webnovel

CHAPTER SEVENTY SEVEN

(Bureau of Correctional, after a week)

(Vivian's POV)

"JACK...anak ko...b-buhay ka!"

Nakatitig lang siya sa akin.

"Masaya ka na ba, Mama?" sarkastikong tanong niya sa akin. "Masaya ka na ba na kamuntik mo nang patayin si Daddy?"

"J-Jack...n-nagawa ko lang ang lahat ng yun dahil m-mahal kita...at hindi ko hahayaang lumubog na naman tayo sa kahirapan t-tulad ng kinakatakutan kong mangyari..."

"PERO HINDI NINYO KAILANGANG MAGPAKADESPERADA! HINDI NAMAN PO AKO MAWAWALA SA INYO, MAMA! PERO DAHIL SA GINAWA NINYO KAY DADDY ALBERT, BINIGYAN NYO PO AKO NG RASON PARA TALIKURAN KAYO NG TULUYAN! MAHALAGA AKO SA INYO, DIBA? KUNG MAHALAGA TALAGA AKO SA INYO, PAHALAGAHAN NYO RIN ANG MGA TAONG MAHAL KO! PERO HINDI EH. SINASAKTAN MO SILA, MAMA! AT DAHIL DYAN, GALIT AKO SA INYO! GALIT NA GALIT AKO SA INYO! WALA KAYONG KARAPATANG SAKTAN ANG MGA TAONG MAHAL KO! NAPAKA-MAKASARILI NINYO, MAMA! SARILI NYO LANG ANG INIISIP NINYO! PURO NA LANG PERA AT PAGPAPAYAMAN ANG INIISIP NINYO! DI NYO ALAM, MAY NASASAKTAN NA NANG DAHIL SA KASAKIMAN NYO!"

Napahagulgol ako sa mga sinabi ni Jack.

Masakit.

Sobrang sakit na marinig ang mga salitang iyon galing sa sarili kong anak.

"P-patawarin mo ako...a-anak..."

"Hindi ko po alam kung mapapatawad ko pa po kayo pagkatapos ng mga ginawa ninyo kina Papa at Daddy...hindi ko po alam kung maaatim ko pa bang patawarin kayo." at tumayo na si Jack sa kinauupuan niya. "Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng ito, sana'y mas maaga ko na kayong isinuplong sa pulisya nang hindi na ninyo nasaktan pa si Daddy. I'm sorry, Mama...pero ako mismo ang nagsumbong sa inyo sa mga pulisya. Gusto ko nang magising na kayo sa katotohanan...NA HINDI SA HABANG PANAHON AY NASA INYO ANG KAYAMANAN AT KATANYAGAN. MAMA, BILOG ANG MUNDO. MARAMING NANGYAYARI. MAY NAWAWALA, MAY BUMABALIK. Sana, sa mga nangyari sa inyo'y matauhan na po kayo." at lumakad na si Jack palabas ng visitors ward ng kulungan. Tinangka ko siyang habulin pero agad akong hinawakan ng babaing warden na bantay sa ward.

Jack...

I'm sorry.

Sana...balang-araw...ay mapatawad mo na ako...

Mahal na mahal kita...

Anak.

Siguiente capítulo