(IV-Dalton Classroom)
(Aya's POV)
"Ikaw...ikaw Aya, makita lang kita, sukang-suka na ako! Maalala ko lang ang ginawa sa akin ng Kuya mong demonyo, umuusok na ako sa galit!"
Ang mga sinabing ito ni Miyaki ang halos sumaksak na sa akin kanina...
Katatapos lang ng klase namin kay Miss Lanie at halos tahimik ang lahat sa room dala na rin marahil ng pagkapahiya namin kay Miyaki. Hindi ko talaga maiwasang bumilib kay Miyaki, kayang-kaya niyang ipag-utos ang respeto.
"Grabe yang kapatid mo Ruki! Mala-armalite ang bibig! Sinabi ba namang masarap akong hampasin ng softball bat!" ang yamut na yamot na sabi ni Dennison.
"Oo nga Baby ko. Sinabi ba naman niyang makitid ang utak ko!" reklamo din ni Lexie.
"Sinabi pa niyang di lisensyado ang mga kotse ko. Licensed lahat ng kotse ko noh!" himutok din ni Marcus.
"Ako naman, mataray daw. Hindi naman ako mataray ah!" inis na sabi ni Monique. "Pasalamat siya't mahal siya ng Kuya ko!"
"Alam nyo, kesa mainis kayo kay Miyaki, tanggapin nyo na lang yang kamalian ninyo. Ako, oo, nasaktan ako sa mga sinabi niya kanina, pero may kasalanan tayo. Lagi tayong late kung pumasok sa klase. Kaya kung ako sa inyo, papasok na ako ng maaga sa room." ang sabi naman ni Misha habang nagbabasa siya ng Literature book.
"Oo nga noh, baka mamaya, isumbong pa niya tayo kay Ate. Sumbungera pa naman yun." sabi ni Ruki.
"Agree ako dyan. Bibili na ako ng alarm clock sa mall mamaya!" sabi naman ni Lexie.
"Ako din! Ilalagay ko na sa kwarto ko ang manok ni Mang Berto mamaya!" sabi ni Marcus na nakapagpatawa sa amin.
"Hindi na ako manonood ng Final Destination gabi-gabi!" sabi naman ni Monique.
"At di na rin ako mag-ni-Nintendo tuwing alas diyes!" sabi naman ni Dennison.
"Pero Aya....." sabay baling ng lahat sa akin.
"Bakit?" ang nagtataka kong tanong sa kanila.
"Okay ka lang ba? Nabanggit niya ang Kuya mo kanina." sabi ni Misha sa akin.
"Oo nga. Alam naman natin na naging boyfriend ni Miyaki ang Kuya mo." sabi naman ni Monique sa akin.
"Pero naghiwalay sila because of third party." Lexie said.
"At masakit kay Miyaki yun. Pero mali naman na idamay ka niya sa kasalanang hindi ka naman kasali!" Marcus said.
"Right! Pero mali rin na pag-usapan natin ang nakaraan niya diba? Pakikialam na ang tawag dun." ang sabi ni Dennison na nagpatahimik sa amin.
Natahimik ako sa mga sinabi nila at dahil muli na naman akong tinatablan ng hiya ay nagpaalam ako sa kanila at sinabi kong may meeting ang school paper para sa new version ng literary folio kahit ang totoo'y gusto ko munang mapag-isa.
Naupo muna ako sa upuan ng corridor at nagbasa ng libro ng Elective Math nang makita kong magkaakbay na naglalakad sa corridor sina Callix at Miyaki. Kitang-kita ko ang ngiti sa mga mata ni Callix habang kausap niya si Miyaki. Hindi ko na lang sila tinitigang maigi hanggang sa malagpasan na nila ako.
Aaminin ko, matagal ko nang mahal si Callix Jesh, kahit alam kong si Miyaki ang mahal niya. Nasasaktan man ako sa katotohanang yun ay pilit ko na lang itong tinatanggap alang-alang sa kaligayahan ng lalaking mahal na mahal ko. Kahit na isang masamang tao ang tingin niya sa akin ay wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya.
Pero alam kong walang mangyayari kahit na patuloy pa akong umasa sa wala.
Hindi man niya sabihin, pero ramdam ko namang ayaw niya sa akin, hindi lang dahil sa galit siya sa akin....
Dahil Kuya ko ang lalaking tumalikod at nang-iwan kay Miyaki. Matindi ang galit ni Callix sa aming angkan, lalo na sa amin ni Kuya.
My Kuya Earl is Miyaki's ex. Third party ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sila. Hanggang sa pwersahang pinauwi ni Daddy si Kuya sa England dahil sa matinding gulong kinasangkutan niya dito sa Pilipinas.
At nang malaman ni Callix ang panloloko ng Kuya ko ay halos isumpa na niya ang kaluluwa ni Kuya sa sobrang galit niya dito. At noong umalis na nga si Kuya patungong England ay napunta lahat sa akin ang galit at poot na nararamdaman ni Callix sa Kuya ko.
Sa una ay nasasaktan ako sa paraan ng pakikitungo niya sa akin pero nang lumaon ay nasanay na ako sa kagaspangan ng ugali niya sa akin, hanggang sa tuluyan nang naging manhid ang puso ko, dala na rin marahil ng lahat ng sakit at lungkot na ipinadama niya sa akin. Ngunit kahit na halos mapatay na niya ako sa mga torture words at kaarogantehan niya ay hindi ako kailanman nagalit sa kanya dahil nga sa mahal na mahal ko siya.
Pero kung si Miyaki talaga ang mahal niya, nakahanda naman akong tanggapin iyon....kahit halos maghingalo na sa sobrang sakit ng puso ko.
Ang hiling ko na nga lang ay magtuluy-tuloy na sanang maging masaya si Callix sa piling ni Miyaki at wag na sanang tangkain pang bumalik ni Kuya Earl dito sa Pilipinas para tuluyan nang maka-move-on sina Callix at Miyaki sa malungkot nilang nakaraan.