webnovel

Kabanata 8

NGAYON lang siya nakakita ng hubad na lalaki. Buong akala niya noon ay babae lamang ang magandang pagmasdan kapag hubad, but a male form is also an art.

Buong puso niyang tinanggap si Cassius nang ibaba nito ang sarili sa kanya. Kataka-takang ang makulit at maingay na si Cassius ay tahimik, pawang ang mga habol na paghinga lamang nito at mga ungol ang naririnig ni Kiona, kasabay ng mga ungol niya.

Panaka-naka ay idinidilat niya ang mga mata upang pagmasdan ang seryosong mukha ni Cassius. He's handsome. God, he looks good, he feels good. Ani Kiona sa sarili. No wonder na maraming babae si Cassius.

Guwapo ito at mahusay magpaligaya ng babae. Nakadama pa si Kiona ng paninibugho sa mga babae ng kabiyak.

"I want you now Kiona." Bulong ni Cassius sa kanya. Na-realize niya na siya man ay ganoon din ang gusto. Nasasabik siyang maramdaman si Cassius, ang kabuuan nito.

Ngunit higit na may isip ang katawan niya sa puntong iyon. She automatically wrapped her legs around him.

"Aw!" Daing niya, what she thought was pure bliss is now nothing but pain.

Na-alarma din si Cassius, alam niyang nasasaktan si Kiona. Biglang gusto na niyang itigil ang ginagawa. He doesn't know how to deal with a virgin ngunit hindi siya titigil, hindi niya kayang pigilin ang sarili.

"Hold on." Bulong niya.

Bumabaon sa likod niya ang kuko ni Kiona. Ngunit ang akala niyang hindi na matatapos na sakit na nararamdaman ni Kiona ay naglaho na. Dama niya iyon.

Sumusunod na ang katawan nito sa galaw niya. Na lalo namang nagpapaexcite sa kanya. Palakas ng palakas din ang ungol ni Kiona. At pahigpit ng pahigpit ang yakap sa kanya na tila yaong nalulunod.

At siya naman ang sumagip na hindi rin magtatagal ay kasabay nitong lulubog. Malulunod na rin siya. At hindi niya kontrolado ang galaw niya.

Hindi na niya kayang labanan.

"I'm coming." Bulalas niya, nag-panic naman si Kiona. Kahit naman inosenti pa siya ay alam niya ang ibig sabihin noon.

"You can't." Sigaw niya.

"Why can't I?" Paungol ang tugon ni Cassius.

Alam na niya ang gagawin. Ipinagpatuloy niya ang pagpapaligaya sa kandungan ni Kiona. Ilang sandali rin siyang namalagi sa ibabaw ng katawan ni Kiona. Parang mandirigmang hindi na makabangon dahil sa tindi ng ginawang pakikipaghamok.

Pakiramdam naman ni Kiona ay buong-buo na ang pagkatao niya. Ang pagkababae niya. Niyakap niya si Cassius sa ganoong posisyon. Parang kay sarap alagaan ni Cassius.

Para itong batang nakasubsob sa balikat niya. Noong una'y habol pa nito ang paghinga, ngayon ay normal na muli ang paghinga nito.

He's a baby. Naisip niya. At naroon ang urge na alagaan si Cassius. Hindi lamang sa ganitong pagkakataon-sa lahat ng pagkakataon.

Pumihit si Cassius, ngayon ay si Kiona ang nakahiga sa braso niya. Wala sa isip na hinagkan niya ang noo ni Kiona.

"You're an angel." Aniya

"You, too." Tugon ni Kiona. "But you're sure I won't get pregnant?"

"I'm sure. You can trust me." Ngunit ang totoo'y hindi siya sigurado. Hindi naman one hundred percent sure ang withdrawal method na ginagamit niya.

Paano kung may nakalusot ng gustong-gustong maging tao? Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi niya pinoproblema iyon. E, ano kung mabuntis si Kiona?

"Magsisimula na ako ng training sa Monday." Ani Kiona.

Doon natauhan si Cassius. Iyon ang problema niya, ang usapan nila ni Kiona tungkol sa magiging uri ng pagsasama nila. Ngunit una pa lamang ay sumira na sila sa pinagkakasunduan na hindi magsisiping.

Tumahimik lang si Cassius, pinakikiramdaman si Kiona na iyon din ang nasa isip. Ilang bagay pa sa pinag-uusapan nila ang babaliin nila?

——

DAHIL sa nangyari sa kanila, minabuti ng dalawa na maghiwalay ng silid. Pawang nagtatanong ang mga mata ng mga staff ng nasabing hotel. Gayuma'y hindi na nagtanong pa ang mga ito.

Baka nga naman ireklamo pa sila, e, di nawalan silang trabaho. Tuwing kakain lamang nagkakausap ang dalawa. Kung hindi dahil sa pride, malamang na pinasok na ni Cassius si Kiona sa silid nito.

"Hindi ba talaga tayo pwedeng mag-sarili?" Tanong ni Kiona. Huling gabi nila sa hotel kasalukuyan silang naghahapunan.

"Nasabi ko na sa iyo, nag-iisa na lamang si Mama sa bahay. Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Akala ko ba'y naintindihan mo ako?"

"I do. Natatakot lang ako na baka makahalata siya sa set-up natin. Ayoko rin namang sumama ang loob niya. Minsan, iniisip ko kung tama ba ang desisyon kong pakasal sa iyo?"

"Hindi makakahalata si Mama, kung hindi pahahalata."

Hindi na nakipagtalo si Kiona. Alam niya ang ibig sabihin ni Cassius. Magsasama sila sa iisang silid! Hindi naman maganda kung magkahiwalay ng silid ang bagong kasal. Kaparis ng nangyari sa honeymoon nila.

Hirap na hirap siyang magpapaliwanag ng kanilang set-up. Kailangan din na kumilos sila bilang mag-asawa.

"How's the honeymoon, iha? You look more lovely." Magiliw na magiliw ang salubong sa kanila ng Mama ni Cassius. Nakadama ng guilt si Kiona.

"Ipinaayos ko ang silid mo, Cassius, sobra kasing kalat. Nakakahiya naman sa asawa mo."

"Thank you, Ma."

"Oo, nga pala, iha. Your parents called. Mag-return call ka daw as soon as you're here." Bilin nito kay Kiona.

"Opo, Mama." Tugon ni Kiona, kahit medyo alinlangan sabihin ang salitang Mama.

Nang nasa silid na nila ang mag-asawa tahimik ang mga ito. Nasa iisang silid na naman sila. Iisang kama. Kapwa pinangangambahan ang maaaring mangyari, ngunit siya rin namang pinanabikan.

Si Kiona ang bumasag ng katahimikan. "May naisip akong mas magandang ground for annulment."

"Bakit? Anong masama sa psychological incapacity?"

"I can't do that. I'm not insane." Tugon ni Kiona.

Napapayag kasi siya ni Cassius na siya na lamang ang tumayong baliw sa kanilang dalawa. "Mas maganda kung palalabasin natin na...."

"Na, ano?" Kinakabahan na naman si Cassius. Tantiya niya ay siya naman ang igigisa ni Kiona.

"You're a gay. Mas madaling maa-approve ang annulment kapag ganoon. Sabi kasi ng attorney ko mahigpit na raw ang korte sa kasong psychological in-capacity. Nagiging substitute daw iyon sa divorce. Lahat na lang gustong magkahiwalay ay nababaliw ang isa sa couple."

Siguiente capítulo