webnovel

Get-Together

Lunes sa mansion ng Ledesma.

Alas onse ng tanghali ay nakahain na sa pahabang mesa ang sari-saring putahe. Mayroong lechong baboy na nakapatong sa dahon ng niyog, mayroong pansit na nakalagay sa bilao kung saan ang ibabaw nito ay nasasahugan ng malutong-lutong at mainit-init pang pinaghalong laman at taba ng karne ng baboy, may gulay at chicharon din iyon. Mayroon ding lumpiang shanghai na nakalatag sa malapad na plato at pinusisyon nang paikot at sa gitna ng plato ay nakalagay ang sawsawan niyon. May letsong kawali na mayroong suka at matamis na sawsawan. May barbeque katulad ng isaw, atay, chicken barbeque na hiniwa sa malilit na piraso at hotdog.

Nakalagay rin sa dalawang malaking bowl ang umuusok-usok pang kanin na puting-puti at maalsa, may tatlong inihaw na bangus na namumutok na ang tiyan kaya lumalabas na rin ang pinalamang kamatis at sibuyas doon, kumakatas na rin iyon at naglalabas ng kaunting tubig na marahil ay nagmula sa kamatis indikasyon na malasado iyon. Mayroon ding adobong manok at bulalo para naman sa sabaw.

"Woah," bungad ni Cliff sa sumalubong sa kanila pagdating nila ng kanyang ama sa mansion.

Kalalabas lamang nina Rina kasama ng kanyang ina mula sa kusina kung saan ay hawak-hawak ng mga ito ang babasaging plato, bowl at mga baso. Kasunod nila ay ang paglabas naman ng dalawa pang kapatid ni Rina na sina Julius at Jan na hawak-hawak ang lalagyan ng kutsara at tinidor.

"Parang nasa piyesta ako," komento ulit ni Cliff.

"Mabuti naman at nandito na kayo." Bumaba si Armando mula sa second floor, nakakapit sa braso nito ang asawa na si Caridad kasunod din nila sa pagbaba sina Theo at Dr. Steve na kanina pa dumating sa mansion.

"You're early, Dr. Steve," bati ni Eduardo sa doktor at saka nilingon ang kapatid na si Armando. Ngumiti sa kanya ang kapatid kaya nginitian niya ito. "Na-late kami," sabi niya.

"No, sakto lang dahil katatapos lang ni Rina at ng mom niya magluto. Tiningnan ni Armando ang katabi ni Rina. "Oo nga pala, siya ang mom ni Rina, si Rosita."

"Hello po," bati ni Cliff. "May pagkakahawig ho ang pangalang Rina at Rosita, a," dugtong pa nito.

"A, 'yon ba? Kinuha kasi namin ang pangalang 'Rina' sa first name naming dalawa ng asawa ko. Rosita at Nardo."

"Nardo?" singit ni Armando nang marinig ang pangalan ng asawa ni Rosita.

"Oho, bakit ho?" takang tanong naman ni Rosita.

"A, wala naman. Ano ba ang nangyari sa asawa mo? Nasa'n na pala siya?"

Nawala ang pagkakangiti sa labi ni Rosita, maging si Rina at ang dalawang kapatid ay napayuko na lamang din.

Inimbitahan ni Armando ang pamilya ni Rina sa araw na iyon para sa isang malaking salo-salo at para na rin magpasalamat kay Rosita sa pagpayag nito na tulungan ng anak na si Rina si Theo. Bukod pa roon, kasama rin sa pagdiriwang ang naging achievement nina Theo at Cliff sa pagma-manage ng hotel sa Manila. Hindi pa nga sana pupunta si Rosita dahil nahihiya ito pero noong pinayagan ni Armando ang pagboboluntaryo nitong magluto, pumayag na itong magpunta sa mansion.

"Tama na muna 'yan. Magsiupo na tayo," si Caridad at pinangunahan na ang pag-upo.

Nagpatuloy naman sina Rosita, Rina at ang dalawa pang kapatid sa paglalatag sa mesa ng mga plato sa bawat upuan. Magkatulong din ang magkapatid na Julius at Jan sa paglalagay ng mga kutsara at tinidor.

"Namatay ang asawa ko dahil sa hit and run," sabi ni Rosita habang nagpapatuloy sa ginagawa.

Samantala, pinamutlaanan naman ng mukha si Armando sa narinig. Sabi na niya, unang rinig palang niya sa pangalang 'Nardo' ay masama na ang kutob niya. Tama siya ng hinala dahil ang taong nabangga niya noon at ang ama ni Rina ay iisa.

"Dad, ayos ka lang?" tanong ni Theo sa ama.

Simula nang magkausap sina Theo, Caridad, Armado at Dr. Steve ay naging maayos na muli ang pakikitungo nila sa isa't isa. Ganoon din sina Eduardo at Cliff. Hindi man nagagawa pang sabihin ni Eduardo ang lahat-lahat sa pamangkin at kapatid ang mga kasalanan, nang marinig ni Theo ang paumanhin niya ay natrato na rin siya nang maayos ng pamangkin at ganoon din naman si Eduardo kay Theo. Nabawasan na ang pagiging masungit ni Eduardo at ang pagiging masakit nitong magsalita, kaya nagkasundo na sila ni Theo.

Sa tingin din naman ni Eduardo ay maayos na sila ng kapatid na si Armando. Na-realized niya sa sarili na kahit pala matindi ang galit niya sa kapatid at kahit gustong-gusto niyang guluhin ang buhay nito, sa huli ay nakararamdam pa rin siya ng pag-aalala rito. Lalo pa't nagiging sakitin ang nakababatang kapatid. Habang mas tumitindi ang galit at tampo niya sa kapatid, tumitindi rin ang pagmamahal niya rito. Maging ano man ang nangyari, pamilya at kapatid pa rin niya si Armando at napapanahon na rin siguro na magpatawad siya at kalimutan na niya ang lahat tutal matagal nang nangyari iyon. Bukod pa roon, matatanda na sila para mag-away.

Huminga si Eduardo nang malalim at binigyan ng isang basong tubig ang kapatid, "Ayos ka lang? Arman?" tanong niya sa kapatid.

Tumango si Armando kaya napalagay na rin siya. Isa lamang ang masasabi ni Eduardo sa sarili, hindi na sila pabata at darating ang oras na mawawala ang isa sa kanila kaya mas mainam na rin siguro na magkasundo silang magkapatid. At isa pa, inaamin niya rin sa sarili na masaya siya sa nangyayari ngayon sa pamilyang Ledesma. Sana magtuloy-tuloy na iyon.

"Oo, ayos lang ako," sagot ni Armando. "Tara kumain na tayo."

"Hmm, h'wag na kaya tayo magkutsa't tinidor?" suhestiyon ni Caridad dahil galing din siya sa hirap at nami-miss na niya ang ganoong buhay lalo pa't pagkain sa piyesta ang nakahain sa mesa.

"Tita?" si Cliff.

"Oo, masaya 'yon," si Caridad.

"Ano'ng masasabi ninyo Rosita at Rina?" tanong ni Caridad.

"Kayo ho bahala," si Rina.

"Ayos lang din sa 'kin."

Tiningnan ni Caridad ang asawa upang abangan ang magiging opinyon nito sa suhestiyon niya, sa huli ay natuwa naman siya dahil sa naging pabor si Armando sa kanya.

"Tutal, para din kanila Rina at Rosita ang pagsasalo na 'to, gawin natin 'yan. Hindi ko pa rin nararanasan ang magkamay kapag kumakain pero mukhang masaya nga ito."

"Salamat, Mahal," ani ni Caridad sa aswa.

Biglang tumayo si Cliff habang nakatingin sa lechong baboy na malapit sa kanya, "Okay, let's do it. Umpisahan na nating kumain. Lafang!"

"Saan mo naman natutunan ang salitang 'yan, Cliff?" tanong ni Eduardo sa anak. Halata ang kuryosidad sa mukha nito lalo pa't bago lang sa pandinig nito ang salitang 'lafang'.

"Sa barkada ko, Dad, saka sa social media. Hindi ka kasi gumagamit masyado ng technology kaya napag-iiwanan ka na nang sobra. Ang tanda mo na talaga, Dad," biro ni Cliff sa ama saka sinubo ang malaki at malutong na balat ng lechon.

Sinamaan ng tingin ni Eduardo ang anak. Totoong tumatanda na siya pero gumagamit pa rin naman siya ng technology. Hindi nga lang siya mahilig manood ng mga bagay sa social media ng walang kabuluhan at isa pa, uunahin niya pa ba iyon kumpara sa pagma-manage ng hotel. Pero siguro nga ay napag-iiwanan na talaga siya sa mga trends o mga patok sa mga millennials ngayon.

"Joke lang, Dad," agad naman sabi ni Cliff at nalunok agad ang pagkain sa bibig nang hindi pa nangunguya nang maayos dahil sa takot sa titig ng ama.

"By the way, Tito. Thank you rito," si Cliff at patuloy at saka sumubo ulit ng lechon.

"Your mouth, Cliff," sita ni Eduardo sa paraan nang pagnguya ni Cliff.

"Okay lang pamangkin, kailangan din natin ipagdiwang ang naging achievement ninyo ni Theo. Pinangako ko sa inyo 'yon kaya naisip ko na isabay na lang din sa pasasalamat natin kay Rosita at Rina. Nagpapasalamat din ako sa effort ninyong dalawa ni Theo," si Armando.

"Thank you, Dad," si Theo na seryoso pa rin pero hindi man nito pinapakita ang ngiti sa lahat aminado itong masaya sa oras na iyon. Kumuha ito ng inihaw na isaw at saka sinawsaw iyon sa suka at tinikman.

"Kumusta ang lasa, Theo?" tanong ni Rina rito.

"Masarap."

Napangiti si Rina at saka inalis ang pagkain na naiwan sa gilid ng labi ni Theo. "Mabuti naman nagustuhan mo."

"Ahem," pasimpleng ubo ni Cliff kaya agad na nilayo ni Rina ang kamay sa mukha ni Theo.

"Ang sarap ninyong magluto mag-ina, a," si Caridad habang pinapasok sa bibig ang bawat hibla ng pansit.

"Salamat ho," si Rosita.

"Salamat, Ma'am," si Rina.

"Ngayon, sigurado na ako kung nasaan nagmana si Rina sa galing sa pagluluto," si Dr. Steve. "Sa inyo ho talaga, Aling Rosita."

"Salamat, Dr. Steve," si Rosita.

"Parang gusto ko tuloy na rito na kayo tumira para laging masasarap ang pagkain," si Armando.

"Parang lagi ka namang nasa mansion," kontra ni Eduardo rito nang pabiro.

"Para kapag dumating kami galing hotel ay may sasalubong sa amin na masarap na pagkain."

"Nakakahiya naman sa inyo," si Rosita.

"Seryoso ako, willing akong tumira kayo dito sa mansion tutal malaki ang atra...malaki ang utang na loob ko sa inyo."

Nagkatinginan ang mag-inang Rosita at Rina at magkasabay na sinabi, "Totoo?"

Tanging tango lamang ang sinagot ni Armando sa dalawa dahil sa biglaang pag-vibrate ng kanyang phone. Palihim niyang kinuha iyon at tiningnan ang nag-message.

'Kung hindi n'yo kami titigilan, mapipilitan akong ibuko ang mga sikreto ninyo.'

Namuo ang pawis ni Armando sa noo. Hindi niya alam kung sino ang nag-message pero kinakabahan siya lalo pa't nabanggit ng nag-message ang tungkol sa sikreto.

Samantala, lihim ding tiningnan ni Eduardo ang phone nang may mag-message sa kanya. Binasa rin niya iyon.

'Kung hindi n'yo kami titigilan, mapipilitan akong ibuko ang mga sikreto ninyo.'

Hi mga ka-Encha! Thank you for reading and supporting "Enchanted in Hell". Sa mga new readers, don't forget to write a review about the story. What can you say about it?

By the way, love you all! Alam kong busy na rin ang ilan sa inyo sa mga modules. Keep safe sa lahat.

Teacher_Annycreators' thoughts
Siguiente capítulo