webnovel

#FL 2

#FL

_______

"Baka gusto mo nang masasakyan dear?"

"It's okay Dad, para saan pa ang ginagawa ko kung bibigyan mo ako ng sasakyan?"

Napabuntong hininga ang tatay ko. He's on the other line pero feeling ko naeestress siya sa mga hinihiling ko sa kanya.

"Why do you have to do that? It's public school Maria Camille! You are not suited there.."

"Dad napagusapan na natin 'to diba?"

He wants me to be safe. Iyan ang gusto niya iparating sa akin. Alam kong nagiging protective siya bilang ama sa akin. And I can't blame him dahil minsan tatanga tanga din ako sa mga ibang bagay.

"Fine! Pero kapag ayaw mo na d'yan tell me immediately okay?"

I smiled. Of course.

Natapos ang usapan namin ng daddy ko at tanging laman ng isip ko ang mga nangyayare sa akin ngayon. Ano nga ba ang pinunta ko dito? Being independent? Ikakasal na ako pagkatapos ko mag aral pero siguro ginagawa ko ito dahil aminado akong matatali na ako habang buhay.

Naghahanap lang ako ng may pagkaexciting na pangyayare sa buhay ko ngayon bago ako maikasal. I have so much things that I missed in this world. Noong elementary ako home schooled lang ako. When I was in junior high school nasa pribado akong eskwelahan kung saan naman ang mga kaklase ko doon payamanan ng gamit.

It's not very exciting right? Boring.

Pero hindi ko aakalain na dadating ang oras na kakainin ko ang mga iba kong sinabi. I didn't mind what I have said because it's really true. I can't fall easily whom I just met. But what if it's not? Sabi nila kapag bumilang ka nang tatlo kung may nararamdaman kang kakaiba. You are already inlove.

Hindi ba crush muna?

"Umiinom ka Camille?"

Napatingin ako kay Janela. She's wearing maroon cocktail party attire with high heels that I don't know the brand. She's beautiful para hindi mapansin ng mga tao dito.

Umiling ako sa kanya.

"Oh."

"Camille!"

Agad ko nakita si Charity. Ngumisi siya sa akin habang papalapit siya sa akin. Mas lalo lumitaw ang dibdib nito dahil sa masikip na evening gown nito. She caught the people's attention here because of her outfit.

Napatingin siya sa sout ko at tumawa.

"What's with your outfit?" Tanong niya agad.

Mali ba ang damit ko? Nagpabili pa kasi ako sa butler ni Aydin sa canada para may maisout lang dito. I mean it's not dress dahil baka mahalata ako na mamahalin ang damit ko. But they didn't notice na it was from Gucci that I am wearing. It's not big deal anyway.

"Sabagay wala din naman nakalagay sa invitation kung ano ba dapat soutin."

Baka dress code ata sinasabi niya.

"Halika! Ipakilala kita sa kapatid ko!" Hinila niya ako at agad ko natanaw ang mga tao na naghihiyawan.

This kind of party is so very simple. Parang dinner party lang sa amin. Pero makikita mo ang saya ng mga tao na imbitado dito. Ang mga pagkain dito ay inorder lang ata. Hindi ko pa nalalasahan.

"Iyon ba si Camille?"

"Oo pre!"

"Tangna mo ang ganda pala niya!"

"Sabi ko sayo eh."

Napatakip ako sa mata dahil sa mga ilaw na tumatama sa aking mukha. Ang sakit lang kasi sa mata.

"Sis! May ipapakilala ako sa'yo!"

Tumigil kami sa sentro kung saan nakaupo ang debutante. Tinignan ko kung sino ipapakilala sa akin ni Charity.

"I'm Camille.."

Hindi ko masyado makita ang mukha niya dahil sa ilaw. Nahihilo ako. I can't see clearly.

"Siya? Ah. Maganda."

Ngumiti ako kahit masyadong magulo ang paligid ko. Hindi ko alam bakit ako ipinakilala ni Charity sa kanyang kapatid. But I greeted her anyway.

"Nasaan ang regalo niya ate? Akala ko ba mayaman?"

Iyon ang agad sumentro sa aking tenga pagkatalikod ko para bumalik ako sa upuan ko. Napailing ako. Now I know bakit ako ipinalapit ni Charity sa kanyang kapatid. At alam ko na bakit ako imbitado. They really think na mayaman ako para malaki ang maibibigay ko na regalo sa kanila?

Napaupo ako habang dismayado. Parang napahiya ako sa kapatid niya. Madami naman sa amin ang walang dalang regalo ha? Umiling ako at napainom ng tubig. It's your fault naman Camille. Bakit kasi ngayon mo lang itinawag sa butler ni Aydin ang regalo mo ha?

Pinagmasdan ko ang mga imbitado dito. Puro hindi ko mga kilala ang nandito. Nope. Lahat ata imbitado hindi ko mga kilala. Mag isa akong pinapanood ang mga naghihiyawan na mga lalake. At ako lang ang nag iisa na umiinom dito. Hindi kasi imbitado sila Boshi,Dindy at Tina. So I'm really lonely here.

"Camille?"

Napatingala ako. Dalawang lalake humarang sa paningin ko. They're wearing simple black polo and khaki shorts with class A adidas shoes.

"A-Ahm.. ano name mo sa fb?"

Facebook? For what?

"I have no facebook account."

Tumawa ang kasama nito.

"Imposible! Peymus ka lang ata eh. Ayaw mo sabihin." Aniya ng isang matangkad din na lalake.

What?

"Oh sige Camille, pwede na lang ba kita maisayaw?"

"Tangna pre ako nauna! Inunahan mo agad ako!" Bulong ng isa.

Mas lalo ako napakunot noo. Hindi naman ako debutante dito para isayaw ako. Bigla may nagsilapitan na mga lalake sa direksyon ko at inakbayan ang nakalahad na lalake sa harap ko.

"Ano 'yan? Isasayaw mo si Camille?" Natatawang saad ng isa. Kumindat ito sa akin.

"Tangina mo pre inunahan mo kami!"

"Pagkatapos mo ako naman sasayaw dyan!"

"Pustahan liligawan na agad 'yan ni Ralph!"

Agad ito naghiyawan sa harap ko. What the hell? Ano pinag uusapan nila? Bakit sila nag uusap sa harapan ko hindi ko naman sila kilala. And how they know my name?

Tumayo ako dahil aalis ako sa harap nila. Pinapagitnaan nila ako at naiilang ako! Puro lalake nasa harapan ko. Ano iisipin ng mga ibang imbitado dito?

Tumingin ako sa mga lalakeng ngumingiti sa akin. They are not bad actually. Pormal tignan ang mukha nila pero I don't like their attitude earlier. Kailangan magmurahan sa harap ko?

Hindi ko sana sila papansin at aalis ako pero nagulat ako nang may humawak sa braso ko.

"Teka lang Camille! Pagbigyan mo naman si Ralph na isayaw ka."

"H-Hindi ako sumasayaw.."

Naghiyawan sila at pinagyuyogyogan nila ang sinasabi nilang Ralph.

"Narinig mo 'yun Ralph?! Para kang tinanggihan!" Naghalakhakan sila.

Napailing ako at umalis sa harap nila. Hindi ko kaya tumagal dito kapag pinagkakaisahan nila ako. Papaano nila nalaman pangalan ko? Hindi ko nga sila kilala.

"Camille!"

May humabol sa akin na tatlong lalake.

"Anong name mo sa facebook?"

Gusto ko na umalis dito. Bakit ba hinihingi nila facebook ko eh wala naman ako nun! Lumapit din ang mga ibang kalalakihan sa akin. Kaya mas lalo ako nairita.

"What the fuck is going on here?"

Agad natigilan ang mga ibang imbitado dahil sa sigaw ng isang lalakeng kakarating. Lumingon ako at nagulat ako na makita si Zev habang nakapormal ang sout.

Masama ang tingin niya sa akin dahilan para dumalundog ang puso ko. Agad ako kinabahan nang lumapit siya sa akin.

"Ano ginagawa niyo?" He asked coldly to the guys who was asking about my social media.

"Z-Zev! Hahaha." Tumawa ang isa sakanila. Hindi ko mabilang kung ilan sila.

"Niyaya lang namin si Camille! Kilala mo ba siya?" Sabay turo sa akin.

Nagulat ako nang akbayan ako nang Zev na 'to.

"Why the fuck did you invite my girlfriend bastards?!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bigla may nabasag na gamit sa hindi kalayuan mula sa amin. Napalingon ako pero si Zev maririin ang tingin niya sa mga lalakeng lumalapit sa akin.

Napasinghap ako nang makita ko si Charity gulat na gulat.

"Nagjojoke ka ba pre?" Natatawang rinig ko sa mga kalalakihan. "O baka inaagawan mo lang kami?"

Mas kinabahan ako nang masama na ang tingin sa akin ng kapatid niya. Nagtipon tipon ang mga tao sa direksyon namin. Bago ko pa matanggal ang braso ni Zev ay hinapit niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ako sa labi.

Nakarinig ako ng hiyawan sa mga ibang tao habang ako hindi makapaniwala. What the hell is happening? Tila nanigas ang katawan ko at hindi ko matulak tulak ang lalakeng 'to!

"Satisfied?"

Natahimik ang lahat at hinila ako palabas ni Zev. Ang lakas ng kabog ng puso ko! It was as if it can be heard from here to someone else sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

And what the?

Doon lang ata ko natauhan at agad siya naitulak ng nasa labas na kami.

"W-What the hell?!"

Humahalukipkip siya habang pinagmamasdan ako. Malamig ang kanyang tingin tila wala lang sa kanya ang nangyare.

"W-Why did you kissed me?!" Mas lalo lumakas ang kabog ng puso ko. Kinakabahan.

"Bakit? First kiss mo?"

"Of course!"

Napangisi siya.

"Sorry?"

Mas lalo ako sumabog at linapitan siya. Agad ko siya hinampas sa dibdib habang natatawa siya.

"Sorry?! Sorry?!!" Mas lalo ko siya pinaghahampas sa sobrang inis sa ginawa niya.

"Bakit mo ginawa 'yun?! At sorry lang?! Maibabalik ba 'yun ha?!"

Agad niya sinalo ang mga kamay ko habang tumatawa siya.

"Oo pwede naman ibalik. Halikan mo ulit ako."

Mas lalo nanlaki ang mata ko. Sino ba siya para kunin 'yun sa akin?! Mas lalo ako nainis at binawi ang mga kamay ko.

"Hindi tayo close para gawin 'yun! Sino ka ba ha?!"

Mas lalo siya natawa. This guy! Akala ba niya nakakatuwa ang ginawa niya ha?!

"Kapag hindi ko ginawa 'yun baka hindi ka na titigilan ng mga lalakeng 'yun." Makalmang aniya.

"So ano pakealam mo ha?!"

"Girlfriend na kita. May pakealam na ako."

Nanliit ang mata ko doon at hinampas muli siya.

"You! Ang kapal ng mukha mo!"

Ngumisi lang siya habang ako iniwan ko siya doon. Uuwi na ako! Ayaw ko na! Hindi ko matiis ang mga ganitong klaseng pangyayare sa akin ngayong gabi!

This is very unexpected! Hindi ito ang pinuntahan ko! Pero nakakainis si Zev! Gusto ko talaga siya sabunutan kung hindi lang siya matangkad!

Pumara ako nang trycicle para umuwi. Wala akong pake kung gabi na! Kanina pa ako sumasabog ngayon sa sobrang inis ko! Hindi talaga ako makamove on sa sinabi at ginawa niya! Ano ba karapatan niya?!

"Miss sinusundan ata tayo ng nakamotor."

Napakunot noo ako nang lumingon ako. Nanlaki mata ko nang makita ang pamilyar na nilalang na nagmomotor sa likod lang namin.

What the hell are you doing Zev?!

"A-Ah siguro kuya pareho lang direksyon natin sa kanya."

Hindi na nagsalita pa ang driver at nagmaneho. Hindi ko na pinansin ang lalakeng 'yun hanggang sa makarating ako sa building ng dormitory ko.

Bumaba agad ako at pagkalingon ko ay nakita ko si Zev na bumaba rin mula sa big bike niya.

"Anong ginagawa mo dito?!"

Napatingala siya habang pinagmamasdan ang building.

"Nagdodorm ka?" Tumingin siya sa akin. He ignored my question!

"Yes! At ano pakealam mo doon?"

Napatango siya at bumalik sa big bike niya.

"Pumasok ka na."

"Huh?"

"I said pumasok ka na. Sinundan kita dahil gabi na."

Natigilan ako. Natahimik at napatitig sa kanya. Sinundan niya ako hanggang dito para masigurado niyang safe ako?

That evening is the first time that I couldn't hold my back to look at him hearing my heart pounding hard until it's hurt.

Hindi ko aakalain na sa oras na 'yun ay hindi ko na makontrol ang puso ko para hindi masaktan at mahulog sa mga ganitong bagay na alam kong ikakasakit ko.

And I cannot avoid it because my heart tells me to look at him even more.

_________

Updated.

Siguiente capítulo