Kanina pa nakatambay si Kyra sa loob ng kwarto ni Mr. Sevilla. Kahit na may TV din roon sa kwarto ni Bryan ay mas pinili niyang tumambay dito at makinood. Mabuti na lang at hindi naman nagtanong sa kanya ang father-in-law niya. Madami rin kasi silang pinag-usapan at namimiss niya rin ang kulitin ito.
Nagpapasalamat na lang siya at hindi na ulit bumalik si Bryan sa loob. Hindi na siya magsisinungaling. Kumirot talaga ang puso niya kanina, lalo na noong nakita niya ang pangalan ng taong tumatawag sa phone nito. She's hesistant to answer the call but she needs to kasi ikalawang tawag na 'yon ni Georgina. Baka mag-away pa ang mga ito.
Sobrang martyr niya 'di ba? Masokista din yata siya.
At mas lalo siyang nasaktan noong tinanong sa kanya ni Georgina kung sinabihan ba talaga siya ni Bryan na magdidivorce sila. Of course, she answered yes. Narinig niya talaga ang galak ni Georgina sa boses nito pagkatapos niyang sumagot. Medyo naging maayos din ang pakikipag usap nito sa kanya. When Georgina asked her to hand over the phone to Bryan ay pumayag din siya.
Ganoon siya katanga. Pero sabi nga niya kay Bryan kanin, alam niya kung saan siya lulugar. Maybe she have to prepare herself again. She needs to stop hoping that she will forever be Mrs. Bryan Sevilla. Hiniram niya lang ang pangalan na 'yon sa totoong nagmamay-ari talaga nito. Iniwas na ulit niya ang pag-iisip ng masasakit at nagconcentrate na ulit sa panonood ng TV kasama si Mr. Sevilla na malapit na yatang magiging ex father-in-law niya.
Nagtatawanan pa sila ng biglang may kumatok sa pintuan ni Mr. Sevilla. Kinabahan naman siya baka kasi si Bryan 'yon but it turns out to be Manang Rosa.
"Don Eduardo. Handa na po ang tanghalian niyo." Pagbibigay alam nito.
"Sige, Rosa. Salamat. Sumabay na kayo sa 'min."
Pero mariing tumanggi si Manang Rosa. Mamaya na lang daw ang mga ito at may gagawin pa daw sa likod na bahagi ng mansiyon. May mga puno ng niyog pala doon at kasalukuyang may mga trabahanteng kumukuha ng mga bunga ng niyog na ibebenta din mamaya sa merkado.
"Oh, sige. Basta kumain kayo mamaya ha. At bigyan mo na din ng tanghalian ang mga trabahante."
"Opo, Don Eduardo." Sagot naman ni Manang Rosa at nagpaalam ng bumaba.
"Iha. Tawagin mo na ang asawa mo pagkatapos ay sunduin niyo na lang ako ulit dito para sabay na tayong tatlo bumaba." Sabi ni Mr. Sevilla sa kanya.
"Sige, dad." Sabi niyang nakangiti dito.
Agad rin siyang tumalima at bago siya kumatok sa pinto ng kwarto ni Bryan ay napabuntong-hininga muna siya.
"Pasok."
"Bryan, kain na daw tayo." Sabi niya dito noong binuksan niya ng kunti ang pintuan nito at hindi man lang pumasok sa loob.
Parang ayaw pa kasi talaga niyang makita ito. Ni ayaw niyang pumasok sa loob ng kwarto nito. Aalis din mamaya si Mr. Sevilla pagkatapos ng siesta nito kaya napagpasyahan niyang sa garden na lang tatambay mamaya pagkaalis nito.
"Wife."
"Uhmm. B-Bakit?"
"Come in."
"H-Huh? Ah. Mamaya na. Tara na at nag-aantay na ang ama mo." Pagkasabi niya niyon ay narinig niya ang mabibilis na mga yabag na papalapit sa kanya. "Uhm. Mauuna na lang kami."
Nakatalikod na siya at pahakbang na sana paalis doon noong hinila siya nito at agad na pinasok sa loob ng kwarto nito.
"B-Bryan. Tara na." Sabi niyang natatawa sabay piksi sa kamay niya para matanggal 'yon sa pagkakahawak nito pero hinigpitan nito lalo 'yon.
Dinala siya nito malapit sa kama nito. Umupo ito doon at agad na hinila siya paupo sa kandungan nito na nakatalikod. Agad na pumaikot ang mga kamay nito sa tiyan niya at dinikit naman ang mukha nito sa likod niya.
"B-Bryan.."
"You don't call me hubby anymore." Parang nahihirapang sabi nito.
"H-Huh?" Tapos natawa siya.
"Stop laughing. It fucking sounds fake!" Galit na anas nito habang mas lalong hinigpitan ang mga kamay nito at mas dinikit pa ang ulo nito sa likod niya.
"Loko. 'Di ako fake nu! Natural 'to, walang halong kemikal!" Sabi niya sabay pilit tumawa na tunog totoo. "Halika na, h-hubby.."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa likod "I'm sorry, wife.. S-Sana.. bigyan mo pa ako ng kunti pang panahon. I-I don't want to hurt you.. Pero nasasaktan din akong isipin na mawawala ka at iiwan ako.. But my mind is still fucking messed up. It sucks.." Sobrang frustrated nitong sabi.
Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya talaga 'yon.
"I-Its okay, hubby. Uhmm.. K-Kalimutan na lang natin 'yong nangyari kanina."
"P-Pero baka nagtatampo o galit ka pa rin.." Sabi nito sa namamaos na tinig.
"Huh? H-Hindi.." Sabi niya sabay napahalakhak. "Tara na. Huwag mo na isipin 'yon." Sabi niya ulit at akmang tatanggalin na ang mga braso nito sa tiyan niya pero mas lalo lang humigpit 'yon.
"Give me a minute, wife. I want to hug you just to ensure myself that you're still here." Sabi nito at naramdaman niya ang mga halik nito sa likod ng leeg niya. "I really like you wifey."
Napangiti na lang siya. "I like you, too, hubby." Sagot na lang niya dito.
Kahit ang totoo ay mahal niya ito. She needs to save face din, 'di ba?
Patuloy pa din ito sa paghalik sa kanya hanggang sa pinatayo na siya nito at nagyaya ng kumain. Hawak-hawak nito ang kamay niya pagkalabas nila ng kwarto nito. Pinuntahan muna nila si Mr. Sevilla bago sila bumaba para kumain na ng tanghalian. Kitang-kita niya ang tuwa sa mukha ni Mr. Sevilla habang nakatingin sa mga kamay nila ni Bryan na magkahawak habang bumababa sa hagdanan.
She still needs to play her part in this arrangement. Magpapakamartyr na lang muna siyang hanggang sa makapagdesisyon na si Bryan tungkol sa kanila sa huli. It sounds absurd but what can she do? Nandito na siya sa sitwasyong ito. Alam niya sa sarili niya na makakaya niya kung mangyari ngang masasaktan siya sa huli dahil pipiliin talaga nito si Georgina.
She just needs to be strong and brave to face it. Kailangan lang muna niyang pamanhirin ang sarili kung makikita niya ito at si Georgina na nag-uusap. Kailangan niyang gawin 'yon habang kasal pa sila at siya pa ang Mrs. Sevilla nito. In that way, ay makakaya niyang bitawan ito sa huli. She knows, makakaya niya talaga. She believes in herself that she can do it until their parting time comes.
Nakaalis na si Mr. Sevilla at kasalukuyan na rin silang nagpapahinga ni Bryan sa kwarto nito. He did took a nap. Napagod daw ito kakaexercise kanina. Nakatulog din siya mga 30 minutes yata. Magkaharap kasi silang dalawa at nakaunan ang ulo niya sa taas ng dibdib nito. Hinahaplos din nito ang buhok niya kanina kaya nakaidlip talaga siya.
Naririnig pa niya ang mahihinang paghilik nito kaya alam niyang tulog pa talaga ito. Gusto niya sanang bumaba sa garden muna kaya maingat niyang tinanggal ang braso nito sa bewang niya at sa leeg niya. Kaso'y nagising yata ito, at mas lalong hinigpitan ang kamay nito sa bewang niya.
"Where are you going?" Tanong nito sa kanya sa namamaos na tinig.
"S-Sa garden na muna.." Sabi niya dito at napaangat ng tingin dito, nakapikit pa ito.
"Why?"
"H-Huh? Magpapahangin lang at mamamasyal." Sagot naman niya at nakita niya ang pagmulat ng mga mata nito.
"Are you bored?" Sabi nito na ang mga mata ay parang nanantya sa kanya.
"H-Hindi naman.."
"Magbihis ka. We're going out." Sabi nito at agad na inunat ang katawan nito.
"Huh? But you're still tired. Halata pa talagang inaantok ka."
"Nope! Sige na." Sabi naman nito sa kanya.
"S-Sure ka? Saan tayo pupunta?"
"No more questions, wife. Just get up and get dressed." Seryosong anas nito bago ito ngumising nakatingin sa kanya. "Sige, kung hindi ka pa tatayo, mamanyakin lang kita dito."
"H-Huh?" Agad na siyang tumayo sa kama at mabilis na pumasok sa CR.
Kahit na nasa loob na siya ng CR ay dinig niya pa din ang malakas na tawa ng asawa niyang halimaw.
Loko-loko talaga ang manyakis!
"Bring a jacket with you, wife. Baka gabihin tayo." Dinig pa niyang sabi nito.
Naexcite tuloy siya! Saan kaya sila pupunta? My gas!
Pagkalabas niya ng CR ay kitang-kita niya ang adoration sa buong mukha ni Bryan.
"Sige. I'll call you back when we get there. Thanks." Sabi nito sa kausap bago pinatay ang tawag at tiningnan siya.
Naconscious tuloy siya. She's wearing a black dress na simple lang pero hapit na hapit kasi 'yon sa katawan niya. Susuotan naman niya ng denim jacket niya mamaya kaya wala namang problema kahit medyo seksi nga 'yon. Isa 'yon sa mga patagong binili ng mommy niya sa kanya na hindi alam ng daddy niya. Pero parati naman kasi siyang nakajacket or cardigan pag suot 'yon kaya hindi talaga siya pinagalitan at pinagbawalan ng daddy niyang isuot 'yon.
"Parang ayoko ng lumabas." Sabi nito habang nanatiling nakatingin sa katawan niya.
Itinaas pa nito ang mga kamay nito sa likod ng batok nito at hinigaan ang mga braso nito para mas lalo siyang matingnan ng maayos.
"Hubby naman! Excited na 'ko eh." Pagmamaktol niya kuno. "P-Pero okay lang ba 'tong suot ko?
"Hmm. Hubarin mo muna. Tingnan ko kung okay ba talaga 'yang suot mo.. Paisa muna ako, wife." Sabi nitong nakangisi at halatang namamanyak na talaga lalo na noong kinagat nito ang pang ibabang labi nito.
"Isa!"
Tumawa lang ito ng malakas bago tumayo sa kama at lumapit sa kanya. Hinalikan siya nito sa mga labi niya at pinisil ang pang-upo niya bago siya nito pinakawalan at pumasok na sa loob ng CR.
Manyakis talaga.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Naeexcite na sabi niya habang nasa byahe na sila.
Magkahawak ang kanilang kamay habang nagdadrive ito at panaka-naka nitong hinahalikan ang likod ng palad niya. Kinikilig tuloy siya at tuluyan na nga niyang nakalimutan ang nangyari kanina. Dapat naman kasi niyang kalimutan 'yon.
"You'll see." Nangingiting sabi nito.
"Hotel? Maghohotel tayo?" Tanong niya dito noong niliko nito ang sasakyang sa isa sa pinakamagarbong hotel ng bansa.
Tumawa lang ito sa tanong niya at agad na sinuot ang shades at cap nito bago ito bumaba ng sasakyan para pagbuksan siya. Binigay din nito ang susi sa valet at agad na siyang hinila papasok sa loob ng hotel.
"We're here. Okay, thanks." Dinig niyang sabi nito sa tinawagan.
Binati ito ng mga staff ng hotel. Kilala na yata ang loko! Paniguradong parati 'yan dito.
Napaismid tuloy siya sa naisip. Ginamit nito ang parang private elevator at hinila siya papasok doon. Pinindot nito ang pinakataas na floor.
Tinanggal na nito ang shades at cap at nangingiting tiningnan siya. "Why are you frowning?"
"Parati ka dito, nu?"
Tinawanan lang nito ang tanong niya kaya napaismid siya lalo. "Wife. Your father-in-law partly owns this hotel."
"Huh?"
Tumango lang ito sa kanya at pinatakan siya ng isang halik sa labi.
"Let's go." Anas nito noong bumakas na ang pinto ng elevator.
Open area pala 'yon. At may naririnig siyang parang ugong. Hinihila pa rin siya nito at napanganga na lang ng makitang elesi pala 'yon ng isang chopper na umaandar.
Noong nakalapit na sila ay may lumapit sa kanilang isang tao at binigyan sila ng dalawang headphones. Sinuot ni Bryan 'yong isa sa kanya bago nito sinuot ang headphones nito. Hindi pa rin siya makapaniwala na sasakay sila doon.
Her father may worked as a pilot before pero malalaking eroplano naman kasi ang dala nito. And this will be her first time to ride a chopper.
Iginiya na siya ni Bryan sa loob bago ito umakyat at umupo sa tabi niya. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala, namamangha siya at halata yata 'yon sa itsura niya kasi nangingiti si Bryan habang inaayos ang seatbelt niya.
"Boss." Bati dito ng piloto na mukhang bata pa. Kaedad niya yata tapos tumingin rin ito sa kanya, "Ma'am."
Ngumiti ito sa kanya kaya ngumiti rin siya pabalik dito pero napabaling ang tingin niya kay Bryan noong bigla nitong hinawakan ang baba niya. Pinatakan siya nito ng isang mariin na halik bago nito pinakawalan 'yon.
"Let's go, Carl!" Matigas na anas nito at agad namang sinunod ng piloto.
Napahawak siya sa braso ni Bryan noong umangat na ang sinasakyan nila. Narinig niya ang halakhak nito. Pero shocks! Nakakakaba talaga!
"You will enjoy this, wife. I promise." Sabi nito bago inabot ang mga labi niya at mapusok siyang hinalikan.