webnovel

#FL 5

#FL

______

Nakatingin sa akin ang mga senior high habang naglalakad ako sa hallway. Hindi ko mapigilan magmadali dahil sa mga matang matatalim at inis na binabato ng ibang estyudante.

Kasalanan 'to ni Zev!

Pero bakit sila ganyan makatingin sa akin? Hindi ko naman ginusto 'yun ha?

"Baby!"

Nagulat ako nang may umakbay sa akin.

"Bakit ka nagmamadali? Tinatawag kita kanina pa." Aniya habang sumasabay na siya sa lakad ko.

Andito nanaman siya. Balak niya ba talaga ako ipahiya sa mga tao?

"Wala ba kayong pasok?" kunot noong tanong ko.

Ngumisi siya at tumigil sa paglalakad para mapatigil na din ako.

"Meron naman pero mamayang hapon pa ang pasok ko." Aniya.

"So ano ginagawa mo dito?" Tanong ko rito.

Tumaas ang gilid ng labi niya. Parang pinipigilan nito ngumiti. Kailan ba kami naging close at ganito kami kalapit sa isa't isa?

"Remember? I am officially courting you? O baka naman ipagsigaw ko ulit sa lahat na akin ka?"

Nanlaki ang mata ko at kinurot siya.

"Sige! Subukan mo!" Banta ko habang natatawa siya.

Ngumuso ito at hinapit papalapit sa kanya.

"I'm totally in love with you.." Bulong nito sa akin tenga.

Napalunok ako. Kinakabahan. Kailan ba ako hindi kinabahan sa tuwing andito siya sa tabi ko?

"Ihatid kita sa room niyo.."

Nagsimula kami maglakad habang tinitiis ko ang mga tingin ng mga estyudante. May naririnig akong bulungan sa tabi tabi pero mas nangingibabaw sa akin ang pagkailang at takbo ng puso ko.

Gusto ko maiyak. Hindi talaga ako titigilan ni Zev!

"Andito na tayo baby.."

At yung tawag niya sa akin panigurado alam na lahat ng estyudante dito! Nahihiya ako!

"Hihintayin kita mamaya." Aniya at mabilis akong hinalikan sa noo.

Mas lalo nagwala ang puso ko sa ginawa niya. Napanganga ako habang nakangisi siya sa akin ngayon.

"Masanay ka ngayon okay?" Aniya parang wala itong pakealam sa mga estyudante sa loob ng room namin.

Napatango na lang ako at ngumiti siya. Nagpaalam ito umalis hanggang mawala ito sa paningin ko. Napakurap ako habang hindi ko mapigilan mapahawak sa puso ko.

Ang lakas. Sobrang lakas. Lalo na ang mga kiliti sa aking tyan na hindi ko maipaliwanag!

Natapos ang klase sa umaga. Hindi ako lumabas sa break time dahil alam kung nasa labas lang si Zev at kukulitin ako. Pero ang nakakagulat ay nagpadala siya ng mga pagkain sa akin.

"Pinapabigay pala ni Zev Asyiano."

Nanghina ako habang gulat na gulat na tinatanggap ang mga pagkain mula sa kaklase ko. Umalis na ito sa harap ko habang ako hindi matanggal ang paningin ko sa ibinigay ni Zev na pagkain sa akin.

B-Bakit niya ito ginagawa?

Alam ba niya na sa tuwing gagawin niya ito hindi ko mapigilan maging masaya at kiligin?

Ang isipan ko lang pumipigil sa akin pero ang puso ko ay kontrolado ang aking katawan kaya hindi ko mapigilan mapangiti.

Agad ko kinuha ang sticky note na nakadikit sa biscuits at binasa 'yun.

'Ayaw kong ginugutom ang baby ko. Magpakabusog ka okay? Mwa!'

Natawa ako at pinigilan ang ngiti ko. Ang lakas. Ang lakas ng tama niya sa akin. Pero mas malakas ang kabog ng puso ko ngayon dahil sa kanya.

Gagawin niya ang lahat? Pero wala pa akong sinasabi. Ngunit hindi na 'yun importante dahil ngayon para akong sasabog sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Pilit ko ito itago pero hindi eh.

Nanalo ang puso ko over my standards.

"Baby!"

Agad ko siyang nakita nang lumabas ako. Tumayo siya ng maayos mula sa pagkasandal at nagmadaling tumungo sa akin.

"Akin na."

Inagaw niya sa akin ang mga gamit ko at ang bag ko. Inakbayan niya agad ako habang ako bigla nailang sa ginawa niya.

Hindi ako sanay sa mga ganito.

Hindi ko pa 'to nararanasan.

"Kinain mo ba lahat ng binili kong pagkain para sa'yo?"

Tumango ako habang nagsisimula na kami umalis.

"Bakit parang ilang na ilang ka sa akin?" Natatawang aniya habang nakatingin na siya sa akin.

Napansin niya ata na masyado akong matigas gumalaw dahil sa nakakailang na sitwasyon na meron kami. First time ko talaga 'to. Seryoso. Wala pang nanliligaw sa akin.

"W-Wala.."

Umiwas ako ng tingin at naunang maglakad.

Hinawakan niya agad ang kamay ko at pinagsiklop ang aming mga daliri.

"Hindi ka dapat naiilang sa akin Camille. Wala naman kaso sa akin kung ano ka pa man." Ngumiti siya at mahigpit akong hinawakan sa kamay.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya. Hindi ko mapigilan mapagmasdan siya.

Ang totoo n'yan siya lang talaga ang unang naglakas ng loob na lapitan ako at ligawan. Pero kung alam ba niya ang tunay na pagkatao ko. Ganito pa rin ba siya? Ganito pa rin ba siya sa harap ko? Ganito rin ba siya kaeager na kunin ang loob ko?

Kasi ako. Tanggap ko na siya simula noon una kami magkita. Ang puso ko tuluyan naging malambot para sa kanya. Ang puso ko ay naging marupok nang makita siya.

At kahit pilit kong iwasan ay gagawa siya ng paraan.

Pinili kong kumain sa El Resto kung saan palagi ako doon tumatambay tuwing lunch at vacant. Feeling ko nga kilala na ako ng mga staffs doon eh. Doon kasi ako kumakain palagi kapag gutom ako at walang makakain.

"Saan 'yun?" Kunot noong tanong ni Zev sa akin.

Hinila ko siya sa tricycle at sinabi ko sa driver ang destinasyon.

"Mukhang mamahalin.." Zev

Napakunot noo ako sa bulong ni Zev. Hindi ko masyado narinig at naintindihan. Pero tumigil agad ang tricycle at si Zev na ang nagbayad.

Nang makarating kami ay agad kami pumasok at binati agad ako ng guard.

"Good morning Ms. Camille!"

Napatingin ang guard sa kasama ko.

"Boyfriend mo Ms. Camille?" Tanong agad sa akin ng guard.

Magsasalita ako nang maramdaman ko agad ang braso ni Zev na pumulupot sa bewang ko.

"Oo kuya. Boyfriend niya ako."

Napangisi si Kuya guard at binigyan ako ng tingin at muli kay Zev naman.

"Hah! Goodluck!" Natatawang sabi ng guard at may binulong kay Zev.

"Butas ang bulsa mo d'yan Boi."

Napakunot noo ako. Ano binubulong ng guard na 'to? Agad ko nakita ang pagpapalit na eskpresyon ni Zev na parang naging balisa at napalunok.

"Ano pong binubulong niyo?" Inis na tanong ko sa guard.

Ngumiti agad sa akin ang guard.

"Wala Ma'am! Enjoy the lunch!" Aniya at ngumisi naman siya kay Zev.

Hinila ko agad papasok si Zev at doon kami umupo sa sulok ng El Resto. Agad ko kinuha ang menu habang pumipili.

Agad na may lumapit sa amin na babaeng waiter. Agad ko sinabi sa kanya ang order ko.

"Chipotle chicken and.."

Agad ko sinuyod ang tingin ko sa menu. Bakit walang meat ata?

"Oh I thought wala kayong grilled meat. Please add." Tumango tango ang babae habang sinusulat ang order ko.

"And my desert is Caesar salad. For the drink is melon shake."

Pagkatapos ko pumili ay tumingin ako sa harap.

"Zev? Ano sa'yo?" Tanong ko rito. Sa kanya naman humarap ang babae habang naghihintay ng order niya.

Hindi siya makapagsalita habang titig na titig siya sa menu na hawak niya. Namumutla siya at nakanganga habang pinagmamasdan ang hawak niyang menu.

"Zev?"

Natauhan siya at napakurap habang gulat na gulat. Anong meron at parang gulat na gulat siya?

"Ano sa'yo?" Tanong ko ulit dito.

Agad na tumikom ang bibig niya at nilibot ang tingin sa El resto.

"A-Ano.. Ahm.." Namumutla pa rin siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko rito. Agad ko hinawakan ang noo niya pero hindi naman siya mainit.

"Sir?"

Napaayos ng upo si Zev at napabaling sa babae.

"G-Ganun din sa kanya.." Nauutal na sabi ni Zev at umiwas ng tingin.

Tumango ang babae at umalis na. Ako naman ay titig na titig ako sa kaharap ko. Ano nangyare dito? Mukhang pinagpapawisan at balisa.

"Okay ka lang talaga?" Tanong ko muli rito.

Tumango siya ng paulit ulit.

"O-Okay lang talaga ako."

Hindi pa rin siya mapakali. Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya. Nagulantang siya tila parang napaso sa hawak ko.

"Gusto mo dalhin kita sa hospital pagkatapos natin kumain? Mukha kasing masama pakiramdam mo." Nag aalalaang pahayag ko rito.

Natigilan siya. Parang nawala ang pagiging balisa niya at napangiti.

"Salamat baby pero okay lang ako." Aniya na parang bumalik sa dati. Hinawakan niya pabalik ang kamay ko at hinalikan ito. "Sabi na nga ba. May gusto ka rin sa akin." Dagdag niya habang paunti unti siyang napapangisi.

Agad ako napaiwas ng tingin at namula. Shems. Bigla na lang siya magsasalita ng ganyan. Pero kailang nga pa ako nagkagusto? Pero baka totoo nga sinasabi niya? Baka may gusto talaga ako sa kanya? Pero bakit hindi ko kayang tumanggi ngayon?

"Assuming ka." Hindi ko mapigilan matawa.

"Ayun! Napangiti na rin kita." Aniya na parang nakaachived ng mahalagang bagay sa buhay niya.

"Ano ngayon kung nakangiti ako ngayon?"

Ang corny niya ha? Pero oo aminado akong natatawa talaga ako sa kanya. Ewan ko. Parang automatic na ang ngiti ko para sa kanya.

"Mas lalo ka kasi gumaganda kapag ganyan ka parati." Aniya at ginamit ang kamay ko para ihaplos sa mukha niya.

Mas lalo ako namula sa ginawa niya.

"A-Ano ba! Baka may makakita sa ginagawa m-mo.." Napaiwas ako ng tingin. Agad ko nakita ang guard na nakangisi sa amin dalawa.

"Ano ngayon kung may makakakita sa atin dalawa? Manliligaw mo naman ako diba? At ang alam ng guard na 'yun jowa mo ako." Aniya.

Napakunot noo ako sa huli niyang sinabi.

"Jowa? Anong jowa?"

Nagulat siya sa tanong ko.

"Hindi mo alam ang jowa?" Gulat na tanong niya. Umiling naman ako.

Humagalpak naman siya sa tawa at hindi makapaniwalang pinagmamasdan ako.

"Seryoso baby?! Hindi mo alam?"

Napasimangot ako at aakmang babawiin ang kamay ko sa kanya nang hinigpitan niya ito at muli nanaman tumawa.

Ano ba kasi nakakatawa ha?!

"Ang jowa kasi baby. Other term ng magboyfriend-girlfriend gets mo?" Pigil ngiti na aniya.

Nawala ang inis na nararamdaman ko at napatango na lang. Sorry I didn't know that word. Hindi naman kasi ako lumaki dito sa pilipinas eh.

"Pero hindi naman tayo magjowa Zev." Sabi ko.

Tumawa siya at napapailing.

"Oh my baby. Mas lalo ako nahuhulog sayo pambihira naman!" Nakangiti na aniya at pinanggigilan ang kamay ko. "Nakakagigil ka alam mo 'yun?"

Natawa ako sa sinabi niya. Grabe ang sira ng ulo ng lalakeng 'to. Hindi ako makapaniwala na hahayaan ko siya sa huli na ligawan ako.

"Ang kulit mo rin!" Natatawang sagot ko rin.

Pinagmasdan niya ako habang tumatawa. This guy made me see something new into my life.

________

Updated.

Siguiente capítulo