webnovel

Chapter 28: Boyfriend?

Sam's POV

Patuloy parin akong nakipagmatigasan doon sa Solomon na iyon. Hindi ako pumayag sa pagpunta sa Damnivia ba yun. Aba, wala pa nga si Morioka tapos babalik ako.

Pumasok sa silid namin ang isang matandang babae. Siya ang principal ng aming paaralan. Pumwesto ito sa harapan naming lahat bago ito nagsimulang magsalita.

"Sa nalalapit na pagtatapos ng ating klase." pagsisimula nito.

"Tayo ay magkakaroon ng isang ball sa ating Academy." dagdag pa nito dahilan upang umingay ang nasa paligid. Ball? Tst! Gaano ba kaimportante yang ball na yan? Ball ball-in ko sila eh.

"The department of your chosen course are the one who will going to select your partners on the said ball. The list of names will be posted later after your class." ani nito saamin.

Nakakairita ang ingay nilang lahat. Bakit pa kasi may pa-ball itong mga ito eh. Nagsasayang lang sila ng lakas nila.

"Good Bye, class." pagpapaalam nito saamin matapos nitong ihayag saamin ang gaganaping ball.

"Uiy, Sam panigurado akong si Kevin ang pipiliin nila para sayo." sabi ng katabi ko. Oh, please. Hindi ba talaga nila ako titigilan sa kaka-Kevin nila? Fucking shit!

Nilingon ko ito at sinamaan ko siya ng tingin. Hindi talaga ako nagbibiro na ayaw kong marining yang pangalan na yan. Magsama sila ni Morioka. Kainis!

Lumapit saakin ang isang lalaki. Hindi ko alam kong Lance ang pangalan niya. Hindi ako sigurado. Malay ko ba naman, wala naman akong pakialam sakanila bukod kay Kevin. Ay, shet! Sabi ko ay ayoko ng madinig ang pangalan nun pero ako mismo nagsasabi nun sa sarili ko.

"Asa-" putang ina. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito. Bago niya pa tapusin ang sasabihin niya ay agad kong nilagyan ng papel ang bunganga nito.

"Don't you dare to state his name AGAIN." mariin kong sabi dito. Inalis niya agad ang papel sa kanyang bunganga at halata na sa kanyang mukha ang pagkainis.

"Asaakin yung test paper mo. Oh heto!" inis nitong sabi saakin. Ah, test paper. Malay ko ba naman di ba? Iniabot nito saakin ang test paper ko saka padabog na naglakad papaalis sa harapan ko.

"Why don't you try to calm down." bulong ng isang lalaki sa taenga ko dahilan upang masuntok ko ito.

Nagulat na lamang ako ng bigla nitong hawakan ang kamao ko na dapat ay susuntok sa mukha nitong kupal na ito.

"Ano nanaman bang ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya ng may halong pagkainis.

"Kakatransfer ko lang." Wow ha. Talaga? Transfer? Siraulo ba siya? Patapos na ang klase, ngayon niya pa talaga naisipang magtransfer.

"Syempre money matters to this Academy." sabi nito saakin. Bwisit! Hanggang dito susundan pa ako nito.

"Sabi kasi ni Solomon, kailangan nasa iisang eskwelahan tayo kaya sinunod ko ang payo niya." pagpapaliwanag nito saakin. Sinamaan ko siya ng tingin at saka ko binawi ang kamao ko sa pagkakahawak nito.

"Solomon your face! Uto uto ka naman." inis kong sabi rito bago ko ito inirapa't tinalikuran bago umupo sa aking upuan.

Pumunta naman ito sa harap ko atsaka ngumiti.

"Mahal na Prinsesa, bakit ba napakasungit mo?" pang aasar nito dahilan upang ibalibag ko sakanya ang lamesa.

Nagsitinginan silang lahat saakin. Tang ina, nawala si Kevin, ito naman ang pumalit.

"Alam mo, kung wala kang magawa sa buhay mo, pwede ba huwag ako." sabi ko dito bago ako lumabas ng silid namin.

Syempre papasok parin ako. Aalisin ko lang yung inis ko at baka mailabas ko ang kapangyarihan ko dito sa Academy. Mahirap na.

Pumunta ako sa Cr at doon ko inalis ang kulangot ko na kanina ko pa gustong tanggalin sa harap ng kulukoy na iyon.

Aba, gwapo naman siya eh. Bwisit lang.

Mas okay parin si Kevin. Mas komportable parin ako sakanya. Kaya lang itong putang ina kasing ito si Morioka ang hanap. Kaya hindi ako natutuwa sa kanya.

Pagkatapos kong maalis ang kulangot ko sa loob ng aking ilong ay saka naman ako naghugas ng kamay at dinukot saaking bulsa ang liptint na parati kong dala dala.

Agad naman akong bumalik sa aming silid pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin saaking sarili.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa pinto ng aming silid ay ngumiti na ito saakin ng nakakaloko. Puta ano? Ang ganda ganda ng umaga ko, sisirain ng ball atsaka ng siraulong ito.

Lumapit ako sa upuan ko at saka ako naupo. Tumabi naman ito saakin. Malamang ay nakipagpalitan ito sa dapat na katabi ko dito.

"Don't you dare na magreklamo or else hahalikan kita." sabi nito saakin. Hindi ko na lamang ito pinansin at baka halikan pa ako ng pusit na to.

Pumasok ang aming Professor sa loob ng aming silid at laking gulat nito na andito na ang bago naming kaklase.

"Ang aga mo naman para sa klaseng ito Mr. Sawadenquer." wika nito sa harapan.

"Yes ma'am! Andito kasi yung chix ko." sabi nito saka ako inakbayan. Tang ina nito, may paakbay pang nalalaman.

Iniapak ko sa kanya ang takong ng suot suot kong sandals.

"Huwag mo akong aakbayan." madiin kong sabi dito dahilan upang alisin nito ang mga braso nito mula sa pagkakaakbay saakin.

"Mr. Sawadenquer, can you please introduce your self in front of us." sabi ng Professor namin.

"As you wish, Miss Beautiful." sabi nito sa Professor at saka tumayo at lumakad sa harapan.

Sheyt! Malaki rin pala yang pwet niya. Sana all diba, ang yummy. Wait! Ano nanaman ba ito, Sam? Takam na takam sa pwet? Sorna, wala kasi akong ganun.

"I am Clyde Zedxikiel Sawadenquer. Boyfriend of the young lady beside me lately." sabi nito saka sila nagtinginan saakin.

Ano bang trip nito sa buhay niya?

"Ang sweet naman pala ng Boyfriend mo, Miss Dela Freud." wika ng aming Professor na naging dahilan din ng pagdami ng bulong bulungan saakin. Akala ba nila, hindi ko sila naririnig? Thanks to my special abilities, I can hear them kahit gaano pa sila kalayo.

"Kaya pala hindi na sila magkasama ni, Mr. Del Valle."

"Pinagpalit sa boyfriend ang kaibigan."

"Kawawang Kevin."

Ilan lang ito sa mga sinabi nila saakin ng pabulong. Lumapit naman agad si Clyde saakin matapos nitong magpakilala saamin.

"Anyways, I am his friend, ex- friend also." sabi nito dahilan upang ikunot ko ang noo ko dito.

"Ex-friend of Kevin the putang iners." sabi nito saakin. Tinatawag niyang putang iners si Kev samatalang siya ang pinakabullshit, gagong, putang inang nakilala ko at kinabwibwisitan ko ngayon.

"Wala akong paki." malamig kong sabi dito.

"Babe naman." Ewan ko ba kung bakit, hindi ko pa ito tinapos nung nakaraan. Kayang kaya ko naman siya.

"Call me that again and I'll kill you." bulong ko dito ngunit matamis na ngiti lamang nito ang tinugon nito.

Wala na bang mas nakakainis pa dito? Ano pa ba? Kakaloka eh.

A/N: Salamat sa patuloy na nagbabasa ng story na ito. Hope you guys. Like it 💚

Siguiente capítulo