webnovel

CHAPTER TWENTY

KANINA pa napapansin ni Annie ang pananahimik ni Joshua. Nasisigurado niya na may kinalaman ang babae kanina. Isang beses niya lang nakita ang babae pero hindi niya ito makakalimutan. Ang babae na Tita ni Jamie ay ang babaeng sumampal kay Joshua sa lobby ng opisina. Hindi niya alam kung ano ang totoong relasyan ng dalawa pero nasisigurado niya na malalim iyon basi na rin sa reaksyon kanina ng binata. Nakita niya kasi sa gilid ng kanyang mga mata ang reaksyon nito ng makita ang babae na kinarga ang bata. Ngayon ay lalo niyang gustong malaman ang nakaraan nito.

Pain, sadness and regret. Iyon ang nakasulat sa mga mata ni Joshua habang sinusundan ng tingin ang mag-tita. She wanted to ask but she stops herself. Wala siya sa lugar para magtanong. Secretary lang siya nito. Wala siyang karapatan na mangusisa sa personal nitong buhay kahit pa nga na malapit silang dalawa.

"May problema ba, Annie? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?"

Ang tanong na iyon ni Joshua ang gumising sa naglalakbay na isipan ng dalaga. Napakurap siya ng ilang beses at kinuha ang kutsarang nasa harap. They are having dinner at the hotel.

"W-wala." Sagot niya.

"Wala pero nakatitig ka sa akin? Bakit? Nagugustuhan mo na ba ako?"

Napataas ng mukha si Anniza ng marinig ang tanong na iyon ni Joshua. Tinaasan niya ang binata ng kilay. Bumalik na naman ang mapaglarong ngiti sa labi nito. He manages to hide his emotion again.

"Asa ka." Singhal niya.

Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Joshua. "Wag ka ng mahiya pa, Annie. Sanay na rin naman ako sa mga babaeng nagkakagusto sa akin pero mas na-iiba ka sa kanila."

Tumaas ang kilay ni Anniza. "Ako? Na-iiba? Paano?"

Lumabas ang pantay-pantay na ngipin ng binata. Tumayo ito at inilapit ang mukha sa kanya. Halos maduling si Annie ng sundan niya ng tingin ang binata. Akala niya ay lalapat sa kanyang pisngi ang labi nito ngunit umiwas ang binata.

"If you said that I'm handsome. I will court you and make you my girlfriend, Annie." Bulong ni Joshua.

Napalingon siya sa binata at kung hindi ito naging mabilis sa pag-iwas ng mukha sa kanya ay baka maglapat ng hindi sinasadya ang kanilang labi.

May ngiting naglalaro sa labi at nagniningning sa kasayahan ang mga mata nito. Ilang minuto din silang nagtitigan ni Joshua bago bumalik sa pagkaka-upo ang binata. He started to eat like there's nothing happen. Habang siya ay nagtaas-baba ang dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ginulo nito ang buong sistema niya dahil lang sa sinabi nitong liligawan siya.

Napalunok si Anniza. Hindi niya alam kung ano iisipin sa mga sinabi ng binata. Dapat ba niyang paniwalaan iyon? O dapat niyang isipin na nagbibiro lang ito? Nang unti-unting natanggap ng kanyang isipan ang sinabi nito ay napayukom ang isang kamay ni Anniza. Tumayo siya at malakas na binatukan ang binata. Mabuti na lang at hindi ito napasubsob sa mesa.

"Gago ka talaga," aniya dito.

Nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya si Joshua. Nakahawak ito sa batok na nasaktan.

"Para saan iyon, Annie?" Di makapaniwalang tanong nito.

"Hindi nakakatuwa ang biro mo." Mataray niyang wika.

"Huh?" nagtatakang tanong nito. Salubong pa ang kilay ng binata.

Iniikot niya ang mga mata at ibinalik na lang ang atensyon sa kinakain. Hindi talaga matinong ka-usap ang boss niya kahit kailan. Isinama pa siya sa kalukuhan nito. Ito? Liligawan siya? Napaka-imposible noon mangyari. Si Joshua ang tipo ng lalaki na ang gusto ay isang sexy at mayamang babae. Hindi nito tatapunan ang isang tulad niya na ordinaryong tao.

Nagpapasalamat si Anniza ng hindi nagsalita ang binata at pinagpatuloy na lang ang pagkain pero nararamdaman niya ang pagsulyap nito sa kanya. Pinilit na lang ni Anniza na baliwalain iyon. Baka kapag pinuna niya ang binata ay may sabihin ito sa kanya. Baka lalo lang magwala ang puso niya.

Mabilis natapos ang dinner nila dahil walang nagsalita kahit isa sa kanila. Naglalakad na si Anniza palabas ng restaurant ng hawakan ni Joshua ang kanyang siko. Napapaso namang hinila iyon ng dalawa. Muling bumalik sa pagwawala ang kanyang puso dahil sa simpleng paglapat na iyon ng kanilang mga balat. Everything is not good. Her heart is in danger.

"May kailangan ka pa ba?" nagpapasalamat si Anniza na hindi siya na-utal ng banggitin ang tanong na iyon.

Ngumiti si Joshua. "Gusto mo bang maglakad-lakad muna? Maganda ang Boracay kapag gabi. Iyon ang sabi nila."

Napatingin si Anniza sa labas ng restaurant. Marami siyang nakikitang mga taong naglalakad. Ibinalik niya ang tingin sa binata.

"Sige." Tinalikuran na niya ito pagkatapos.

Mabilis naman sumunod sa kanya ang binata. Kagaya nga ng nakita niya kanina ay maraming taong naglalakad. Buhay na buhay ang Boracay ng mga sandaling iyon. Parang kanina lang umaga ay wala siyang masyadong makitang tao. Gabi naglalabasan ang mga tao. Iba't-ibang lahi ang mga taong nakakasalubong nila. May mga magkasintahan, pamilya at magkakaibigan din silang nakikita. Boracay is indeed one of the famous beaches in the Philippines.

Natigil sa paglalakad si Anniza ng may humawak sa kanyang braso. Napatingin siya sa taong walang pasabihing hinawakan siya. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin

"Let's go watch." May itinuro ang binata.

Sinundan iyon ni Anniza ng tingin at nakita niya ang mga lalaki at babae na sumasayaw habang may hawak na parang bola at stick. Bago pa siya makasagot ay hinila na siya ni Joshua palapit doon. Maraming taong nakatingin sa ginagawa ng mga taong iyon. Nakasuot ng kung anong tribal dress ang mga babae at ganoon din ang mga lalaki. May itim na guhit sa mga mukha ang mga ito. Nakita niyang binuhusan ng kung anong likido ang dalawang bola na hawak ng isang babae. Lumapit dito ang isang lalaki na may hawak na apoy. Sinindihan nito ang hawak na bola ng babae. Doon lang pumasok sa isip niya na gas ang binuhos kanina sa bola.

Maya-maya pa ay sumayaw na ang babae at pinaglaruan nito ang hawak na bolang may apoy. So, ito pala ang sinasabi nilang fire dancer. Napangiti si Anniza. It is amazing. Nakakahanga ang ginagawa nila. Lalo na ang mga kalakihan na bumubuga ng apoy. May iba't-ibang tricks na ginagawa ang mga ito. Umaani ang mga ito ng bulaklak.

Nawala lang ang atensyon ni Anniza sa mga ito ng gumalaw ang binatang nakahawak sa kamay niya. Tiningnan niya ang ginagawa nito. Kinuha nito ang pitaka na nasa bulsa at naglabas ng dalawang libo. Nagsalubong ang kilay niya sa ginagawa ng binata. Pagkatapos ibalik ang pitaka sa bulsa ay hinila siya ni Joshua palapit sa isang lalaki. May hawak na sombrero ang lalaki at nakita niyang may pera iyon. Inilagay doon ni Joshua ang hawak na dalawang libo.

"What are you doing?" Pabulong niyang tanong.

"Tip for their amazing performance." Ganting bulong ng binata.

"Pero ganoon talaga kalaki?"

Tumingin sa kanya si Joshua. "They make you smile and amaze. It's may payment for their effort."

Muling natigilan si Anniza. Napatitig siya sa binata na ngayon ay nakatingin sa mga sumasayaw. Anniza feels like her world stops. Why Joshua always take her breath away? Ganoon lang ang sinasabi nito pero ginugulo na nito ang kanyang puso at pagkatao. Dapat na ba siyang itali ang puso para hindi maramdaman ang bagay na iyon sa binata?

She is now playing with fire and she knows, she will get burn if she keeps on.

INIHINTO NI Joshua ang kotse niya sa tapat ng bahay ni Anniza. Kaka-uwi lang nila galing ng Boracay. Isang linggo din sila doon pero hindi pa rin nila natapos ang mga dapat gawin. Marami pa silang kailangan gawin para sa pagbubukas ng hotel doon kaso kailangan na nilang bumalik ng Maynila dahil nagkaroon ng aberya sa isang hotel. Isang staff nila ang nasangkot sa pagnanakaw ng alahas ng isang mayamang bisita. Hinarap na iyon ni Shan ngunit ayaw talagang magpatalo ng guest. Pinatawag siya ng kanyang ama para ayusin ang gusot. Hindi nga niya ma-intindihan ang ama. Si Shan ang CEO ng kompanya at dapat humarap sa problema pero siya pa talaga ang inuutusan.

"See you tomorrow, Sir." Paalam ni Anniza.

Tumungo siya sa dalaga. "See you but if you can't make it. It's fine with me. You should take a rest."

Walang tigil ang trabaho nila ni Anniza dahil kailangan na nilang matapos ang lahat bago ang grand opening tapos ito pa ang kahihinatnan nila pagbalik ng Maynila.

"It's okay. Papasok ako bukas. Marami na rin akong na-iwang trabaho. Kailangan ko ulit iyon tapusin bago tayo bumalik ng Boracay."

Tumungo siya bilang pagsang-ayon. "Sige. Ikaw ang bahala, Annie."

Hindi na siya nakipagtalo pa dito. Kilala din naman niya si Anniza. Hindi ito magpapatalo sa kanya. Kapag sinabi nitong papasok ito ay papasok ito. Inalis na ng dalaga ang suot na seatbelt. Ganoon din ang ginawa niya. Sabay na silang lumabas dalawa. Pumunta siya sa trunk ng kotse at binuksan para kunin ang luggage nito.

"Thank you." Nakangiting sabi ni Anniza ng maibaba niya ang bagahe nito.

"Walang anuman."

"Ingat po kayo sa pag-uwi, Sir Joshua."

"Thank you, Annie. Magpahinga ka na rin. Alam kong pagod ka sa byahe."

Tumungo si Anniza at tinalikuran na siya habang hila ang bagahe. Naglakad na rin siya papunta sa driver seat. Bago siya pumasok sa loob ng kotse ay sinulyapan niya muna ang dalaga. Nakita niyang patakbong sinalubong ito ng dalawang bata. Napangiti siya. Ang mga ito siguro ang sinasabi ng dalaga na pamangkin. Binuksan ni Joshua ang pinto ng kotse nito. Nang makapasok sa loob ng kanyang kotse ay sinulyapan niya ulit ang dalaga.

Nagtagpo ang mga kilay ni Joshua ng makilala ang babae na ngayon ay ka-usap ni Anniza at hawak ang bagahe ng dalaga. Nakangiti ang babae at hinawakan si Anniza papasok ng bahay. Nakasunod sa mga ito ang dalawang bata.

"Kristine…" banggit ni Joshua sa pangalan ng babae.

Hindi siya pwedeng magkamali. Si Kristine nga ang babaeng iyon. Anong ibig sabihin ng nakita niya? Kaano-ano ni Anniza si Kristine?

Napahigpit ang hawak ni Joshua sa manobila. Maraming tumatakbo sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon. Gusto niyang bumaba at katukin ang pinto ng bahay ni Anniza. Gusto niyang tanungin ang dalaga at alamin mula dito ang totoo ngunit nakadama siya ng takot. Sa unang pagkakataon mula ng makilala niya ito ay natakot siyang malaman ang katotohanan.

Lalong namutla si Joshua ng huminto ang isang motor at tinanggal ng lalaking nagmamaneho noon ang suot na helmet. Ang lalaking dahilan ng paglayo at pagkabigo ng pinsan na si Shan ay ang lalaking ngayon ay papasok sa loob ng bahay ni Anniza.

"Sino ka ba talaga, Anniza Jacinto? Anong ka-ugnayan mo kay Kristine at sa nobyo niya?" Pinagdikit ni Joshua ang mga labi.

Nais niyang malaman ang kasagutan sa mga katanungan niya. Ilang sandali pa siyang naghintay doon bago mina-ubra ang kotse at tinahak ang daan papunta sa lugar ng taong maaring makasagot sa mga katanungan niya. Isang nakasarang bar ang hinuntuan ng kotse ni Joshua. Mabilis na bumaba ang binata. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng nakasarang pinto.

Hindi siya pinigilan ng security guard. Bugkos ay sumalodo pa ito. Nakita niya ang hinahanap na nag-aayos sa may bartender area. Lumapit siya dito. Agad naman siyang napansin nito.

"Joshua, anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Patrick.

"I need your help." Agad niyang wika.

Nagtagpo ang kilay nito. "Saan? May ginawa ka bang kasalanan?"

"No. May tao akong gusto mong alamin ang pagkatao." Umiling siya. "No! Gusto kong alamin mo kung anong ugnayan niya kay Kristine."

"Wait! Kristine? Sinong Kristine?"

"Si Kristine na dating kasintahan ni Shan."

Hindi nakapagsalita si Patrick. Umiwas ito ng tingin. Pinagmasdan niya ang kaibigan. Mukhang wala din itong alam sa nalaman niya. Inilapag nito ang hawak na basahan. Ibinalik nito ang mga mata sa kanya.

"Let's go at the VIP room." Hinarap nito ang isa sa mga staff nito.

Nagsabi lang nito ang kailangan gawin ng mga tauhan nito bago sila umakyat ng pangalawang palabag. Unang VIP room sila pumasok ni Patrick. Pagkapasok ay lumapit isa mga alak na naka-display sa gilid at nagsalita sa isang baso. Pagkatapos uminum ng isang baso ay binuksan nito ang mini refrigerator na nandoon. Kumuha ito ng isang coke in can.

Hawak ang isang basong may bagong salin ng alak at coke in can, lumapit sa kanya si Patrick. Inilapag nito ang hawak na coke in can sa harap niya bago umupo sa mahabang sofa.

"Saan mo nakita si Kristine? Akala ko ba ay naputol na lahat ng ugnayan ng pamilya niyo sa kanya?" tanong ni Patrick.

"I saw her today. Hinatid ko si Anniza sa bahay niya. Nakita kong sinalubong si Anniza ng dalawang bata at nang malapit na sila sa pinto ay lumabas si Kristine. Gulat na gulat ako ng makita siya. Nasisiguro ko sa iyo, Patrick. Magkakilala si Anniza at Kritine."

"Sandali lang. Si Anniza? Si Anniza na gusto mo?"

Tumungo siya. "Hindi ko alam. Nagulat ako sa nakita ko. At lalo akong nagulat ng makita ang kasintahan ni Kristine na pumasok sa loob ng bahay."

Umayos ng upo si Patrick. "Kung ganoon ay magkakilala sila. May ugnayan si Anniza sa kay Kristine?"

Tumungo siya. "Hindi ko din alam kung anong ugnayan ni Anniza sa kanila. Kahit isang beses ay hindi binanggit ni Annie ang pangalan ni Kristine sa harap ko. We talk about her family but I didn't cross my mind that she knows about Tin." He is so disappointed. Bakit kasi hindi niya inalam kung sino ba ang Kuya at Ate nito.

Hindi nagsalita si Patrick kaya napatingin siya dito. Salubong ang kilay nito at mukhang malalim na nag-iisip. Nasisigurado niyang nag-iisip na ito ng paraan kung paano nila malalaman ang totoo.

"Patrick, you need to investigate this. Gusto kong malaman ang katutuhan."

Tumingin sa kanya si Patrick. "Then ask Anniza. Tanungin mo siya kung kaano-ano niya si Kristine."

Umiling siya. "I can't. Paano kung sabihin niya sa akin na Ate niya si Kristine? Hindi ko yata alam kung anong gagawin ko kapag nangyari iyon."

Hindi niya matatanggap kapag nalaman niyang magkapatid si Anniza at Kristine. Masakit ang pinagdaanan  ni Shan ng dahil kay Kristine. Nilagyan pa nito ng lamat ang relasyon ng magkapatid. Mas lalo lang kasi nitong pinalala ang sitwasyon ng pamilya Wang. What she did to their family is unacceptable?

Kaya nga ng matapos itong bigyan ng pera ay pinaalis na agad ito ng mansyon. Hindi na rin nila inalam kung saan at anong ginawa nito sa pera. Ang importante kasi sa kanila ay ma-ilayo si Shan dito. Alam niya ang totoong nangyari noon. Alam niyan ginagamit lang ni Kristine si Shan. Na-intindihan niya kung bakit ginawa iyon ni Tito Shawn kay Shan.

"We will know the truth. Just give me three to five day. Kailangan kong masigurado ang lahat. At hindi ito pwedeng malaman ni Shan. Siguradong masasariwa lang ang sakit na naramdaman niya noon."

Tumungo siya. Shan is doing good right now. Alam niyang hindi totoo ang relasyon nito at ni Carila pero hindi siya kumikibo, hindi dahil sa natatakot siya dito, kung hindi dahil alam niyang iyon ang gusto ng pinsa. Kung sakaling kailangan niya ng taong masasandalan ay nandoon lang naman silang kaibigan nito.

"Sana nga ay mali ang hinala ko na Ate ni Anniza si Kristine."

"Paano kung Oo? Anong gagawin mo?" tanong ni Patrick na uminum ng alak.

Hindi siya nakasagot. He doesn't know. He doesn't know what to do. Kaya nga natatakot siyang malaman ang totoo. Hindi niya kasi matatanggap kung sakaling magkapatid nga ang dalawa. Nangako siya noon sa sarili na kahit anong mangyari ay hindi niya iuugnay ang sarili sa pamilya ni Kristine. Sa babaeng sumira sa buhay ng kanyang pinsan.

NANGINGINIG ANG kamay ni Joshua habang hawak ang report na ginawa ni Partick. Tatlo silang magkasama ng mga sandaling iyon. Patrick, him and Liam. BUmalik pa ng Maynila si Liam para lang malaman ang katutuhanan. Sinabi nila dito ang nalaman noon isang araw. Kaibigan nila ito at kahit na malapit ito kay Shan ay wala pa rin itong alam sa ilang bagay.

Inilapag ni Joshua ang haawak na folder. Hinarap nito si Patrick na walang tigil sa pag-inum ng alak.

"Tell me about the report."

"Bakit hindi mo basahin ang ginawa kong report?" Hindi maitago ang iritasyon sa boses ni Patrick.

"I don't want to read. Just tell me what you found out."

Huminga ng malalim si Patrick at inilapag ang hawak na baso. Hinarap siya ng kaibigan. Umaapoy sa galit ang mga mata nito.

"Anniza Jacinto…." Tumingin si Patrick kay Liam bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Anzer Jacinto, ang asawa ni Kristine, at si Anniza ay magkapatid. Si Anniza ang nag-iiisang kapatid ni Anzer. Ang sinasabi ni Shan noon sa atin na siyang ginamit ng ama niya para tanggapin ni Kristine ang perang inalok ni Tito Shawn."

"Anniza at Anzer are brothers and sister?" Hindi makapaniwalang tanong ni Liam.

"Oo, at matagal namin ng alam iyon."

Lahat sila ay napatingin sa lalaking nakasandal sa pinto ng VIP room. At nakita nila si Shilo Chauzu Wang na nakatayo at nakatingin sa kanila.

Siguiente capítulo