webnovel

Brown Eyes

"Mama!" I shouted nang pinapahirapan ang mama ko sa harapan ko mismo. Wala man lang akong magawa at nasa tabi ko lang sina papa at kuya na nakagapos at walang malay.

"Maawa ka please! pakawalan mo na sila mama! Ako na lang please!!! Ako na lang saktan mo!" pagmamakaawa ko sa lalaking nakablack mask at may pulang dragon ito na tattoo sa bandang kaliwang balikat nito at ganoon di sa mga kasamahan niya.

Walang awa parin nilang pinapaso ng sigarilyo ang mukha ni mama. Napahagulhul na ako dahil di ko na nakilala pa si mama pagkatapos nang ginawa nilang iyon. Di ko sila mapapatawad.

  ¤ º° ¤'•.¸.•' ¤ °º ¤ ¤ º° ¤'•.¸.•' ¤ °º ¤ ¤ º°

"SWEETY!" Maze shouted kaya bumalik ako sa kasalukuyan at bigla niya na lang ako niyakap.

"Ikaw talaga sweety, nagdi-daydream ka ba sa'kin?" pagbibiro niya pero may naramdaman akong namamasa sa bandang kaliwang braso niya no'ng di ko sinadyang hinaplos. Kaagad naman akong napatingin sa kamay ko.

"M-Maze, may dugo!" I shouted at napagtanto ko na lang na may sugat siya sa kaliwang braso niya at may patalim itong nakatarak.

"Nasaksak ka ba dahil sa'kin?" nanginginig na ako. Di ako sinagot ni Maze at napangisi lang siya pero ramdam kong nasasaktan siya sa natamong sugat. I can't believe this. Napalingon ako sa tabi ko at nakikita ko si Junho na nakahandusay at duguan.

Iiyak na lang ba ako?

  ¤ º° ¤'•.¸.•' ¤ °º ¤ ¤ º° ¤'•.¸.•' ¤ °º ¤ ¤ º°

"Hoy bata! Iiyak ka lang ba d'yan?" sabi ng lalaking nakasuot ng maskarang itim at nagpahinga muna sila sa pagpapahirap sa amin.

"Alam mo, saka ka na umiyak nang iburol na 'yong kuya at magulang mo." he said while laughing. I glared at him soulless. I can't handle the situation anymore at parang sisiraan na ako ng ulo.

"Bakit? May magagawa ba ang pag-iyak mo bata? Diba wala?" at hinawakan niya nang mahigpit ang baba ko.

"Aba. Sayang! maganda ka paglaki mo bata pero di ka na aabot sa panahong 'yon dahil babawian ka na ng buhay mga ilang araw mula ngayon." at marahas na binitawan ang baba ko.

"di..." I whispered and I know na naririnig ako ng lalaki

"di mo h-hawak ang ka-kapalaran ko."  

He just smirk, "Tama ka, hindi ko hawak ang kapalaran mo bata pero nakikita ko," I stared at him curiously at hinihintay s'yang magsalita.

"Alam mo bata, kutob ko na mas mabuti pa kung mamamatay ka na ngayon dahil sa sinasabi mong kapalaran ay di malabong mangyari pero may mas malalang trahedyang nag-aabang sa iyo doon. Alam kong mas marami pang dugo ang papatak sa harapan mo."

  ¤ º° ¤'•.¸.•' ¤ °º ¤ ¤ º° ¤'•.¸.•' ¤ °º ¤ ¤ º°

That guy with the black mask. Tama ka nga! Sana pinatay mo na lang ako noon.

But I still have a little glow inside my heart. It is the proof why I am alive right now.

There's also a reason why I am still alive because I need to accomplish something important which I didn't remember.

"10 minutes left!" the voice behind the speaker announced again.

"Maze!" the four boys shouted after they saw Maze's bleeding arm.

"Wag kayong mag-alala. Gasgas lang 'to, for now alalahanin nating makasurvive within 10 minutes." Cool na wika ni Maze sa kasamahan.

"Really? Isang gasgas?" wika ng kasama ni Maze. Medyo pandak ito kumpara sa iba pang kasamahan nila. Tinitigan niya lamang si Maze nang taimtim. Mukhang galit ito. Mabilis niyang pinindot ang sugat ni Maze.

"Aray! Sapak gusto mo Nice?!" sigaw ni Maze habang itinatago ni Maze ang sugat mula kay Nice.

"So, napapasigaw ka talaga sa sakit dahil sa isang gasgas?"

"Shut up! This is just nothing really. We must focused for now to those gangsters! They're fucking strong!"

"Maze right, We need to survive first." One of the four boys said.

"Shit!" bigla na lamang napamura ang isa sa kasamahan ni Maze nang biglang atakihin ito gamit ang shuriken.

"Buti nakailag ako! Sayang ang makinis kong mukha pag nagasgasan." panghihimas naman ng lalaki sa kanyang mukha.

"Oh! You're way too good for a commoner." someone suddenly said behind our back. Papalapit siya sa amin at pumalakpak pa ito.

This guy, he is strong.

Nakakatakot 'yong aura niya. "Why are you gathering here? Di'ba mas makakabuti na maghiwahiwalay kayo at maghanap ng pagkakataong makasurvive?" he said while playing the shuriken in his long fingers.

Papalapit ang misteryosong lalaki sa kinaroroonan namin. Ang mga lalaking kasamahan naman ni Maze ay mabilis na hinarap ang kalaban at tinago ako sa likuran nila.

"Chloe, are you okay?" Junho asked in his weak voice at napatayo ito at sinusubukang makalapit sa akin.

"Dude, protektahan mo si Chloe at kami na haharap sa lalaking 'to." Maze said to Junho and just nodded in return.

"Oh, kaya pala, may babae pala kayong pinoprotektahan. She's the only girl left in this battle stage, am I wrong?" the guy with the shuriken said.

The only girl left?

Napalingon ako sa paligid at nabibilang na lang ang natitirang nakatayo at wala na akong makikitang mga babaeng may malay maliban sa'kin. Agaw atensyon sa lahat na ako na lang ang nakatayo na babae at wala ni isang galos. This past minutes I unconsciously protected by these guys.

"I change my mind," the shuriken guy suddenly said and paused.

"Change target!" he added at mabilis siyang tumakbo palapit sa amin at sa isang iglap ay nasa harapan ko na ang lalaki.

Wala na sina Maze, Junho, at iba pa sa tabi ko dahil may isa-isang umatake sa kanila at inilayo sila sa'kin.

Takot ako at ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. Nakakapanindig balahibo ang ngiti ng lalaki pero hindi ibigsabihin na susuko ako!

"Before I'll kill you, you must know the name who will send you to heaven first, lady." he smiled at me. Pero kasama no'n ang madilim nitong aura at blood lust.

"I'm Daimon, the strongest gangster in this Academy." at unti-unti niyang inilabas ang matalim niyang samurai at itinutok iyon sa'kin. 

Hindi ako papayag na mapapatay niya ako basta-basta, ayokong magpadala sa takot. It's just a matter of time. I can survive within a short span of time. I must dodge all his attacks!

"3 minutes" the speaker announced again.

Malapit na subalit marami paring maaring mangyari sa loob ng tatlong minuto.

Malakas ang lalaking kaharap ko ngayon kaya may posibilidad na di ako tatagal.

Sana ayos lang sina Junho.

"Here I come!" the guy started to attack me!

Chloe... 

Remember the past... 

It will become your weapon...

I closed my eyes, remembering the pain and happiness... 

That training...

I opened my eyes at unti-unti kong nababasa ang galaw ng lalaki kaya nakakailag ako. This is it, di ko sasayangin ang itinuro ni papa noong mga bata pa kami ni kuya.

"Wha-" di natuloy ng lalaki ang sasabihin nang bigla kong hinawakan ang blade ng samurai.

Ramdam ko ang paghinga ng malalim ng mga manunuod sa amin at wala na rin akong panahon na alamin kung makikita ako nina Junho. This time, gusto ko lang na makalabas ng buhay kasama sina Junho, Maze at iba pa.

Nakaramdam ako ng kirot sa kanang kamay kong nagdurugo pero baliwa sa'kin 'to kumpara sa sakit na makitang nasa panganib ang buhay ng mga mahal ko sa buhay.

"I won't let you kill me! Marami pa akong gagawin at isa na doon ang makapaghiganti sa pagkamatay ng mga magulang ko, naiintindihan mo ba?" galit kong wika kay Daimon at medyo nagulat ito subalit napalitan kaagad ito ng ngisi.

Di nagtagal ay bigla na lamang akong may naramdamang sakit sa likod. Crap! May nagtapon ng patalim sa likod ko! Why I didn't noticed this earlier?!

I didn't hesitate to pull the thing behind my back. I looked at the weapon that was stained by my own blood. It's a shuriken!

Napahalakhak naman si Daimon, "You foolish girl! Ang tinatapakan mo ngayon ay teretoryo ko kaya wala kang karapatang magtapang-tapangan!"

"Talaga? Ba't di mo nailagan 'to?" I said with a smirk.

"Paano?" he said while looking at his bleeding abdomen. Naitarak ko lang naman sa kanyang sikmura ang maliit na patalim na nakasaksak kanina sa braso ni Maze. Thanks to Maze because he asked me to pull the thing earlier.

"Hey. Use that knife to protect yourself Chloe." natatandaan ko pa ang huling habilin sa akin ni Maze bago kami maghiwalay.

Ibinalik ko lang ang patalim kung saan dapat ito nababagay.

"Shit! I'm bleeding!" binawi niya bigla ang samurai mula sa pagkakahawak ko. Galit na galit niya akong tinitigan at tatangkain niya na naman akong sasaksakin. Di ko na kayang makagalaw pa dahil sa natamo kong sugat kaya wala na akong takas.

Napapikit ako at hihintayin na lamang ang patalim na tumarak sa katawan ko ngunit naging mabuti parin sa akin ang kapalaran. Someone blocked the way between me and Daimon.

"Flame! get out of my way!" someone blocked the attack of Daimon. Napadilat ako at napaluhod bigla dahil medyo nahihilo na ako. I just looked at the broad back of the mysterious man in front of me.

Buti na lang at may lalaking tumulong sa akin.

Flame, nice name.

"30 minutes is already done Daimon." He said in a calm tone. His superiority aura reminds me of someone.

Ba't parang pamilyar ang boses niya? sino ba siya?

"I must kill that bitch! she---"

"SHUT UP OR I'LL KILL YOU!" he shouted furiously. Natahimik ang buong arena. Parang takot na takot sila sa lalaking sumigaw.

After that, di na nagpumilit 'yong lalaki at tumalikod ito ng duguan. But he still glared at me one last time with  gritted teeth.

I gasped when my savior suddenly face me.

Napalaki ang mga mata ko sa gulat.

I could not react but stare at the man looking at me right now.

Flame..

Flame is....

Brown Eyes.

Siguiente capítulo