Naalimpungatan ako dahil sa matinding init sa binti ko. Pupungay-pungay pa ang mga mata ko nang magmulat ako at nakita ko ang sikat ng araw na direktang tumatama sa katawan ko lalo na sa binti ko na tumatagos sa bintana kahit nakasara ito. Kaya pala ang init.
Dahan-dahan kong nilibot ang aking mga mata para tingnan ang paligid. Ba't nag-iba ang ayos ng kwarto ko? Wala namang tatlong bintana ang kwarto ko, ah, isang bintana lang ang meron! Wait, hindi ito ang kwarto ko, ah?! Napabalikwas agad ako ng bangon nang mapagtanto kong nasa ibang kwarto ako natulog. Shems! Magagalit sa 'kin si Mama Theresa! Akmang tatawagin ko na sana si mama pero nakita ko ang dalawa kong kasama na mahimbing pa ring natutulog hanggang ngayon.
Sino 'tong mga 'to? Ah, naaalala ko na. Nandito nga pala kami sa Romino Las Defa. Akala ko panaginip lang ang nangyari kanina. Akala ko sa paggising ko ay babalik na ulit kami sa mundo namin, 'yon pala ay hindi pa rin.
Napayuko ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko dahil sa sinapit namin. Among all the people, ba't kami? Nag-aalala na ang mga madre sa 'min ni Lovelle, for sure. Bigla namang tumunog ang tyan ko, wala pa rin pala akong kain ng tanghalian. Anong oras na ba? Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at nakita ko ang malaking orasan na nakasabit malapit sa pintuan. 2:15 PM na.
Tumayo ako para maghanap ng pagkain sa ref. Mabuti na lamang at halos kumpleto ang kwartong 'to sa mga gamit kaya hindi na kami mahihirapang lumabas pa para lang maghanap. Kumuha ako ng apat na pirasong gardenia sandwich, spaghetti at freshmilk at nilantakan ito. Nagugutom na talaga ako!
Habang kumakain ako ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto. Infairness kakaiba rin. Sementado ang kwarto, may mangilan-ngilang halaman na nakadisplay at may tatlong computer sa left side ng mga higaan. I admit, this place really looks pretty amazing. Ang galing nilang mag-isip para maging ganito ang itsura ng lugar. At may tatlong cabinet rin kaya binuksan ko ito isa-isa at tumambad sa'kin ang mga damit at iilang personal hygiene. Wow! Handang-handa sila para sa 'min, ah! Dito na nga kami titira!
Mayamaya pa'y natapos na akong kumain pero ang mga kasama ko ay tulog mantika pa rin. Pwede naman sigurong maglibot-libot dito, 'no? Maingat akong lumabas ng room at saktong may lumabas ding lalaki sa kabilang room. Sino naman kaya 'to?
Lalapitan ko na sana siya para ayain kong maglibot para may kasama ako pero napaatras ako nang bigla itong tumingin sa 'kin at tinaasan ako ng kilay habang nanatiling blanko ang ekspresyon niya. Sa lahat ba naman ng taong pwedeng lumabas sa kwartong 'yan ay ang masungit pa! Tss.
"What?" tanong nito.
Syempre magpapatalo ba 'ko? Tinaasan ko rin siya ng kilay at ginaya siya. "What?"
Kumunot ang noo nito at mas lalong tiningnan ako. "Freak."
"Hoy! Anong freak ka r'yan?! Akala mo ba hindi ko narinig 'yon?!"
Ngumisi ito pero bumalik din agad sa pagiging blanko ang mukha nito. "Miss, I said that intensionally para marinig mo. Stupid."
Aba't! sumusobra na 'to, ah! Mabilis akong lumapit sa kanya at hinampas siya sa braso nang malakas na ikinagulat niya. "Ikaw ang freak! Weirdo! Cold at emotionless ka pa! Nagpapapansin ka ba sa 'kin, ha?! Kanina mo pa ako sinusungitan, ah!"
"Excuse me?" Mas lalong tumaas ang kilay niya at dahan-dahang nilapit ang mukha niya sa 'kin habang diretso pa ring nakatingin sa mga mata ko. Ang lalim niya makatingin, parang hinihigop ako. "Maybe you're referring to yourself? Lumapit ka pa talaga sa 'kin para chansing-an ako." Nilayo niya ang mukha niya habang umiiling pa. "Mga galawan talaga ng mga babae ngayon. Too obvious. Tsk."
"W-What?!"
"See? You're too obvious. Gotta go, freak." Tumalikod na siya sa 'kin at preskong naglakad palayo.
'Di lang masungit, presko pa! Argh! Ba't ba napasama 'yan dito?! Mukha namang walang maitutulong na maganda ang lalaking 'yon eh! Kagigil!
At dahil nasira na ang araw ko ay bumalik na lang ako sa kwarto. Pambihira naman talaga. Ang panget ng unang araw ko rito! Kasing pangit niya!
"Hoy!"
Napatingin ako kay Lovelle nang tawagin niya ako habang nakakunot ang noo ko. Titig na titig siya sa 'kin kasama ang isa pa naming kasamahan habang maganang kumakain.
"Ba't ang asim ng mukha mo?" takang tanong niya.
"Wala. May nakita lang akong asungot." Ayoko nang ikuwento sa kanya ang nangyari sa 'kin, mas lalo lang masisira ang araw ko.
"Sinong asungot?" tanong ng isa.
"Ano palang pangalan mo?" tanong ko rito at lumapit sa kanila. Gusto kong ibahin ang usapan para hindi ko siya maalala. Hmp!
Ngumiti naman siya nang malapad kaya nakita ko ang pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin. "Oh, sorry hindi ako nagpakilala." Tumayo siya. "I'm Mona, by the way" at nakipagbeso pa sa 'kin.
Wow ang sweet naman. Mona pala ang pangalan niya. Ang ganda naman niya. "I'm Lyka," pagpapakilala ko. "Ang ganda ng hair color mo, ash gray hehe."
Natawa naman ito sa pagpuring ginawa ko. "Si Mama kase ang may gustong magpa-color ako ng buhok para matchy-matchy raw kami. Hahaha!"
Ah, kaya pala. Ang sweet naman nilang mag-ina. Naalala ko tuloy si Mama Theresa. Kung pwede ko nga lang din siyang ayaing magkulay ng buhok, matagal ko na rin sanang ginawa hahaha.
"Sinong asungot pala ang tinutukoy mo?" tanong ni Mona.
"Baka 'yong lalaking masungit, Mona. Hahaha," sabi naman ni Lovelle habang ngumunguya.
"Kilala mo?" takang tanong ko rito. Paano niya nalaman na ang lalaking 'yon ang tinutukoy ko?
"Siya lang naman ang nagsabi sa 'yo ng "none of your business."Hahaha!"
Ginaya niya pa talaga kung pa'no sabihin 'yon ng lalaki sa 'kin kanina kaya inikot ko ang mga mata ko. Naalala ko na naman ang emotionless niyang mukha. Psh.
Tumawa naman nang malakas si Mona habang may pagkain pa sa bibig. "Ay! Oo! Naalala ko! Grabe ang sungit niya no! Hahaha! Baka naman siya na ang destiny mo, Lyka!"
Napangiwi at nangasim ang mukha ko sa sinabi niya. Like eww! 'Yong lalaking 'yon, destiny ko?! My ghad! Iba na lang please! Ayokong paglihian ko ang masungit kapag nabuntis ako 'no!
"But you know what? Bagay kayo saka mas okay na rin 'yon para makalimutan mo na agad si Martin no," sabi ni Lovelle.
Oo nga pala, ngayon ko lang naalala. Broken hearted nga pala ako kay Martin. Hays. Kumusta na kaya siya? Pumupunta pa rin ba kaya siya sa park at nagbabakasakaling makita ako? 'Yan ka na naman, Lyka, eh! Umaasa ka na naman!
"Sinong Martin?" tanong ni Mona.
Pansin ko lang, may lahi rin yata 'tong si Mona ng pagiging chismosa. Lahat tinatanong, eh!
"Si Martin ang lalaking mahal niya kaso may girlfriend kaya ekis na siya. Hahaha!"
Binatukan ko naman si Lovelle sa sinagot niya. Grabe! Tuwang-tuwa na makita akong broken!
"Ay, girl! May ibig sabihin 'yan! Kaya siya may girlfriend kase ang asungot mo ang nakatadhana para sa 'yo!" tugon naman ni Mona saka uminom ng tubig.
At saka ano raw? Asungot ko? "Hindi ka ba kinikilabutan d'yan sa sinasabi mo, Mona? Oo asungot 'yon pero hindi ko pagmamay-ari 'yon." Kung makapagsabi ng 'mo', parang sa 'kin, eh. Psh.
Napansin ko namang nagkatinginan silang dalawa at sabay natawa nang sobrang lakas. 'Yong tipong mabibilaukan na sa kakatawa. "Hahahahaha!"
"Anong nakakatawa?"
"Bagay nga kayong dalawa. Isang asungot na masungit at isa namang tigre na pikunin! Hahaha!" ani ni Mona.
Hindi na lang ako nagsalita pa at pumunta na lang sa kama ko para mahiga. Ako ang kinikilabutan sa mga sinabi nila, eh! Hindi ko ma-imagine na ma-i-in love ako sa kanya. Never!
Busy silang dalawa sa pagkukwentuhan habang ako naman ay nakatitig sa kisame nang biglang may kumatok. Tumayo si Lovelle at binuksan ang pinto.
Nakita ko ang lalaking moreno at ngumiti sa 'min. "Hi girls! Pinapapunta tayo ni Ma'am Merlyn sa quad. Mag-lelecture raw siya about sa Romino Las Defa History."
Mabuti pa itong moreno, mabait at charming. Hindi katulad ng lalaking 'yon na ubod ng sungit.
"Oh, ngayon na pala 'yon? Tara na guys!" ani ni Mona.
Tumayo na ako habang sila naman ay niligpit ang kanilang pinag-kainan at pagkatapos n'yon ay umalis na rin kami. Habang papunta kaming lahat sa quad, ang pinakasentro ng lugar kung sa'n kami bumagsak kanina, pinagmasdan ko ulit ang buong lugar. Namamahangha pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko lubos maisip na may ganitong lugar na nag-e-exist sa mundo. Pero may isa akong napansin na nagpakuha ng atensyon ko. "Walang ibang tao maliban sa 'tin?" tanong ko. Parang imposible naman 'ata 'to, walang ibang tao. Paano na lang no'ng mga panahong wala pa kami rito, mag-isa lang pala ang reyna rito?
"'Yan nga rin ang napansin ko simula noong nagising ako at lumabas para maglibot. Feeling ko tuloy mag-isa lang ako kase walang ibang tao," ani ng lalaki. "By the way, I'm Lorenz, pala."
"Nakakatakot mag-stay rito. Feeling ko hindi ko kakayaning umabot ng nine months," sabi ni Mona at kumapit sa braso ni Lovelle na parang natatakot habang palinga-linga sa paligid.
Nilibot ko ulit ang paningin ko. Siguro kahit ako rin ay matatakot mag-stay. Paano na-survive ni Queen ang manatili rito nang walang ibang kasama? Grabe. "Masyadong malaki ang lugar para sa 'tin 'no? Imagine, lilibot tayo rito at makikipagsapalaran sa lugar na hindi natin alam na may nag-e-exist palang ganito. Ni hindi nga natin gamay ang lugar na 'to, eh."
"Ngayon ko nga lang nalaman ang lugar na 'to. Baka naman panaginip lang natin 'to 'no? Hahaha," tanong naman ni Lovelle saka natawa.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot. Matatawa kase nag-joke siya o matatakot kase kung totoo nga ay sana magising na kami.
"Girl, kung panaginip lang 'to sana no'ng nagising tayo kanina, wala na sana tayo rito at bumalik na sa lugar natin pero nangyari ba? Hindi, 'di ba?" ani naman ni Mona kaya napatingin kami sa isa't isa.
Nabalot kami ng katahimikan at wala na ni isa pa ang nagtangkang magsalita sa 'min matapos niyang sabihin 'yon. Sapul na sapul hanggang puso, girl. Mayamaya pa'y nakita kong nag-uusap ang asungot at lalaking chinito habang nakaupo samantalang nasa harap naman nila sina Kuya Eduardo at Ma'am Merlyn habang nakaupo rin at nag-uusap.
"Ang tagal niyo naman, guys!" bungad sa 'min ni Kuya nang makita niya kami.
Tumingin din naman ang iba sa 'min at automatic na napadako ang tingin ko sa asungot. As usual, blank face na naman.
"Mabuti naman at nandito na kayo so let's start. Maupo na kayo," sabi naman ni Ma'am Merlyn.
Nagsiupo naman na silang lahat habang ako ay nanatiling nakatayo. Sa dinami-rami ng upuang maiiwang bakante, sa katabi pa ng lalaking kinaiinisan ko. Kamalas-malasan talaga, oh! Syempre wala naman akong magawa kundi tumabi sa kanya kahit ayoko.
Tumayo naman si Kuya, pumuntang harap at nagsalita. "Kilala niyo na ba kami?"
Ang iba sa 'min ay um-oo, ang iba naman ay hindi.
"Okay, magpakilala muna kami bago tayo magsimula. Ako na ang mauuna. I'm Eduardo a.k.a. Ella hihi. The youngest among three siblings. I'm 29 years old. Naninirahan ako malayo rito sa Romino Las Defa. Actually, kapitbahay ko lang sina Lyka at Lovelle kaya matagal na nila akong kilala." Tumingin siya sa'min at kumaway na para bang Miss Universe. "Hi guys! Hahaha." Binalik niya ulit ang tingin niya sa lahat at muling nagsalita. "At may-ari rin ako ng isang game shop na Wild Gamenatics. You should play on my shop. It's really nice and cool! They knew how pretty cool is that, right, Lovelle? Hahaha."
Tumawa ako habang umiiling pa. nagpo-promote pa, eh. "Yeah."
Umupo na ito habang inalalayan namang tumayo si Ma'am Merlyn. Isa lang ang pumasok sa isip ko. Nasa lahi nila ang pagiging maganda at gwapo!
Nagsimula naman nang magsalita si Ma'am at ngumiti. "I'm Merlyn, a second child. Mas pinili ko ring manirahan malayo rito at isa akong university professor sa St. Fatima. I'm on my mid thirty's pero wala akong asawa."
Halos lahat kami ay napanganga at napatitig sa kanya. Wala pa siyang asawa? Wala ba siyng balak? Wala ba siyang napupusuan?
"Bakit po, Ma'am? Wala po bang nanliligaw sa inyo ngayon?" tanong ni Lovelle kaya bahgya ko siyang hinampas sa braso niya kaya natawa sila.
"Mas pinili kong maging single at magpokus sa trabaho ko. Hahaha."
"Pero ba't po mas pinili niyong hindi tumira rito samantalang si Queen mag-isa lang dito?" tanong ko. "At gano'n rin po sa 'yo, Kuya?"
Nagkatinginan naman ang magkapatid dahil sa tanong ko.
"And last, Queen Blaire, our eldest. She's 41 years old. Mas pinili ng reyna ang manatili rito dahil siya nga ang panganay at kailangang mamuno ng nasimulan ng angkan namin at 'wag kayong mag-alala, marami ng mga players ang napunta rito dahil isa rin sa misyon namin ni Eduardo sa labas ay maghanap ng mga manlalaro kaya kayo napunta rito."
Dahan-dahan kaming napatinging anim sa isa't isa. Alam kong pare-pareho kami ng naiisip ngayon. Hindi lang pala kami ang napunta rito? Nasaan na sila ngayon? Anong nangyari sa kanila?
"Where are they?" tanong ng asungot kaya napatingin ako sa kanya.
Ngayon ko lang napansin, gwapo pala siya.
"Some of them did not survive and only a few survived."
W-What? Ramdam ko ang pagpigil ng hininga ko at malakas na heartbeat ko dahil sa sinagot niya at ang iba naman ay napatitig pa kay Ma'am Merlyn dahil sa pagkabigla. Bakit? Anong nangyari?
"I know you didn't expect that I will be saying this to you, guys but it was true."
"May we know what was the purpose of this survival game? Kase nakakabigla lang na basta-basta niyo na lang kami papapuntahin dito without our consent nor our parents," ani ko at bahagya pang tumaas ang boses ko kaya lahat sila ay napatingin sa 'kin na para bang sinasabi na galit ako. "I'm not mad. I'm just confused. And admit it pati kayo naguguluhan."
"Okay, okay chill. Sasabihin naman namin sa inyo," sabi ni Kuya at napatayo na rin dahil sa 'kin. Maybe because he feels the tension between us because of me.
"Hot-tempered woman."
Dahan-dahan akong lumingon sa lalaking katabi ko at pinanlisikan siya ng mata dahil sa binulong niya. "Anong karapatan mong sabihan ako ng hot-tempered, ha?!" Hindi naman mainit ang ulo pero nakakainis! Nakakagigil siya! Namumuro na siya, ah! Siya 'ata ang may gusto sa 'kin, eh! Masyadong papansin!
"Huy, bes. Ba't ang init ng ulo mo? Ba't mo sinisigawan si kuyang pogi?" bulong ni Lovelle sa 'kin.
Alam kong siya 'yon dahil sa kilalang-kilala ko ang boses niya kahit na hindi ko siya nakikita. Samantalang nanatili pa rin akong nakatingin dito sa lalaking 'to at gano'n din siya sa 'kin. Ang tapang ng lalaking 'to na makipagtitigan, ah!
"Xynon, what is that?"
Nakita ko sa peripheral vision ko na lumapit si Ma'am Merlyn sa kanya at bumulong na ikinatango naman niya. At ano kamong pangalan niya? Xynon? Tsk. Panget katulad niya.
"Lyka, please calm down," may bahid na pangungusap ang boses niya.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay napairap ako at napatingin sa kanang direksyon. Napahawak din ako sa puson ko dahil sumasakit ito na naman ito. Ano na bang date ngayon?
"Guys, let's start about the history. Masyado na tayong natatagalan," tugon ni Kuya at napatingin sa 'kin. "First day mo pa lang inaaway mo na 'yang si Xynon."
Lihim akong napangiwi dahil parang pinoprotektahan niya ang asungot. May gusto 'ata 'to dito, eh. Well, kung totoo man, ang malas niya nagkaguso pa siya sa isang lalaking walang emosyon. Tsk. At saka nakakainis halos lahat sila tumitingin sa 'kin na para bang may kasalanan ako!
"Okay, I will proceed. Mamaya na kayo magtanong pagkatapos kong magkwento para tuloy-tuloy tayo. Ang Romino Las Defa ay matatagpuan sa gitna ng kagubatan ng Roluam, malayo sa nakalakhan nating lugar kung saan tayo lumaki. Every March of the year, we're celebrating the foundation of Romino Las Defa by recruiting six players to stay and play in here. Kaya nagtatagal ng siyam na buwan between March to November ang laro ay dahil iyon ang pagitan na itinayo ang Romino Las Defa noong taong 1890." Humarap siya sa kabuuan ng building at itinuro ang mga ito. "This place was divided into four buildings. The North Lifa and West Fora, the forest parts of the place, where all the wild and dangerous animals are living there and South Dalem and East Bolic, the technological parts composed of, of course, kinds of technology. Ang dating mukha ng lugar na ito ay purong kagubatan lang dahil hindi pa naman uso noon ang technology. Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unting nag-iiba ang estado at uri ng pamumuhay ng mga tao dahil sa teknolohiya kaya naisipan ng mga ninuno namin na i-adapt ito para makasabay ang mga bagets na katulad niyo at pagsamahin ang dalawang magkaibang mundo sa iisang lugar. People who have natural braveness to conquer everything and being wise to think deeper even if the pressure is out of the control are the people who are qualified to enter this place. Ang purpose ng laro na ito ay maipakita ang totoong lakas at tapang ng mga manlalaro na mamuhay at makipagsapalaran sa dalawang magkaibang mundo sa pamamagitan ng survival games. We all know na iba ang buhay ng mga tao noon sa kagubatan, masyadong mahirap at delikado kung ikukumpara sa buhay ngayon. Whether you like it or not, guys, kasali na kayo sa larong ito at hindi kayo makakalabas dito hangga't hindi niyo nakukumpleto ang siyam na buwan. At ang mga susing binigay ko sa inyo ay duplicate key niyo 'yan para sa room niyo."
Kung kanina ay nagtitimpi pa ako sa ginagawa nilang pagtingin sa 'kin na para bang may kasalanan ako, ngayon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumabog na ako. "What?! Buhay na namin ang nakasalalay rito and yet, we don't have the right to refuse?!"
"Bes, calm down," bulong sa 'kin ni Lovelle.
Tumingin ako sa kanya nang matalim. "No." Ramdam ko talaga ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa matinding inis. Anong karapatan nila para sabihin sa 'min na wala kaming magagawa?!
"You are all here destined to be here, Lyka," sabi ni Ma'am Merlyn nang may malalim na tingin. "I thought risky games makes you satisfied. Why are you acting this way?"
Napataas ang kilay ko. "Have you heard yourself, Ma'am? Yes, I'm not denying it pero ang sa 'kin lang ay buhay na namin ang nakasalalay rito! Okay lang sana kung pati sila sanay sa buwis-buhay na laro. Paano kung hindi?! Paano naman ang iba na takot?! Hindi biro 'yon! Ano 'yon?! Mamamatay lang kami o sila dahil sa isang laro?! Come on! Ang babaw niyo naman!" Napahawak pa ako sa sentido ko at napabuga ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. This is really nonsense! This time, hindi lang sarili ko ang iniisip ko pati na rin ang ibang kasamahan ko lalo na si Lovelle lalo na't alam kong hindi siya sanay sa ganito.
"We're assuring you, you will gain many lessons sa magiging buhay niyo rito. Hindi lang pagkakaibigan ang mabubuo niyo kundi bago ring pamilya. Treat each other as your family. And also, before I forget to mention, this place has a golden rule that players should follow."
Tapos ngayon may golden rule pa?! Tss. Walang kwenta. Napatingin na lang ako sa kawalan. Wala na akong ganang makinig sa mga sasabihin nila.
"No one should be fall in love with your teammates. Emotions don't need here."
Hindi ko alam pero automatic na napatingin ako kay Xynon nang marinig ko 'yon. Napangiwi ako. "Ikaw? Magugustuhan ko? Never."
Ngumisi ito habang blanko ang mukha na nagbigay sa 'kin ng matinding kaba. Parang may karera sa dibdib ko at ako ang pinakahuli sa nangangabayo kaya kailangan kong bilisan ang pagpapatakbo lang manalo. Ganyan ang nararamdaman ko.
"Bakit ka tumingin sa 'kin? May sinabi ba akong ma-in love ka sa 'kin, freak? Narinig mo ang golden rule. 'WAG NA 'WAG KANG MA-I-IN LOVE SA 'KIN DAHIL MATATALO KA," bulong nito.
Mas lalo akong kinabahan at kinilabutan. Grabe. Ang tigas ng mukha. "Sabihin mo 'yan sa sarili mo, 'wag sa 'kin." Tinaasan ko muna siya ng kilay bago ko siya irapan. Kahit naman na siya na kang ang natitirang lalaki rito sa mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. Hmp! Additionally, paano niya nagagawang ngumisi habang blanko ang mukha niya. Ang weird, ah!
"I do really hope na wala na akong maririnig na kahit na anong negative."
Napatingin ako kay Ma'am at nagsalubong ang mga mata namin. Nagkibit-balikat na lang ako. "Sana lang po ay totoo ang assurance niyo."
Ngumiti ito at tumango. "Yes, it will be. You will never forget this part of your life."
Wala naman na ako o kaming magagawa kung magmamatigas pa kami. Ito na muna ang buhay namin ngayon kaya kailangan naming harapin 'to. At wala na rin akong magagawa kung makakasama ko ang asungot na 'to ng siyam na buwan!