CHAPTER 20
--ALEX:
"W-what do you mean?" Takang tanong ko kay Buzzer.
Ang labo niya kasi eh, tinanong ko kung ano'ng mapapala ko sa mission na ipapagawa niya, tapos sabi niya mahahanap ko daw sarili ko?
Ano 'yon? Lokohan?
Kahit na naiinis ako, tinry ko ang best ko para hindi siya mabangasan kahit idol ko pa siya.
Napabalikwas na lang ako nang marinig kong tumawa si Buzzer.
Gaya ko, nakakunot din ang noo ni Godyr habang tumatawa sa harap namin ang isa sa kinakatakutang gangster sa bansa.
"Hahaha, ano ka ba Azh, nagjojoke lang ako. 'Kaw naman 'di mabiro oh haha."
Okay, natawa ako. (Note the sarcasm.)
"Diretsuhin mo na kasi kami, you're wasting our goddamn time old man!" Nainis na din ata si Godyr haha.
"Saka niyo na malalaman kung ano ang mapapala niyo sa mission niyo kapag nando'n na kayo at kapag nagawa niyo na ang mission niyo. Ang importante ngayon ay makapag handa kayo sa ano man ang pwedeng mangyari." Seryosong sabi ni Buzzer.
"And before I forgot, kailangan niyo nang umuwi para makapag-impake. Hindi na matutuloy ang laban kasi may pupuntahan kayong importanteng bagay. Hindi ko muna kayo ipapakilala ngayon sa isat-isa para may thrill haha. Saka niyo na lang makikilala ang isat-isa kapag andoon na kayo sa lugar na pupuntahan niyo. Bibigyan ko rin kayo ng mapa para sa pupuntahan niyo para magmukhang mag-aadventure kayo haha."
So pagmumukhain niya kaming si Dora the explorer at Diego na may adventure? Ganern?
'Di ako akalain na may pagkaisip-bata itong si Buzzer. Pero kahit ganoon hindi pa rin nababawasan ang paghanga ko sa kanya.
Akala ko pa naman papasakayin niya kami sa private plane niya para ihatid kami sa destination namin para hindi hassle!
Nakakainis, umasa nanaman ako!
-
Nakauwi na ako kahapon dito sa Manila galing Palawan at ngayon naman ay pupunta ako sa Pangasinan.
Oo, sa Pangasinan ang destinasyon namin no Godyr.
Sa tingin ko mga anim na oras ang biyahe papuntang Pangasinan at kung susuwertehin naman ako at hindi trafiic, baka mga apat na oras lang ang biyahe ko papunta doon.
Tsaka alam kong hindi na ako maliligaw sa Pangasinan kasi nakapunta na ako doon before.
Hindi ko alam kung ano ba at para saan ba ang mission namin, pero isa lang ang sigurado ako, kailangan kong maghanda.
Papalabas na ako ng bahay nang biglang sumulpot sa harap ko si bebs.
"Bebs, sure ka na ba talaga na tutuloy ka?" Haynako, eto nanaman siya.
Kagabi pa ako kinukulit ni bebs na wag na lang ako pupunta kesyo baka daw kung anong mangyari sa'kin.
At dahil good girl ako, paninindigan ko ang salita ko.
Ayaw ko naman kasing matawag na talksh*t.
"Oo nga bebs, sure na ako at wala ka ng magagawa doon. Kaya dito ka na lang sa bahay ha, alagaan mo ang bahay ko at si Sky. Dapat kung anong itsura nila na iniwan ko, ganoon parin sa pagbalik ko ha. 'Wag ka din magdadala ng mga chikababes mo dito sa pamamahay ko habang wala ako pwera na lang kay Aira, kasi nasabihan ko na siya na sasamahan ka niya paminsan-minsan dito sa bahay at i-check ang kalagayan niyo ni Sky." Mahabang bilin ko kay Anthony.
"Oo na diyan, sige na nga, basta promise mo sa'kin na babalik ka ng buong-buo ha, yung walang galos ni isa. Tsaka dapat pagdating mo madami kang pasalubong sa'kin ha." Natawa naman ako kay bebs, talagang hindi makakalimutan ang pasalubong haha. He's so caring talaga sa'kin lalo na kapag may kailangan.
Nakaka-overwhelmed lang.
"Oo na, ikaw din ha. Sige see you when I see you bebs." Sabay yakap ko sa kanya at pumara na ng taxi.
Pagkasakay ko ng taxi, napabuntong hininga na lang ako. Nakakainis, feeling ko pinagtritripan lang kami ni Buzzer.
Magcocomute kasi ako, kasi sabi ni Buzzer bawal daw gamitin kotse kaya hindi ko na ginamit.
Talagang pinananagutan niya ang sinabi niyang magaala-Dora the Explorer ako.
Habang naghihintay ng mga pasahero ang bus papuntang Pangasinan na sinasakyan ko sa terminal, tinawagan ko muna ang assistant ni Buzzer.
Binigay kasi sa'kin ni Buzzer ang number nung assistant niya na si Ms. Mega para daw kung may tanong ako ay hindi na ako tatawag kay Buzzer kasi busy daw siya and alam naman daw ni Ms. Mega ang sasabihin at mga instruction na dapat kong malaman kaya hindi na magiging hassle ang pagtatanong ko.
Pagkasagot ni Ms. Mega ng phone niya, tinanong ko kung saan kami magkikita ni Godyr.
"Hello Ms. Mega, where's the meeting place?" Cold na tanong ko sa kanya.
"Uhm, sabi ni Master Buzzer na pagkababa mo daw sa Dagupan, Pangasinan, hanapin mo ang Starbucks then wait for Godyr to arrive."
"So sa Starbucks ang meeting place nami---wait, sa Starbucks?!"
"What's the problem Azh?" Naguguluhang tanong naman ni Ms. Mega.
"Bakit sa Starbucks pa?! Eh hindi ko nga alam kung paano pumunta doon. Okay lang sana sa Dagupan kasi alam kong pumunta doon, but the problem is, hindi ko alam kung saang parte ng Dagupan ang Starbucks!" Mahinang sigaw ko kasi nakakahiya naman na nasa public place ako tapos sisigaw ako.
"You know Azh, there's a lot of people in Dagupan that you can ask for help." oo nga noh, bakit 'di ko yun naisip?
Madami pa lang mapagtatanungan tsk. Nakakainis, 'di ko man lang agad naisip yun.
"Psk. K fine." Cold na sagot ko sa kanya para mapagtakpan ang kahihiyan ko at inend ko na ang tawag.
Nang makaalis na ang bus sa terminal, agad naman akong nakatulog dulot ng pagod at puyat dahil sa biyahe ko back to back from Palawan to Manila at syempre, isama pa ang naging laban namin na wala naman pa lang kwenta. Tsss.
-
Pagkadating ko sa Pangasinan, medyo okay na ang pakiramdam ko at hindi na ako masyadong pagod at puyat unlike noong nasa manila pa ako.
Nakatulog naman ako sa biyahe kahit papaano.
Pagkababa ko sa terminal, agad ko namang nilapitang ang isang tindero para magtanong.
"Manong, saan po dito ang Starbucks?" Tanong ko sa tindero ng mga candy sa terminal.
"Starbucks ba neng?" Ayy paulit-ulit sa manong oh.
"Oho, malayo po ba dito 'yon?"
"Malapit lang dito ang Starbucks ineng, diretsuhin mo lang ang daan na iyan hanggang downtown at pagkalagpas mo ng downtown, konting lakad pa at makikita mo na ang Starbucks." Ano'ng malapit doon? Malayo kaya ang Starbucks. Mga isang kilometro pa ang layo no'n eh.
Tumango na lang ako at nagpasalamat kay manong tindero ng candy. Bumili na rin ako ng panindan niya as a sign of gratitude.
Pumara na lang ako ng pampasaherong jeep para naman madali akong makarating sa Starbucks.
Kaso, pagkasakay ko ng jeep, pinagtitinginan naman ako ng mga pasaherong nakasakay doon.
Bigla ko na lang naalala na may dala-dala pala akong maleta kaya ganoon na lang ang tingin sa'kin ng mga tao.
Tinignan ko na lang sila gamit ang cold stare ko at napaiwas naman sila ng tingin sa'kin.
"Manong bayad po." Sabi ko sa driver ng jeep sabay abot ng bayad ko na 8 pesos.
Nagdala ako ng barya ko kasi alam kong mangyayari ito na sasakay ako ng jeep kaya mabuti ng maging ready.
"Saan ang baba mo neng?" Tanong naman sa'kin ng driver ng jeep.
"Sa Starbucks po sana kung pwede?" Mahinahong tanong ko.
"Sige neng."
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.