webnovel

CHAPTER FIFTY

(Roswell's Mansion/Kensington High School, morning)

(Mikki's POV)

TIKTILAOK! TIKTILAOK! (Manok yun. xD.)

Umaga na pala.

* yawns *

GOOOOD MORNING, PHILIPPINES! HELLO, UNIVERSE!

Bumangon na ako at iniligpit ko ang higaan ko. Pagkatapos kong iligpit ang higaan ko ay nag-shower na ako sa bathroom na nasa loob ng kwarto ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform ko. Nagsuklay ako at nagpulbo ng konti and dyaran! Ready na me!

Nung masiguro kong handa na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko. Dumiretso na ako sa dining room kung saan nag-a-almusal na sina Ma'am Martha, Sachi at ang nakakabata kong kapatid na si Michelle Angela or Mimay for short.

"Good morning po, Ma'am! Good morning Sachi! Good morning, cute kong kapatid!" masayang bati ko sa kanila.

"Good morning, Mikki. Maupo ka na at nang makapag-almusal ka na." anyaya sa akin ni Ma'am. Naupo na ako sa upuang katabi ni Mimay. Agad na akong nagsandok ng sinangag at pritong itlog.

"Sige na Ate Mikay, kain ka na." sabi ni Mimay.

Kumain na ako.

* yum, yum, yum, delisyoso! *

Ang sarap talagang magluto ng Mama ko ng breakfast!

Pagkatapos kong kumain ay nagsipilyo ako siyempre, para mabango ang bibig ko. Baka kasi aksidenteng halikan ako ni Yusof eh, dapat prepared ako.....

HAAA?!!!

Did I say Yusof?! As in Yusof Khan?!

Waaah! Mali! Erase! Bura! Hindi ko dapat sinabi yun!

Okay. Take two.

Nagsipilyo ako siyempre, para mabango ang bibig ko.

Yun na yun!

Pagkatapos kong mag-breakfast ay naglakad na ako papuntang school. Nagtitipid kasi ako sa pamasahe.

Nang biglang...

"Hi Mikki! Sabay ka na sa akin."

Napalingon ako at nakita ko si Yusof na nasa gilid ko at nakasandal sa motorsiklo niya.

"Ha? Ano, tagay?" gulat na sabi ko sa kanya.

"Sabi ko, sabay ka na sa akin. Hindi tagay." natatawang sabi niya.

Ay, sabay pala. Akala ko tuloy, tagay. Shunga ko talaga.

xD.

"Isuot mo 'to tapos umangkas ka na sa akin." sabay bigay niya sa akin ng helmet.

Himala. Ano namang nakain nito at mukhang sasabay siya sa akin ngayon?

"Ano pang hinihintay mo dyan? Isuot mo na yung helmet." sabi niya sa akin.

Isinuot ko na yung helmet at dahan-dahan akong umangkas sa kanya.

"Kumapit ka. Baka mahulog ka. Mabilis akong magmaneho."

"Eeh, saan naman ako kakapit?" gulat na tanong ko.

"Sa beywang ko." and he smirked at me.

"Waah! A-ayoko!" at namula ako sa sobrang hiya.

"Bahala ka. Hindi ko kasalanan kung mahulog ka."

Napaka-ungentleman naman ng Yu-Ef-Ow na 'to!

"Hmp! Sige na nga!" at kumapit na ako sa beywang niya.

"Sige, magmamaneho na ako." at pinaandar na ni Yusof ang motor niya. Dahil nga mabilis ang pagharurot ng motor niya ay napapayakap ako sa kanya sa takot ko na mahulog. In fairness, ang macho niya. Tsaka...ang bango pa.

(Jhae Ann Epal: HOY MIKKI, WAG KANG MANYAK! YUSOF IS MINE! AND MINE ONLY! WAHAHA!)

Tse! Inggit ka lang, Jhae Ann! Buwahahaha!

Later...

"Mikki, andito na tayo."

Napalingon ako sa paligid at nakita kong nasa loob na kami ng school. At napansin kong yakap-yakap ko pa rin siya. Bumitiw ako sa pagkakayakap ko sa kanya sabay baba ko sa motorsiklo. Tinanggal ko na ang helmet at isinabit iyon sa manibela ng motor.

"Salamat sa paghatid mo sa akin dito." sabi ko sa kanya.

"You're welcome Mikki. Kung gusto mo, araw-araw pa kitang ihatid-sundo." ang nakangiting sabi ni Joshua.

"Ikaw ang bahala." sabi ko naman.

Ang swerte ko talaga. Buwahaha. Biruin nyo yun, malilibre na nga ako sa pamasahe, hindi pa ako obligadong maglakad ng malayo papunta sa school!

"Sige, mauna na ako." at akmang maglalakad na sana ako nang biglang hawakan ni Yusof ang kamay ko.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sabay na tayong maglakad. Tsaka ako na ang magbibitbit ng bag mo, kasi pansin ko, nabibigatan ka na." at kinuha na niya ang shoulder bag ko.

"O-okay..."

Aba, may pagka-gentleman naman pala 'tong si Yu-Ef-Ow eh. In fairness, bagay naman sa Steph Curry-image niya.

Sabay na kaming naglakad ni Yusof papuntang classroom. Habang naglalakad kami ay pansin kong nasa amin ang atensyon ng mga estudyante.

"Girls, look, kasama ni Prince Yusof yung pinsan ni Prince Satchel." - Girl 1.

"Oo nga! Bakit kaya?" - Girl 2.

"I don't know...Omigosh! Di kaya..." - Girl 3.

"Baka mag-on na silang dalawa!" - Girl 4.

"Really?! OMG!" - Girl 3.

"Oh noooo!!!" - Girl 1.

Eh di wow. Ang gagaling talagang gumawa ng kwento ng mga babaitang ito.

"Mikki, don't mind them. It's just rumors." sabi ni Yusof sa akin.

"Okay." sabi ko naman.

Nung makarating na kami sa classroom ay nakuha din namin ang atensyon ng lahat. And as usual, pinag-usapan kami ng mga classmates namin na kesyo mag-on na daw kami dahil magkasama kaming dalawa. Haller! Friends lang kaya kami ng Yu-Ef-Ow na 'to!

Nung maupo na ako sa seat ko ay ibinigay na sa akin ni Yusof ang bag ko.

"Salamat." sabi ko sa kanya. "Anyways, ba't mo ako hinatid dito? May nakain ka bang maganda?" pabirong tanong ko sa kanya.

"Kasi part 'to ng deal natin. Nakalimutan mo na ba?" tanong ni Yusof sa akin.

Deal? Anong deal?

* isip-isip *

* isip-isip*

"Ah! Oo nga pala! May kasunduan pala tayo! Mabuti at tinutupad mo. Tandaan mo, isang linggo kitang magiging julalay ko!" sabi ko sa kanya.

"Okay." and Yusof smiled at me.

"Huy Mikki, anong deal yung sinasabi mo kay Yusof?" tanong ni Riri sa akin.

"Wala yun, kasunduan lang namin yun na hindi na niya ako pag-ti-tripan." sabi ko.

"Ah...okay." sabi ni Riri. "Pero in fairness, ang cute ninyong tignan. Bagay na bagay talaga kayo."

Eeh!

Pati ba naman ikaw, Riri!

"Kami? Bagay? Ni Yusof?" and I laughed. "Nagpapatawa ka ba, Riri?"

"She's not joking." sabad ni Yogo. "Bagay kayong dalawa ni Yusof."

"Tao kami ni Yusof. Hindi kami bagay, okay?" papilosopong sabi ko sa kanila.

Tumawa lang silang dalawa, dahilan para mas lalo lang akong mapikon.

Nung dumating na ang first subject teacher namin ay inumpisahan na ang klase.

(School Corridor, Lunch time)

(Mikki's POV)

NAGLALAKAD ako sa corridor nang hinarang ako ni Heidi "The Flirt" Sandborn.

Okay, ano naman kaya ang ipaparatang sa akin ng malandutay na 'to?

"You bitch!" at akmang sasampalin na niya ako ng malakas pero siya ang nasampal ko. Muntik na nga siyang tumilapon sa sahig eh. Buwahaha.

"Grrr, how dare you flirting with my boyfriend!" at sasampalin ulit sana niya ako pero siya na naman ang nasampal ko. Two points.

"Hoy, ano bang problema mong malandutay ka?! First of all, wala akong nilalandi! Second, sino ba yang boyfriend mong yan?!" pagtataray ko sa kanya.

"Si Yusof Khan lang naman ang boyfriend ko!" singhal sa akin ni Heidi.

Huwaw! Talagaaa?!!!

Si Yusof ang boyfriend niya!

Astig! Lakas na namang maka-ilusyon ng gagang 'to ah.

"Talaga? Ikaw? Girlfriend niya?!" at napahalakhak ako ng malakas. "Eh ayaw nga ni Yusof sa mga katulad mong 'boobs over brains' eh! Kaya imposible yang sinasabi mo! Ako pa ang lolokohin mo? Lelang mo!" ang papilosopong sabi ko sa padedeng 'to.

"Anong sinabi mo?! Hetong sayo!" at sasampalin sana ako ulit ng padedeng 'to pero siya na naman ang nasampal ko.

Three slaps for Heidi Sandborn.

Mahusay. Mahusay ka talaga, Mikki. Napakahusay.

* clap-clap *

Akmang susugurin na sana ako ni Heidi nang may humarang sa kanya.

Si Yusof.

"Stop it, bitch."

Biglang nanginig sa takot si Heidi kung kaya naman bigla siyang tumakbo palayo pero mas natigilan siya nang bumalandra sa harapan niya ang mukha ni Riri at ng mga barkada niya.

"Where do you think you're going?" Riri said sarcastically.

"Err...hehe...aalis na ako...padaanin nyo naman ako..." pagdadahilan pa ni Heidi The Padede Girl, nang sinalubong siya ng malakas na sampal ni Riri. Tumilapon ang gaga sa sahig. Agad siyang pinalibutan nina Femme, Carly at Yarra.

"W-what do you think you're doing?!" ang natatakot nang sigaw ni Heidi.

Hindi siya sinagot ng tatlo, sa halip ay binitbit siya ng mga ito palapit kay Riri. At doon niya natikman ang bagsik ng paghihiganti ng ultimate queen bee ng school na ito.

Sa huli, umalis si Heidi na laspag ang mukha sa dami ng sampal na tinamo niya mula kina Riri. Gulat na gulat si Yusof sa ginawa nila habang natawa na lang ako. Grabe talaga ang pagiging dragonesa ng mga babaing 'to.

xD.

"Lakas din ng trip ng babaing yun noh. Sinabi ba naman niya na boyfriend daw niya ako! Ayoko nga sa kanya! Masyado siyang malandi!" sabi ni Yusof.

"As you said Yusof. Pero pansin ko, puro mga campus heartthrobs ang pinupuntirya niyang landiin. Katulad mo." sabi ko.

"Tama ka dyan, Mikki. Pero sorry siya kasi hindi umuubra sa mga Campus Heartthrobs ang style niya." sabi ni Riri.

"Right!" at nag-appear sina Femme, Carly at Yarra.

Haay salamat at bumait na rin sila (pero hindi sa lahat. Buwahaha.)

Saktong pagdaan ni Yogo ay nakita niya kami. Agad siyang lumapit sa amin.

"Hey guys, nandito lang pala kayo." sabay yakap ni Yogo sa beywang ni Riri. Kilig na kilig naman ang dyosang bruha sa ginagawa ng mahaderong boyfriend niya.

(Jhae Ann Epal: Inggit ka lang yata kay Riri eh. Payakap ka na rin kay Yusof para hindi ka na mainggit pa! Buwahaha!)

Kung gusto mo Jhae Ann, ikaw na lang. Tutal eh ikaw ang may crush sa kanya! Buwahahaha!

(Jhae Ann Epal: Okay! Basta ba hindi ka magseselos ah! Wahahaha!)

Ba't naman ako magseselos eh di naman kami ni Yusof. Tsaka hindi ko siya type noh.

Back to my freaking story (hehehe...), niyaya na kami ni Riri na mag-lunch sa cafeteria. At dahil ginutom ako sa pagsampal sa padedeng Heidi na yun ay pumunta na kami sa cafeteria.

(PADEDE - kabaligtaran po yun ng PABEBE ah. It's stands for "malandi.")

(Cafeteria)

(Mikki's POV)

"MIKKI, ako na ang bibili ng pagkain natin. Anong kakainin mo?" tanong sa akin ni Yusof.

"Palabok at juice na lang." sabi ko sabay dukot ko sana ng pera sa wallet ko nang pigilan niya ako.

"Wag ka nang mag-abala, Mikki, my treat." and he smirked at me.

Waah! Talaga?! Libre na! Hindi na ako tatanggi pa! Buwahaha.

Ang bait naman pala niya.

"Sige, pupunta na ako sa counter ah." at umalis saglit si Yusof sa seat namin. Habang naglalakad siya ay pinagtitinginan siya ng mga girls and gays sa paligid.

Haay, iba talaga kapag guwapo.

xD.

"Ang swerte mo naman bhe, nilibre ka ni Prince Yusof." sabi ni Femme.

"Oo nga. Tapos ipinagtanggol ka pa niya kanina kay Heidi." - Yarra.

"Alam mo, bagay kayong dalawa." - Carly.

"Kayo talaga, masyado kayong palabiro." sabi ko sa kanila.

"Were not joking, Mikki!" sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

"Oo nga, Mikki. Don't deny it, you're liking him already." sabad ni Yogo.

Liking? Talaga?

Lupet naman ng linyang yun!

Di ba pwedeng sabihing magkaibigan lang kami ni Yu-Ef-Ow?

Natigil lang kami sa pag-uusap nung dumating na si Yusof dala ang order naming pagkain. At nagulat ako pagkat palabok at juice din ang in-order niya.

"Eeh? Ba't palabok din ang in-order mong pagkain?" gulat kong tanong sa kanya.

"Wala lang. Gusto ko namang maiba. Sawa na kasi ako sa white carbonara tsaka sa fettucini pasta eh." sabi niya sabay tabi niya sa akin, dahilan para ulanin kami ng mapang-intrigang tingin ng mga kaibigan namin.

"Oh, ba't ganyan kayo makatingin sa amin?" nagtatakang tanong ni Yusof sa kanila.

"Dude, ngayon ko lang na-realize na bagay kayo sa isa't isa." pang-aasar ni Yogo sa amin.

That makes us blush. Especially me.

"I-ikaw talaga, puro ka kalokohan!" sabi ni Yusof habang pinipilit niyang pagtakpan ang pamumula ng pisngi niya.

"Oo nga. Si Riri na lang ang asarin mo at wag kami. Nananahimik kami dito eh." reklamo ko rin.

"Okay, okay." sabi ni Yogo habang itinataas niya ang mga kamay niya na animo'y hino-holdap.

"Mamaya na lang kayo mag-asaran dyan, guys, ang mabuti pa, kumain na tayo." sabad ni Carly sa amin.

Mabuti pa nga. Kesa pa pansinin ko pa ang mga panunukso nila sa amin ni Yusof ay minabuti kong kumain na lang, at least may kwenta pa yun. (Ehehe...)

Siguiente capítulo