webnovel

CHAPTER 2:

"Hoy, Steph." Tinignan ko si Shean na kapapasok lang. Asusual ang aga niya, sobrang aga niya para sa second subject.  "Magkuwento ka naman, anong feeling?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Sinasabi ng babaeng ito?

"Anong feeling ang sinasabi mo?"

"Asus, anong akala mo makakapagtago ka sa akin? Akala mo hindi ko malalaman na na-lock kayo ni Kelvin sa library? Sa akin kapa nag-sikreto."

Isa nga pala siyang dakilang chismosa. Ang aga aga, chismis agad ang nalakap.

"Ang chismosa mo, Shean." Nangingiti kong saway sa kanya. "Wala namang nangyari, nalaman ko lang yung dahilan kung bakit siya ganyan. Atsaka alam mo, natulog ako sa lap niya." Kinikilig kong kwento.

" Omygash, really? Sana sinulit mo na, hinalikan mo na dapat. Kung ako ang na-lock duon at kasama ko si Yohanne siguro, sinunggaban ko na iyon ng halik." Natatawang sabi niya.

"Igaya mo naman ako sa'yo? Matino pa isip ko." 

"Asus, sabihin mo mahina ka lang dumiskarte. Puro ka daydream."

Hindi ko na pinatulan ang sinabi niya, basta ako masaya na sa kung ano ang naging ganap aa library.

Pinagmasdan ko nalang ulit ang crush ko na bumalik nanaman sa dati. Nakasuot siya ng headphones at naglalaro ng mobile games. Wala na naman siyang pakaelam sa tao, hindi na naman niya ako pinapansin.

Muli akong napangiti ng maalala ang nangyari sa library. Parang gusto ko nalang ulit magpa-lock duon ng siya ang kasama. Kung iyon lang ang tanging paraan para makausap ko siya. Para malaman ko kung ano ang nararamdaman niya.

Tumayo ako at lumapit sa kinauupuan niya. Gusto ko lang siyang kulitin ulit. Umupo ako sa tabi niya.

"Kelvin," tawag ko sa pangalan niya. "Akala ko pa naman papansinin mo na ako matapos yung nangyari dun sa libra---"

"Ohmygash. Totoo nga yung chismis, anong nangyari sa library?" Nagulat ako ng biglang sumulpot sa likuran ko si Janah, may gusto rin siya kay Kelvin, pake ko naman sa kanya.

Hindi ko siya pinansin at tinitigan ko nalang ulit si Kelvin. I don't have time to waste para lang kausapin sila. And they're not on my level.

Nakipaglaban siya sa akin, umupo din siya sa kabilang gilid katabi si Kelvin. Aba, hinahamon yata ako ng babaeng ito. Tignan nalang natin kung pansinin siya ng bebe ko. Hinayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya.

"Anong nangyari sa library?" Ulit na tanong niya sa akin.

"Pakaelam mo?" Mataray kong sagot. Kung nataray siya, hindi ako papatalo.

"Aba, palaban ka pala, Steph."

"Huwag mo akong ma-Steph-Steph diyan hindi tayo close."

Nakiki-steph, close tayo sis? Sapakin kita eh.

"Oras lang na malaman kong may ginawa kang kahalayan kay Kelvin, makakatikim ka ng mag-asawang sampal sa akin."

" K. Ikasal mo pa sila ngayon."

Nanggigigil itong tumingin sa akin pero nginisian ko lang siya. Di mo ako madadala sa mga pananakot niya. Immature siya.

"Lezgo, girls." Maarte niyang sabi at iniwan kami ni Kelvin.

Napangiti nalang ako ng umalis sila. Buti naman at masosolo ko ulit si Kelvin.

"Kelvin, uy, kausapin mo naman ako." Pangungulit ko sa kanya. Pinulupot ko pa ang kamay ko sa braso niya.

"Umalis ka nga diyan," rinig kong sabi niya sa akin.

Imbis na umalis, lalo ko pang hinigpitan ang pagkapit ko sa kanya. Sabi ko naman sa kanya na hindi ako lalayo kahit na ipagtabuyan niya ako. At iyon ang gagawin ko, I keep my words.

"Kelvin, alam mo naman na kahit anong pagtataboy mo sa akin, hindi ako lalayo."

Kahit pa nakikita ako ng mga kaklase ko na ganito kalapit kay Kelvin ay wala akong pakaelam. Sila pa nga ang nagc-cheer sa akin.

Dumating ang teacher namin kaya agad kaming nagsiayos. Bumalik ako sa pwesto ko, sa tabi ni Shean mahirap na baka malagyan pa ako ng absent dahil lang sa paglipat ko ng upuan. Kahit gusto kong makatabi si Kelvin at wala akong magawa takot parin ako sa teacher. Lalo na sa baklang ito.

"Buti naman naiisipan mo pang umupo dito." Mataray na sabi ng kaibigan ko.

Nakakunot ang noo niya habang nagbubuklat ng notebook ng tignan ko siya. Problema ng babaeng ito?

"Sana duon ka nalang din naupo, ngayon. Nahiya ka pa." Mahina akong natawa. Alam ko na nagseselos ang kaibigan ko.

"Sinasabi mo, Shean?" Tanong ko sa kanya, mahina akong natawa ng ma-gets ko kung bakit siya nagkakaganyan. "Nagseselos ka kau Kelvin?" I laughed. "Wait, ic-crushback lang kita, hindi mo naman sinabi sa akin na cr---"

"Manahimik ka na nga, sapakin kita eh." Reklamo nito na lalong ikinatawa ko.

"Huwag kana selos, ic-crushback na nga kita, ayaw mo pa." I tease her.

Tila nakalimutan ko na may nagtuturo sa unahan, mas inintindi ko pa ang pang-aasar kay Shean kesa ang pakikinig sa sinasabi ng teacher ko.

Ano pa bang bago sa akin? Araw araw ganito ako sa school, nakikinig konti tapos makikipagdaldalan na sa katabi. At kapag napapagalitan ako syempre damay ang katabi ko, walang iba kundi si Shean. Siya lang naman karamay ko sa lahat. Hindi nagtagal ay napagalitan ako.

"Ms. Alferez!" Natahimik ako ng banggitin ni Mrs. Shierra ang pangalan ko. Napayuko pa ako, sigurado akong gigisahin nanaman ako nito sa mga tanong. "Anong pinag-uusapan ninyo ni Ms. Enrile?" Sabi ko sa inyo damay iyan.

I'm

" Wala po ma'am. Tinulungan ko lang po siya, hindi po kasi niya makita yung sinusulat mo." Magalang kong sagot.

Lihim naman akong napangiti ng naniwala siya sa sinabi ko. Naramdaman ko naman ang pagkurot ni Shean sa balikat ko. Hindi naman ako makapagreklamo dahil kapag nahuli ako ni Mrs. Shierra sigurado akong gisa na talaga ako. Baka mapahiya pa ako ng todong todo kay Kelvin.

Nang matapos ang klase niya ay dumiretso kami sa canteen. Recess time.

"Shean, anong bibilhin mo?" Tanong ko sa kanya habang nagtitingin tingin ng pagkain. Wala man lang bang masarap dito?

"Wala." Tipid na sagot niya. Tumingin ako sa kanya na nagtataka, wala siyang bibilhin pero pumunta dito sa canteen? Ano ito? Dumisplay lang dito?

Tumingin ako sa paligid at sa 'di kalayuan ay nakita ko si Yohanne kasama ang barkada nito. Kaya naman pala pumunta dito, sisilay lang.

"Pumunta ka lang pala dito para sumilay. Eche eche kapa." Inerapan ko siya.

"Ikaw anong bibilhin mo?" Tanong din niya sa akin.

Tumingin ako sa mga paninda at mabilis akong umiling. "Wala din eh." Nakangiti kong sagot.

"Eche eche kapa wala ka din naman palang bibilhin. Tara na ng--ARAY!" Reklamong sigaw niya ng may bumunggo sa kanya. "Hindi naman kasi tumitingin sa dinad---" napahinto siya ng makita kung sino ang nakabangga sa kanya.

Pinigilan kong matawa matapos kong makita ang reaksyon niya, kung paanong ang mataray niyang mukha ay naging maamo ng makita si Yohanne, ang nakabangga sa kanya. Mabilis pa sa alas-kuwatrong nagpalit anyo siya. Ngumiti pa siya.

"Sorry miss." Nakangiting paumanhin ni Yohanne dito. At ang bruha marupok.

"A-ayos lang." Nabubulol pa nitong sabi. Pinilit ko paring pigilan ang pagtawa ko, ayaw ko namang mapahiya ang kaibigan ko sa harap ni Yohanne.

Aalis na sana ang mga ito ng muling lingunin ni Yohanne si Shean na kilig na kilig ngayon. "Ay, miss, ano nga palang pangalan mo?" Tanong nito. Bumalik ito para lang tanungin si Shean ng gano'n? Sana all.

"A-ako? Ah-eh, S-Shean, Shean Enrile ang pangalan ko." Gusto ko nang humagalpak ng tawa pero pinipigilan ko ang sarili ko. Self kalma.

"Such a beautiful name for a beautiful girl."

Nganga ang lola sa banat. Hindi ko inasahan iyon at sigurado akong mas hindi inasahan ni Shean ngayon.

Humagalpak ako ng tawa ng makaalis sila Yohanne, samantalang siya ay tila hindi parin makapaniwala sa sinasabi at ginawa ng lalaki.

Tumingin siya sa akin na parang hindi pa nakaka-get over may pa hawak hawak pa sa puso. Akala mo naman aatakihin. Hindi ko pinansin ang mga taong nagtitinginan sa amin, gusto ko lang tawanan ng tawanan ang kaibigan ko.

"Such a beautiful name for a beautiful girl." Panggagaya ko pa sa sinabi no Yohanne.

Tinignan niya ako ng masama at binatukan, kanina pa itong babae na ito. Ang brutal.

"Para kang baliw, Steph. Pinagtitinginan ka ng mga tao." Reklamo nito.

"Ako ba talaga ang inaalala mo o iyang namumula mong pisngi? Para kang kamatis." Hindi parin ako tumitigil sa kakatawa.

"Shut up, Steph."

Lumakad na ito at ako naman ay sinundan siya, hindi ko parin siya tinitigilan mula sa pang-aasar ko. Ang sarap kayang galitin ng kaibigan

Hanggang sa makarating kami sa classroom ay inaasar ko pa din siya habang kita parin ang kilig sa mga mata niya. Hanggang tainga din ang ngiti niya at tila nagd-daydream pa.

Naabutan ko si Kelvin na katabi Janah at Kyla, ang reyna ng mga bubuyog at ang alagad. Nakahilig ang ulo niya sa balikat ni Kelvin at tulad ng ginagawa ni Kelvin sa akin, wala rin itong pakaelam.

Hinawakan pa niya ang kamay ni Kelvin, kita ko naman ang marahas na paghawi niya sa kamay ng dalaga dahilan para ma-out of balance ito at muntik pang malaglag sa upuan buti nalang ay nakakapit ito.

Ngumisi ako, akala niya siguro magagaya niya ang ginagawa kong pangungulit sa binata. Nginisian ko siya. Serve it right bitch. Akin lang kasi ang crush ko.

Hindi ko nalang sila pinansin at binaling ko ulit ang atensyon ko kay Shean.

"Anong feeling?" Tinanong ko sa kanya ang tanong niya sa akin kanina. Balikan lang.

"Para akong nasa alapaap, Steph. Feeling ko pwede na akong mamata---"

"Gaga." Sinigawan ko siya. Kung ano anong sinasabi. "Nasabihan ka lang ng maganda akala mo, prinsesa kana."

"Inggit ka lang, Steph. Hindi ka kasi pinapansin niyang crush mo."

"Aray ha! Namemersonal ka nang babae ka. Pasalamat ka kaibigan kita, wengya ka."

Tinawanan niya lang ako at muling nag-daydream. Sigurado akong nangangarap na ito ng future kasama si Yohanne. Mukhang ako naman ang hindi niya papansinin.

Lumabas nalang ako ng classroom at tumambay sa corridor. Pinagmasdan ko lang ang mga estudyante sa paligid. Ngayon ko lang na-realize na minsan pala nakagaganda din sa tao ang magmasid sa paligid, puro nalang kasi si Kelvin ang tinitignan ko for four years.

Huminga ako ng malalim, dinama ko ang tahimik na paligid habang ang mga kapwa ko estudyante sa baba ay nagtatawanan. Madami rin palang couple dito sa school. Sana kami rin ni Kelvin.

"Ang lalim naman." Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Luminga linga ako sa paligid para malaman kung sino ang kinakausap niya pero kami lang dalawa ang nandito. Ako ba ang kinakausap nito?

"Ang ganda nila tignan noh?" Tinuro niya ang mga estudyante sa baba, tumingin siya sa akin ng nakangiti.

"Ako ba ang kinakausap mo?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. Gusto ko lang makasiguro.

"I'm not crazy, to talk alone. Syempre ikaw ang kausap ko, wala namang ibang tao dito. Unless, may nakikita ka na hindi ko nakikita." Inerapan ko siya. Pilosopo din ang lalaking ito.

"Malay ko bang may kausap kang iba. Bigla bigla ka nalang kasing sumusulpot at nagsasalita." Saad ko. "Hindi naman tayo close, hindi ka nga rin kita kilala." Pagtataray ko sa kanya. Akala naman niya mananalo siya sa akin.

"Sorry my bad. Anyway, I'm Kurt, Kurt Grande your handsome player." Inilahad nito ang palad niya.

" Player? Oh, let me guess, babae ang nilalaro mo noh? Anyway, I'm Stephanie Alferez." Pagpapakilala ko din sa kanya. Hindi naman ako gano'n ka-rude para ipahiya siya.

"Basketball player, hindi ako naglalaro ng babae, they're not toys."

Pinagmasdan ko siya habang nagsasalita. Natural ang mga kilos niya at masyado siyang friendly, based on my observation. Sigurado akong makulit din ito at masarap maging kaibigan, malayo siya sa ugali ni Kelvin.

Napag-alaman ko din na magkatabi lang kami ng classroom. He even befriend to my classmates, ako lang yata ang hindi nakakakilala  sa kanya kung hindi niya pa ako kinausap ngayon.

"Palagi kitang nakikita, kasama mo palagi yung nagandang babae. Ang lakas mo rin tumawa." Muli ay tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya sa kanya dahil sa pinagsasabi niya. May alam siya sa akin ngunit ako, kahit itsura niya hindi ko matandaan na nakita ko na.

"Maganda din naman ako ah?" Nakanguso kong sabi sa kanya.

"Sinabi ko bang hindi ka maganda? Sabi ko lang naman, maganda ang kasama mo." Natatawa niyang sabi. "Maganda siya pero yung ganda mo kasi pangmatagalan." Natameme ako.

Ang hinihiling kong magsabi nuon ay si Kelvin pero bakit si Kurt ang nagsabi?

"Talaga? Maganda ako?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya.

"Alam mo? Napaka-bolero mo. Kung maganda ako, edi sana pinansin na ako ng crush ko." Reklamo ko ulit.

" Sino ba yung crush mo? Bulag yata iyon."

Natawa ako. Kung ganito lang sana si Kelvin siguro kami na ngayon. At siguro hindi ko na siya kailangan pang kulitin ng husto para lang pansinin ako.

Madami pa siyang kuwentong kalokohan. Masaya siya kasama at hindi nakaka-boring. Kahit sino siguro ay gugustuhin siyang maging kaibigan. Sigurado akong madadagdag siya sa list of friends ko.

"Hoy, Steph." Napalingon ako kay Shean, problema ng babaeng ito? "Uy, hi?" Ngumiti siya kay Kurt na ngayon ay nakangiti habang pinagmamasdan si Shean.

"Si Kurt nga pala, kalapit room lang natin. Kurt si Shean, kaibigan ko." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Hi? Uyy, ang gwapo mo. Kilala na kita, palagi kang pinag-uusapan ng mga kaklase namin. Totoo nga yung sabi nila, gwapo ka." Babaeng ito, prangka kapag sa ibang lalaki pero kapag kay Yohanne tameme.

"Salamat ha. Maganda ka din naman pero..." He paused and look at me. "Mas maganda si Steph." Natawa ako ng makita ko ang pag-asim ng mukha ni Shean, akala mo ikaw lang masasabihan ng maganda ha.

"Nililigawan mo ba ang kaibigan ko?" Nagulat ako sa tanong ni Shean kay Kurt. Pahamak ang babaeng ito.

"Hindi pa." Nakangiti niyang sabi na lalong ikinagulat ko.

'PA'? Ibig sabihin may balak siyang ligawan ako? Magrereklamo pa sana ako pero nakapasok na siya ng classroom nila. Ano bang pumasok sa utak ng lalaking iyon?

"Hindi pa. Yieee 'PA', may balak siyang ligawan ka, Steph. Haba ng hair mo." . Kung kanina ay ako ang nang-aasar ngayon ay siya naman. "Kalimutan mo na daw kasi ang crush mo, hindi ka naman pinapansin ni Kelvin." Dugtong pa nito.

Inerapan ko si Shean, ipamigay ba naman ako sa lalaking bago ko lang nakilala. Hindi ko kaya ipagpapalit ang Kelvin ko, sa kanya lang ako.

Umiling nalang ako at bumalik sa classroom wala rin namang mangyayari kung gagawin ko pang big deal ang sinabi ni Kurt kanina.

Siguiente capítulo