webnovel

Chapter 25:

"Arra POV"

Natapos na ang aming kainan.Masaya din kaming nagkwentuhan,mahaba pa naman kasi ang oras.

"Ate Arra,naghangad ka ba minsan na magkaroon ng kapatid?"tanong sa akin ni Calyx na nagpatigil sakin.

"Aba,siyempre naman no.Hindi ko nga alam kung bakit wala e."

"Anong gusto mong kapatid?Lalaki o babae at bakit?"

"Ako,gusto ko talaga sana ng babae kasi gusto ko na tatalian ko siya.Papahiramin ko ng mga laruan ko,tuturuan ko din kung pano lumaban kahit na pang self defense lang."

"E,ayaw mo ba ng lalaki?"

"Oo,kasi baka makasuntokan ko.Joke lang siyempre gusto din naman pero mas nanaig sa akin na babae talaga,e."

"Teka bakit mo ba natanong?"

"Kasi ang bilis ni Ti--Mom,pumayag na maging kapatid mo ako."

"Ganun talaga yon,lalo na kasi na wala ako sa kanila."

"Kayo may mga kapatid ba kayo?"

"Ako si Kuya Aries at ikaw."

"Ako wala pero si Boss meron,"sabay turo sa kaniya.

"Talaga?Hindi halata.Baka naman inaaway niyan ang kapatid niya.Teka ilan ba ang kapatid niya?"

"Tatlo.Si Vince,Kite at Stella."

"Ang bilis mo sumagot ah."

"Natural itatanong mo din naman ang pangalan."

Oo,nga naman.

"Bakit hindi ko sila nakikita?"

"Ayoko sila isama,bakit?"

"Ah,wala."

Pero sa totoo lang gusto ko mameet e.

"Ilang taon na ba sila?"

"Si Vince and Kite they are both 16 because they are twin.While Stella is 14."

"Wow,talaga may twin kang kapatid?"

"Do you think Im joking?"

"Nagtatanong lang naman ah."

"Kakasabi ko lang kasi tapos tatanungin mo na naman.Wala ka bang tiwala sa akin."

'I dont know if I can trust you.'

"Bakit masama ba?Malay ko ba na nagsisinungaling ka lang.Mas maganda na ang sigurado no."

"Do you want a proof?Okay fine,"sabay pakita ng mga pictures nito.

"Wow,they're all cute.How can you identify if he is Kite or Vince?"

"Its easy to find.Si Kite may nunal sa batok.And in their eyes,Kite is color blue while Vince is brown."

"May pagkakaparehas ba sila?"

"Are you stupid?Yes of course their look."

Nakakaengot na talaga.

"Ang sakit mo magsalita ah.I watch on your word so becareful."

"So,what will you do?"

"Simply,slap your face.One bad word one slap."

"So,go.One slap one kiss.Do you want?"

Nakakagigil na siya ah.

"No!!"

"So becareful."

Pinagtawanan kami ng mga kasama ko.Dahil sa away namin ng Ugok na yan.

"Do you want to meet them?"he asked,and because of excitement and curiosity I agree.

"Yes!"

"So,meet in Mall.Sunday at 5pm."

Natapos na ang kwentuhan at hapon na din.Nagsiuwi na sila,at I need to be ready for tomorrow cause we will buy  a ref and also my favorite 'Food'.

*************

"Good morning Arra" bati ni Leng sakin.Tila mas excited pa kaysa sakin.

"Good morning."

"Dalian mo,maligo ka na.Para makapag-ayos ka pa."

"Mamaya na at ayoko magmake-up no,sagabal lang yan sakin."

"Dali na bes,try mo lang.Maganda ka kaya makeupan."

"I know right,kaya nga ayoko ng make up dahil alam kong maganda nako."

"Sige na bes,Please!Ngayon lang bes promise."

"Sige na nga."

"Thank you bes.Ano palang susuotin mo mamaya?"

"Formal na panglakad bakit?"

"Magdress ka na lang.Bagay sayo yun."

"Ayoko,bibili lang naman ng ref e."

"Dali na bes please!Minsan lang naman to,para may kasama din ako."

"Sige,goodluck sa date niyo ni Clyde ah."

"Thanks bes,tara na kain na tayo.Nakahanda na ako e."

"Yan ang gusto ko sayo e."

At kumain na kami ni Leng.Masasarap ang luto niya kaya tuloy parang lamon na ang gawa ko.Ayos lang naman atleast busog.

"Alam niyo ba may kadate daw mamaya si Fafa Zack?"

"Ha?Talaga at sino naman ang malanding babaeng yun?"

"Si Arra daw."

Napantig ang tenga ko dahil sa narinig ko.Ako malandi?Kailan pa?Kadate si Zack?Ewww,yuck mas maigi na si crush na lang wag lang dun.

Gagawa na nga lang nga ng tsismis,mali mali pa.

"Hoy bitch!Sa lahat ng nilandi mo si Zack pa talaga.E,hindi ka naman kagandahan.Hanggang balikat lang naman kita.Kaya wag kang magmaganda."

"Hoy witch!Wag ka ngang makinig sa mga maling tsismis.Kasi alam mo ba na nakakamatay yun.Ako?Nilandi si Zack?Kailan pa parang ngayon ko lang to narinig.Hindi ako nainform"

"Sa tingin mo ba magugustuhan ka ni Zack?E,sa ugali pa lang bagsak ka na.Ang mga witch na kagaya mo hinding hindi magkakagusto na kahit na sino."

"How dare you to say that?!"sabay sampal sa king pisngi.

Nanggagalaete ako sa ginawa niya kaya hindi na ako nagpatumpig timpig pa at malakas na mag-asawang sampal ang ginanti ko sa kanya.Na dahilan para mamula ang mga pisngi niya.

"Ouchh!!"maarte nitong sabi.

"Oh di ba masakit?Baka gusto mo dagdagan pa natin dahil kulang pa yan e."

"Humanda ka sa kin.Gaganti ako sayo."Mangiyak ngiyak na sabi nito.

"Well,hihintayin ko.Good luck sayo,ang ganda na ng make up mo."

"Ano gusto niyo din?Im ready!"Umalis sila sa harap ko at tumawa naman ako ng malakas.Ayoko sa lahat yung dinudumihan ang pisngi ko.Dahil kapag nangyari yun,magsisisi ka sa buong buhay mo.

"Bes,tara na kain na lang tayo.Ang galing mo dun Bes."Puri ni Leng sakin.

Natapos na ang kainan namin at naligo nako.

Hinanda ko ang susuotin ko mamaya.At sinimulan niya nako ayusan.

"Leng,anong kurso ang kukunin mo?"

"Ako,make up artist o di kaya ay Chef.Ikaw ano sayo?"

"Buti ka pa,ako wala pang maisip e."

"Dapat bes,may alam ka na kung anong kurso ang kukunin mo.Para hindi ka na mahirapan pagdating ng college."

"May isang taon pa naman tayo,kaya makakapag-isip pa ako."

Sinimulan niya na ako ayusan.Kinurly hair niya ako at bumagay naman ito sa akin.Minake upan niya na ako,sa mga kilos nito masasabi mo na propesyonal na ito.She put the red lipstick on my lips.She put slight make up on my face.And it looks like an innocent angel.

Masasabi ko talaga na gumanda ako.

"Oh, ayan bes.Mas lalo ka pang gumanda"

"Salamat Bes."

"Your welcome."

"Sa tingin ko dahil sa ganda mo,mabibighani mo ang mga kaklase mo at magkakagusto sayo si Zack."

"As if naman na magustuhan niya ako."

"Tiwala lang Bes,kung hindi man siya meron pang iba."

Ayoko kay Zack,mas gusto ko pa si Crush na magkagusto sakin.Kaysa sa kanya no.

At nagtawanan na lang kami.

Dumating na ang hapon at kami'y sinundo ng mga ugokers.

"Good Afternoon Ate Arra,"bati sakin ni Calyx.

"You look so beautiful today."

"Matagal na ako maganda no."

"Pero iba ka ngayon."

"Ano namang iniba ko e,dinagdagan lang naman ako ng make up."

"Nevermind by the way Ate kanino ka sasakay?"

Oo nga no.Kanino nga ba?Ayoko naman kay Zack,ayoko masira ang good mood ko no.Kapag kila Aries naman baka magkaroon ng tensyon.Kila Clyde na lang kaya.Tama,sa kanila na lang.

"Ahmm,Leng baka naman pwede akong sumabay sa inyo?"

"Sorry Bes,pero puno na rin kami e."

"Hi Queen!Ang ganda mo ngayin ah!"ani naman ng mga Ugokers.

"I know right."

"Kanino ka ngayon sasakay?"

"Yun na nga e.Wala pa."

"Sorry pero puno na kami.Dun ka na lang kay Boss o maluwag pa."

"Sige na. Bye na."

Tiningnan ko ang dalawa at literal na napanganga.Ganyan na ba talaga ako kaganda.

"Hoy,tikom niyo mga bibig niyo.Baka gusto niyong mapasukan ng langaw yan."

"H--hi!Ang ganda mo ngayon."Nauutal na saad ni Zack.Jusmeyo si Zack nautal,hay grabe.Pero ang cute ah.

"Hi Arra!Samin ka na lang sumakay."

"Oo nga ate.Please!"sabay hila sa kamay ko at hinila naman din ni Zack.Ang sakit.

"No,sakin si Arra sasabay,"ani ni Zack.

"Hindi ako papayag.Kami ang nauna kaya samin si Arra."

"Hindi mas maluwag at may aircon sa kotse ko at komportable pa,kaya sakin siya sasakay."

"Hindi samin siya sasabay."

Nasasaktan na ako dahil pinag-hihila nila ang kamay ko.

"Magsitigil kayo!!At bitawan niyo nga ako,pwede!Ang sakit na e."

Binitawan naman nila ako at nakahinga din ng maluwag.

"Ate,samin ka na sumabay please!"

At si Zack naman ay tinitigan lang ako at alam ko na masamang senyales yun kasi baka mamaya e,saktan nito si Calyx at Aries,naku ayoko na ng gulo.

"Eto na pipili nako,"sabay turo kay Zack na ikinangisi naman nito.

"Ate samin na lang please!"

"Sorry bay but promise mamayang uwian sa inyo nako sasabay."

"Promise yun a."

"Promise!"

At pumasok na ako sa kotse nito.Ang ganda talaga.Magkakakotse din ako.

Pumasok na din si Zack at tahimik ang nabuo sa loob nito.Himala walang nag-ingay.

Nagpatugtog lang ito ng love song.Aba,maganda din ang napili a.

"Music lover ka ba?"tanong ko sa kanya na dahilan para mapatitig ito sa akin at hindi ako komportable sa ganon.Para bang nagkakarerahan yung nararamdaman ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Oo,bakit?"

"A kasi gusto ko malaman,ano bang mga love song ang alam mo.Kahit isa lang,curious lang ako?"

Tama ba tong mga pinagsasabi ko?

"Oo,actually music lover ako.Dati hindi pero ng dahil kay Andrea nakahiligan ko na din."Malungkot ang tono ng pananalita nito.At ngayon ko lang narinig ang ganon.Parang pakiramdam ko mahal na mahal niya talaga yung Andrea na yun.

"Anong nangyari kay Andrea?"

"Tss,ang dami mo nang tanong kaya manahimik ka na lang.Ayoko sa lahat yung pinanghihimasukan ang buhay ko."

"Eto na tatahimik na ho.Magdrive ka na lang diyan pwede?"

At nagmaneho na nga ito.Hanggang sa makarating na kami sa paroroonan namin at excited na ako makita si pagkain.My favorite.

"Hoy baba na!"Ani nito.

"Galit?"

"Bumaba ka na lang."

"Ito na nga o."

Nang makarating na kami,si Calyx naman diretso yakap sakin.Akala mo naman matagal hindi nagkita e,no.

"Tumigil ka na,"ani Zack.

"Ate,tara na."

"Teka,ano ba muna ang uunahin natin?"

"Pagkain ba o ref?"tanong ko na dahilan para tumawa sila.

"Queen wag ka mag-alala mapupuntahan din natin yun.Sa ngayon gumala gala muna tayo.Maaga pa naman e."

"Sorry naman."

At ito na gumala gala na nga kami.Pumunta kami sa arcade.Naalala ko dati nung unang punta namin ang saya saya,tapos ngayon nadagdagan pa.Ewan ko ba,parang mas naging interesado tuloy ako sa kanila lahat.Parang mas gusto ko silang makilala pa ng lubos.Ngayon ko lang to naramdaman.

"Ate tara na,"pag-aaya nito.

Naglaro kami ng basketball at madami akong na shoot.Sunod naman ay may carousel,sumakay kami dun.Nag feeling bata tuloy ako.Naalala ko tuloy ang nakaraan may bata ako nun na kasama lalaki siya.Hindi ko na maalala ang pangalan nito.Sumakay din kami sa carousel at may binigay pa ito sa akin na kwintas.Na iniingat ingatan ko.Kasi feeling ko siya ang nakatadhana sakin.Kung magkikita man kami yayakapin ko siya ng mahigpit dahil siya ang kauna unahan kong naging kaibigan.

"Arra?Ayos ka lang?"tanong sakin ni Zack.

"Oo,bakit?"

"Nagluluha ka na o."

Di ko na pala namalayan na nagluluha na ako.

"Ah,oo,may naalala lang.Wag munang intindihin."

"Ah,kung ayaw mo e,sa iba na lang tayo."

"Hoy,walang tayo kaya wag kang ano."

"Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Ah,wala."

Sige palusot pa.Kala mo diyan ah.Teka,ano ba tong iniisip ko.

Hindi na lang ako nito pinansin.At naggala gala pa kami.Kung saan saan na kami pumunta hanggang sa nakaramdam na ang alaga ko.

"Kumain muna tayo."Ani ni Calyx,buti naman kasi ako gutom na din.

"Sige,saan niyo gusto kumain?"ani Aries.

"Ahmm kahit saan  basta nakakabusog ah."

"Sige,treat ko."

Sabi ko na e,kaya dadamihan ko kasi ngayon lang to no.Pumunta kami sa restaurant ulit nila Aries.Alam ko kasi Eat all you can kaya pipili ako ng madami para sulit ang title na Eat all you can di ba?

Nag-order ako ng marami.Mag feeling may-ari muna tayo ngayon.Madami akong inorder siguro mga nasa 30 plus ganon.

"Sure ka kaya mo yun Queen?"

"Bakit ako lang ba ang kakain?"

"Hindi."

"Ayan na nakahanda na.Lamon na!"Narinig ng mga tao.Ano ngayon kung marinig nila,wala ako pake.Basta ako bubusugin ko muna ang sarili ko.Ang tagal kong magtiis no.

At nagsimula na kaming magsilamon.Ang dami kong nakain at yung iba hindi nila kinaya.At ako ang kumain para bang walang katapusan.

"Queen dahan dahan.Baka mabulunan ka."

At nagkatotoo nga.Niligtas ako ni Zack,muntik na ako dun ah.Pano ba naman kasi ang sarap kumain kahit na hindi na kain kasi lamon na.

Hindi pa ako nakuntento kasi may mga tira tira pa.Kaya naman pinatakeout ko pa.Pake nila e sabi nga nila eat all you can.

"Hoy Queen,ang dami naman niyan."

"Pake ko,e sayang kaya.Gagala pa naman tayo di ba?Edi habang nagala kumakain.Mag-isip din kasi."

"Ah oo nga.Sorry naman Queen.Pano kasi ang dami dami niyan o.Tingnan mo nga baka tumaba ka niyan."

"Wala ako pake kung tumaba man ako.Kasi kahit na mataba ako ,maganda pa rin ako."

"True si Ate Arra pa rin ay maganda kahit tumaba."Natatawang sabi ni Calyx.Wala namang nakakatawa a.Naiimagine ko nga kapag mataba ako madaming magbubuhat sakin kasi di kaya ng isa.

Ayoko naman yung sobrang taba yung katamtaman lang naman.Ang panget ko nun kapag sumobra,dapat stay beauty pa din.

"Tara na may bibilhin pa di ba?"ani Zack,panira talaga to ng moment e no.

"Hoy Zack ikaw ang magbitbit nito."

"Aba,ibang klase din ah.Sayo pagkain tapos ako magbibitbit."

"Natural wala ka namang bitbit diyan o.Ang tamad mo naman kung kahit isang bag lang ng pagkain e di mo pa magawang bitbitin."

"Coming from your mouth ah.Ikaw nga tong tamad diyan.Kagaan gaan lang niyan di mo pa magawang bitbitin."

"Ako na lang ang magbibitbit,"ani Aries na.

"Hindi,ako na lang.Tutal magaan naman."

"O tingnan mo magaan naman pala magrereklamo ka pa.Good job Aries."Sabay apir sa kanya at napansin ko na nagbulungan ang mga ugokers.

"Anong binubulong bulong niyo diyan?"

"Ah,nag-iisip lang kung anong pagkain ang dapat bilhin yung good for one week."Ani ni George.

"Talaga?Isip ba yun e,halos bulong yun e.By the way gusto ko yung idea na yan."

"Ehem,ayan diyan ka magaling sa pagkain ang usapan.Diyan din nagsimula yung mga babae kapag binigay na ang gusto mahal ka niya pero kapag hindi na at sawa na,iiwanan ka na."Sino pa nga ba edi si Edrix.Hugoterong to,kung sa bagay may point siya pero hindi ako ganon no.Mas mamahalin ko pa.Kung araw araw ba na may pagkain why not coconut?Bat ba napunta sa usapang love life to.

"Hoy wala ka namang love life diyan e.Tumigil ka nga sa drama."Ani John.

"Edi si Arra na lang ang jojowain ko.Para meron naman."

What the heck?Bakit ako pa?

"Just kidding,"ani nito.

"Kung magbibiro ka,wag naman ganyan parang totoo e."

"Bakit gusto mo ba?"Ani ni Aries.

"Ako na lang ang jowain mo.Ibibigay ko sayo lahat."

"Talaga?E kung sabihin ko sayo na tumigil ka na sa pambababae mo?Titigil ka ba?"

"Wag naman ganun.Joke lang yun,wag mong seryosohin."Ani ni Sky.

"Ate Arra e,ikaw nagkalovelife ka na ba?"

"Oo naman madami pa nga e."

"What?Do you mean you are not virgin?"

"No.Im a person na mapili.Ni kiss nga walang naganap.Nakuha lang yun ni----"hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi lahat sila pinagtitinginan kami ni Zack.

"Do you mean si Kuya Zack?Siya lang ang nagkiss sayo in your whole life?"

"Stop talking nonsense Calyx.E ikaw?May love life ka na ba?"

"Ahmm,crush meron.Sa school ko dati kaso nakita ko siya sa iba na masaya kaya ipinaubaya ko na siya."

"Wow ha.Ipinaubaya?E hindi nga naging kayo?"

"Kasi kahit simple crush lang parang iba na.Mararamdaman mo naman yun e.Kahit na masakit na nakikita ko siya na masaya sa iba.Ipinaubaya ko na lang kasi masaya na ako na nakikita ko na siya na masaya."

"Wow ha.Parang mas may alam ka pa sa akin ah "

"Tumigil na nga kayo."Panunuway ni Zack.

"Bitter ka kasi kaya ganyan ka."

"Baka gusto mong matikman ulit ang ginawa ko sayo last time."

"Wala akong naririnig nyenyenyenye."

Napatigil lang ng may biglang nagtext sakin.Himala si Mystery Texter.

Mystery Texter:

"Hello,Im sorry kung di ako nakapagtext sayo.By the way you look pretty today.Now I know you want food,dont worry padadalhan kita niyan.

Arra please dont talk to him.I felt jealous.Please!"

"Who are you?"

"Please dont disturb me.At kung sino ka man tantanan mo na ako."

"Baka pag nakita mo ako mainlab ka sakin."

"Duhh,I dont know you.Lubayan mo na ako.Kung hindi sasabihin ko lahat."

"I love you"

Ang huli nitong reply sakin.Kung sino ka man humanda ka sakin ng bonggang bongga.Teka sabi niya pagkain.

Nandidito kaya siya.Bat alam niya na kasama ko sila.Sino ba talaga siya?

"Arra,dalian mo na."

"Eto na ho!"

"O,tara may nakita na akong ref.Ayun o kasya tao."

"Pasok kita dun gusto mo."

"Sige basta ikaw mauna.Ano payag ka?"

Ang kulit kulit talaga ng mga ugokers.Balak pa sirain ang ref,naku subukan talaga nila.Magkakaron sila ng magandang design sa mukha.

"Ano gusto mo ba to?"tanong sa akin ni Jules.Waah may crush.

"Oo,e ikaw gusto mo?"

"Oo naman."

"Ako gusto kita"

"Ano?"

What the pack narinig niya.Hala anong gagawin ko.Anong ipapalusot ko?Help please!

"Ah,e ano kasi....ang sabi ko ay gusto ko nito."Sabay turo sa magandang ref,kasya nga tao.

"Ah,akala ko gusto mo ako e."

O my ghad narinig niya.Buti na lang nakalusot pa ako e.Pero aminin ko kinikilig na ako para bang may kung ano sa tiyan ko.Para bang nagugutom na ako.

"Hoy Zack yung pagkain amin na."

"Careful to your words Arra."

I cannot no way.Wala na ba akong freedom talaga bang robot na ako ha!

"Sabi ko po amin na po ang pagkain."

"O,eto"

Dahil nga gutom na ako kumain na ako.Kahit ba na bawal kuno.Wala akong pake sa rules nila.E,hindi nga nasusunod yung ibang rules nila e.Gaya ng wag makalat,nakalagay pa dun ah.Pero makalat.Mall ba talaga to o hindi?

Patago ako na kumakain at maswerte ako kasi nasa gitna ako ng mga ugokers.

Nakabili na kami ng ref at naka de gulong naman e.Kaya ayos lang.Bibili kasi kami ng pagkain at pagkatapos kunting gala at diretso sa room para mag-ayos.

Bumili na kami ng pagkain at nilagay namin sa loob ng ref.Siyempre.dinamihan namin para sa one month,kung aabot pa ng isang buwan.May mga chicherya,tinapay , ulam,bigas at kung ano ano pa.At pagkatapos non gumala gala na kami.

At sa huli pumunta kami ng room para mag-ayos na.Ginawa naming bahay peg ang classroom,pake nila e hindi naman sila ang papasok kami naman.Kaya wala silang pake kasi sa amin to.

May taga ayos ng plato.Kasi hindi lang naman pagkain ang binili namin kundi pati na rin pinggan,baso at iba pang kailangan sa kusina.

At ang iba naman ay hayahay kasi nagpahinga lang.Si Leng naman umupo lang kasama si Clyde,wow sana all may jowa.

Ako naman eto,nag aayos ng pagkain sa ref.Siyempre ako lang baka maisahan ako nang mga yun o.Ayoko pa naman sa lahat ang naiisahan kaya maganda na ako na lang.

Natapos na ang pag-aayos namin at pagod na kami.Kaya naman umuwi na kami.Ni lock ni Zack ang pinto ng classroom siyempre para sure at walang magnakaw.Kapag may magnakaw mabaog sana.Hindi na siya magkakaanak kailanman.

Babantayan ko naman kasi malapit lang ako sa University.Kaya humanda sila,at pagkatapos nun ay ginawa ko na ang night routine ko at natulog na.

Siguiente capítulo