me out?" mapang-insulto niyang sabi. Nangalumbaba ako sa harap niya, itinapat ko ang dibdib ko at nakita ko ang pag-baba ng tingin niya doon. Umalon ang kanyang adam's apple at pagdaka'y bumalik ang tingin niya sa akin.
"No. I'm just tantalized in your face. Masama po ba?" I said with a seduction. Nakita ko ang pag-ngisi niya.
"Yes. If you don't have authorization. And don't feel like I like your way of teasing me, ms. Justina Samonte." inayos ko ang pagkaka-upo ko.
"So, I'm not hired?" well, alam kong kakagat siya sa pain ko. Masyadong halata sa maruming mga mata niya para di ko makita na nagustuhan niya ako, pati ang pag-tingin niya sa dibdib ko.
Isinandal niya ang likod niya sa backrest at nag-dekwatro.
"You got it ms. Samonte. Your not hired as my secretary, but as my soon to be.." pinutol niya sandali, pagdaka'y mabilis niyang inilapit ang mukha niya sa akin. At saka siya nagsalita. Naamoy ko ang mabangong hininga niya. "fucking mine.." napa-ngisi ako. I'll make him caught by my own trap in just two days. I mumbled to myself.