webnovel

Chapter 6

Pagkalabas niya sa kwarto ni Bryan ay narinig niya agad ang nag-aalalang pagtawag ni Grace sa kanya.

"Kyra! Ok ka lang ba? May ginawa ba si senyorito Edward sa'yo?" Tanong nito sa kanya pagkalapit niya dito.

Namula siya sa tanong nito at napakagat-labi. Nahihiya siyang umiling dito pero mas lalo lang itong natakot sa naging tugon niya.

"'Yong totoo? Kyra! Ano? Sinaktan ka ba niya? Saan ka niya sinaktan? Anong ginawa niya sa'yo?" Tuloy-tuloy na tanong nito sa kanya at hinawakan pa siya para tingnan ng maigi ang mukha at mga braso niya kung may pasa ba siya or may mga sugat.

Natuwa siya sa sobrang concern ni Grace sa kanya, kaya napayakap siya dito.

Halos lahat kasi ng friends niya ay nagpunta na sa abroad, at doon na naninirahan for good. Nakakamiss din ang magkaroon ng kaibigan, at ramdam niyang tunay talaga ang pag-alala ni Grace sa kanya. Natouch siya, as in!

"Hala!!! Iiyak mo lang, Kyra!"Sabi nito sa kanya sabay hagod sa likod niya.

Akala yata ni Grace ay umiiyak siya, natawa siya pero pinigilan niya ang tumawa ng malakas kaya napagalaw ang balikat niya. Ang labas tuloy ay parang umiiyak talaga siya sa balikat nito.

"Grabe naman si Sir, sige lang. Iyak ka lang. Anong ginawa niya sa'yo?" Tanong ulit nito.

Hindi niya na napigilan at napabitaw siya dito at napahagikhik. "Loka! Wala! Wala siyang ginawa, nu!" Natatawang sabi niya dito. Nahihiya siyang umamin dito sa ngayon, pero soon ikikwento niya talaga dito ang nangyari. "Natouch lang ako sobra, ay! Friends na talaga tayo, Grace, ha?"

"Kaw talaga! Akala ko talaga umiiyak ka!! Hayss!" Sabi nito sa kanya sabay pout ng lips.

Sinabihan siya nitong kakahatid lang nila kay Mr. Sevilla sa kwarto nito at inaantay siya nito sa loob. Nagkasalubong daw ito at si Bryan sa hagdan pero hindi na daw nito pinansin ang ama at nagmamadali itong umalis. Pinahanap siya ni Mr. Sevilla kay Grace, kasi sobrang nag-aalala ito sa kanya.

"Kyra!!" Agad na tawag sa kanya ni Mr. Sevilla pagkapasok niya sa kwarto nito. "May ginawa ba si Bryan sa'yo? Sinaktan ka ba niya?" Tanong nito.

Namula siya ng maalala ang nangyari kanina. "W-wala po, Uncle!" Mabilis na sagot niya dito.

Gusto niyang ibahin ang topic at makalimutan muna ang nangyari. Nahihiya siya kay Mr. Sevilla. Kinuha niya ang apparatus niya para macheck ang BP nito. Nakatingin pa din ito sa kanya na parang tinatantiya ang reaksyon niya. Mas lalo tuloy siyang namula at iniwas ang tingin dito.

"Kyra?" Tawag nito sa kanya na parang nababahala.

"W-wala, Uncle!!" Tanggi niya agad dito. "Your son is just being a jerk, este playful pala! Hehe." Sabi niya dito sabay peace sign.

Hindi ito nangiti at nanatiling seryoso na nakatingin sa kanya. Nanlamig tuloy siya at napakagat labi. Ampf. Kinagat niya ang labi niyang hindi na bergen.

Napahinga muna siya ng malalim bago sinabi dito ang totoong nangyari kanina. Kita niya kung paano lumaki ang mga mata nito sa sobrang mangha.

"H-he kissed you??? For how long?" Tanong nito sa kanya at napangiti na parang kinikilig.

Namula ulit siya sa tanong nito at natawa. "U-uncle naman eh! Kailangan bang orasan ang kiss? Hehe! Amm.. First kiss ko po siya.." Nahihiyang amin niya dito.

Natawa din ito sa sinabi niya pero bigla-bigla itong nagseryoso. Tiningnan niya din ito ng seryoso pero mukhang nasa malalim na pag-iisip ito. Tumayo na lang muna siya para ihanda na ang pang sponge bath nito.

"Uncle?" Tawag niya dito pagkabalik niya sa tabi nito pero nanatili pa din itong tahimik at seryoso. "Sponge bath po muna tayo para maging fresh ang pakiramdam mo, okay?"

Tumango lamang ito bilang tugon at nanatiling tulala. Inumpisahan niya na ang pagpunas sa braso nito nang bigla siya nitong tinanong, "Kyra, iha.. I just want to ask you. Is there a possible chance for you to like my son?"

Napamulagat siya sa tanong nito at ramdam niyang namula ulit ang pisngi niya. "U-uncle naman, ammm.. ehhh.. Mag promise ka muna na secret natin 'to! Sabihin mo munang 'I promise!'"

Natawa ito sa sinabi niya, "I promise! Cross my new heart!" At napacross sign talaga ito sa taas ng dibdib nito.

Napatawa siya ng mahina bago inamin ang totoong nararamdaman dito. "Ang totoo po niyan Uncle, ay crush at idol ko po talaga ang anak niyo. Dati pa! Hehe! Always din po ako nag-didaydream kay Bryan, kaya nga always din po akong pinapagalitan at sinasaway ng mga doktor at ni Ma'am Ember!" Parang sumbong niya dito, "Buti na nga din at ako parati nakikita ni Ma'am Ember at ini-recommend niyang magtrabaho po sa inyo. Hehe. Hindi ko kasi talaga mapigilan ang sarili ko sa pagdidaydream, isa pa nga po sa pinapangarap ko ay ang maikasal sa kanya. Kaya nga po sobrang saya ko ng malamang anak mo siya, Uncle! Kaya thank you po talaga, Uncle!"

Natawa lang si Mr. Sevilla sa sinabi niya at kitang-kita niya ang galak sa mga mata nito.

"Kaso Uncle.. Medyo nagalit po ako sa kanya.. Ay hindi! Galit talaga ako sa kanya! Kasi ganoon po ang turing niya sa'yo. Tapos mukha siyang monster pag nagagalit!" Sabi niya dito at napalabi, "K-kaso ulit Uncle.. Noong nagkiss kami.. parang bumalik ulit lahat ng kilig ko sa kanya! Sa tingin mo, Uncle, love na ba ang tawag dito?"

Natawa ulit ito at tinapik-tapik ng mahina ang braso niya.

"Don't worry, Kyra. One of your dreams will come true.. very, very soon.. I'll make sure of that.." Mahinang bulong ni Mr. Sevilla.

"Huh? Ano 'yon, Uncle?" Tanong niya dito.

"Nothing, iha." Sabi nito sabay ngiti sa kanya.

She was already lying on her bed that night, and hindi siya makatulog talaga. Lahat talaga ng nangyari sa araw na 'yon, lalo na 'yong kiss nila ni Bryan ay patuloy na nagrerewind sa isip niya. Napahawak siya sa labi niya, ang labi niyang inangkin na ni Bryan! My gashh!

Then bigla siyang natigilan, "Hala! Nakalimutan kong sabihin kay Bryan 'yong pinraktis ko!! Hanubayan! Ngayon, mag-aantay na naman ako kung kailang ulit bibisita ang lalaking 'yon. Ang lalaking yummy kisser na 'yon!"

Napatili siya ng mahina, jusko!

Napabaling-baling ulit siya sa kama sa sobrang kilig, "Oh, crap! Ano nga ulit 'yong sasabihin ko sa kanya? 'Yong pinraktis ko! Halaaa! Dalawang linggo kong pinraktis 'yon ah! Tapos dahil sa super yummy kiss lang ng lokong 'yon, wala na!

Wala na lahat! Jusko!

Siguiente capítulo