"Bored na ba kayo? Hahaha."
Lahat kami ay napatingin kay Ate Ella nang bigla siyang pumasok dito sa kwarto namin habang nagkukwentuhan kami.
"Oo, Ate Ella! Wala pa kaming ibang ginagawa mula no'ng matapos ang first survival game." Napahalukipkip pa si Mona pagkatapos niyang sabihin 'yon.
Three days had passed since our first game. Noong unang araw pagkatapos ng laro ay sumakit nang kaunti ang mga katawan namin dahil nabigla at nabanat. Si Xynon naman ay binigyan ng gamot ng anti-venom kaya ngayon ay tuluyan ng bumalik ang lakas niya. During those days, we did nothing but rest in bed to regain our strength.
"Ate Merl told me earlier that I will be assessing you all tonight dahil may gagawin sila ng reyna, an important matter daw. And for now, you have special activity to do."
"Really?! Wooh! Mabuti naman!" sigaw ni Mona at napatayo pa dahi sa sobrang saya.
"Let's go, men are waiting in the living room."
Lahat kami ay tumayo at sabay-sabay pumunta sa sala. Nakita namin ang mga boys na busy sa pakikipagkuwentuhan.
"Yow, girls! What's up?" nakangiting bati sa 'min ni Shiro at ganoon din ang ginawa ni Lorenz.
As usual, biglang nanahimik ang asungot nang makita niya kami. Saglit din siyang tumingin sa 'kin pero agad din niyang binalik ang tingin niya sa kasamahan niyang lalaki na malakas na nagtatawanan.
"Ano po palang special activity natin ngayon? Sana naman po hindi sa gubat, gabi pa naman, Ate Ella," nakangusong tugon ni Lorenz na tila natatakot sa maaaring mangyari sa kanya ro'n.
"Don't worry. Dito lang natin sa living room gagawin ang activity na 'yon. So, are you guys ready?"
"Ready!" sigaw naming lahat habang ang iba ay napakaway pa sa ere sa sobrang excited.
Pumunta siya sa table at may kinuha roon na papel at binigay sa 'min. "I'll be giving you five minutes to decipher this code using this periodic table of elements. Separate boys and girls. If you already knew the answer, just raise your hands."
Inabot ko ang periodic table na binigay niya sa aming girls, one periodic table for girls and boys. Naningkit ang mga mata ko nang makitang puro numbers ito.
15-1-8-83-33
Saglit kong tiningnan ang mga kasamahan ko na tutok na tutok at tahimik habang inaa-analyze ang code. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa papel. Numbers ang cipher text na may kinalaman sa chemistry. Tiningnan ko nang mabuti isa-isa ang mga elements at napangiti ako nang unti-unti ko na itong naso-solve.
"Sa tingin mo atomic numbers ang ginamit?" mahinang tanong ni Lovelle nang nakatingin sa 'min.
"3 minutes, guys."
Bumaling ako kay Ate Ella at nagtaas ng kamay para sumagot. "Done."
Napalingon silang lahat sa 'kin nang nanlalaki ang mga mata at nakaawang pa ang bibig.
"Oh, tapos ka na, Lyka?!" Gulat na gulat ang mukha niya at sinamahan pa nang pagkakunot ng noo dahil sa sinabi ko.
"Done," kalmadong sagot ni Xynon kaya napatingin kami sa kanya na ngayo'y prente nang nakasandal sa sofa.
"Wait lang, akala ko by group 'to, Ate Ella? Hindi mo naman sinabing individual pala 'to." Bakas sa boses ni Shiro ang pagiging sarkastiko kaya natawa kami.
Hindi naman ako nasaktan sa sinabi niya dahil maging siya ay tumawa.
"Honestly, paunahan talaga 'to sa pagsagot, hindi ko sinabi para makita ko kung gaano niyo kabilis 'yan makukuha. So what's the answer?"
"PHOBIAS." Saglit akong natigilan at lumingon sa kanya nang dahan-dahan at parehong nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko ineexpect na sabay kaming sasagot ni Xynon.
Sa aming dalawa, ako ang hindi nakakatagal sa titigan namin. Ewam ko ba, pinaghalong hiya at pagka-amaze ang nararamdaman ko. Sobrang ganda talaga ng mata niya. Tipong maraming nakatagong sikreto tapos malulunod ka hanggang sa 'di mo mamalayan na nag-eenjoy ka na pala kakatitig. Bakit ganito nararamdaman ko sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya?
"Good! Brilliant! How did you get that?"
Napalingon na lang ulit ako kay Ate Ella nang marinig ang boses niya at napapalakpak pa habang makikita sa mukha niya ang malawak na ngiti.
Saglit akong tumingin ako kay Xynon kung siya ba ang sasagot pero mukhang wala siyang balak. Sige ako na lang. "By atomic number. 15 stands for Phosphorus, 1 for Hydrogen, 8 for Oxygen, 83 for BIsmuth and 33 for ArSenic and just look for their corresponding symbols."
"Wooh! Galing! No'ng una nakutuban na rin talaga akong atomic numbers ang ginamit. Hindi ko lang alam kung paano ifo-form ang hidden message since may kanya-kanyang names of element!" mahabang paliwanag ni Mona habang nakahawak sa kanyang baba.
"Me too! Ganyan rin ako! Symbols lang pala ang titingnan," saad naman ni Lovelle at niyugyog ako. "Ang talino mo talaga, Lyka!" Humagikhik pa siya kaya ngumiti ako nang malapad.
"Is phobia related to our activity?" tanong ni Lorenz. Napansin ko sa mga mata niya ang interes dahil mukhang gustong-gusto na niyang malaman ang tungkol sa Phobias.
Nilibot muna ni Ate Ella ang mga mata niya sa aming lahat bago nagsalita.
"I want you to know each other. Hindi lang naman ang lakas at tapang niyo ang gusto naming makita. I want everybody to be a witness what things you are scared of. "
Napatango ako dahil alam kong malaki ang maitutulong n'yon sa 'min kung malalaman namin ang kahinaan at takot ng bawat isa. Malalaman namin kung sino at kailan kami mag-aadjust para rin matulungan namin ang isa't isa lalo na pagdating sa survival games.
"Alam ko naman na ang iba sa inyo ay takot sa survival games, right? Pero bukod do'n, ano pang mga bagay ang kinakatakutan niyo? Iisa-isahin ko kayo. Can you please share to us what was the history of that fear?" Lumingon ito kay Mona na katabi ni Lovelle. "Mona, you first."
Huminga muna siya nang malalim, pumikit saglit saka rin dumilat at ngumiti sa 'min. "Fear of snakes."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Takot pala siya sa mga ahas? Kaya pala ganoon na lamang ang takot at sobrang pamumutla niya at ayaw niyang tumulong sa 'kin para iligtas si Xynon nang makagat siya. May phobia pala siya ro'n.
"Bata palang ako ay mahilig na ang papa ko mag-alaga ng ahas. Kingsnakes ang tawag sa klase ng ahas na inaalagaan niya." She smiled a bit nang banggitin niya ang salitang papa. "By the way, I'm giving you a short description about kingsnakes. It is most common snakes in North America that have vibrant patterns on their skins with vivid contrasting colors.They are called kingsnakes because they sometimes eat other snakes, as does the king cobra. Also, it is a medium-size nonvenomous snakes that popular among pet owners. Dahil nonvenemous ang ahas na inaalagaan ng papa ko ay nagustuhan ko 'yon n-not u-until..." Tumigil siya saglit at pinunasan ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata niya. "Not until Black Mamba snake na nilapitan niya sa Manila Zoo nang minsan kaming bumista ro'n when I was ten years old, b-bites my d-dad." Ang luhang pinipigilan niya kanina ay nag-uunahan na sa pagtulo at garalgal na rin ang boses niya. "Sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko na lang na n-nakahandusay na ang papa ko. Late na nang mabigyan siya ng anti-venom since nasa dulong parte kami ng zoo at walanggaanong taong dumadaan do'n, he eventually d-died. When I searched Black Mamba in google, it was the fastest snake in the world and also one of the deadliest. It can move at speeds of up to 12.5 miles per hour (5.5 meters per second), and its bite can kill a human being in less than thirty minutes. Hindi ko rin talaga kinalimutan ang description ng black mamba na 'yon dahil pinatay niya ang papa ko. Since then, takot na ako sa mga ahas because it only r-reminds me of my d-dad. Kaya ganoon na lamang ang takot ko na may ahas akong na-encounter sa gubat at hindi ko pa nagawang tulungan si Xynon. When I saw Xynon got bitten, bumalik sa alaala ko ang araw na namatay ang papa ko."
Hinagod ko ang likod niya kaya tumingin siya sa 'kin habang nagpupunas ng luha at ngumiti sa 'kin nang kaunti. Nakikita ko talaga sa mga mata niya ang pangungulila at sakit kahit ilang taon na ang nakalipas.
"But it's okay. Gano'n talaga ang buhay, unpredictable death with its unpredictable reason," dagdag niya pa at ngumiti ulit sa 'min but this time ngiting malapad na.
"You're strong," ani ni Ate Ella habang nakangiti sa kanya. "Hindi madali na makita mo mismo ang pagkamatay ng papa mo but you're in the process of overcoming it. Great job. I know your dad is proud of you kung ano man ang ginagawa mo ngayon."
Nangilid naman ulit ang mga luha ni Mona habang nakangiti. "Thank you po. Yeah, I know he's proud of me lalo na't nagiging malakas ako habang tumatagal. And I know he's watching us from heaven. My mom misses him so much so am I."
"I'm sure of that," sagot naman ni ate na may kasama pang pagtango. Mayamaya pa'y bumaling siya kay Shiro senyales na siya na ang susunod. "Shiro, your turn."
Napunta naman sa kanya ngayon ang atensyon naming lahat. Just like what Mona did, he smiled first. "Takot ako sa karayom. Nakakabakla mang pakinggan pero legit 'yan. Hahahahha!"
Lahat kami ay natawa. Akala ko malulungkot siya pero siya lang din naman ang unang tatawa. Hahaha.
"Pero 'eto seryoso na. Bata pa lang kase ako, eight years old ako no'n, lagi na akong tinatakot ni Mama na tutusukan niya raw ako ng maraming karayom kapag hindi ako matutulog sa tanghali hahaha." Huminto muna siya sa pagtawa at tiningnan kami isa-isa. "Alam niyo naman kapag bata ayaw natutulog sa tanghali kase mas gusto nating maglaro. Tapos isang araw, habang naglalaro kami ng mga kaibigan ko may lumapit na matandang lalaki at agad akong sinaksak ng dala-dala niyang malaking injection na may laman na malaking karayom since ako ang pinakamalapit sa posisyon niya. No'ng nakita 'yon ng mga kapitbahay namin, pinahuli nila ang lalaki. Napag-alaman na baliw pala 'yon at dating doktor. Doon nagsimula ang takot ko sa karayom na hindi man lang nalalaman ng mga magulang ko. Akala kase nila normal na takot lang ang naramdaman ko no'n kahit ang totoo ay na-trauma talaga ako. Tapos no'ng nakagat rin ako ng aso noong nine years old ako, syempre tatlong beses tuturukan, sobrang iyak ko no'n kase bumabalik sa alaala ko ang matandang lalaking sumaksak sa 'kin. Lahat ng mga tao nakatingin sa 'kin tapos narinig ko pa ang isang bata na katabi ko na mukhang mas bata pa sa 'kin sinabihan ako ng bakla. Sa sobrang inis ko sa kanya no'n, sinuntok ko siya nang malakas, bulagta sa sahig, eh. Nawalan ng malay! At 'yan ang aking hapitot. Hahahahahahaha!"
"Tado ka pre! Bata pa lang, basagulero ka na! Hahahaha!" sabay suntok nang marahan ni Lorenz sa kanya.
"Wala sa singkit mong mata ang pagiging basagulero! Hahahah!" komento naman ni Mona at pinalo pa siya sa kanang braso.
"Syempre sinabihan ba naman ako ng bakla without knowing na may takot ako sa karayom. Hahaha. Natatawa pa rin ako sa tuwing naaalala ko 'yon, swear! Like iniisip ko, sa'n na kaya 'ýong mokong na 'yon. Hahahah!"
"Wait lang may naalala ako," saad ni Lorenz at naningkit ang mga mata na para bang sinusuri si Shiro na katabi niya. "G*go baka mamaya ako pala 'yon! Ngayon lang ulit sumagi sa isip ko, may lalaki akong sinuntok dati sa barangay hall, kasama ko si mama no'n, sinabihan ko ng bakla. Eight years old naman ako nang nangyari 'yon! T*ngina mo, Shiro kung ikaw nga 'yon! Hahahahaha!" saad ni Lorenz at umaktong sinasakal si Shiro habang pareho silang tumatawa.
"Seryoso? Legit 'ýan?" Hindi ko na maiwasang sumali. Kung totoo man 'yan, nakakatuwang isipin na nagkita ulit sila for how many years hahaha.
"Hindi ko alam kung siya ba 'yong sinuntok ko pero bulagta nga ako no'n. Umiyak pa ako kase hindi man lang ako nakaganti. Pabalik-balik din ako sa barangay hall nagbabakasakaling makita siya ulit tapos balak kong lumpuhin na sana. Hahahah!"
"G*go ka! Mukhang ikaw nga 'yon. Lulumpuhin mo pa 'ko?! Hahahaha eh, nawalan ka na nga ng malay!"
"Ang lakas niyong dalawa, mga bata pa lang kayo, basag-ulo na kaagad lalo ka na Lorenz, lumpo-lumpo ka pang nalalaman! Hahahaha!" Maging si Ate Ella ay nakisali na rin sa asaran. "Pero what a nice coincidence 'no? Dito na lang ulit kayo nagkita paglipas ng ilang taon."
"Kaya nga po, eh! Kung hindi pa dahil dito sa activity na 'to, hindi ko malalaman na siya pala ang sinapak ko. Hahahahaha!" Halos maiyak na sa kakatawa si Shiro habang nakaharap kay Lorenz.
Sa nakikita ko sa mukha nilang dalawa ay masaya sila na nabalikan nila ang pangyayari 'ýon nang walang bahid na samaan ng loob kundi puro lang tawanan.
Hindi mo nga sukat akalain na ang taong nakilala mo noon ay magiging parte pa rin pala ng present mo. Nakakatuwang isipin. Parang planado ang lahat.
"Mga siraulo kayo. Pareho lang ang takbo at likot ng utak niyong dalawa hahaha. O siya let's proceed baka mamaya magtawanan na lang tayo nang magtawanan dito eh. Hahaha." Ngumuso siya kay Lovelle habang panay pa rin ang tawa.
Lovelle cleared her throat first before speaking. "Kahit na hindi pa tayo nagkakasama nang matagal, alam niyong takot ako sa risky games right? Mahina kase ang loob ko at pinapangunahan ako lagi ng kaba but aside from that, I'm fear of losing someone." Huminga muna siya nang malalim bago niya pinagpatuloy ang pagkukwento. "My parents died in a car accident when I was three years old. Ang pagkawala nila ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko." Tumingala siya sa taas para pigilan ang luha niya. "I w-was never given a c-chance to be with my parents for a long span of time. Ang bilis lang nila nawala sa 'kin. I have my twin sisrter, basically we're fraternal twins, hindi ko naman siya gaanong kasundo kahit na kambal ko pa siya kaya si Lyka ang nakasabay kong lumaki." Tuluyan nang lumandas ang luha niya na kanina pa niya pinipigilan pero agad niya rin itong pinahid. "Lyka and I was an orphan. Losing someone important in my life is my biggest nightmare I wish I could escape to."
Niyakap ko siya matapos niyang magkuwento. I really feel her. Pareho kaming ulila kaya alam ko kung gaano kasakit, para bang dahan-dahang binabaon ng kutsilyo ang puso mo hanggang sa malagutan ka ng hininga. Mabuti nga siya nakasama niya pa ang mga magulang niya pero ako? I never experience that. "Huwag ka nang umiyak. Naiiyak na rin ako sa 'yo, eh," mahinang bulong ko rito na sinabayan ko nang mapaklang tawa.
Ever since, kami lang talaga dalawa ang laging nagdadamayan. This is what friends do right? Kahit sa pinakamadilim na parte ng buhay niyo, sasandalan niyo pa rin ang bawat isa.
"Sorry, bes. Hahaha. Ang panget mo talagang umiyak. Hahaha."
Imbes na mainis ako kase nang-aasar na naman siya, natawa ako kase sinusubukan niyang pagaanin ang mabigat na atmosphere naming dalawa. This is what Lovelle capable of. She's good in lighting up the mood and makes you laugh even she carries a lot of burden. That's why I admire her for her braveness.
"Pero matanong ko kayo, may umampon ba sa inyo?" tanong ni Mona.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Lovelle at ngumiti sa isa't isa sabay tingin ulit sa kanya.
"Lumaki kami sa isang ampunan. Mga madre ang nagsilbing nanay namin kaya kahit na wala na ang totoo naming magulang ay may pumalit naman," sagot ni Lovelle na mas lalong nagpangiti sa 'min.
"You know what, guys? Kung hindi pa ako nagpa-activity sa inyo, hindi ko malalaman na ganyan pala kasaklap ang kwento ng buhay niyo," panimula ni Ate Ella at huminga nang malalim. "It's really hard when you open up something in your life that you considered as a nightmare. It have caused you so much pain and you didn't know when you will be okay after that incident. Lahat ng tao ay may masamang karanasan sa loob ng pamilya. That's the biggest and deepest secrets people can have. Kaya hindi na ako ganoon nagtaka kung karamihan sa mga kwento niyo ay tungkol sa pamilya but different untold stories inside it." Ngumiti siya nang marahan at tinapik ang balikat ni Lovelle. "Mahirap ang lumaking hindi nakasama ang mga magulang pero alam ko na sa kabila ng 'yon ay may mga taong darating sa buhay niyo na pupuno sa kung ano man ang hindi niyo naranasan sa mga totoong magulang niyo and besides, alam kong magiging mabuting ina at asawa ka someday, Lovelle dahil ikaw mismo ang nakaranas ng 'di kumpletong pamilya. Alam mo na kung gaano kahirap at kasakit lumaki ng walang totoong magulang. Well, hindi lang ikaw Lovelle but all of you."
Lahat kami ay napatingin sa isa't isa at wala ni isa ang nagsasalita. Parang kanina lang nagtatawanan kami pero ngayon, heto malungkot na naman dahil sa isa na namang kwento.
Pero teka, ang weird ng pakiramdam ko. Nararamdaman ko kase na may pares ng mata na nakatingin sa 'kin ngayon. Pasimple akong tumingin sa bawat gilid para mahanap kung sino 'yon hanggang sa mapunta ang tingin ko kay Xynon na nakatingin sa 'kin.
Para siyang isang estudyante na nahuli ng teacher na nangongopya kase nang tumingin ako sa kanya bigla siyang yumuko at sumipol.
Anong nangyari sa kanya? Kanina pa ba siya nakatingin sa 'kin?
"Lorenz, your turn," rinig kong sabi ni Ate Ella.
Hanggang ngayon ay pasimple pa rin akong tumitingin kay Xynon para makumpirma ang hinala ko. Baka mamaya kanina pa pala siya nakatitig, wala man lang akong kaalam-alam.
Pero lumipas na ang ilang minutong pagtingin ko sa kanya ay hindi na siya muling tumingin sa 'kin. Baka naman guni-guni ko lang 'yon? Baka naman ibang babae ang tiningnan niya at hindi ako? T-Teka, ba't ba ako nacu-curious? Anong pake ko aber?
Winaglit ko na lang sa isipan ko ang tagpong 'yon at tumingin na lang kay Lorenz na handa nang magkwento.
"Mine is fear of human-like figures. One heavy night, naalimpungatan ako dahil sa malakas na kidlat at kulog dahil may malakas na bagyo no'ng panahon na 'yon. Mag-isa lang ako sa kwarto ng parents ko that time since pinatulog na ako ng maaga at patay na ang ilaw. Dahil sa liwanag ng kidlat na tumagos sa nakaawang na bintana namin ay may nakita akong malaking itsura ng tao na sobrang nakakatakot. Parang demonic figure kumbaga. Akala ko multo kaya panay sigaw ako dahil sa sobrang takot, six years old ako no'n. May hika rin ako no'ng bata ako kaya umabot sa point na hindi na ako makahinga sa kakasigaw at sa sobrang bilis ng heartbeat ko. Siguro kung hindi pa dumating si papa para tingnan ako, malamang sa malamang hindi na ako nasapak ni Shiro no'ng eight years old ako. Hahaha." Tumawa ito saglit at nagpatuloy ulit sa pagsasalita. "Kahit na hirap na akong huminga ay sinubukan ko pa ring ikuwento sa kanila ang nakita ko kaya binuksan nila ang ilaw. Wala pa ring humpay ang pag-iyak ko no'n kahit nakita kong tanging malaking human-like figure ng parents ko na gawa sa wax, regalo ng kaibigan ng parents ko noong kasal nila ang naka-display sa dingding. Tumahan lang ako nang kantahan ako ni mama hanggang sa makatulog ulit ako. Doon nagsimula ang lahat.Takot na akong matulog nang nakapatay ang ilaw dahil pakiramdam ko ay may makikita akong gano'n kahit saan. Sa tuwing nakakakita ako ng human-like figures, pinipikit ko agad ang mga mata ko tapos kumakanta na lang ako tulad ng ginawa sa 'kin ni mama para mawala ang takot ko. Wala na rin akong hika ngayon dahil sa pag-e-exercise na ginawa ko rati pero inaamin ko, kapag umaabot ako sa puntong takot na takot na ako ay nahihirapan akong huminga."
"Eh, 'di ang ending napagkamalan mo pang demonic figure ang parents mo? Pfft." Halata sa itsura ni Shiro na gusto na niyang matawa nang malakas pero pinipigilan niya lang dahil alam niyang seryosong bagay ito para kay Lorenz.
"Gano'n na nga. Hahaha. Lintek kaseng human-figure na 'yon, eh. Hahaha!"
Napuno tuloy ulit ng tawanan ang salang ito dahil sa asaran na naman nilang dalawa. 'Yong tipong kinakatakutan na bagay, ginagawang katatawanan. Hahahaha.
"Pero mahirap 'yong hindi ka na makahinga dahil sa sobrang takot, ah. Hindi biro 'yon kase pwede mong ikamatay 'yon," komento naman ni Ate habang nakatingin kay Lorenz.
"Opo, kaya nga hangga't maaari hindi ako nagpapasindak sa kahit na ano pang bagay kahit hindi related sa human-like figure kase alam kong gano'n ang mangyayari sa 'kin."
"Pero nakakatuwa lang kase kahit na ano pang mangyari sa 'tin, nanay pa rin ang nagpapakalma at nagpapawala ng sakit at takot na nararamdaman natin, 'no?"
Napangiti ako kase naalala ko si Mama Theresa. Gawain niya rin sa 'kin ang kantahan ako kahit na dalaga na ako. Ginagawa niya 'ýon kapag hindi siya busy tuwing gabi para mapatulog ako. "That 's the power of a mother's love. Lahat kaya niyang pagalingin. Walang imposible sa kanila."
"Lyka's right. Ang sarap lang sa pakiramdam na may nanay tayo kadugo man natin o hindi," saad naman ni Shiro na ikinagiti namin maliban kay Xynon.
Napansin kong seryoso lang ang mukha niya at hindi man lang ngumingiti kapag nanay ang pinag-usapan.
Wala na kaya siyang nanay?
"Let's proceed to Lyka."
Napalingon ako nang biglang banggitin ni Ate Ella ang pangalan ko. Ako na pala. Namayani muna saglit ang katahimikan hudyat na hinihintay nila akong magsalita. Kahinaan ko lang naman ang pagiging emotional kase mabilis akong maapektuhan, other than that wala na.
"Ano Lyka wala kang phobia?" tanong ni Lorenz.
"Ah, eh, mabilis lang akong maapektuhan sa mga taong nasa paligid ko lalo na kung nasa bingit sila ng panganib o kamatayan. Hindi ako napapalagay at lagi akong inuunahan ng luha, negativities at takot. Ayun lang naman sa 'kin." Napakamot pa ako sa ulo pagkatapos kong mag-explain. Hindi ko naman kase alam kung phobia ba ang tamang term do'n.
"Related pala sa emotional ang sa 'ýo. Naku! Pa'no na lang kapag mapahamak si Xynon eh, 'di ka mapapalagay?" biglang sabi ni Mona sabay ngisi nang palihim.
"Uy, bakit anong meron sa inyo ni Xynon? May something sa inyo?" tanong naman ni Shiro at kinalabit pa si Xynon na nananahimik lang.
"Ba't nasali siya?" tanong ko pabalik kay Mona at pinandilatan siya ng mata para balaan siya na tumahimik. Leche. Lagi akong inaasar kay Xynon lalo na no'ng inalagaan ko siya nang makagat siya ng ahas. Nakita niya raw kase ang ibang klaseng pag-aalala sa mga mata ko. Pati 'yon binigyan niya ng meaning kahit wala namang kakaiba.
"Baka mamaya mabalitaan naming kayo na, ah!" sigaw naman ni Lovelle na halatang suportado rin.
Aish, bakit ba ganito mga kaibigan ko?! Wala naman akong gusto sa kanya.
"Guys, don't forget the golden rule," singit naman ni Ate Ella habang seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa 'min lahat.
'Don't fall in love with your teammates. Emotion is forbidden here.' That's the golden rule.
Asa namang magkakagusto ako sa asungot na 'yon? Hays. Loyal pa rin ako kay Martin! Siya pa rin ang gusto ko at wala nang iba.
Natahimik naman ang lahat dahil sa sinabi niya. Walang lugar ang love rito sa lugar na 'to.
"Okay, last is Xynon," dagdag pa ni Ate.
Lahat naman kami ay bumaling kay Xynon na kanina pa tahimik.
Tumingin naman siya sa 'min saglit. "I have trust issues. Fear of trusting people to be exact."
Oh? Serysoso siya? Honestly? Nakuha niya ang interest ko. Sa tingin ko marami akong malalaman sa kanya na may kinalaman sa ugali niyang emotionless.
"My mom promised me that she wouldn't never leave me when I was seven years old but then she left me with my dad because of other man. She chose that man over us that's why since then, I'd prefer to be like this, having an emotionless eyes, showing no interest, masungit daw ako and I get rid away from people especially to girls because I don't want to trust other people again. The first woman in my life betrayed me. She was the one who broke my heart first. Who else would not betray me?" He closed his eyes tightly and released a deep and heavy breath.
O...kay. That's totally shock.That's why he's so distant especially to girls. Ang lalim pala ng dahilan niya. Imbes na ang nanay niya ang unang magmamahal at mananatili sa kanya, siya pa ang unang nang-iwan.
"That's so hard," tanging nasabi ni Ate Ella na nakatingin kay Xynon.
Maging ang dalawang babaeng maingay at inaasar ako kay Xynon kanina, ngayo'y tahimik at seryosong nakatingin sa kanya.
"Wala ka nang ibang pinagkatiwalaan bukod sa papa mo?" tanong ni Mona. Pansin ko lang, mahilig talaga siyang magtanong.
He opened his eyes without even looking at who asked him. "None. I'm scared. I feel anyone who's around me can betray me just like my mom did."
"How 'bout your friends? Girlfriend? Meron ka ba? Kung wala, ex-girlfriend?" Sa aming lahat siya na naman ang nagtanong.
"I do have friends but I don't actually trust them. I don't have a girlfriend since then. She will just betray me if I allow myself falling for her."