webnovel

Chapter 47

"I miss you so much, wife." Dinig ni Kyra na sabi ni Bryan sa kabilang linya.

Napangiti tuloy siya lalo sa lambing ng pagkasabi nito sa kanya. He's always like this whenever they talk over the phone. Hindi niya tuloy maiwasang kiligin at mas mamiss ito ng sobra. Its been a month simula noong bumalik ito sa trabaho at hanggang tawag, texts, at video calls lang sila nag-uusap. Araw-araw din naman sila nag-uusap kaso iba pa rin talaga kung magkasama talaga sila.

Kakatapos lang ng mga ito mag concert sa Araneta kaya alam niyang pagod na pagod ito pero tinawagan pa rin siya nito.

"Matulog ka na, hubby.. I know you're tired.." Sabi niya dito.

"All right. But let me see you first.." Lambing nito sa kanya at agad na tumunog ang pagfifacetime video call nito.

Agad naman niyang inaccept 'yon. Napangiti siya habang tinitingnan ito sa screen ng cellphone niya. Nakapikit na ang isang mata nito at madilim na ang paligid.

"Tulog na.."

"Wait. I'll just wear my earpods." Sabi nito at nawala ito saglit sa screen at bumalik na may suot na nga sa tenga.

"Antok na antok ka na oh.. Sleep na hubby. Matutulog na din ako.."

"Hmm.. You don't miss me.." Nagtatampong sabi nito.

He's always like this too, kaya hindi na talaga niya maiwasang mahulog lalo dito. Nagpapalambing ang baby damulag!

"Of course, I do! Ano ka ba.. Lonely nga ako dito oh.." Sabi niya.

"Promise?" Sabi nito at minulat na ang dalawang mata. "Lonely ka, wifey?" Mahinang tanong nito.

"Yes. Wala ka dito, eh..."

"Then.. hubad na wife.." Pabulong na sabi nito.

"Hoy, big bro! Huwag mo ngang minamanyak si Kyra ganda!" Dinig niyang malakas sa sigaw sa linya nito at alam niya agad na si Justin 'yon.

Natawa tuloy siya, lalo na noong narinig niya ang pagrereklamo nina Russel, Nathaniel at Wilbert. Mukhang nagising din yata ang mga ito dahil sa pagsigaw ni Justin. Grabeng mura tuloy ang inabot ni Justin kulit sa mga ito.

"Istorbo!!" Reklamo din ni Bryan at tumahimik din ang paligid nito noong lumabas na ito sa kwarto.

Natawa na lang siya. "Matulog ka na kasi, sige na."

"But I really miss you.. Uuwi ako bukas pagkatapos ng recordings namin, wife."

"H-Huh? Talaga? Eh baka pagalitan ka?"

"Nope. Kaya maaga ko pang tatapusin ang trabaho ko.." Sabi nito.

Naexcite tuloy siya sa sinabi nito. 3 days from now ay aalis na kasi ang mga ito papuntang Dubai at tuloy-tuloy na 'yon sa iba pang parte ng mundo. Kaya aabutin ang mga ito ng halos isa't kalahating buwan para sa concert tour ng mga ito.

"S-Sige! Mga anong oras kang uuwi?"

"Hmm.. Hapon na siguro, wife.. Siguro mga 3-4pm?" Sabi nito at napangisi. "Gusto ko pagkapasok ko sa kwarto nakahubad ka na wife, ha? Para aatake na lang ako agad."

"Manyak ka talaga, hubby.. P-Pero sige.."

"Yes!!" Sigaw nito agad at kita ang pagkasabik sa mukha nito. "You can't blame me, wife. I've been celibate for a month tapos dadagdagan pa! Damn! I miss eating, licking, touching, and plunging into your-"

"Hubby!!" Nahihindik na pagpigil niya dito kasi uminit talaga ang katawan niya sa sinabi nito.

Namimiss na rin niya ito ng sobra. Niyaya nga siya nitong magtrabaho na lang bilang PA nito. Gayahin rin daw niya si Grace na PA na ni Wilbert. Umalis na ang kaibigan niya sa pagtatrabaho sa mansiyon para makasama si Wilbert. Though, hindi ang mga ito magkasama sa iisang bahay ay nagkikita pa rin ang mga ito sa trabaho. Bawal kasi talaga magkaroon ng girlfriend at asawa ang grupo ng mga ito because that would affect their career. Kaya katulad ng kasal nila ni Bryan ay nakatago din ang relasyon nina Wilbert at Grace.

Kaso tinanggihan niya ang alok ni Bryan. Baka kasi magduda ang mga fans nito lalo pa't sa kanilang lima, ito lang ang hindi nagkaroon ng PA in his whole career tapos bigla itong magkakaroon at na news pa siya dati dahil sa resto incident. Isa pa ayaw rin niyang iwan mag-isa si Mr. Sevilla dito sa bahay. Sinasama na lang din siya ng father-in-law niya minsan sa mga business transactions at ibang lakad nito para hindi rin daw siya mabored. Minsan bumibisita din sila sa bahay ng mga magulang niya.

Natatawa pa rin ito sa kabilang linya. Naririnig na naman niya ang halakhak nitong makalaglag ng panty kaya umiinit lalo ang katawan niya. Namamaos pa 'yon kaya mas lalong nakaka-umm.

"Ikaw talaga, hubby. Sobrang naughty ah.." Sabi niya pero nangingiti din naman.

"I just miss you, wife. So much." Anas nito ulit tapos bigla itong humikab.

"I miss you more, husband. Sleep na tayo? You're really sleepy." Sabi niya ng nakitang pumikit na ito.

"All right. Kiss? I'll see you tomorrow.." Sabi nito at humikab ulit. "I love you, wife.."

"H-Hubby.."

Napamaang siya and she felt all giddy.

H-He finally said those three words...

First time nitong sabihin 'yon eh! K-Kaso naghihilik na ito ngayon sa kabilang linya.

Baka.. Baka sa sobrang antok lang nito 'yon.. But still!

Hindi niya namalayang tumulo na ang luha niya. Sobrang saya niya!

She too, has been dying to say those three words to him pero inaantay niyang mauna ito. And now, he finally did! Hindi talaga siya makapaniwalang narinig niya 'yon sa mismong bibig nito. Sa kanya talaga 'yon sinabi ni Bryan, 'di ba? He said wife! Ang endearment nito sa kanya!

Shocks!

Pinilit niya ang sariling huwag humikbi habang patuloy na tinititigan ang screen ng phone niya. Hindi na ito kita sa screen but she can hear him snoring on the other line. Hanggang sa nahulog na yata ang phone sa pagkakahawak nito.

"I love you more, husband.." Sabi niya before she ended the call.

Bryan is finally on his way home.

Home.

Tinatawag na niyang home ang mansiyon nila ulit because that is where his wife is.

Its been thirty-two days, one hour, 5 minutes, and forty-six seconds that he and his wife have been away from each other. And now, he felt very excited to finally see and hold her again upclose.

Video calls, phone calls, and text messages are not enough for him to satisfy his cravings for his wife. Sa durasyon ng pagkalayo nilang dalawa, ay doon na talaga niya napatunayan na hindi lang pagkakagusto ang nararamdaman niya sa asawa niya. Hindi niya alam kung kailan nangyari at kung paano pero isa lang ang sigurado siya.

Mahal na mahal niya ang asawa niya.

He finally ended his relationship with Georgina pero hindi pa 'yon alam ng asawa niya. He formally broke up with her two weeks after he went back to work. Hindi 'yon tinanggap ni Georgina noong una, especially when he told her the truth about his feelings. He offered friendship to her at hindi na rin niya babawiin ang joint bank account na pinagawa niya para sa kanilang dalawa. He has placed three million pesos on that account pero hindi na niya 'yon kukunin. He already processed the papers and changed it as a personal account for Georgina.

Siguro naguilty lang din siya because she was really furious after he broke up with her, but when he told her that he can have the money ay pumayag na din ito. Naguilty din siya dito because he promised a lot of things to Georgina, and he didn't fulfill those promises. Tapos siya pa ang nakipagbreak dito, but what can he do? He chose to be honest to himself kaya nga narealize niya agad na nahulog na talaga siya sa asawa niya.

Georgina still calls him from time to time at minsan sinasagot niya din 'yon for friendship sake, pero wala na talaga siyang nararamdaman dito. Inamin na rin niya sa mga kaibigan niya na tama ang mga ito. Na mali siya sa pagdistinguish ng nararamdaman niya kay Georgina. Siguro'y nadala lang siya dati because its his first time to meet someone who cares for him. And maybe minahal naman talaga niya si Georgina, but with his wife?

Its different.

His feelings for her are more intense that sometimes hindi na siya mapakali kung hindi nito sinasagot ang tawag niya. Hindi na rin siya makakain kung hindi ito nagrereply sa texts niya. Hindi rin siya makakatulog kung hindi niya ito makikita sa screen ng phone niya. At hindi rin siya makakakanta o makakasayaw kung hindi niya maririnig ang boses nito.

He becomes very clingy.

Now, he plans to tell his wife everything kapag magkita na sila. And that day, is today.

Kaya nga ginawan niya ng paraan para matapos na ang kailangan niyang gawin ngayong araw at bukas para lang makauwi siya sa asawa niya. Pumayag na din ang manager niya na uuwi muna siya at babalik na lng sa mismong flight nila. Two days from now kasi ay babyahe na sila sa iba't-ibang bansa para sa world tour concert nila. Mas lalo silang magkakalayo ng asawa niya for one and a half month, at baka hindi na niya magawang magperform kung hindi niya ito makikita man lang bago sila umalis.

Tinext na niya kanina ang asawa niya na pauwi na siya kaya hindi na siya nagulat na makita itong nag aabang sa labas ng malaking pintuan ng mansiyon nila. Kinaway-kaway agad nito ang mga kamay at ngumiti ng napakatamis ang anghel niyang asawa noong nakita na nito ang sasakyan niya.

"Hubby!!" Dinig niyang tawag nito.

Shit!

Pagkatapos niyang maipark ng maayos ang kotse ay agad siyang bumaba at kinuha ang bouquet na dala niya para sa asawa. Tinakbo niya ang pwesto nito para mayakap ng mahigpit at halik-halikan ang buong mukha nito. Napahagikhik lang ito habang ginagawa niya 'yon.

"I miss you." Sabi niya dito at binigay ang dala niyang bulaklak bago nilapa ang mga labi nitong miss na miss niya.

Tangina!

Wala siyang pakialam kung nagmumukha na siyang don romantiko at head over heels sa asawa niya.

Its the truth, anyway, so why hide it?

They were already running out of breath noong pinakawalan na niya ang mga labi nito at niyakap ito ng mahigpit.

"I miss you, I miss you." He uttered again.

He just can't stop saying it because his heart is about to burst with different emotions.

"I miss you more, hubby ko." She replied and gave him a peck on the lips.

"Tara. Pasok na tayo?" Malambing na sabi niya dito habang hinahalikan ang leeg nito. "Ang bango, ah.. Nagriready?"

"Tse!" Anas nitong natatawa at namumula na.

Agad na silang pumasok sa loob kung saan nag aantay ang ibang kasambahay nila.

Sinabihan niya ang mga ito na may dala siyang pasalubong sa loob ng sasakyan niya para sa mga ito. Na eexcite naman ang mga itong lumabas para kunin ang dala niya.

"Umalis si dad, hubby. Mag gogolf sila kasama ang mga kumpare niya." Pagbibigay alam nito sa kanya noong umaakyat na sila sa hagdanan at hawak-hawak niya ang bewang nito.

Hindi pa niya alam kung napapatawad na ba niya ang ama. Medyo may galit pa rin siya dito at hindi pa rin niya tanggap na nagpaplano na ito at ang babae nito na magpakasal sa susunod na taon. He's still thankful and grateful though, kasi dahil sa ama niya kaya nakilala niya ang asawa niya.

Siguro'y dapat matutunan na rin niyang patawarin ito, and accept the fact that his father also deserves to be happy and give his name to someone other than his mother. Pero hindi pa rin talaga niya kaya sa ngayon. Maybe he needs to go to the cemetery one of this days with his wife and dad kapag hindi na siya masyadong busy. Doon na rin niya kakausapin ang ama, patawarin ito, and also give him his blessings that he can marry again. And he would do that in front of his mother's grave. That can wait, though. Siguro pagkatapos na lang din ng concert tour nila.

They're almost near their room noong pinangko na niya ang asawa niyang napatili dahil sa ginawa niya.

"Hubby talaga!"

"You can't blame me, wife. I fucking miss you so much." Sabi naman niyang natatawa at agad na humakbang na papasok sa kwarto nila.

Agad niya itong itinapon sa kama niya at hinubad ang mga damit nito at mga damit niya bago niya dinaganan ito. He will sate his hunger and longing for his wife. At kitang-kita naman sa mga mata nito ang pagkakasabik sa kanya. He tasted her whole body first with his mouth, tongue and lips, bago niya pinasok ang masikip nitong pagkababae na kanina pa nag-aantay sa alaga niya.

Nakalima na sila ng asawa niya at tuloy-tuloy pa 'yon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nagbebehave ang alaga niya. But his wife is already exhausted. Nakatulog na nga ito noong patapos na ang ika-lima nila at habang umuulos pa siya sa loob nito. Natawa pa nga siya kasi umuungol pa rin ito ng mahina kahit nakatulog na. Sabik na sabik pa rin talaga siya dito. Parang gusto niyang umabot pa sila ng thirty-two rounds sana just to make up for the days na magkalayo sila.

Oo na, sobrang manyak na niya.

Pero sa asawa niya lang naman siya namamanyak ng sobra ngayon. Maybe he just missed her too much, pero hindi naman siya ganito kay Georgina. Hindi naman talaga siya ganito dati. Honestly, this is his first time to do it continuously na walang pahinga, at baka kung hindi pa nakatulog ang asawa niya ay hindi niya talaga ito titigilan.

Maingat niyang pinaharap ang katawan ng asawa niya sa kanya bago niya nilagay ang braso niya sa likod ng batok nito. He wants to look at her angelic face before he planted a soft kiss on her lips. Hindi pa niya nasabi ang gusto niyang sabihin dito. Siguro mamaya na lang kapag magising na ito. He will pour his heart out to her. Pinagdadasal na lang niya na sana mahal din siya ng asawa niya.

Come to think of it, he never heard her say the three magic words to him, too. She just always reply whenever he told her he likes her.

Nangamba at natakot siya bigla, baka kasi pagkakagusto lang din ang naramdaman nito sa kanya. Kung ganoon nga, sana'y katulad ng sa kanya ay nagbago na din ang nararamdaman nito. Sana mahal na din siya nito, but if not then he will do his best to make her crazily in love with him. Just like how crazy he is for her.

Siguiente capítulo