Biglang tinakpan ng dalawang kamay ni Jeanlie ang walang preno na bibig ng kaibigang si Nathalie. Para hindi na ito makapagsalita pa at baka magkakagulo na naman sila ni Margarette. Pero huli na ng takpan niya ito ,kasi nakalakad na palapit sa kanila si Margarette. "Excuse me? ako ba ang ibig mong sabihin? dinaya lang ninyo ang mga judges kung kaya nakapasok yang kaibigan mo! "pariin na tugon ni Margarette kay Nathalie. "Oh bakit, may ibang tao pa ba na pumunit sa damit ng kaibigan ko? OO ikaw yun!! Oh ano, saan umabot ang pagkabruha mo, dba dito lang sa backstage? Ni isang award wala ka man lang natanggap. Saan na yung sinasabi mo na Ms. Tarlac at saang lupalop ka pa nanalo? "Lakas na tawang saad ni Nathalie habang iniinis si Margarette. Akma na sanang sasampalin ni Margarette si Nathalie ng biglang pinigilan ng malakas ang kanyang kamay ni Jeanlie ."Mapapalampas ko pa na ako ang palagi mong inaaway, pero huwag na huwag mong ulit saktan ang kaibigan ko! Kung hindi ka titigil sa kagaganhan mo, may paglalagyan ka sa akin!! baka yang pagmumukha mo ang punutin ko! "Pariin na sabi ni Jeanlie kay Margarette habang binagsak niya ng malakas ang kamay nito,at tinulak sa subrang lakas ay halos matumba na si Margarette. Kaya tumakbo nalang ito palayo sa kanila. Namangha si Nathalie sa inasta ng kaibigan, di pa kasi niya nakita na ganun katapang at galit ang kaibigan. "Wow besh may tinatago ka palang katapangan ha. Buti nga sa bruhang yun!"."Ayokong may masasaktan na mahal ko sa buhay, kaya kung kaya kung ilaban, ipaglaban ko. "sabi nalang ni Jeanlie sa kaibigan at nagyakapan na silang dalawa. Pinagpatuloy narin ni Pula ang pag aayos sa kanya habang namangha sa nakita. At nagtatawanan naman ang mga kapwa candidata sa pag alis ni Margarette, marami din kasing kasamahan nila na ayaw kay Margarette dahil sa walang modo na pag uugali nito.
****
Tinawag na ang top five para sa question and answer portion. Hindi mawawaglit ni Jeanlie na habang nilagyan sila ng earphone na may malakas na music para hindi nila marinig ang question ng naunang canditata, inataki na naman siya ng kaba, pero sa puntong iyon ay iniisip nalang niya ang kanyang pamilya na nasa harapan ng stage na subrang proud sa kanya. Nung kinuha na yung earphone niya, agad siyang kumawala ng malakas na paghinga para makunan ang kanyang kabang nadarama. May binigay na pot ang emcee para siya ay bumunot kung sino sa mga judges ang magtatanung sa kanya. Agad naman niyang binigay sa emcee ang nabunot at agad namang binasa ito. Nang banggitin ang pangalan ng judges na magtatanung sa kanya ay agad na lumakas ang kaba sa dibdib niya. Lalo na ng magsalita ito. "Hi number 7,how are you tonight? "sabay ngiti na may halong pang aakit ang ginawad ni Jethro..Siya ang nabunot ni Jeanlie na magtanung sa kanya. "Good evening sir, I'm good but a little bit nervous. "Pangiting sagot din ni Jeanlie kahit subrang kaba na siya. Pero pilit niyang e focus ang sarili niya para masagot niya ng mabuti ang tanung na ibibigay nito sa kanya, para naman hindi nakakahiya nito. "Okey just relax and take a big breath.Your question is Why you join this pageant? "pangiting tanung nito. "First of all, I would like to say good evening to all, especially to my family who are so supportive. Anyways going back to the question, I joined this pageant to have a sense of achievements and fulfilment. Likewise, the excitement that I may experience and memories I make here are beyond measure in worth for widening my social horizon and understanding of people. My primary reason for joining this pageant is to develop and boost my self-esteem. Likewise, it is great privilege and honour to become one of the candidate of this pageant.That would be all, and I, thank you. "pangiting sagot ni Jeanlie, na sa wakas ay nakasagot din siya ng maayos na hindi pautal-utal. Lalo na ng tumayo si Jethro habang pinapalakpakan siya. At gayun din ang mga tao at mga magulang niya na naghihiyawan matapos ang kanyang sagot.
Kinakabahn na si Jeanlie ng mag announce na ng top 3,At laking saya niya ng matawag ang pangalan niya bilang pangalawa sa nakapasok sa top 3.Subrang saya din nila Nathalie ng marinig ang pangalan niya.
At patuloy na silang pumunta sa harapan para sa isa pang katanungan.Kinakabahan na masyado si Jeanlie at ramdam na niya ang tensyon sa bawat isa sa kanilang candidata.
Nang tinawag na siya para siya na naman ang tanungin ay ramdam niya ang pangangatog ng kanyang buong katawan dahil sa subrang tensyon na naramdaman niya., napansin siya ng emcee at agad siya nitong tinanung kung ok lang ba siya, at agad naman siyang tumango bilang tugon na okey lang siya, hinawakan nalang ng emcee ang kanyang kamay para mapawi ng kaunti ang kanya nadaramang kaba. Doon lang kasi niya napansin na subrang dami pala ng tao at puno ang buong gymnasium. Sa huling pagkakataon ay bumunot na naman siyang pangalan ng judges na magtatanung sa kanya. Inabot niya ito sa emcee at agad naman itong binasa at tinawag ang judges na magtatanung sa kanya. Agad namang dumeretso sa tanung ang judges. "If you had to live your life all over again, what part of your life would you change? "Gumawa ng malaking hininga si Jeanlie at agad na sumagot. "None! I would not change any single scene of my life. I am me because of what I have been through.Changing any part of my life automatically changes what defines me as a person. And I do not want that to happen. And I, thank you!. napabow nalang si Jeanlie bilang pagpahiwatig na senseridad ang kanyang sagot sa tanung na yun. Narinig niya ang hiyaw ni Nathalie at ng Kuya Chard niya. At buong gymnasium ay naghihiyawan at pumalakpak. Nakita din niya si Jethro na malakas ang palakpak nito habang nakangiti na tumitingin sa kanya. Nginitian nalang din niya ito bilang pasalamat