webnovel

Chapter 4: Screening

Maagang nabulabog ang mahimbing niyang tulog sa boses ng kanyang kaibigan.

"Rise and Shine besh"sabay hablot ni Nathalie sa kanya. "Bilis na maligo kana anong oras na, 9 sharp, kailangan nasa venue na tayo kasi 10 am magsisimula ang screening,para makapagretouch pa tayo don"

"Jusmiyo naman Nathalie seven palang,sarap ng tulog ko binulabog mo" tugon ni Jeanlie habang naalimpungatan at hawak ang alarm clock niya.

"Huwag na masayadong daming satsat besh maligo kana at dinalhan kita ng susuotin mo sa screening" sabay lapag sa dala niyang damit sa kama ni Jeanlie."Bilisan mo at gutom na ako dapat kakain muna tayo bago tayo aalis nagdala ako ng frozen foods galing sa ref namin, niluto na ni Auntie" Napanguso papuntang labas si Nathalie "Mmmmm subrang bango ng niluto ni Auntie, bilis na kasi, sa kusina na ako mag antay ah".Tumakbong paalis na ng kwarto si Nathalie. Excited ng matikman ang luto ni Aling Nina.

Walang ibang nagawa si Jeanlie kundi tinungo ang banyo at naligo.

****

Habang sarap na sarap si Nathalie sa kanyang kain, napahinto ito at tumayo na manghang mangha sa papalapit na Jeanlie.

Nakalugay ang straight and silky hair ng kaibigan,litaw ang kagandahan kahit pulbo at lip gloss lang ang ginamit sa mukha, at hapit na hapit sa katawan niya ang binigay niyang damit na longsleeve na skintone na damit na below the knee ang haba, simple lang tingnan sa harap pero pagtalikod backless at litaw na litaw ang malaki at hugis puso na balakang at pwetan ng kaibigan.

"Beshhhhhhhhh ikaw na talaga ang mananalo, ang ganda at sexy mo" gigil na sabi ni Nathalie habang pinapaikotan ang kaibigan.

"Grabeh naman to, pero salamat besh ha at subra ang suporta mo sa akin" paupong sabi ni Jeanlie. "Sige kain kana besh pero konti lang kainin mo ah para hindi halata ang tiyan mo, kumain na ako, dina kita inantay, naglalaway na kasi ako sa luto ni Auntie" pangisi niyang sabi.

Habang kumakain na sila bigla na lamang nalungkot at napayuko si Jeanlie "Besh kakayanin ko tong screening nato para kina Papa at Mama, nanghingi na naman kasi ng pera si Kuya at alam ko na wala silang pagkukunan ngayon dahil bago lang sila naka advance sa pinagtatrabahuan ni Papa" mangiyak ngiyak na tugon niya sa kaibigan.

"Besh kaya mo to at kakayanin mo. isipin mo nalang na para sa pag-aaral at magulang mo to, ok? " giit ni Nathalie habang hinawakan ang mukha ng kaibigan.

"Ma, aalis na kami" paalam ni Jeanlie sa ina habang pinuntahan sa likod bahay nila na naglalaba.

"Anak ang sexy at ganda mo naman, goodluck anak ha. " sabay halik sa anak.

"Salamat ma, syempre saan ba naman ako magmamana kundi sa ina kung sexy" sabay yakap sa ina.

Napatawa nalang ang kanyang ina habang pinapanood sila na paalis na ng bahay.

*****

Pagkadating nila sa venue ay marami rami na rin ang nandon. Agad naman nilang tinungo ang may mga upuan para makapagrefresh at retouch. Habang nagtatawan na nag aayos ang magkaibigan may lumapit sa kanilang babae na hindi naman kagandahan,hanggang balikat lang siguro ni Jeanlie ang babae kung tatanggalin niya ang mahaba nitong suot na heels pero parang sanay na sanay na itong sumasali sa mga ganitong contest.

"Hi I'm Margarette Vilenueva" sabay lahad ang kanyang palad sa dalawa. Tinanggap naman ni Jeanlie "Hello I'm Jeanlie Cruz, and this is my bestfriend Nathalie" sabay turo sa kaibigan.

"Is this your first time to join this kind of contest?Kasi di basta-basta ang sumasali dito,may iba na nananalo na sa malalaking pageant,kagaya ko naging Ms. Tarlac at Ms. Tourism ako sa Manila. " paarting saad ni Margarette sa dalawa." Nahahambugan si Nathalie sa sinabi ng babae kung kaya siya na ang sumagot. "Well hindi pa naman sanay masyadong sumali sa mga beauty pageant na ganito kalaki ang kaibigan ko, pero malay natin ito ang unang pinakamalaking event na mapanalunan niya" nang iinis na sagot ni Nathalie. "So okey then" pangising tumalikod sa magkaibigan.

*****

Nagsimula na ang screening at panay hiyaw at palakpak si Nathalie nung si Jeanlie na ang lumabas. Ng tinanong na si Jeanlie isa sa mga organizer "Hello Ms. Cruz, Sino at ano pala ang nag-udyok sayo na sumali sa ganitong pageant? "

"Goodmorning po sa inyong lahat, sinungaling po ako kung sasabihin ko na hindi ang premyo ang pinunta ko dito,ang nag udyok sa akin na sumali sa ganitong pageant kundi ang ambisyon ko na makapag college, sa pamamagitan ng pageant nato may pagkakataon akong makuha ang prize na kinakailangan ko sa pagkacollege ko at dagdag tulong sa pamilya ko, at the same time ma eenhance ko ang talento na meron ako sa pamamagitan nito."

Pumapalakpak ang organizer na sabay tango kay Jeanlie "Very well said Ms. Cruz".

****

Laking tuwa at galak ni Jeanlie ng tinawag ang pangalan niya bilang isa sa napili na sasali sa pageant.

"Nagmamadaling patakbo papalit si Nathalie sa kaibigan at agad na yumakap "Sabi ko na eh na makakapasok ka, so happy for you besh".nakangiting bati ni Nathalie.

Hindi na nakasagot si Jeanlie sa saad ng kaibigan ng may nag interupt sa kanilang boses ni Margarette "Paawa effect kasi ang sagot kaya pinili nalang" sabay pairap na lumabas.

Akma sanang susugurin ni Nathalie ang babae pero napigilan siya ni Jeanlie.

"Besh wag munang patulan" sabay pigil sa braso ng kaibigan.

"Akala mo naman kung sino di naman maganda, payat nga pero walang curve yung katawan" inis na na saad ni Nathalie.

"Ladies, mamayang hapon 2pm bumalik kayo para sa briefing at final announcement for the beauty pageant this kaming April 12," natigilan nalang sila na marinig ang organizer na nagsasalita.

"Halika na besh maglunch muna tayo we only have 1hour oh ,gutom na ako ang dami kasi ninyo kaya lampas alas dose na kayo natapos" sambit ni Nathalie na halatang gutom na gutom na.

"Besh pamasahi nalang ang pera ko,ikaw nalang ang kumain dito nalang ako may baon naman akong tubig,akala ko kasi makakauwi tayo nga lunch time sa bahay,di pa naman ako gutom" palungkot na tugon ni Jeanlie.

"Hay nako Jeanlie wag mo nga akong artihan diyan! Ako naman ang magbabayad, treat ko sayo to dahil nakapasok ka sa screening. "

Wala ng nagawa si Jeanlie kundi sumunod nalang sa kaibigan na halatang gutom na gutom na. .

****

Sa Jollibee nalang kumain ang magkaibigan para mabilis, habang si Nathalie ay nag order ng Big Meal, si Jeanlie naman ay hamburger lang ang inorder, Dinagdagan ni Nathalie ng chicken with rice ang order para sa kaibigan.

"Magrice ka, lunch naman ngayon, para may lakas ka, kung ano man ang ipapagawa nila sa inyo mamaya. " Pabulong na sambit ni Nathalie habang nasa counter sila ng fastfood.

"Besh ba't ba ang supportive mo sa akin?ang swerte ko nuh kasi nandyan ka lalo na sa mga ganito" saad niya sa kaibigan habang bitbit ang tray na may laman ng mga orders nila.

"Hay nako besh mula nung bata ,tayo na ang magkasama, kaya sino pa naman ang magtutulungan at magsusuportahan kundi tayo lang dalawa, diba? wag ka nang magdrama diyan, mamaya muna ako kausapin kasi gutom na ako" tugon ni Nathalie na akma ng kakainin ang hawak na chiken joy. Napangisi nalang si Jeanlie at kumain na din ito.

"Burrrrrrp, excuse me.,hay salamat busog na busog na ako, alam mo besh hindi pa talaga ako tapos sa Margarette na yun, sabihan mo ako ha kung iinisin ka parin niya, lalo na't may mga practice kayo na wala ako" Saad ni Nathalie habang hawak ang tiyan sa kabusugan.

"Hayaan mo na yun, baka kasi naiinis lang yun dahil mas una akong natawag kaysa sa kanya" sagot ni Jeanlie na kakatapos lang din kumain at nag aayos na sa sarili para umalis.

"Sinabi, hambog kasi, kesyo madami na daw siyang nasalihan na malalaking contest, kaya di niya matanggap na una ka pang natawag ,na ngayon palang nakasali sa ganitong kalaking event. "

Kibit balikat nalang ang tugon ni Jeanlie sa kaibigan.

****

"So ladies nandyan sa papel na hawak niyo ang schedule ng practice ,pictorial at iba pang activities na gaganapin bago ang big event. At sa mga estudyante na nakapasok sa screening wag kayong mag-alala tungkol sa mga klase niyo kasi gagawa kami ng letter of consideration para sa inyong skwelahan. Make it sure na on time kayo sa lahat ng mga activities kasi hindi namin bibigyan ng konsiderasyon ang mga late.Basahin at intindihin ang nakasaad sa hawak niyong papel. That's all and Goodluck. See you all tomorrow. " mahabang paalala ng organizer.

"Besh goodluck ha,kung wala akong klase sasamahan kita sa practice mo. " nakangiting sabi ni Nathalie habang papalapit sa kaibigan"

"Salamat besh ha, tayo na baka nag-aantay na sila Mama. I'm sure excited din yun kung anong result ngayon" pangiting sambit ni Jeanlie sa kaibigan habang magkahawak ang kamay na nilisan ang lugar.

****

"Ma, nandito na kami".pasigaw na boses ni Jeanlie na hinahanap ang ina sa kanila bahay.

Nilibot nila Jeanlie at Nathalie ang buong bahay pero di nila makita ang ina. Nang pinasok niya ang kwarto ng magulang nakita niya ang ina na nakaupo sa harap ng bintana na tila ba malalim ang iniisip.

"Ma! mayproblema ba? kanina pa akong tawag ng tawag di ka sumasagot"pagulat na sabi ni Jeanlie habang may pag alala sa kanyang mukha.

"Ay anak nandyan na pala kayo, kumusta ang lakad ninyo? Habang biglang napatayo si Aling Nina paharap sa anak.

"Ay naku tita di mo akalain na sa daming gustong sumali si Jeanlie ang panglimang tinawag na pasok sa screening. At 15 lang silang pinili out of 30 plus na contestant. "Masayang sagot ni Nathalie mula sa likuran ni Jeanlie.

"Wow anak proud na proud talaga ako sayo, alam ko naman na makakapasok ka" sabay hawak ang kamay ng anak, at sabay na silang naglalakad patungo sa sala.

Parang walang narinig si Jeanlie at inulit ang kanyang tanung sa ina. Kaya sinabi ng kanyang ina na kailangan na kailangan na daw ng kuya Chard niya ang five thousand na hinihingi nito bukas na bukas din, At walang wala sila ngayon kasi bago nga lang nakapag advance ang Papa niya sa pinagtrabahuan nito. Narinig ni Nathalie ang kanilang problema kaya nag offer ito na may ipapahiram siya na pera, at babayaran nalang kung kailan sila makaluwag luwag.Hindi na tumanggi si Jeanlie para naman maipsan ang lungkot at pag alala ng Mama niya. Agad niyakap ni Jeanlie ang kaibigan "Salamat talaga besh, hahayaan mo babayaran din kita"

"Ito naman para namang ano, nandito lang ako para sa inyo, Your my second family kaya. Auntie magwiwithdraw lang ako at idadaan ko mamaya para maipadala niyo na kay Kuya Chard." Niyakap na din ang kaibigan at ina nito.

Siguiente capítulo