webnovel

Chapter 1: Last Day of High School Before Vacation

Nagmamadali si Jeanlie at halos takbuhin na niya ang pintuan ng bahay nila dahil late na naman siyang nagising. Final exam nila ngayong araw at puyat siya magdamag dahil nag-aral siyang maigi para maipasa ang exam. Average student lamang siya at kailangan niyang galingan para makakuha ng schoolarship grant sa darating na pasukan ng college. Kahinaan niya ang Math kaya inabot siya halos ng madaling araw para paulit-ulit na aralin ang Algebra. Kundangan baga naman kasi bakit meron pang Math sa lahat ng subjects.

Pahablot na dinampot niya ang bag matapos pasadahan ng tingin ang mukha sa salamin na nasa maliit niyang kwarto.

"Jeanlie, anak, hindi ka ba kakain ng agahan?" tawag ng nanay niyang si Aling Nina na kasalukuyang nagwawalis sa harapan ng bahay nila.

Nasa tarangkahan na siya ng bahay nila at sumagot rito. "Hindi na po, Ma. Malalate po ako sa school. Finals namin today, lagot ako kay Ma'am Ariola kapag late ako,"

"Sana man lang sumubo ka kahit konti. Masama ang walang laman ang tiyan sa umaga," pahabol nito.

"Dalhan niyo na lang po ako ng pagkain sa school mamayang ten o'clock para makakain po ako," aniya sabay takbo na nang tuluyan at di na hinintay ang sagot ng nanay niya.

"Hay, talagang batang ito. Pasma ang aabutin," napapailing na lamang si Aling Nina at itinuloy ang pagwawalis.

***

Halos malagutan ng hininga si Jeanlie sa lakad-takbo na ginawa niya kanina papuntang school. Nasa halos bente minutos rin kung susumahin ang layo ng paaralan nila mula sa kanyang bahay ngunit nakuha lamang niya ito ng sampung minuto. Sa taglay niyang payat na pangangatawan at mahahabang binti, hindi nakakapagtakang kaya niyang takbuhin ang mas mabilis ang distansyang ng paaralan.

RING....RING...RING...

Sunud-sunod na bell na naririnig. Hudyat ng pagsisimula ng klase.

"Huff! Huff! Huff!" hingal niyang bungad sa may pintuan ng classroom nila.

Sabay na napalingon ang lahat sa kanya at si Ms. Ariola.

"Muntik kana namang ma-late Ms. Cruz," supladang tugon ng adviser nila.

"Sorry po Ma'am, tinanghali lang po ako ng gising," nakayukong tugon niya habang papalapit sa upuan.

"Jeanlie, akala ko di ka aabot. Naku, finals pa naman natin today," bulong ng best friend niyang si Nathalie.

"Naku besh, late ako nagising. Inabot ako ng madaling araw dahil nag-aral ako alam mo namang average student lang ako," bulong niya rito habang pinupunasan ng panyo ang pawis sa buong mukha niya.

"Tahimik! Get one and pass!" sita ni Ms. Ariola sa kanila habang ibinababa ang test questionnaire sa unang row. "If anybody caught cheating, consider yourself as failing. Clear?!" muling pabahol nito.

"Ang sungit talaga ng adviser natin," muling bulong ng bestfriend niya.

"Hush, marinig ka!" siya niya rito habang inumpisahan ng basahin ang test paper na nasa harapan niya.

"Bakit? Totoo naman sinabi ko ah, kaya nga tumandang dalaga iyan at walang nobyo sa sobrang sungit kahit di naman kagandahan," anito.

"Bakit may bulungan pa sa dulo? Jeanlie and Nathalie?" puna ni Ms. Ariola sa kanilang dalawa.

"Wala po Ma'am!" agad na sagot ni Jeanlie.

"Stop murmuring each other, focus on your exam!" mataas na boses nitong tugon.

Di na umimik ang magkaibigan at seryosong sinagutan ang exam papers.

After two hours, natapos din halos ang apat na subjects nila. Nang tumunog ang bell sabay-sabay na nagsipaglabasan mula sa classroom ang lahat ng estudyante sa SCIENCE HIGH SCHOOL. Magkasabay na lumabas si Jeanlie at Nathalie.

"Bestie, punta tayong canteen, nagugutom na ako!" sabay hila nito sa kamay niya.

"Naku bestie wala akong baon na pera ngayon, saka tiyak ko nasa waiting area na si Mama Nina at marahil nagdala na ng pagkain ko," tanggi niya.

"Ay ang taray! Inggit much, bait talaga ni Auntie Nina, lagi kang hinahatiran ng pagkain dito sa school," anito.

"Tipid kasi kami lagi, maliit lang kinikita ni Papa saka nag-college na rin kasi si Kuya Chard ko kaya walang extra pambaon lagi para sa akin. Mas priority nila ang Kuya ko," nakangiting tugon niya.

"Buti ka nga kahit di marangya ang buhay ninyo at least kasama mo ang mga magulang mo. Ako ito sagana nga pera at luho pero nasa Canada naman ang magulang ko dahil parehong OFW rin sila," reklamo nito.

"Naku, huwag kanang magreklamo kasi para rin naman sa kinabukasan mo iyon. At least, ikaw alam mong may sapat na pera ang magulang mo para makapag-aral ka ng college. Ako kailangan pang mag-ipon at maipasa ang exam natin para lang makapag-kolehiyo ako," tugon niya habang naglalakad sila.

"Ay, ayon na nanay mo oh, kumakaway sayo. Sige pupunta lang ako ng canteen tapos bibili ako ng take-out food para sabayan ka sa pagkain," anito at mabilis na tumakbo papuntang canteen.

Tumuloy na rin siya sa waiting area. Nandon na nga ang Mama niya at may dala itong pagkain. Sa sobrang gutom niya dinig na niya ang pagkalam ng sikmura bago na siya tuluyang nakalapit sa ina.

"Anak, halika na! Tanghali na, kumain kana," nangiting anyaya ni Aling Nina sa anak.

Sa edad na seventeen hindi aakalain na lahat na bata pa siya dahil sa sobrang tangkad at payat niya. Kahit laking probinsya, makinis at maganda ang mukha niya. She had a talent in singing and dancing that become her strength every time she join beauty contest.

Sumalampak siya ng upo sa lamesa at mabilis na binuksan ng nanay niya ang dala nitong lunch box. Pritong isda at ginisang gulay ang ulam niya. Paboritong pagkain niya ito. May isang pirasong hinog na saging at kalamansi juice pang kasama.

"Thank you, Ma! Bait talaga!" she smiled at her mother.

"Naku, binola mo na naman ang nanay mo," hinaplos ni Aling Nina ang makintab na buhok ng anak.

"Hindi ah, sadya namang mabait kayong dalawa ni Papa," kahit may lamang pagkain ang bibig sumagot pa rin siya rito.

"Siya tuloy mo na ang pagkain mo," anito habang umupo sa kabisera niya.

Ilang saglit lang dumating na si Nathalie, bitbit nito ang take-out food mula sa canteen.

"Hi, Auntie! Dinala ko na rin ang food ko rito para sabay na kaming kumain ni Jeanlie," nakangiting tugon nito at mabilis na nilapag ang pagkain sa lamesa sa tabi ni Jeanlie.

"Morning, hija! Sige na kumain na kayong dalawa dahil tanghali na ah,"

"Oo nga po eh, ang haba ng exam namin, palibhasa finals na. Nakakagutom pala ang exam," natatawang tugon nito.

"Kumain ka nalang kasi kesa dumaldal kapa dyan," sita ni Jeanlie kay Nathalie.

Siguiente capítulo