webnovel

The day before the wedding

"Hi Mom..."bungad ni Anna sa akin nang madatnan ko ito sa bahay. Agad itong tumayo at yumakap sa akin.

"Baby ko... huhu akala ko nagtanan na kayo ni Xander"sabi ko sabay ganti ng yakap sa kanya. Umalog ng konti ang balikat ni Anna senyales na tumatawa ito. Kumalas ako mula sa yakapan at tinitigan ang aking nag-iisang anak. Nakangiti itong tumingin sa akin at sinenyasan akong may kasama ito.

"Magandang tanghali po"bati ni Alexander na kanina pa pala nakatayo sa likod ko malapit sa kusina. Yumuko ito ng bahagya sa akin.

"Alexander hijo, halika nga at namiss din kita"nag gesture ako na lumapit siya sa akin na sinunod naman ito. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Masaya akong makita siya. Bigla akong nagkaanak ng lalaki ng dahil kay Alexander. Tinapik-tapik ko muna siya sa likod bago ako kumalas ng yakap sa kanya.

"Mabuti na lang at nakauwi kayo ng maayos. Akala ko di mo na iuuwi ang anak ko"pabiro kong sabi kay Xander. Napahawak na lang ito sa kanyang batok at tila nahihiyang nginitian si Anna. Tumango naman ang huli saka bumaling sa akin. Marahang pinisil ni Anna baby ang aking kamay bago nagsalita.

"Mom... actually, we're here to tell you something"seryoso niyang sabi.

"Nagmamadali ba kayo? baka pwedeng sa hapag na natin yan pag-usapan mga anak...ipagluluto ko kayo ng tanghalian"suhestiyon ko sa dalawa. Nakaramdam ako ng nerbyos nang mukhang may sasabihin si Anna na ikakagulat ko.

"Ah...si-sige po"sang-ayon naman ni Anna sa akin.

"We're getting married"sabay nilang sabi. Nagtatakang tiningnan ko silang dalawa. Nasa harap kami ngayon ng hapag-kainan at kasalukuyang kumakain nang mapunta ang usapan namin tungkol sa bagay na sasabihin nila sa akin.

"Mom?"tawag sa akin ni Anna. Nagpalipat-lipat ang aking tingin sa kanilang dalawa.

"Ahh mga anak, di ba tapos na nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na yan? Pumayag na ako, hindi ba?"sagot ko sa kanila. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko kung ano nang "shocking news" yung sasabihin nila sa akin. Eto lang pala. Wews.

"Bukas mismo yung kasal, Mom"dugtong ni Anna baby na ikinagulat ko. Nabitawan ko tuloy ang tinidor na hawak ko.

"Tama ba yung dinig ko mga anak? Hindi lang ba ako nabibingi? hahaha tumatanda na talaga ang mommy mo Anna baby"tumayo ako at kumuha ulit ng kubyertos. Naupo na ako ulit at nagsalin ng juice sa aking baso.

"Let me do that for you mom"presenta ni Anna sa sarili kaya hinayaan ko na lang siya ang gumawa. Mayamaya pa ay narinig kong tumikhim si Alexander.

"You heard that right ma'am, as much as I want to take things slowly with Cassandra...we think it's best if we tie the knot, the sooner the better"mahabang litanya ni Alexander. Natigil ako sa pag-angat ng aking kutsara at tiningnan ang dalawa na magkahawak kamay sa taas ng lamesa. Hindi sila nagbibiro.

"Mom? Ayaw niyo po ba?"tanong ni Anna sa akin. Ibinaba ko ang mga hawak ko at nanatiling tahimik habang nakatingin sa kanila.

"Mom?"tawag ulit sa akin ni Anna.

"I'm so happy!!! Dahil ba iyan sa magiging baby niyo kung kaya't mas napaaga?"puno ng excitement kong tanong sa kanila. Nagtinginan ang dalawa. Tumayo si Anna at lumapit sa akin.

"Mom...may sasabihin din po ako sa inyo"sandaling tumahimik si Anna at marahang inabot ang aking kamay.

"Meron pa?"gulat kong tanong kay Anna. Tumango ito ng sunod-sunod kaya napalunok na lang ako.

"Hindi po ako buntis"

"Huh?eh akala ko ba buntis ka?"nalilito kong tanong sa kanya. Nagpalipat-lipat ang aking tingin kina Anna at Alexander.

"I'm sorry mom hindi ko po agad nasabi sa inyo"bahagya niyang pinisil ang aking mga kamay. Napansin ko ang lungkot at guilt sa kanyang mga mata. Napabuntong hininga na lang ako. Hinaplos ko ang kanyang mukha at binigyan siya ng ngiti ng isang ina na nagpapaalala sa kanya na okay lang ang lahat.

"Naiintindihan ko Anna baby, akala ko lang talaga ay magkakaapo na ako...eh kung ganon naman pala bakit kayo magpapakasal agad?"hindi ko maitago sa tono ng aking pananalita ang pagkadismaya. Labis akong natuwa nang malaman kong magkakaapo na ako!!! I even bought a pair of cute socks na kulay blue at pink.

"Mom..."nakaramdam ng awa si Cassandra sa kanyang ina. Alam niyang matagal na nitong pinapangarap ang magkaroon ng sariling apo. Hindi niya lang masabi ang tunay na dahilan kung bakit sila magpapakasal ni Alexander. Baka mas mag-alala lang ito.

"Di bale, desisyon niyo na yan. Ang tangi ko na lang dapat gawin ay gabayan kayo but! there's a big but mga anak"sabay na nagkatinginan ang dalawa.

"Promise me bibigyan niyo ako ng kambal na apo"dugtong ko. Gulat na napatingin si Anna sa akin.

"Mom naman--"

Namumula ang magkabilang pisngi ni Cassandra dahil sa hiyang nararamdaman.

(End of Cassalea's POV)

(Cassandra's POV)

Hindi ako makatingin ng diretso kay Mama dahil alam ko puro kasinungalingan ang lahat ng ito. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang tungkol sa kasalang magaganap ay natahimik ito ng ilang sandali.

"Di bale, desisyon niyo na yan. Ang tangi ko na lang dapat gawin ay gabayan kayo but! there's a big but mga anak"sabay kaming nagkatinginan ni Alexander.

"Promise me bibigyan niyo ako ng kambal na apo"dugtong ni Mama na sobra kong ikinagulat. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng mainit na tubig dahil pinagpawisan ako bigla. Napatingin ako sa glass door at tama nga ako. Para akong sinampal dahil sa biglaang pamumula ng aking pisngi.

"Promise po"sagot ni Alexander. Pasimple kong kinurot ang kanyang tagiliran. Nakatayo na kasi ito sa aking likuran.

"So saan ang reception?"tanong ni Cassalea sa aming dalawa.

"Bale forest wedding po ang naisipan naming concept ng kasal namin"agad kong sagot.

"Hmmm...ganoon ba? May listahan na ba kayo ng mga iimbitahin niyo sa kasal?"

"Since biglaan po ito, napagpasyahan po naming kayo lang po ang iimbitahan sa side ng bride"ani Alexander.

"Paano ang kaibigan ni Anna na si Kris?Hindi niyo ba ipapaalam sa kanya na tommorow is her best friend's wedding? baka magtampo yun kay Anna?"

"Actually tinawagan ko na po Mom and on the way na po siya"nakangiting sagot ko. Nilingon ko si Alexander na napapailing na lang.

"Oo nga pala bakit hindi mo nasagot yung tawag ko?alalang-alala ako sa inyo?"tanong ni Mama sa akin.

"Nasira po kasi ang phone ko Mom, bumili na po ako ng bago"kinuha ko ang bagong bili kong cellphone at ipinakita kay Mama.

"Tadannnn...buti na lang at naisalba pa ang sim card ko"

Dumating si Kris na may dalang pagkain. Nadatnan niyang nasa sala ang mag-ina. Nagkwentuhan sila nang biglang nagpaalam si Cassalea dahil may kukunin lang ito sa taas ng kwarto.

"Where's your groom-to-be, bestie?"curious na tanong ni Kris kay Cassandra.

"Oo nga pala teka lumabas lang yun sandali babalik din daw agad"akmang tatayo na ako nang bigla akong hinila pabalik ni Kris.

"Wait lang bestie, siya ba yung sabi mong panget na nga masama pa ang ugali...yung nagpanggap na nakabuntis sayo?"Kris

Tumango ako bilang sagot. Nanlaki angga matang iginala ni Kris ang tingin sa paligid.

"Ipakilala mo ko sa ungas na yan"tila nanghahamong itinaas niya ang magkabilang manggas ng kanyang suot na kulay blue na t-shirt.

"Okay na Kris"ani Cassandra sa kaibigan. Nagtatakang binalingan siya ni Kris.

"What do you mean by "okay"? Don't tell you already gave up in life so napagdesisyunan mong hayaan na lang ang bantot na yun sa gusto niyang mangyari?"salubong ang mga kilay niyang tinitigan ako.

"I mean we're okay na"tipid kong sagot sa kanyang tanong. Bahagyang kumunot ang kanyang noo tila hindi ito makapaniwala sa narinig.

"Anyare sayo te? Ginayuma ka ba ng lalaking yon? eh noon kulang na lang malukot iyang mukha mo sa kakaproblema sa lalaking yan, did spark knocked on you?"

Sasagot na sana ako nang nakarinig kami ng doorbell. Sabay kaming nagkatinginan ni Kris.

"Parang ganon na nga basta long story Kris, Tara at ipakikilala kita sa kanya"tumayo ako at lumapit sa pinto para pagbuksan si Alexander.

"You're here... may ipapakilala nga pala ako sayo"bungad ko sa kararating lang na si Alexander. Linuwagan ko ang bukas ng pinto at hinayaang magkaharap ang dalawa. Lihim na napigil ni Kris ang paghinga.

"Alexander, si Kris ang bestie ko. Kris, si Alexander ang...future husband ko"nakangiting pagpapakilala ni Cassandra sa dalawa.

"Bestie...akala ko ba pangit?hindi mo naman sinabi na sobrang gwapo ng mapapangasawa mo?"pabulong na sabi ni Kris kay akin.

'Gwapo?talaga?'hindi makapaniwalang tanong ni Cassandra sa sarili. Hindi niya inaasahan ang reaksyon ng kaibigan. Lumapit si Alexander kay Cassandra at masuyong hinalikan ito sa kanyang noo. Gulat na napatingin si Cassandra kay Alexander sunod kay Kris. Tumikhim si Alexander at hinarap si Kris saka bahagyang yumuko.

"Magandang araw sayo Kris, ikaw pala ang kaibigan na laging kinukwento ng aking kasintahan"nakangiting sabi ni Alexander.

"I know"mahinang sabi ni Cassandra kay Kris.

"So old-fashioned and..."bulong ko kay Kris na agad niyang pinutol.

"So gentleman and H.O.T bestie"bulong sa kanya ni Kris na ikinatigil niya.

'Ang extra mo ngayon' sabi ko kay Alexander gamit ang aking isip.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig sila ng sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi makaalis si Alexander dahil kausap nito ngayon si Kris. Nag aala TWA sila dahil sa Q&A na ginagawa ni Kris sa lalaki. Si Cassandra naman ay naging abala na sa paghahanda ng mga pagkaing dala ni Kris. Kung kaya't si Cassalea na lang ang nagpresentang tingnan ang nasa labas. Tumambad sa kanyang harapan ang isang lalaki na may suot na kulay pulang jacket at may kulay abong mga mata. Biglang umihip ang hangin na agad tumama sa mukha ni Cassalea. Nakaramdam ng panlalamig si Cassalea.

"Magandang hapon sa inyo Binibini"bati ng lalaki kay Cassalea. Bahagyang nagulat si Cassalea sa paraan ng pagtawag ng lalaki sa kanya. Nginitian niya ito.

"Ako po si Frost, ang kanang kamay ni Master"pagpapakilala niya. Yumuko ito ng bahagya at wala sa sariling inabot ni Cassalea ang kamay sa lalaki upang mahagkan nito.

"Magandang hapon din sayo hijo, wag mo na akong tawaging Binibini hindi ata bagay sa akin na medyo may edad na"pabirong sabi ni Cassalea sa lalaki.

Tiningnan ni Frost ang babae at nakuha nito ang ibig sabihin niya. Naisip niya na may pagkakahawig ang Binibini sa babaeng kaharap niya. Siguro ay ito ang kanyang ina.

"Mukhang bisita ka ni Alexander, halika sa loob at baka ginawin ka diyan sa labas"niluwagan ni Cassalea ang pagkakabukas ng pinto at pinatuloy si Frost.

"Frost!!!"masayang nilapitan ni Cassandra ang kararating lang na si Frost.

"Dumating ka, si Alexander ba ang nagpapunta sayo dito?"iginiya niya papasok sa sala si Frost. Napalingon sa kanilang gawi si Alexander. Nakatago ang matutulis at mahahabang tenga ni Frost sa suot nitong hoodie na jacket kung kaya't taong-tao ang dating nito.

"Magandang hapon sa inyo Binibini"bati niya kay Cassandra.

"Magandang hapon, tara at sumabay ka na ring kumain sa amin"yaya ni Cassandra.

Ipinakilala ni Cassandra si Frost sa kanyang ina at kay Kris. Okay na sana ang disguise ni Frost kung hindi lang weird talaga tingnan na nasa hapag sila at kumakain tapos nakahoodie jacket ito. Napansin ito ni Cassalea.

"Hijo, hindi ka ba naiinitan sa suot mo?"tanong ni Cassalea sa kanya. Natuon ang lahat ng atensiyon kay Frost. Lihim na kinabahan si Cassandra baka malaman nila na hindi tao si Frost at mag panic ang mga ito.

"Ahhh hi-hindi naman po, bakit po?"nahihiyang yumuko si Frost at inayos ang suot na hoodie.

"Mukha ka kasing naiinitan na diyan sa suot mo, pinagpapawisan ka"ani Cassalea.

"Ganon po ba?"hinawakan ni Frost ang noo. Basa nga ito ng pawis. Bahagyang sinulyapan ni Frost si Alexander sunod si Cassandra. Humihingi ito ng back-up. Tumikhim na muna si Cassandra bago nagsalita.

"Marami po kasing kuto si Frost Mom kaya di po niya pwedeng alisin ang hood niya"pagpapalusot ni Cassandra. Medyo napangiwi si Kris sa sinabi ng kaibigan. Si Alexander ay natigil sa pagsubo at napatingin na lang kay Cassandra. Si Cassalea naman ay awang-awa na napatingin kay Frost.

"Talaga ba? Bakit hindi ka gumamit ng shampoo na pamatay ng kuto, hijo?"suhestiyon ng ginang. Napakamot sa ulo si Frost.

"Ah eh...sige po susubukan ko po"sa huli ay naisagot ni Frost.

"Ang ganda ng palusot mo wife"sarkastikong bulong ni Alexander kay Cassandra. Ngiti ang itinugon ni Cassandra kay Alexander.

Natapos na silang kumain. Nagpaalam na muna si Alexander sa kanila at iniwan si Frost para magbantay sa kanila. Agad na dumiretso si Alexander sa Hill of Elf-hame. Ito ang tawag sa kanilang lugar.

Pagkadating niya sa Hill of Elf-hame ay sinalubong siya ng magkasintahang Lucas at Kiss. Si Lucas ay isang werewolf na nakatira sa "Timog kagubatan" na malapit lang sa "Lawa ng dapit-hapon" kung saan naman nakatira si Kiss na isang water spirit. Matagal na rin mula ng huli niya itong nakita.

"Gabriel aking kaibigan, kumusta ka na?"bati niya sa kaibigan at sinalubong ito ng mahigpit na yakap.

"Mabuti naman, ikaw ang dapat kong tanungin...kumusta na kayo ng kasintahan mong si Kiss?"natutuwa siyang makita si Lucas. Halos kalahating taon na rin mula ng huli silang nagkita ng lalaki. Tumawa si Lucas ng malakas at hinawakan ang kamay ni Kiss. Nakasuot sila pareho ng bracelet.

"Magpapakasal na kami ni Kiss sa susunod na buwan kaya naman, ngayon pa lang iniimbitahan na kita"tinapik ni Lucas sa braso si Alexander.

"Magandang hapon sayo, Kiss"bati ni Alexander sa babae. Nginitian siya ni Kiss at ginantihan din siya ng "magandang hapon".

"Mukhang wala dito ang mapapangasawa mo Gabriel, totoo ba ang balitang isang tao ang binibining napili ng dakilang Gabriel?"tanong ni Lucas sa kanya.

"Tama ka, isa nga siyang tao...isang napakagandang nilalang"Alexander

"Hahaha...Kung ganoon ay hindi ko na dapat pang kuwestiyunin ang desisyon ng aking dakilang kaibigan, ako'y sabik na sabik na rin sa kasalang magaganap"

"Tara sa loob"yaya ni Alexander sa magkasintahan.

Nagtulong-tulong sila sa pag-aayos ng lugar na pagdadausan ng kasal. Magdamag nilang pinagpuyatan ang paghahanda sa kasal. Natapos sila ng mga alas tres na ng madaling araw. Kasalukuyang nagpapahinga si Alexander sa isang silya. Nakapikit ang kanyang mga mata at pagod na isinandal ang nangangalay na katawan. Nakita ni Lucas ang kaibigan sa ganoong kalagayan at nagpasyang lapitan ito at kausapin.

"Mahal mo talaga ang Binibini"huminga ng malalim si Lucas at naupo sa katabing silya. Nanatiling nakapikit si Alexander pero gising ang kanyang kamalayan.

"Kumusta na kayo ng iyong kapatid? Alam ba niya na ikakasal ka bukas?"tanong ni Lucas na nagpadilat kay Alexander.

"Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos?"

"Ayoko siyang pag-usapan hangga't maaari"

Napabuntong hininga na lang si Lucas dahil alam na niya ang sagot. Namimiss na rin niya ang samahan ng magkapatid na Gabriel at Constantine. Hindi niya masisisi si Gabriel kung labis na galit ang naramdaman niya para sa kapatid.

"Bukas na ang iyong kasal at gusto kong malaman mong masaya ako para sayo"Lucas

"Maraming salamat"sagot ni Alexander. Masaya siya pero hindi pa rin siya pwedeng makampante dahil anumang oras ay maaari silang atakihin ng grupo ni Constantine.

"Ngunit ako'y nababahala din kaibigan"dugtong ni Lucas.

"Maraming maghahangad na hindi matuloy ang inyong kasal"humarap ito sa kanya at tahimik na naghintay ng sagot.

"Alam ko Lucas...Kahit na anong mangyari, nasa panig pa rin ba kita?"tinitigan niya sa mata si Lucas. Nagliwanag ang kulay asul na mata ni Lucas.

"May isa akong salita kaibigan, hanggang kamatayan sa iyo ako papanig"

"Salamat sa iyong katapatan Lucas, bukas magaganap na ang eklipse...sigurado akong may pinaplano ang aking kapatid laban sa akin"

Ang eklipse ay tinuturing na banal sa kanilang paniniwala. Ang anumang kaganapan o kasunduan na naisagawa sa oras ng pagtatagpo ng buwan at araw ay itinuturing na sagrado at hindi maaring tibagin ninuman.

"Kasal mo na bukas, hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na?"pag-iiba ni Lucas sa usapan. Ayaw niyang sobrang mag-alala ang kaibigan dahil bukas ay espesyal na araw para rito.

"Tama ka, ikaw rin magpahinga ka na. Marami pa tayong gagawin bukas...Puntahan mo na rin ang iyong kasintahan tiyak na hinahanap ka na niya"

Nauna ng pumasok si Lucas at naiwan si Alexander. Makalipas ang ilang sandaling pag-iisip ay tumayo na siya at nakapamulsang tinitigan ang kabuuan ng lugar kung saan magaganap ang pag-iisang dibdib nila ni Cassandra. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Mahinang-mahina na ito...

"I need to check someone before I sleep"

Sa isang iglap lang ay nasa harapan na siya ng bahay ni Cassandra. Nakaoff na ang light sa kwarto ni Cassandra. Dumaan siya sa bintana at madali niya itong nabuksan. Nadatnan niya itong mahimbing na natutulog. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama ni Cassandra at tahimik na inayos ang buhok na nakatabing sa mukha ng babae.

"Goodnight sleeping beauty"aniya at dinampian niya ng maliit na halik ang noo ni Cassandra. Bago pa niya ito magising ay umalis na siya. Inilock niya muna ang bintana ng kwarto saka lumabas sa pintuan. Saktong nakasalubong niya si Frost galing sa ibaba.

"Master--"

"Saan ka galing?"tiningnan niya ang dala nitong isang baso ng gatas at plato na puno ng cookies.

"Sa kusina Master, ahh gusto niyo po ba?"

"Wag na, busog na ako...bantayan mo sila ng maiigi lalo na si Cassandra"bilin niya dito.

"Opo Master pero talaga bang ayaw mo nitong cookies? Ang binibini ang gumawa nito at ang sarap Master..."hindi pa natatapos ni Frost ang iba pang sasabihin ay inagaw na ni Alexander ang plato sa kanyang kamay.

"Sabi ko na eh" pabulong na sabi ni Frost.

"May sinabi ka?"lingon sa kanya ni Alexander. Nagtaas ng kamay si Frost.

"Wala po Master, masarap po diba?"

"Hmmm...sa tagal ko nang kasama siya ay hindi niya pa ako ipinagluto ng ganito"tila nadidismayang sabi ni Alexander. Sarap na sarap siya sa cookies na binake ni Cassandra. Pinagmasdan na lang siya ni Frost sa pagkain ng lahat ng cookies sa plato.

"Eh Master, baka naman kumukuha lang ng tiyempo"ani Frost. Ibinigay niya ang baso ng gatas kay Alexander ng matapos na ito sa pagkain ng cookies.

"Whatever, oh siya bumalik ka na sa itaas at akoy aalis na rin"tinapik niya sa balikat si Frost at biglang naglaho na parang bula.

Napakamot na lang si Frost nang makita ang naiwang plato at baso na parehong wala ng laman.

"Marami pa naman sa kusina"kibit balikat na bumalik siya sa kusina at kumuha ulit.

Siguiente capítulo