webnovel

Chapter 6-(Work of the exorcists at si Sethorne Vancove)

(Work of the exorcists at si Sethorne Vancove)

Chapter 6

"Hey is everything ready now?" Narinig niyang boses ni Ashton kaya alam niyang lumampas na sila sa may likod ng banyo dahil naririnig na niya ang mga boses nila.

Nagtataka siya, ano kaya ang gagawin ng mga ito at nandoon sila?

Ilang minuto pa ay lumabas siya sa banyo habang pinapatuyo yung basa niyang buhok gamit ang kanyang tuwalya. Narinig niyang may nag-uusap sa may likod ng bahay kaya napatungo siya roon. Nakita niyang nakaluhod si Leonore sa sahig na may cover na puting tela sa harap nito ay may isang plato ng prutas at sa magkabila ng plato ay may kandilang may sindi. Nakapikit si Leonore habang may winawagayway itong stick na sa dulo ay may bell at mga telang punit-punit yun bang parang ginagamit sa palengke ng mga nagtitinda upang paalisin ang mga langaw na umaapak sa kanilang paninda.

Nakita naman niyang nakatayo sa may kalapitan sa may likuran nito ang mga kasama nito kasama si Ashton at nakasubaybay lang sila rito.

"Good morning anong nangyayari dito?" turan niyang lumapit sa mga ito, napatingin sila sa kanya maliban kay Leonore na totok parin sa ginagawa.

"M-Miss R-Ran." Gulat na turan nina John at Stevenson.

"Good morning to Miss Ran." Nakangiti namang turan ni Ashton na nakatingin sa kanya.

"Oh please skip the formalities. Anong ginagawa ninyo rito sa likod ng bahay?" nagtatakang tanong niya.

Napatingin sila sa kanya at saka sila nagkatinginan. Lumapit si Ashton sa kanya.

"Good morning Miss Sylvester, looking pretty early in the morning." He smiled at her.

"Wag mo ng bilugin ang ulo ko, I'm aware of my features." Nakaismid niyang turan at napangiti ang mga kasama nito.

"I'm just telling you to truth, you're looking good this morning. Why are you here?" Ashton said as he looks at her. Ewan ba ni Ash kung bakit gustong-gusto niyang inaasar si ran. He got this feeling that Ran is a part of his forgotten past… kung ano iyon ay ewan niya. Gusto niya ring malaman.

"Well! I'm here for our practice teaching. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ako nandito?" she said habang nakakunot noo making him look at her in piss. Nakakabanas kasi ang sagot nito.

Napatawa yung mga kasama nito na dali-dali nilang pinigil dahil sa napatingin sa kanila si Ashton. Ran saw how his face got serious and he looks at her with his serious stare. It is as if saying that he don't have time for jokes.

"A-alright so-sorry, I just heard you guys talking here from the bathroom so I came to see what is happening." She said as she look away from his cold stares that suddenly creep her out.

"Uhmnnn we are just conducting an exorcism in this place para layuan na kayo ng mga kaluluwa dito." Turan ni John na nakangiti sa kanya at bahagyang hinawakan sa balikat ang kapatid na seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya.

"K-kaluluwa? B-bakit m-may mga mu-multo ba talaga dito? Nakita n'yo ba?" takang tanong niya sa mga ito.

"No dear we didn't see one.....unlike you...but we can sense them all around this place. Don't worry we will deal with them." Saad ni Robert na lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kanyang balikat.

Magsasalita na sana siya nang maramdaman niyang may hangin na humihila sa kanya patungo sa may maliit na garden sa may likod ng bahay na natatamnan ng mga gulay. They all look at her as she walk past them and walk straight to the small garden.

"Uhmmmmnnn Miss Ran?" turan ni Lilbenia na nakasunod ang tingin sa kanya ngunit parang wala siyang narinig at tuloy-tuloy siyang naglakad.

"Shsssss wait." Sinyas sa kanila ni Ashton habang nakatingin sa kanya at saka sila sumunod sa kanya.

Nasa may gitna na siya ng maliit na garden at nang tumigil siya doon sa gitna ay unti-unting nag-iba na ang kanyang paligid. Wala na siyang naririnig sa mga nagsasalita ngunit bago tuluyang mapalitan ang kanyang kapaligiran ay nakita niyang tumayo si Leonore at seryosong naglakad patungo sa kanya. Naglaho sila sa kanyang paningin at naiba ang kanyang kinatatayuan. Napatakip siya sa kanyang mga mata nang biglang nagliwanag ang lahat.

Unti-unting minulat ni Ran ang kanyang mga mata at nakita niya ang kanyang sarili na nakatayo sa isang malawak na paselyo ng isang bahay malawak na bahay. Gawa iyon sa marmol at may malawak na bintana sa kanyang kaliwang gilid. Napatingin siya sa kanyang paligid at nakita niya ang isang may kalakihang pintuan na kulay itim at may hawakan na kulay ginto.

Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan at dahan-dahan niyang ibinukas iyon at sumilip. Nakita niyang nakabukas ang ilaw ng may kalakihang chandelier sa kisame at sa nakikita niya ay nasa isa siyang library. Pumasok siya at saka niya sinara yung pinto. Naglakad siya at nakita niyang may mga librong naka hilira sa isang mesa na may kalawakan sa gitna ng library.

"Nasasan na kaya ako? Why am I in this library and where is here?" tanong niya saka siya lumapit sa mesa at tumingon sa mga librong nakahilagta sa lamesa.

"Mr. Ashton, John, Lilbenia, Maha, guys nasaan kayo?" sigaw niya ngunit walang sumasagot kundi ang mesmong boses niyang nag echo sa library na iyon.

Binuklat niya ang isang libro doon na may nakasulat sa cover nitong "The Art of Summoning by Lord Zartan" at sa pahinang nabuksan niya ay nakita niya ang isang salitang nakapagkunot sa kanyang noo "How to Exchange Death to a Life" at may litrato itong isang lalaking may kalong na patay na babae at nakatingala sa langit. Sa kabilang pahina nito ay may salitang hindi niya maintindihan ngunit nababasa naman niya. Ibinaba niya yung libro at nang iikot niya ang kanyang paningin ay may nakita siyang isang entrance na walang pintuan at meron iyong hagdanan.

Out of curiosity she slowly descended down the stairs. The passage was so narrow but every step she take a light will start to burn from candles placed on each side of the walls. When she finally arrive to the end she found herself in a wide room with a creepy chandelier na may design na mga bungo. Iginala niya ang kanyang paningin at nakita niya ang isang altar na puno ng kandila na nakasindi at may isang bote doon na may laman na red liquid which she know that it's blood kasi may patay na manok doon at tumutulo pa yung dugo sa leeg nito. Sa takot ay napa atras siya.

"What the heck! Where am I?" she said as her throat seems too dried up.

"Come to me. Come." She heard a voice so she looks at her right to see a stand like a musical stand, dahan-dahn siyang naglakad doon.

She stopped just in front of it to see what is placed on it and it is an old big book with a thick dark brown color with a creepy designs. She looks at the book's cover and read the title.

"The Art of Dark Magic by the Dark Lord. Huh? Ano naman kaya ito?" she said as she looks at the creepy looking book.

"Open it! Open it!" A voice said at para naman siyang nagayuma na hinahawakan yung libro. Paghawak palang niya sa libro at naramdaman niyang parang may biglang pumasok sa kanyang katawan at naramdaman niyang parang nangangapoy ang kanyang buong katawan.

"AHHHHHHHHH ANG INIT. A-Anong nangyayari, what the heck is happening to me? I-I FEEL SO HOT." Nasigaw niya at nabitiwan niya yung libro. Nakita nalang niyang parang may isip yung mga pahina ng libro dahin nagsibukas sila at bawat pahina na mabuksan ay may lumalabas na itim na usok at pumapasok sa kanya at nararamdaman nalang niyang umiinit ang kanyang katawan at ang kanyang mga mata ay parang sasabog na dahil sa biglang nanliwanag na lang ang mga ito. She lost her consciousness after that.

Nagising siya dahil sa may narinig siyang boses.

"Anak wake up please. Gising anak." Unti-unti niyang binukas ang kanyang mga mata at nakita niya ang mukha ng kanyang nag-aalalang ina. Napangiti siya, naka puting bistida ito at ang mahaba at kulot nitong itim na buhok ay nakalugay at tinatakpan ang mukha nito. Maputi ang kanyang ina at mukhang bata pa talaga, kung ipagtatabi sila ay aakalain mong nakababatang kapatid niya ito. Maganda ngunit hindi naman naging issue sa kanila ang kanyang itsura, her mother love her so.

"Mama." Tanging na utal niya dahil nakakaramdam siya ng panghihina.

"Anak you shouldn't be here, please wake up now. WAKE UP NOW." Narinig niyang sigaw nito.

"Miss Ran, wake up now." Nanumbalik siya sa kanyang sarili nang marinig niya yung pagyogyog sa kanya ng isang malapad na mga kamay.

Minulat niya ang kanyang mga mata at nakita niya si John na nasa harap niya at hawak siya sa kanyang mga balikat, he even look so worried.

"Uhhhh what's going on?" She asked in confusion.

"A-Ash look at her eyes." Narinig niyang turan ni Lilbenia.

"It started. The power within her is already awaken. I wonder why.......and how?" Stevenson said as he looks at her seriously.

"Now that she's far from her mother's protection, I doubt it." Ashton said as he motioned Stevenson to approach her.

Kumukurap siyang napatingin sa kanila at puno ng pagtataka ang kanyang mukha.

"A-anong nangyari ba't ako napunta rito?" nagtatakang tanong niya.

"Ahmnnnn you move on your own, but you're fine. Halika at baka maapakan mo pa yang mga tanim dito. It will be just a waste then" Anyaya sa kanya ni John na hawak siya sa kanyang isang kamay at inalalayan siya paalis sa garden na iyon.

Nakita niyang lumalapit sa kanya si Stevenson at huminto ito sa kanyang harapan. Habang may hawak na isang kwentas na may pendant na rectangle na parang glass at kulay green. Nakita niyang may nakasulat na mga salitang hindi niya maintindihan dahil sa iba iyong language.

"Miss Miran I would like you to wear this at all time. This will protect you from being touched by ghost...unless of course if you will let them touch you. Please don't take it off unless you take a bath but please always keep it near you." Turan nito saka nilagay sa kanya yung kwentas kahit hindi pa niya tinatangap iyon.

"Geee thanks." She said with a small smirk na tinago niya.

"Here's your towel, nahulog mo kanina." Binigay naman sa kanya ni Robert yong towel niya na hindi manlang niya maalala kung paano niya nahulog.

"Can you tell us what you can remember that happened to you a while ago? What did you see?" Ashton said as Leonore stood beside him with the stick with a bell she was holding before.

"RAN WHERE ARE YOU?" they heard Maha shouted.

Napatingin siya sa kanila saka siya napabuntong hininga.

"I-I'm sorry I got to go. See yah." She smiled as she wave at them. Nakalayo na siya sa kanila nang tumigil muna siya at pinikit ang kanyang matang nananakit kanina pa. What she have seen a while ago seem so real. Her body still feel the heat and she tremble with it.

Huminga siya ng malalim saka siya nakangiting pumasok sa bahay, nakita niya si Maha na humarap sa kanya na nakamewang at nakataas noo habang nakatingin sa kanya.

"So what's your problem?" she said to her as she faced her na nakataas noo at nakamewang din, ginaya niya ito.

"Kanina pa kita tinatawag na bruha ka. Bat di ka sumasagot huh?" turan nitong naka tingin sa kanya na nakamewang pa.

"Sorry naman bruha ka. May kausap ako eh." Turan niyang ginaya ang tuno nito.

Nakita niyang nakatingin lang at nanonood ang lahat ng nasa bahay. Kasama na doon yung lalaking ngayo'y katabi ni Ramhil at walang expression na nanonood din sa kanila. Napansin niyang ang gwapo pala nito lalo na at nakasemi-formal ito, bumagay yung may kahabaang buhok nito sa kanyang may kaitimang mata at namumulang labi. He look so hot and wow...abs.

"Hey! Look at me when I'm talking to you." Saad ni Maha na nakabalik ng kanyang tingin rito.

"Yah so what's up? I can HEAR your voice so clear so volume down please. At Maha the whole village can hear you so lower please." She said as she raises an eyebrow to her.

"Whatever....alright you win. You always do. Come on we really need to eat at ipapasyal pa tayo sa lugar. Mahiya ka naman sa ating mga tour guide." Ismid nito sa kanya.

"Ayos lang basta nag eenjoy kayo dito." Turan ni Kuya Fred na lumabas sa kusina na nakangiti sa kanila.

"Nag eenjoy naman po kami. Salamat po sa lahat." Turan ni Sofan na nakangiti rito

"Ay oo nga po pala kailan po namin makakausap si Principal? Para po alam namin kung kailan kami magsisimulang magtuturo." Ani ni Mark na kanina lang ay nakatingin sa kanyang cellphone at nagtetext.

"Ay oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Tutungo tayo doon sa paaralan bukas pagkatapos ng paglilibot natin ngayon para naman alam ninyo kung saan ang mga lugar na pwede n'yong puntahan kung kailangan ninyo. Ang amin lang ay sana huwag kayong lalabas tuwing gabi at dilikado. Baka kasi mapagtripan kayo lalo na eh bago kayo dito." Saad naman ni kuya Fred sa kanila.

"M-aarami kasing mga taga ibang bayan na gumagala dito at nagkakalat ng gulo." Nauutal na saad ni Aling Magda na mukhang kinakabahan ng walang dahilan, napakunot noo tuloy sina Maha at Bri.

"O-Opo sige po." Tugon nilang lahat.

"O sige tara na at kakain muna tayo para makaalis tayo. Ah oo nga pala Miss Miran hindi mo pa pala nakikilala si Sethorne. Seth lapit ka muna." Turan nito sa lalaking naka semi-formal at nakatingin sa kanya. Lumapit ito sa kanila at huminto sa mesmong harapan niya.

"Magpakilala ka iho." Turan ni kuya Fred na tinapik ito sa kanyang likod.

"Ahmnnn my name is Sethorne Vancove Alonzo, owner of the Alonzo vineyard that is located in the center of the forest right down the south. Sorry kung ganito ang damit ko kasi kagagaling ko lang sa Manila para sa isang meeting." Turan nito na direktang nakatingin sa kanya.

"My name is Miran Crale Sylvester just call me Ran, isa ako sa magiging temporary English teacher dito. Ahhhmnnn excuse me muna at pupunta muna ako sa kwarto." Paalam niya dahil nawewendang siya sa tingin nito.

"Sure, we have much time to know each other anyways." Ngumiti ito ng nakakaluko na nakangilabot sa kanya.

Habang tumataas siya sa hagdan ay iniisip niya kung bakit nangingilabutan siya kay Sethorne Vancove e wala naman itong ginagawa sa kanya. She shook her head as she closed the door of her room and headed towards the cabinet that is made out of bamboos. Nakakalat pa sa sahig ang kanyang mga bag na hindi niya na ayos kagabi dahil sa kanyang pagod. Kumuha siya ng isang hanger na walang laman at inisabit niya yung nagamit niyang twalya sa may hook sa tabi nung cabinet. Hinalungkat niya yung bag niya at kumuha siya ng jacket at medyas saka siya nagsapatos at sinuot yung jaket niya.

Bumababa siya sa may hagdanan nang makita niyang nakasandag sa may dingding sa end ng hagdan si Sethorne at napulupot ang kanyang mga braso so kanyang dibdib. Nang nasa may huling hagdan na siya ay nakita niyang humarap ito sa kanya.

"Ran right? So who are you...really?" turan nito at tiningnan siya mula ulo hangang paa. Napakunot noo siya at napatingin siya dito.

"Do you know that it is RUDE to stare? Well! ...I already told you who am I, didn't I." She said with a smile.

"Hmnnnnn interesting and...Mysterious...we better join everyone para naman makapaglibot na tayo." Napabuntong hininga na turan nito saka ito tumalikod at iniwan siyang nakakunot noo parin.

"What's HIS problem?" na utal niya saka siya sumunod dito at nakiumpukan sa mga kumukuha ng pagkain na hinanda nina Conor.

Siguiente capítulo