"Dito ka lang, mahal na kita. Alam mo 'yan." seryoso ang mukha niya habang sinasabi iyon sa akin. nakahawak pa rin ang kamay niya sa balikat ko. "Ba-bakit ako, Vien?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya pero alam kong malungkot ang mga mata niya. "Dahil ikaw lang naman ang nakapagpabago sa akin, Ren. Ikaw ang naging sandigan ko nang wala akong masabihan sa mga problema ko. You made me feel special despite of some things I had. Before I know it, I started to care for you, to follow you every single day, and to love you every seconds of my life." Sagot niya. Ayoko pa atang maniwala sa mga sinabi niya. Pero anong magagawa ng puso kong kusa na lang tumitibok kapag nasa harap ko siya. Oo nga't may hindi kami pagkakaintindihan noon, pero mahal ko na talaga ang lalaking 'to. Kusa na lang tumulo ang luha ko kaya napapikit ako para pigilan ito. Pinunasan niya ang mga luha ko at niyakap. Hindi ko gustong makita niyang umiiyak ako, pero hindi naman dahil sa lungkot ang luha ko. Dahil ito sa masaya na akong alam kong siya na ang makakasama ko habang buhay... kahit ano pa man ang paningin ng ibang tao sa kanya... dahil iba siya. © xiarls 4-27-2020 All right reserved
Ako nga pala si Rena Chong. Ren ang tawag sa akin ng mga kaibigan at pamilya ko.
Simple lang ako at maganda ang pamumuhay. Nakakapag-aral ako ng mabuti, nagagawa ko mga gusto, nagtatrabaho para sa extrang allowance ko. Hindi ko kasama ang mga magulang ko dahil busy rin sila sa trabaho sa Europe. At dahil mag-isa lang ako sa bahay, minsan hindi ko na magawang matulog o kumain ng maaga dahil night shift ako sa café.
--
Gabi na at kakatapos lang ng duty ko sa cafe. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad pauwi nang may madaanan akong duguang lalaki na walang malaya na nakahiga sa gilid ng highway. Ayaw ko sanang lapitan kasi baka prank lang itong nakikita ko sa youtube dahil mahilig akong manood ng pranks bago ako matulog.
Nataranta naman akong kinuha ang cellphone ko at tumawag ng ambulansya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya pinatong ko na lang ang ulo niya sa hita ko.
"Sir, are you okay?" tanong ko sa walang malay na lalaki.
May mga sugat sa katawan niya at puro dugo ang dumadaloy dito.
Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko nalang siyang magpahinga. Ang tagal naman kasi ng mga rescuers.
Pero sa gitna ng paghihintay ko, minulat niya ang kanyang mga mata, nanghihinang hinawakan ang braso ko at nilagay sa kanyang dibdib... at dito na nagsimula ang panibagong buhay ko.
To be continued...
© xiarls
All rights reserved
--