webnovel

Chapter 24: Help

Kevin's POV

Ilang araw na naming hindi nakikita si Sam dito sa bahay niya. Napakaimpossible namang naglayas siya dahil sa ginawa niya sa kapatid niya. Kilala ko yung babaeng yun, lalo niya lang kaming iinisin ni Morioka.

"Cutie, may problema ba?" tanong nito habang nasa harap kami ng hapagkainan. Umiling lang naman ako saka ko itinuon ang pansin ko sa mga alaga ni Sam.

Nakakamiss naman pala talagang wala akong nakikitang tigre diyan sa kulungan nung tigre ni Sam.

Maya maya pa ay nakarinig kami ng malakas na kalabog ng pintuan sa itaas at pagkatapos ay tunog ng yabag ng paglalakad sa hagdan.

"Anong tinitingin tingin niyo?" tanong ni Sam habang nangungulangot talaga sa harap namin.

"Kapatid hindi naman ata tamang gina-" hindi na naituloy ni Morioka ang sasabihin nito nang biglang ihawi ni Sam sa hangin ang kamay nito at saka lumitaw ang dahong may iba't ibang kulay at itinapal sa labi ni Morioka.

"You guys should need to shut your mouth. Kilala niyo ako. Mangungulangot ako kung kelan ko gusto." sabi nito saka kami inirapan at nagdabog papalabas ng pinto.

Nagulat na lamang kami ng biglang mabasag ni Manang ang dala dala nito nang makita niya ang ginawa ni Sam.

"Diyos na mahabagin, anong engkanto ang mayroon sa pamamahay ng aking alaga." pagdarasal nito sa harapan namin.

Agad naman siyang nilapitan ni Morioka. Inalis nito muna ang nakatakip sa kanyang mga labi bago ito nag umpisang maglabas ng mahika.

"Tumingin ka saakin." sabi nito at saka naman si Manang dumilat. Hinawakan ni Morioka ang magkabilang balikat nito at saka tinitigan itong mabuti.

Kitang kita ko ang pag gamit nito sa kapangyarihan niya. Berde at pula ang kulay ng mga mata niya dahil sa ginagawa niya.

"Wala kang maaalala sa nakita mo at mula ngayon hindi ka na nagtratrabaho saamin." sabi nito kay Manang.

"Teka, Morioka!" sigaw ko sakanya.

"Bakit cutie?" tanong nito. Ang cute niya talaga.

"Baka magalit si Sam." wika ko dito. Hindi naman kaya biro ang magalit yaong babaeng iyon. Mabuti sana kong ordinaryong tao silang dalawa, eh hindi naman.

"Hindi yan. Mas makakabuti narin pati saating lahat na wala ang katulong niya dito nang sa gayun ay hindi na ito madamay pa sa mga susunod na mangyayari sa buhay natin." sagot nito saakin saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa nito.

Maya maya pa ay kusa ng naglakad si Manang papalabas ng pinto ng bahay ni Sam.

"Okay na cutie!" masigla nitong sabi saakin. Binilisan ko na lamang ang pagkain ko upang makapag ayos na kami rito at makapasok na sa eskwelahan.

🌺🌺🌺

Habang nagsasalita sa harapan namin ang Professor na iyon ay tinititigan ko siya. Napakacute nga naman talaga pala ni Morioka na tila ba ang sarap niyang alagaan.

"You may start your exam!" wika ng Professor namin, senyales na maaari ng umpisahan ang exam namin.

Tang ina! Anong sagot dito?

It is a social science that deals with how a nation efficiently allocates scarce or limited resources to satisfy unlimited wants and needs of its people.

a. demography

b. microeconomics

c. macroeconomics

d. ethnography

Nakakaloka itong Professor na ito ha! Bukod sa iisang beses lang naman siya pumasok sa klase namin, itong pinapasagutan niya saamin ay hindi pa kailanman naituro.

Tinitigan ko si Morioka. Easy easy lang siya magsagot. Sana all nga diba. Samantala, nakaramdam naman ako ng kusang pag galaw ng ballpen na hawak hawak ko.

Hindi kaya...

Tinitigan ko si Morioka at saka lumingon saakin at kumindat. Tama, kagagawan niya nga ang kusang pag galaw ng ballpen na ginagamit ko.

It is a social science that deals with how a nation efficiently allocates scarce or limited resources to satisfy unlimited wants and needs of its people.

a. demography

b. microeconomics

c. macroeconomics

d. ethnography

Letter: C

A macroeconomic goal of every nation with the desire of utilizing its natural resources for the production of goods for the consumption of its people.

a. Full Production

b. Full Employment

c. Price Stability

d. Balance of Payment

e. Income Redistribution

Letter: A

Hinayaan ko na lamang ang ballpen ko na kumilos at magsagot para saakin habang nakahawak ako dito. Infernes, gusto ko itong ginagawa niya saakin.

Pagkatapos ng klase namin ay agad kaming nagkita kita nila Marlene, Zoren at Maverick.

Paano ba namang hindi, nangungulit si Morioka ng ice cream, nanaman.

"Kamusta ang exam niyo?" tanong ni Maverick saamin. Ngumiti naman si Morioka bago sumagot dito.

"Basic!" wika nito.

"Sam, wala ka bang napapansin saamin?" tanong ni Zoren sakanya dahilan upang mapakunot noo ako. Anong mayroon at bakit niya tinatanong ito ng ganyan?

May nangyari ba nung lumabas si Sam sa katawan niya?

"Wala bukod sa lalo kang gumaganda." sagot nito dito.

"Talaga? Wala kang naaalala?" hindi ko alam kong bakit sa linyang iyan lalo akong kinutuban sakanya.

"Wala bukod sa masarap yung ice cream. Tara, Ice cream ulit!" pag aaya nito dito. Napatingin naman saakin si Zoren ng mapagtanto kong nakatingin ako sakanya.

"May problema ba?" tanong nito saakin.

"Wala naman." sabi ko dito bago ako hilain ni Morioka papunta sa pinakamalapit na bentahan ng Ice cream sa Academy. Sumunod naman ang mga ito saamin doon.

Nang makarating kami sa bentahan ng ice cream ay agad na bumili si Maverick at ibinigay ito kay Morioka. Ano yun? Hahaha! Sana all, nililibre.

Napalingon naman ako sa ibang direksiyon at naaninag ko ang isang lalaki. Yaong lalaking iyon ay ang lalaking madalas kong makita tapos bigla na lamang mawawala.

Maya maya pa ay nangyari na ang aking inaasahan, nawala nga ito matapos kong kumurap. Tang ina! Ghost hahahaha.

Nagulat na lamang ako ng bigla naman akong kalabitin ni Maverick.

"Pwede ba tayong mag usap?" tanong nito saakin. Tinignan ko naman si Morioka na masayang nakikipag kwentuhan kela Zoren at Marlene bago ako pumayag sa nais niya.

Lumayo kami kela Morioka at agad kaming nagkaroon ng isang masinsinang pag uusap.

"Pwede ba akong magpatulong?" tanong nito saakin dahilan upang mapakunot noo ako. Ano bang tulong ang gusto nito?

"Saan?" tanong ko dito.

"Sa panliligaw kay Sam. Ikaw kasi ang pinakamalapit na kaibigan niya." wika nito. Napakamot naman ako sa ulo sa nadinig ko. Hahahaha! Putang ina! Si Sam? Aba, baka patayin naman kaming dalawa nun pero sige, malay natin diba?

"Sige." matipid kong sabi dito dahilan upang mapayakap ito saakin.

"Maraming maraming salamat par!" masigla nitong sabi matapos ako yakapin. Putang ina! Buwis buhay naman kaya ang gagawin namin. Siguro kong si Morioka, madali lang. Pero kong ang totoong Sam, naku hahahahha wala pa lang kami sa impyerno ay parang mararamdaman mo na ang presensiya ni satanas sakanya.

Agad naman itong tumakbo pabalik sa kinaroroonan nila Morioka na tuwang tuwa.

Tama ba talaga yung ginawa ko?

Hay naku, kevin.

Gusto mo atang mapatay ka ni Sam eh.

A/N: A morning update from the witch char! Kamusta kayong lahat? Sana ay nagustuhan niyo itong bagong update ko. Please do vote and send me feed backs. Kamsahamnida!

Siguiente capítulo