webnovel

Chapter 66

Kitang-kita ni Bryan ang pagkainip sa mukha ng asawa habang nasa himpapawid pa lang sila papunta sa rest house. Nilagyan niya kasi ng takip ang mga mata nito at kanina pa ito nagrereklamo.

"Baka mahimatay ako, hubby.. Sige ka.." Pananakot pa nito sa kanya.

"Wife.. Kung tatanggalin ko ang blindfold mo paano na magiging surpresa 'to?" Nagmamakaawang sabi niya dito. "Kunting tiis na lang, wifey, please.."

Narinig pa niya ang pagbuga ng hangin nito. "Alright, but kiss me first.."

Hell! Hindi na nito kailangang manghingi sa kanya he would kiss her nonstop hanggang sa maghabol pa sila ng hininga kung gusto nito.

Palapit na sila ng palapit sa rest house nila at natatanaw na niya ang pinahanda niyang surpresa para sa asawa.

Red and white ballons were scattered all over the swimming pool na may tubig na. The table covered with red cloth where they are going to eat their dinner is also settled where he wanted it to be.

Tanaw na din niya ang bouquet sa taas ng mesa, and for sure his other surprise for his wife is also beside it. Nandoon na rin ang banner na naka tiklop na naglalaman ng gusto niyang sabihin sa asawa niya sa gabing 'yon. Nakapwesto na rin doon ang telescope na malaki na pinabili pa niya sa mga nag-ayos para sa sorpresa niya.

Damn! Naeexcite siya sa mangyayari!

Everything he imagined for this night were made correctly and ideally by the people that his friends sought out and hired for him on his behalf. Maasahan talaga ang mga mokong!

Pagkalapag ng chopper sa helipad sa likod ng rest house nila ay agad na silang nagpasalamat at nagpaalam kay Carl. Hindi pa niya alam kung kailan ang uwi nila, kaya sinabihan niya itong itetext na lang niya ito kung magpapasundo na sila. Agad na silang pumasok sa loob at tuluyan na ring umalis ang chopper.

Hindi niya pa rin tinatanggal ang piring sa mga mata nito but his wife is already smiling from ear to ear and it brought out a lot of great emotions within him. His wife is happy and so is he. Kaya alam niyang sobrang tama talaga ang ginawa niyang planong pagsusurpresa dito.

"Hubby? Can I take this off now?" Nangingiting tanong ng asawa niya habang inaayos niya ang makapal na jacket na suot nito.

"Wait for a bit wife!" Sabi niya dito at iniwan muna ito saglit para paandarin ang stereo at nagpatutog ng isang malamyos na instrumental ng kanta na pinatutog noong kasal nila.

A thousand years.

Sinindihan na din niya ang mga kandila sa candelabra na nasa pinaka gitna ng mesa kung saan sila kakain, bago niya pinatay ang mga ilaw para ang magsisilbing ilaw lang nila ay ang buwan, mga bituin, at ang mga kandila.

Kinuha muna niya ang bouquet bago siya lumapit dito at agad siyang pumwesto sa likod nito. Niyakap niya ito ng mahigpit sabay dama sa baby nila sa tiyan nito.

"Ready?" Tanong niya dito.

Nang tumango ito ay tinanggal na niya ang piring nito.

Kahit nakatalikod ito sa kanya ay dama niya pa rin ang pagkamangha at kagalakan ng asawa niya habang nakatingin sa buong balcony nila.

"Do you like my surprise?" Senswal niyang tanong dito at nasisiyahang tumango ito sa kanya ng paulit-ulit.

Sa sobrang saya nito ay napaharap ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nilahad niya ang bouquet dito at malugod nitong tinanggap 'yon at inamoy pa.

"I'm so glad you're happy, wife. I'm sorry. Eto lang ang nakayanan ko, nakulangan kasi sa oras. Pero babawi talaga ako." Sabi niya dito at pinatakan ito ng isang mabilis na halik sa mga labi.

"Anong eto lang? Hubby, sobra-sobra nga itong ginawa mong sorpresa. Thank you, hubby.." Sabi naman nito sabay abot din sa mga labi niya.

Damn!

See, how lucky he is? His wife is contented of this! Kahit na dito lang sa rest house nila ginanap ang surpresa niya! Dapat nga ay sa ibang bansa, or all over Europe! 'Yon ang naunang plano nilang magkakaibigan, but since unexpected naman ang pagpayag ng asawa niya ay hindi na 'yon natupad. Pero sabi nga niya babawi talaga siya dito.

Iginiya niya ang asawa niya palapit sa mesa at agad na inalalayan itong makaupo ng maayos.

"What's this, hubby? Pwede ko ng buksan?" Naeexcite na tanong ng asawa niya sa isang box sa harap nito.

'Yon ang isa pang surprise niya sa asawa.

"Later, wife. Pagkatapos na nating kumain." Nangingiting sabi niya dito at agad na sumang-ayon ito.

Nakalagay ang mga pagkain nila sa mga pabilog na silver plates na may takip. Nanatiling mainit 'yon dahil sa kandila na nakasindi sa baba niyon.

"I'll help you, hubby." Sabi ng asawa niya at akmang tatayo na pero agad niya itong pinigilan.

He wanted to do everything for her tonight kaya agad na niyang inayos ang mga pinggan nila.

Of course, he placed a lot of fish fillet on his wife's plate. Plain lang 'yon at walang white sauce. Hindi siya nagpaluto ng pagkaing may cheese, kasi ang sabi ng mga in-laws niya sa kanya minsan daw ay nasusuka ang asawa niya sa amoy at lasa niyon. Ayaw ng anak nila.

Aside from the fish fillet ay nagpaluto din siya ng grilled shrimp, and steamed crab and lobster meat. Naging seafood lover daw kasi ang asawa niya at 'yon ang hinahanap nito noong nakaraang linggo. Gusto pa niya sana ng oysters, kaso baka sumama ang tiyan nito, lalo pa't gabi na.

Though, gusto nga niya talaga ng oysters. Aphrodisiac daw eh, pero kailangan pa ba nila 'yon? Mukhang hindi na.

May Italian spaghetti din doon na walang sangkap na cheese, vegetable salad, fried rice, and chocolate parfaits for their dessert.

Nilapag niya muna ang mga plato nila ng asawa na may laman na bago niya pinuno ng tubig ang mga baso nila. Gusto niya sanang mag red wine sila para mas lalong maging fancy ang dinner nila kaso alam niyang iinum pa ng gatas ang asawa niya mamaya kaya tubig na lang talaga.

"Thank you, hubby." Pagpapasalamat nito sa kanya pagkatapos niyang ipaghimay ito ng mga hipon.

"I love you." Nangingiting sabi niya dito.

"I love you.." Sagot naman nito at tangina!

Kinilig talaga siya.

They're almost done with their dessert at kanina pa hinihimas ng asawa niya ang tiyan nito.

"Busog na busog si baby. Thank you and I love you dada daw sabi niya." Nangingiting sabi nito sa kanya.

Napangiti rin tuloy siya at agad na tumayo. Lumuhod siya sa gilid nito at pinatakan ng isang halik ang tiyan nito.

"Dada loves you more, baby.." Sabi niya sabay himas sa tiyan nito.

'Thank you, dad.' Nausal niya sa isip habang pinanatili ang tingin sa isang malaking bituin na kumikislap sa langit.

Nakayakap din siya sa asawa niyang nakasilip ngayon sa malaking telescope na binili niya para dito. May naka engrave na first name nito in bold letters 'yong katawan ng telescope tapos may maliit na "Mrs. Sevilla ni Edward Bryan" sa baba ng pangalan nito.

"Ang ganda!!!" Patiling sabi ng asawa niya at pumalakpak pa. "Thank you so much, hubby!" Sabay harap sa kanya at yumakap.

"You're welcome, wifey. Always." Sabi niya dito at hinalikan ang batok nito.

"Ikaw naman, hubby!" Sabi nito sa kanya. "Tingnan mo 'yon! 'Yan ang kanina ko pang tinitingnan!" Sabay turo sa parehong bituin na kanina ay tinitingnan din niya.

Damn!

Pareho talaga sila ng napiling tingnan ng asawa niya.

"That's the same star that I was looking at a while ago, wife. Iniisip kong si dad 'yan. Grabe kasi ang pagkislap niya kanina pa." Pag iimporma niya dito at napanganga talaga ang asawa niya.

Maya-maya lamang ay namasa na ang mga mata nito kaya agad niya itong niyakap ulit at diniin ang ulo nito sa dibdib niya.

"Hush now, wife. Stop crying.. Dad is happy now. He told me I should win you back at huwag na daw tayong malungkot kasi masaya na siya kasama si mom.."

"H-He did? Ba't hindi siya nagpapakita sa 'kin? Baka nagtatampo si dad, hubby, kasi inaway at sinaktan kita.."

Napahalakhak tuloy siya para pigilan ang pamamasa ng mga mata niya pero hindi niya nagawa. Naiyak na rin talaga siya.

"Of course not. Nararapat lang sa 'kin ang awayin at saktan mo, wifey. I deserve it. Hindi nga ako deserving na patawarin mo. You deserve to be with someone who will never hurt you. Pero hindi ko talaga kayang mawala ka. Kayo ni baby. Hindi ko rin kayang isipin na magkakaroon ka ng iba kaya kahit alam kong hindi ako nababagay sa 'yo ay gusto ko pa ring gawin ang lahat para maging karapat-dapat ako na mahalin at piliin mo.."

Narinig niya ang pagsinghot ng asawa niya.

"Don't say that, hubby. We deserve each other. We're meant for each other. Tayo ang magkadestiny." Kontra nito sa sinabi niya at napahalakhak din tuloy siya.

"Tama! Gusto ko rin sanang hingin sa 'yo na kalimutan na natin ang masasakit na naganap sa 'tin. But I realize that those pain and heartaches have made us stronger and more intact. Mas lalo ko pa ngang nasisigurado na mahal na mahal talaga kita kaya kahit ipagtabuyan mo ako ng paulit-ulit ay hindi pa rin ako susuko.."

"Tama ka diyan, halimaw ko! At talaga? Mahal na mahal mo 'ko?" Malambing na tanong nito sa kanya at hindi niya tuloy naiwasang halikan ulit ang mga labi nito.

"Yes. Mahal na mahal ka talaga ng halimaw na 'to." Masuyong sabi niya dito at mas niyakap pa ito ng mahigpit. "Thank you for giving me another chance, wife. Thank you. Pinapangako ko hinding-hindi ko na uulitin ang mga mali ko. I will do everything right for us, para hindi mo na ulit sasabihin na mali tayo."

"Sorry na.. Dahilan ko lang 'yon kasi pakiramdam ko hindi talaga ako ang nararapat sa 'yo. Si Georgina-" Natigilan ito bigla at tiningan siya sa mga mata na parang may naalala. "Hubby.. P-Pinakulong mo talaga si Georgina? You can tell me everything now. Makikinig na 'ko at maniniwala na 'ko, promise. At bakit hindi ka nakapunta sa bahay for the last three weeks? Inaantay ko pa naman ang pag-aakyat mo ng ligaw.."

"Sorry na, wife. Ang gusto ko sana'y puntahan ka kapag naayos ko na lahat ng kailangan kong ayusin. Gusto kong magfocus na lang sa 'yo kapag naging maayos na ang lahat. I promise I will still court you everyday. Babawi ako sa 'yo." Sabi niya dito sabay halik sa batok nito. " At ayoko rin kasing mastress ka. But I guess I should really tell you about what I did and what I've found out recently. Well.."

At tuluyan na nga niyang kinwento sa asawa ang lahat ng nalaman, naganap at ginawa niya sa tatlong linggong 'yon.

Nagrereact ang asawa niya sa kinekwento niya dito through her facial expressions pero hinahayaan lang siya nitong magsalita.

"Kaso hindi ko na talaga kayang mag-antay kung kailan pa maayos ang lahat. Gustong-gusto ko ng makasama at makita ka. I need to kiss you and hug you to gain more strength to go on with my plans. Kaya nakiusap ako kay daddy kagabi na kung pwede akong makitulog sa kwarto mo. And he agreed. I'm glad I did, kasi ngayon ay naging okay na tayo."

"Grabe! Grabe si Georgina!" Pagrereact nito. "D-Dapat sinabihan mo 'ko agad, hubby! At reresbakan sana kita doon! Grabe naman 'yon! Nakakainis! Pasalamat talaga siya at buntis ako kasi kung hindi! Naku! Makakatikim talaga 'yon ng uppercut, lower cut at side cut!" Nanggigigil na sabi nito na ikinatawa niya.

"Its okay now, wife. She's going to rot in jail, anyway. Okay na 'yon." Sabi niya sabay yakap dito.

"Were you hurt with her words, hubby? Sorry, wala ako noong mga oras na 'yon para i-comfort ka.. Dapat isinama mo ako.."

"Wife, believe me. Hindi masakit. Parang wala nga lang. Siguro naapakan lang ang ego ko pero wala na 'yon." Sabi niya dito. "And you know what I've realized noong nagsinungaling pa siya noong una na mahal daw niya ako and she wanted me back?"

"Ano, hubby?"

"I realized that my feelings for her before are just 1/8 or even lesser than that of my feelings for you. Mas matimbang ka talaga, wife. Kaya kung ikaw siguro ang magsabi niyon sa 'kin baka magpapakamatay na ako-"

"Hubby! Isa! Okay na eh! Biglang dinagdagan pa ng ganoon! Hmpf!"

"Sorry, sorry. Pero totoo, wife. I would rather die than to lose you completely."

"You will never lose me, hubby.. Mahal na mahal kita. Sobra." Sabi nito sabay tingkayad para abutin ang mga labi niya.

"Pero mas mahal na mahal kita. Sobra pa sa sobra mo..." Sabi niya at hinalikan din ito.

"Teka! Paano na pala ang career mo?" Tanong nito bigla noong lumalalim na sana ang paghahalikan nila.

"Wife. Hayaan mo na 'yon. Sabi ko nga sa 'yo kanina. Mawala na ang lahat huwag lang ikaw at ang baby natin."

"Baka.. Baka may chance pa naman na magbago pa ang isip ng company niyo, hubby. Malay mo, 'di ba?"

"I hope so.. pero kahit hindi na 'yon magbabago ay wala na 'kong pakialam, wife. Basta ang importante ay nandito ka sa tabi ko at hindi mo 'ko iiwan.. Aside sa lawyer ko ay tutulungan rin ako ni Arthur-" Natampal niya ang ulo. Nakalimutan niyang dalhin ang sulat ni Arthur para sa asawa niya. "Damn! I forgot to tell you about Arthur! Nakalimutan ko rin ibigay ang ginawa niyang sulat para sa 'yo. He asked for forgiveness from us noong libing ni dad. Pumunta siya doon. Nahihiya daw siyang lumapit sa 'yo kaya dinaan na lang niya sa sa sulat."

"I already forgave him, hubby. Feeling ko nga parang kasalanan ko din. Baka kasi kahit hindi ko sinasadya ay binibigyan ko din siya ng false hope.. Pero okay na 'yon. At least alam niya ang mali niya at nagsorry naman na siya. And okay na din tayo. I realized that things are really bound to happen kahit hindi natin inaasahan or ginusto na mangyari 'yon."

Napangiti siya sa sinabi ng asawa niya. "True. Just like our love story, wife. Pero sa tingin ko inaasahan mo na talaga 'yon, crush mo 'ko eh. Tapos nagdidaydream ka pa sa 'kin, 'di ba?" Tukso niya dito.

"H-How'd you know? Who told you that?" Nahihiyang tanong nito sa kanya at napabitaw sa yakap niya pero tinawanan lang niya ito. "Si mommy ba?"

Tapos ay nagpapadyak na ito kaya niyakap niya ito ulit para patigilin.

Ang father-in-law niya talaga ang nagsabi pero ang mother-in-law din niya ang nagkwento dito.

"Nakakainis naman si mommy.." Reklamo pa ulit nito.

"Its okay. Nagkatotoo naman lahat ng dinaydream mo sa 'kin, 'di ba?" Tukso pa niya ulit.

"S-Sort of.. I mean sobra pa nga sa mga iniimagine ko dati.."

Natawa tuloy ulit siya.

Damn!

Ang cute talaga ng asawa niya. Mabuti na rin pala at naging artista siya at naging fan niya ito. They're really fated for each other. Destiny works overtime just to make his wife's imagination come true and kung wala pang natutupad na daydream episode nito ay willing siyang tuparin 'yon.

"You sure? Wala ng kulang? Tell me more about your daydreams, wife."

"A-Ayoko nga! Tsaka anong kulang eh labis na labis pa nga sa mga iniimagine ko lang dati.." Pag-aamin nito. "Hindi ko naman kasi inimagine na maglalabing-labing tayo pero naimagine kong magkakababy nga tayo.." Dagdag pa nito na ikinatawa niya lalo.

"Paano tayo magkababy kung hindi tayo naglalabing, hmm?"

"Eh 'di, magic!" Sabi pa nito sabay hand gesture na binuka ang kamay na magkasalikop.

Natawa na lang talaga ulit siya. So darn cute!

Siguiente capítulo